The Bully and the Beast

By sinagtala

178K 7.2K 1.2K

Tumahimik ang buhay ni Car noong tumuntong siya sa college. Akala niya mature na tao na ang mga makakasalamu... More

The Bully and the Beast
Everybody's Fool
The Rise of Gabriela
Boobies
Blackmail Baby
Pototoy Scandal
Then Came the Birds
Sorry daw
Going Under
Pedobear
Wasak
Sorry Uli
Creep
@ssHole
Drunken Donuts
Morning After
Unli
Truce
Clarity
Eyes on You
Girlfriend Experience
Ice Scream
Rain Rain Go Away
Stalk
Change is Coming
Black Swan
Mwah, Mwah. Tsup, tsup.
Abangerz
Tayo
Lalaland
Chance
Alamat ng Magic Kasoy
Push
Cake
His
Hers
Mama's Boy
The Gift
Langit
Taning
Paglimot
Biglaan
Advice ni Ate
Duda
Cubicle
Huli
Scandal
Eng Sekhet Sekhet Bes
Nagmahal, Nasaktan, Nagredhorse
Isa, Dalawa, Tatlo
Resbak
Baliw
One Last Time
Panghihinayang
Leo
Saklap
Baby
Bitaw
Circumtances
Takbo, Leo. Takbo
Director's Cut
A Cliche Ending to a Totally Cliche Love Story
The Very Late Epilogue
Pasasalamat

Challenge

2.4K 112 24
By sinagtala

Typical morning.

Tuloy-tuloy si Car papasok ng gate ng campus.

Wala siyang inaasahang gulo ngayon. Medyo tahimik na ang mundo niya di tulad noong nakaraang lingo. Nagtext pa si Charize sa kanya na magkita sa icecream shop pagtapos ng huling klase nila. Kasama daw si Eric. Libre.

Ngumisi siya dahil doon. Nagkakaigihan na siguro ang dalawa. Mukhang maayos na nga ang lahat.

"Sure ka, yung white lady yan?"

Natigilan siya sa nadinig. White lady?

Siya lang naman ang sinabihan na white lady sa campus matapos ang kalokohan ni Leo.

"T*ngina kinis pala ng legs nun. Ang puti."

"Si Regado yun diba? Vocalist ng Black Rose?"

"Sila pala?"

Sinundan niya ang mga boses na nadinig at nahagip ang panginin niya ang kumpulan sa isang tabi. Sa tapat na naman ng bulletin board. Naglakad siya palapit doon.

Nakita niyang naka-pin ang isang picture. Madilim pero naaninag niya ng mabuti ang pigura. Sigurado siyang siya iyon. At si Regado.

Nakatungo ito sa kanya. At siya naman ay parang nakatingkayad na nakaharap dito. Sa ganoong angulo, para silang naghahalikan.

Ew.

"Tabi!" Sigaw niya. Nagpulasan naman ang mga tsimoso at tsimosa. Agad niyang hinila ang picture at nilamukos.

Sino kaya kumuha nung picture na yun? Sa tapat ng gate nila iyon, natatandaan niya. Kagabi lang.

Sabi na nga, may nakatingin sa kanila.

At kailangan sa bulletin board idikit? Talagang doon? Mas effective kaya kung sa--

Biglang nagring ang phone niya. Si Charize, tumatawag.

"Girl! Nasa facebook page ka ng school! Si Regado ba talaga yon? Congrats girl! Kayo na pala!" Sabi sa kanya nito pagsagot.

"Hindi! Ano bang pinagsasabi mo?"

Agad niyang tiningnan ang fb page na sinasabi nito. Bumungad sa kanya ang katulad na picture na nandoon sa bulletin board.

15 reactions. 13 comments.

Shared iyon galing sa page ng Black Rose. Ngayon-ngayon lang.

Black Rose? Yun yata ang pangalan ng banda ni Regado. Hindi niya kasi naitanong talaga. Bakit kapangalan ng dating banda ng ate niya?

Napatingin siya sa paligid. Unti-unting nagpulasan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanya. Naglakad papalayo pero nakita pa niyang naglabasan na nang cellphone ang mga yon.

103 reactions. 89 comments.

Ang bilis ng mga daliri. P*tsa. Libre kasi wi-fi eh.

Napailing siya. Tiningnan niya kung sino ang original na nag-upload. Si mickey mouse ang profile pic. Mukhang dummy account lang.

Leche. May humahamon sakin ha. Makakatikim yon, malaman ko lang kung sino.

Naramdaman niya ang mahigpit na kapit sa braso niya. Masyado siyang busy sa phone kaya di niya napansin ang paglapit.

"We need to talk." Si Leo. Kinaladkad siya noon papalayo bago siya nakapag-react.

"Ano ba?!" piglas niya. Nakapasok sila sa isang walang taong classroom. Doon na siya binitawan ni Leo.

Namumula ang mukha nito. Naniningkit ang mata sa galit. "What the hell is that, Car?!"

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Napapunas siya ng noo. Ang layo na nang inabot nila kaya pinagpawisan na siya.

"I saw it! Kayong dalawa!"

Malamang yung picture yung tinutukoy nito. Letseng yan. Pahamak.

"Hinatid lang ni Regado yung bag ko kagabi."

Nasuntok ni Leo ang whiteboard na nandoon. Nabutas sa lakas

Beastmode.

Nanatili siyang nakatayo. Nagulat siya sa reaksyon nito. Di niya alam kung tatakbo na ba siya papalabas o ano. HInintay nalang niya itong kumalma.

