[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 35

12.2K 411 50
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 35

I R I N E

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Red pero isa lang ang masasabi ko.

Nababaliw na siya.

Habang nakapikit ay nararamdaman ko ang pagnginig ng mga kamay ko. Masyadong madilim ang nakaraan ko at kapag nakakakita ako ng dugo, bumabalik ang nakaraang matagal ko ng inalis sa ala-ala ko.

"Ang mga mata mo, Irine. 'Yan siguro ang sinasabi ni Sister Martha na dapat nating itago," hindi makapanilawalang sambit ni Sam nang makagising ako mula sa masakit na pagkakatulog ko kagabi.

Kaarawan ko na ngayon at labing limang taong gulang na ako. At ang mga itim na kulay ng kanan kong mata ay naglaho na.

Naging asul na ito. Madilim na asul.

"Nasaan na nga ba si Sister Martha?" Tanong ko.

Bigla siyang natigilan sa tanong ko.

"Kagabi kasi nang mawala 'yung sakit ng kanan kong mata, bigla siyang naglaho sa paningin ko. Hindi pa kasi ako nagpapasalamat sa kanya." Patuloy ko.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Sam na para bang nagulat. "Nandito si Sister kagabi? Pinuntahan ka niya?"

Nagtaka ako sa kinilos niya. "May problema ba?"

"Irine..." Hinawakan ni Sam ang dalawa kong mga kamay at inilagay sa ibabaw ng hita niya habang nakaupo kami sa kama. "H'wag ka sanang magulat sa sasabihin ko ha? Kasi..."

Sa una, hindi ko talaga mawari kung anong nangyayari. Bakit ganito si Sam ngayon? Bakit ang lungkot niya?

Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang sinabi.

"Noong tinawag ko si Sister Martha kagabi, Irine, hindi ko alam kung bakit mo siya nakita rito pero nakita ko nalang siyang walang buhay sa kama niya. Irine, wala na si Sister Martha."

Hindi ako makapagsalita. Si Sister Martha? Paano?

"Nagsisinungaling ka lang 'di ba?" Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya. "Hindi totoo ang sinabi mo 'di ba? HINDI BA?"

Pilit ko habang hinayaan ang mga luha kong umaagos mula sa mga mata ko

"Irine, tahan na..." Niyakap niya ako. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita si Sister Martha. "Irine!"

Sinubukan akong pigilan ni Sam ngunit patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kwarto ni Sister. Nang makapunta ako, wala akong nakitang anumang bakas ng anino niya.

"Hindi totoo ang sinasabi ni Sam." Iyan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko pero kahit ako kinakabahan na. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala na si Sister Martha.

Pumunta ako sa sala ng ampunan at nagbabakasakaling nandoon si Sister ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Ang lahat ng tao ay umiiyak at nagdadalamhati habang nakaharap sa puting kabaong na nakalatay sa sala.

Tinakpan ko ang aking bibig. Hindi. Hindi maaari 'to.

Hindi naman siya ang nakahiga sa kabaong hindi ba? Oo, hindi si Sister Martha.

Maglalakad na sana ako papunta sa direksyon ng karamihan ngunit pinigilan ako ni Sam.

"Irine! Isuot mo muna 'to please." Pagmamakaawa niya. Pinilit niyang isuot sa 'kin ang shades na binigay ni Sister.

Wala na akong nagawa kundi sundin siya at sinuot ito.

Unti-unti akong naglakad patungo sa puting kabaong. At patuloy ding kumakabog ang dibdib ko sa bawat hakbang patungo roon.

Nang makarating ako sa harap, pinagtinginan nila ako na para bang naaawa para sa'kin. Pero hindi ko na pinansin ang mga tingin nila dahil unti-unti na namang lumabo ang paningin ko.

Bumuhos na naman ang luha sa mga mata kong palaging hinahaplos ni Sister Martha.

Na dati'y nakangiti sa akin habang kaharap ako na ngayo'y nakahiga na sa isang lugar kung saan ayaw ko siyang makita.

Nakapikit, maputla, at walang buhay.

"Sister Martha...bakit nandiyan ka? Tumayo ka d'yan. Doon ka nalang matulog sa kwarto mo, sasamahan pa kita, Sister. Ako naman ang magsasabi ng kwento para makatulog ka na katulad ng ginagawa mo sa 'kin. Ako nalang ang mag-aalaga sayo..."

Patuloy lamang dumadaloy sa aking mukha ang mga luha na ayaw makita ni Sister. Pero wala na siya.

Wala na.

"Sister, bakit? "

Niyakap ko ang kabaong niya. Hanggang dito ba naman, hindi ko mahawakan si Sister.

"Irine, tahan na." Rinig kong sabi ni Sam habang hinahagod ang likod ko.

Ilang minuto rin akong nanatili sa ganoong pwesto hanggang sa naisipan kong kausapin muli siya. Pagkatayo ko, hindi ko inaasahang makita kung ano na ang naging itsura ni Sister.

