BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirteen

50 1 0
By katnisssss

Halos kakalapag ko pa lang ng mga gamit ko, bigla namang dumating si Ian sa kwarto. 


Mas nauna akong nakarating sa dormitory. Sumandali muna si Daphne sa kanila. Si Ali naman, kasama ang boyfriend niya while Bettina is out to buy things na hindi na ata makakapag-antay kung mamaya niya pa bibilhin.


"Good you're home. Let's go?" Yan pa ang bungad niya at kung makaupo siya sa kama ko, akala mo may hinihintay siyang dapat kong gawin. At san naman kaya kami pupunta? Halos kakarating ko lang, hindi ba muna pwedeng magpahinga? Hilong-hilo na po kaya ako sa byahe.

"San naman tayo pupunta?" bangag na tanong ko sa kanya. Gusto ko na lang munang magpahinga.

Umirap siya na para bang nakalimutan ko kung saan dapat kami pupunta. Wala naman siyang nasabi ahh... as far as I can remember. 


Instead of answering my query, ikinalat niya lang ang mga gamit ko mula sa bag at naglabas ng mga bagong gamit, like I'm going off to somewhere again.

Pinigilan ko nga siya. Bakit di kaya niya muna sabihin kung san ang punta namin at hindi yung nangunguna na siyang gumawa ng mga bagay-bagay. What if I don't like to go, edi nahirapan pa akong ayusin yung mga pinaglalabas niya. "San ba kasi tayo pupunta? Why do I still have to pack these things like we're off to a vacay or visitation?"

"I fear you need these sa pagpunta natin ng California. Mga three days tayo doon and don't you like to atleast go to beach?"


California? Ano namang meron doon? And don't he like to get ready now for the coming classes? One week na lang po kaya.


Hindi ko na naisatinig pa ang sasabihin ko dahil inunahan niya na rin naman ako. "Samahan mo akong bisitahin sila Mommy. They're expecting me to go for a reunion."


Kita mo 'to. He's going to ask me a favor kung kailan tapos niya nang iempake ang mga gamit ko. Just to make sure na hindi ako tumanggi. Tss!


"And what makes you think I'll go? I've been away for how many weeks, this will only be the time na makakabawi ako ng energy for the opening of the semester tapos aalis pa tayo. Seriously Ian, can't you just go alone or atleast iba na lang ang isama mo?"

"Ehh kung mas maaga ka kasing umuwi, then we can maximize the time" Siya pa talaga ang galit ahh. 

Kumunot ang noo ko. 


For the obvious reason, we already have that in plan. We actually came home earlier then we expect. Siya nga itong biglaan na lang kung magsabi. 


"Fine! I just need you, okay? Gusto ko na rin kasing sabihin sa kanila kung ano ba talaga ako. I know where this reunion will go. They're planning for an engagement for me and my girlfriend and obviously, I don't like that. Kaya kailangan kita to help me out. Maybe you can help me explain or just be there to support me! Anything you can do, I just want to be out on this..." Hindi na malaman ang itsura niya. Natataranta na natatakot. 

Napabuntong-hininga na lang ako. Well he needs me, it's the very least I can do. 


Siguro naman makakapagpahinga din ako kapag nandoon na ako. Ano lang bang meron doon except for Hollywood. Wait, Hollywood?


Syempre hindi ko pinahalata ang na-realize ko baka naman mas lalong magtampo sa akin ang bakla. Nagkunwari muna akong nag-isip bago tuluyang pumayag. 

"Then good! Tara na!" sabay hila niya na sa akin palabas. Hindi man lang ba niya ako hahayaan na makapagpaalam muna sa tatlo. I thought mamayang gabi pa kami aalis...

"Pa'no sila Bettina? They don't know I'll be gone for three more days."

Nagkibit balikat lang siya. Hayy!


Magsusulat na nga lang ako ng note. Tatawagan ko na lang rin sila kapag nakarating na kami doon. The gay needs me and I need to see Hollywood too. Lulubusin ko na ang pag-gala.


-


"We're here..." buntong-hininga niya. 


Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay. Reminds me of Jaspher's house. Mukhang malaki ang inasenso nila Ian dito sa Amerika. 

Napanganga ako sa laki nun. It has been only the gate, pa'no pa kaya ang bahay mismo? I try to look at him, binalewala niya lang ang naging reaksyon ko. Ni hindi niya man lang kasi naikwento sa'kin 'to. Wala man lang background para kung sakali hindi naman ako maligaw sa kabuuan ng bahay nila.

Mas lalo pa akong namangha nang makapasok na sa gate ang kotse niya. Kaunting distansya lang naman ang kailangan para matanaw ang bahay. At the short distance, parang paraiso ang itsura habang nilalagpasan ang daanan mula sa gate. Not really like a forest or something pero yung tamang ganda lang na mapapakita mula sa mga halaman.


"Mommy wants to create a garden. Kaya yan halos buong bahay naging garden niya. Ayaw niya atang maubusan ng oxygen kaya yan" he snorted out a laugh habang papasok na kami ng bahay.


May mga sumalubong sa aming kaunting katulong. Tinulungan nila kami sa gamit. Sabi ko ako na lang ang magbibitbit but Ian insisted that we're almost late at the meeting with his family kaya sumunod na lang rin ako.


"Hindi mo man lang sinabi na ang laki pala ng bahay niyo." 