"Kayo na ba?" Tanong ni Leo matapos huminga nang malalim.

"Hindi ah." Tanggi niya.

"He kissed you." Kumuyom na naman ang kamao nito. Manuntok na naman yata.

"Hindi no, g*go ka. Di ko nga alam kung pano nakuha yung picture na yon, nagbaba-bye lang naman siya," sambit niya.

Hindi niya rin talaga alam kung bakit pa niya kailangan i-explain. Wala rin naman siyang pakialam kung wasakin pa ni Leo yung buong classroon sa galit. Rick kid naman, nabilhan nga siya ng iphone. Kaya nga sigurong bilhin yung buong school.

Saka bakit nga ba magagalit nang ganun? "Kung kami nga, lakampake. Ano ba kita?"

Mabilis ang paglapit ni Leo. Sinubukan niyang umiwas pero na block nito ang direksyong pupuntahan niya. Di siya nakawala. Nahawakan nito ang bewang niya at nahila siya papalapit.

Nagulat na naman siya.

Bakit ba ako nagiging magugulatin much. "Leo, ano ba?!"

"Don't do this to me, please." Bulong nito.

"H-Hah?"

Naman, wala pa nga siyang ginagawa eh. Nararamdaman pa niya ang hininga nito sa leeg. Umikot ang braso nito sa likod niya at tuluyan siyang niyakap. Mahigpit.

"Ay shet ka. Teka..ang gulo mo. Wala nga kami ni Regado. Tsimaks lang yun na nagkalat ng picture namin."

Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Ba't nagdradrama si Leo ng ganun?

Itinulak niya ito. Di naman ito pumiglas. Nakayuko lang at iniiwasan siyang tingnan. Nakatiim pa ang panga. Parang may gustong sabihin na ewan pero nagpipigil.

Bumuntong-hininga siya. Magulo ang utak ng g*go. Baka high.

"Ayan na, late na tuloy ako, leche ka. Magpapaxerox pa sana ako ng book sa library," sabi niya ng pagalit. "Kainis ka kasi, bat bigla kang nalang nanghihila."

"L-let me. Ako nalang gagawa."

Kumunot ang noo niya. Dapat nga talaga uutusan nya ito pero mukhang nagkukusa na.

Kinuha niya ang ballpen sa bulsa at inabot ang kamay ni Leo. Isinulat niya sa palad nito yung title ng book at pages na kailangan niya.

"Ipa-xerox mo yan. Six pages each...ay di gawin mo nang twenty five para sa buong class. Kailangan ko yan bago yung class ko ng alas diyes," sabi niya.

Napansin niya ang bahagyang pangiwi nito nang maidinan niya ang kamay. Nakita niyang may dugo.

Tanga lang kasi. Manuntok ba naman. Napailing siya at kinuha sa bulsa ang panyo. Buti nalang may dala siya.

"Sa susunod, wag pairalin ang katangahan. Pag namaga yan, mahihirapan kang mag_shoot sa laro niyo," paalala niya nang lagyan niya nang panyo ang sugat nito. "Saka wag kang magpapaniwala sa nakikita mo. Di totoo yun."

Inangat niya ang tingin kay Leo. Nakaawang ang bibig nito. Namumula ang mukha. Binitawan niya ang kamay nito at umatras.

Dejavu yata. Laging ganoon ang reaksyon pag naglalapit sila.

"Ano na? Kilos na."

Naiwan na siya doon sa classroom ng umalis na ito. Napatingin siya sa butas sa whiteboard. Alam niyang pangalawang beses na yun. Nasuntok din nito yung salamin sa CR.

May anger issues yata.

Hay. Ewan. Ano bang paki niya.

Lalabas na sana siya ng makarinig ng mga boses. Nagtatalo.

Nagtago siya sa likod ng pinto.

"We are over! Tigilan mo na ako, Warren!" Boses ni Charize. Noon niya napansin na sa building siya ng mga org nadala ni Leo. Malamang makikita niya dito ang kaibigan dahil may meeting ito ngayon.

Pero si Warren? Nakikipagbalikan?

Nag-usap na si Leo tungkol dito pero tuloy parin ang pustahan nila.

Ang gago talaga!

"Please...just give me another chance. Hindi na ako mamimilit. Hindi na--"

Isang lagapak ng sampal ang nadinig niya.

Go girl! Gusto niyang mag-cheer pero pinigilan niya. Di siya lumabas. Gusto niyang manood kung paano lumaban si Char.

About time. Kailangan na nitong itaas ang bandera nila.

"Yun lang naman ang gusto sakin diba? Hindi na. Ayoko na. Leave me alone!"

Nadinig pa niya ang lagatok ng heels ni Char. Mukhang nag-walk out na. Mabuti naman.

Ilang sandaling tahimik. Nakiramdam muna siya bago nagpasyang lumabas.

"Gelo. Ayaw eh. Pano to?" Boses iyon ni Warren. May kausap sa phone sa palagay niya. Bumalik siya sa pagtatago at pinakinggan itong mabuti.

Sabi na nga ba, may balak eh.

"Gagawa ako ng paraan. Sabihin mo kay Leo, di ako papatalo."


















Continue Reading

You'll Also Like

78.2K 3.7K 59
↝ ❝ gagapangin kita gabi-gabi maging lalaki ka lang, lee daehwi ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series #1 ↭ date started (01/29/18) ↭ date...
5.6K 176 53
"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with e...
11.7K 576 46
Dear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]
871K 27.1K 56
Series 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na na...