Napatakip ako ng bibig. Pati si Sam at napaatras na dahil sa pagkagulat.

At sa takot.

May pulang likidong dumaloy mula sa kanang mata ni Sister Martha.

Dugo. Walang tigil ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mga mata.

Nanginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan kung paano balutin ng pulang likido ang kanang parte ng mukha niya at ang kabaong na hinihigaan niya.

"Sister..."

Hindi ko na namalayan na hinihila na ako ni Sam palayo sa kabaong habang ang iba ay nagkakagulo na papunta roon.

Ngunit ako ay tulala parin at hindi malimutan kung papaano dumaloy ang nakakatakot na pulang likido sa mukha ni Sister Martha.

"Dugo. Bakit may dugo?" Nanginginig na tanong ko kay Sam.

Wala siyang anumang sagot kundi yakap para pakalmahin ako.

"Ano pang hinihintay mo?" Nagising ako sa katotohanan nang nagsalita si Red.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Red. Hindi ko alam." Halos manginig na ang boses ko.

Naaalala ko palang kung paano tumulo ang dugo sa mga mata ni Sister, halos mahimatay na ako. Trauma. Trauma ang inabot ko dahil doon.

Ang repressed memories ko nang dahil sa trauma ay bumabalik dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi makagalaw.

At hindi makapag-isip nang maayos.

Paano pa kaya ang makakita ng ganito karaming dugo sa harap ko. Napapikit ako ng mariin at hinawakan ang nanginginig kong kaliwang kamay.

"Irine," tawag niya.

Unti-unti ko muling minulat ang aking mga mata at doon ko nakita kung papaano nagbago ang itsura ni Red.

Namumutla na siya. Marami nang nawalang dugo mula sa braso niya.

"Bryan! Ikaw nalang ang gumamot!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Aligaga si Bryan na gumalaw at kinuha ang kagamitan niya. Pero hindi siya nakalapit pa kay Red nang bilang nagkaroon ng isang linya ng naglalakihang apoy sa pagitan nila Bryan at Red.

Hindi siya makalapit.

"Red, ano ba! Si Bryan nalang ang gagamot!"

Marahas na hinablot ni Red ang kaliwang braso ko gamit ang hindi nasugatang kamay.

"Sabihin mo, Irine. Hanggang ngayon ba magpapatalo ka parin sa takot mo?" Mariin niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ako makapagsalita.

Sa hindi malamang dahilan, unti-unting tumulo ang luha ko.

Napatigil si Red at tila iniisip ang ano mang sasabihin niya. Pansin kong lalo nang namutla ang mga mukha niya. At pansin ko na rin ang sakit at hirap sa mga mata niyang nakatitig sa 'kin.

Sinubukan kong tumingin muli sa braso niyang nasugatan at hawakan ito pero kaagad na nanginig ang mga kamay ko.

Hindi ko mapigilan ang panginginig na para bang kusa nang nangyayari ang ganito kapag nagtrigger ang trauma ko.

Kaagad akong napalayo at tumingin sa mga mata ni Red. Umiling ako sa kanya para sabihing hindi ko kaya.

Isang masakit na ekspresyon ang binigay niya sa'kin habang nakatayo sa harap ko. Alam kong nadisappoint ko siya at bakas sa mukha niya 'yon.

Nawala ang linya ng apoy kaya kaagad na napatakbo si Bryan sa kanya.

"RED!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa taas.

Napatingin kami sa direksyon kung saan nanggagaling ito at nakita namin si Tristan at Lina sa taas na nakasakay sa isang dambuhalang lawin.

Lawin na mistulang nag-aapoy na katulad ng kay Fiery.

Lumakas ang hangin nang mapadaan sa taas namin ang lawin dahilan kung bakit napahawak ako sa buhok ko. Mabilis silang bumaba sa malaking espasyo ng rooftop.

Pagkababa ni Lina ay tumakbo kaagad siya sa direksyon namin at itinulak ako.

Nakaramdam ako ng sakit sa balakang nang mapatumba ako sa sahig.

"Anong ginawa mo sa kanya?! Pahamak ka talaga ano?! Kapag may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang sisisihin ko, wala ka talagang kwenta!" Bakas sa mukha ni Lina ang sobrang galit.

Hindi ako makasagot dahil alam kong ako rin ang may mali.

"Irine, tumayo ka diyan." Tinulungan ako ni Tristan na tumayo at inilayo sa galit na si Lina.

"Sabi ko na nga ba..." Lumapit nang bahagya si Lina sa'min. "Wala kang maidudulot kundi puro katangahan lang."

"Lina." Hinila siya ni Red.

"Alam mo, Red. Hindi ko alam kung bakit sumasama ka pa diyan sa babaeng kapahamakan ang laging dala! Tingnan mo nga 'yang braso mo! Mukhang may lason pa ang armas na nakasugat sayo!" Bakas sa mukha ni Lina ang pag-aalala habang nakatingin sa braso ni Red na nabalutan ng dugo.