"Their house, not mine. At kung iniisip mo na maliligaw ka dito, well not that long enough. Once they got to know my status, we'll be off right away."

Piningot ko nga siya. "Baliw ka talaga! Hindi mo pa nga nasasabi, pinapangunahan mo na agad sila sa magiging reaksyon nila. Of course, they have the right to react on what you can think will be their reaction, ang tagal mo ba namang tinago."

Tinaasan niya ako ng kilay.

I let out a sigh. "Sabihin mong hindi." pagbabanta ko saka ko siya pinandilatan ng mata. "Kung ayaw mong magalit sila sa'yo, edi dapat sinabi mo na simula nung malaman mong bakla--"

"O Ian, andito ka na pala!"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ian at saka ako mabilis na hinarap sa Mama niya. Nasalubong ko ang magandang ngiti niya kay Ian habang lumilipat ang tingin niya papunta sa akin. 

"Oh hey Angela, you're here! Buti naman at sinama ka ni Ian. I forgot to officially invite you so I was hoping Ian just do it instead. Mukhang hindi naman pala ako nabigo." She smiles with no doubt sabay yakap niya sa akin. 

Samantalang yung akin, hindi maintindihan kung ngiti ba yun. Hindi ko naman kasi inaasahan ito. It was like what... almost eight years ago? 

Maya-maya pa, bumitaw din siya. "Let us dine? Kanina pa naghihintay ang pagkain."

His mother scooted me over my shoulder. Nauna kami sa paglakad habang nakasunod lang si Ian. Sinubukan kong lumingon sa kanya to have at least a hint on what was happening. But he only shrugged his shoulders saying he don't know what was happening as well.



"Don't you want to consider introducing us on the lady you're with, Ian?" nakita ko ang nangingiting mata ng Papa niya na minamatyagan ako ng maigi.

"Ahmm..." he collects his words. "Everyone, this is Angela. My colleague at Harvard. She's taking up Business Major in Accounting. Part din siya ng newspaper magazine ng university..."

"Of course, they got to know about that, honey." sabat ng Mama niya, as if what her son had been saying are in fact obvious. Their eyes are still all on me while she take-over the introduction."Angela is his classmate during elementary while we're still in the Philippines. And she's his crush too. I don't know if it's until now but it's nice to have them see each other again on the same university. Who knows, it could be something more. Am I right, honey?"

Nakita kong tumango naman ang bakla. He's even smiling na akala mo nakuha niya yung pinakahihiling niya for the year. 

"Christine, her Mom, and I were great friends. Kahit na nagmigrate na kami dito, we were still keeping in touch. And she have me, well, in charge of watching Angela while she's here having her degree. Ian had to do it, really dahil siya naman ang nag-aaral doon, at mas mababantayan niya si Angela." So that explains her weird reaction pagkakita niya sa akin kanina. I thought I was being stalked or maybe I really am?


Kaya rin pala hindi na ako masyadong tinatawagan ni Mama cause she have her own contact person then. Well, that's nice!



"No doubt if Ian broke up with his girlfriend..." Nilingon ko si Ian. He's silently agreeing with all this? "I don't know what's the real score yet, but I'm glad it has been you."

Ngumiti na lang din ako. 

"So, kailangan ko nang matulog, madami pang kailangan asikasuhin bukas. Goodnight, hija." nagbeso siya sa akin and afterwards, go to Ian's "Honey?"

"Goodnight, Mom."

"Goodnight. Enjoy your stay."



Pagkaalis ng Mama niya, saka ko sinugod ang bakla. "Nakipaghiwalay ka na sa girlfriend mo? Akala ko ba, ipapaayos na yung kasal niyo kaya nag-reunion?"

"Baka lang naman." he said as if it's no big deal. "They liked her so much kaya baka sakaling naisip nila that if they already had the arranged marriage, edi hindi na matutuloy ang paghihiwalay namin. Well, I guess, that was what has been originally planned but then you show up, so..."

"Gagawin mo kong panakip-butas ngayon?" Ano ba itong napasukan ko? Dapat kasi, hindi na lang ako sumama.

Nagkibitbalikat siya. "That's what they look at you, right now. Might as well, give the effectivity of the show. There's no problem with that anyway."

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang laking skandalo kamo nito. 

I heard him sigh. "Come on! I'm not just ready yet, okay? Lalo na ngayong nag-conclude sila, I just don't know what to say."


Hindi pa rin ako matahimik. All this time, I will play the entire show. I'll have to show up what has been concluded. Like what?


"Mas lalo lang mahirap makatakas sa sitwasyon mo ngayon. Dinamay mo pa ako. Ano na lang sasabihin ni Mama? Ian naman ehh..." napapahawak na ako sa sentido ko. This is a headache!

"Just trust me, okay? I'll direct the show para hindi ka mahirapan." 

Hindi ko na siya pinansin. Iniwan ko siya doon sa garden at pumasok na ako sa kwartong inilaan sa akin para maging tuluyan ko.



 Tss! Hindi pa nga ako nakakabawi ng pahinga, na-drain na agad ang energy ko. Jeez, Ian, you better make this show a good one! Lagot ka talaga sa akin!

Mukhang magbabaon ako ng sangkatutak na eksplanasyon nito pag-uwi ko ng Pilipinas ahh. May three years pa ako, I wonder what more scandals will I gain?








Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.