Tuluyan nang nawala ang pokus ni Lina sa 'kin at tinulungan si Bryan na gamutin si Red.

Hinawakan ni Tristan ang balikat ko at lumayo pa muli sa kanila. Tumabi na rin sa 'kin sina Cyndel at Nisha na para bang nagbibigay ng comfort.

Ngumiti ako ng mapait. "Ang hina ko talaga, ano?"

"H'wag mo ngang sabihin 'yan. Alam kong may rason ka kung bakit hindi mo magawang makahawak ng dugo." Hinagod ni Nisha ang likod ko.

Si Cyndel naman ay hinawakan ang mga kamay ko. Ilang minuto rin silang nasa tabi ko hanggang maisipan nilang umalis upang tulungan sila Bryan na magamot si Red dahil hanggang ngayon, hindi parin sila nagsasalita.

Nakatalikod ako sa direksyon nila dahil hindi ko makayanang makita ang disappointed na si Red.

"Takot ka sa dugo?" Biglang tanong ni Tristan. Tumango ako habang nakayuko.  "Alam mo bang pati si Red, ayaw ding makakita ng dugo?"

Napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala.

"Nang dahil 'yon sa nangyari sa kapatid niya. Ayaw niya lang ipakita 'yon dahil ayaw niyang makita ng iba na kahit papaano, may kahinaan siya. Lalo na sa mga mahal niya."

Tila may isang kutsilyo ang tumurok sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Tristan.

Napatingin ako sa direksyon nila at nagulat ako nang magtama ang mga tingin namin. Nakatitig lamang siya sa'kin habang ang iba ay abala sa paggamot ng braso niya.

Nagagalit ako.

Nagagalit ako sa sarili ko.

"Kailangan na nating pumunta kay Dra. Lily, Red," sambit ni Lina.

Ngunit parang walang narinig si Red dahil nakatingin parin siya sa'kin.

"Red! Ano ba!" Hinila siya ni Lina.

"Ayos lang ako," sagot niya.

"Ayos? Hindi maayos ang lagay mo ngayon! Dumaloy na ang lason sa dugo mo at natamaan ang pulso mo, Red. Madami nang dugo ang nawala sa'yo!"

Sa sinabi ni Lina, napatingin ako sa braso niya na ngayo'y sa tingin ko ay nasarado na ang sugat ngunit nadoon parin ang dugo. At ang lagay niya...

Masyado na siyang maputla.

Napuno ako ng pag-aalala. Gusto ko siyang lapitan at ako nalang ang humila sa kanya papunta sa hospital ng camp.

"Red..." Lumapit ako sa kanila. Hindi ko inalintana ang sama ng tingin sa'kin ni Lina.

Tinulak ako ni Lina. "Dahil sa'yo, naging ganyan ang lagay niya. Alis!"

Tinulak niya na naman ako kaya marahas nang hinila ni Red si Lina para patigilin.

"Tama na, Lina," mariin na hinablot ni Red ang braso niya para ilayo sa 'kin. Nagtama muli ang tingin ni Red sa mga mata ko na parang sinusuri ako. Hanggang sa lumihis na siya ng tingin.

"Halika na." Tuluyan niya akong tinalikuran at hinila palayo si Lina.

Inalalayan ni Lina si Red na makaakyat sa dambuhalang ibon. Hinintay ko muli siyang tumingin sa'kin pero hindi ito nangyari hanggang sa pinagaspas muli ng ibon ang pakpak niya at lumipad papalayo sa amin.

Lumipad ang ibon hanggang sa nawala sa paningin ko ang presensya nila.

"Maraming dugo ang nawala kay Stager Red kaya hindi namin kayang ibalik ang lakas niya. May lason din ang punyal dahil iniutos sa 'kin ni Stager ito kung sakaling may mandaya sa tournament ay alam mo ang gagawin mo. Ngunit, hindi ko inaasahan na papatagalin niya pa bago ang paggamot sa kanya kaya hindi halos kumalat na ang lason sa katawan niya," wika ni Bryan habang lumalapit siya sa'kin.

Napayuko ako. Pinigilan kong umiyak habang nakakagat sa ibabang labi ko.

"Pero h'wag kayong mag-alala dahil mahina lang ang lason. At Irine," tawag na naman ni Bryan. "Mahina lamang ang healing spell na pwede niyong i-cast dahil hindi naman kayo magaling sa bagay na 'yon. Kaya kung maaari, habang maaga pa gumawa ka na ng paraan para hindi na lumala ang sugat na matatamo mo."

"Tyaka..." Lumapit si Nisha. "Ang healing spell na kaya nating magawa ay pagsarado lamang ng sugat o kaya naman pagtanggal lang ng sakit. Hindi tayo katulad nila Bryan na galing sa Plasma Family na nakakagaling gamit ang spirit nila at mga kagamitan na meron sila."

"Sana hindi na muling mangyari 'to. Irine, pang beginner lang ang training mo ngayon, hindi mo pa alam kung gaano kadelikado ang tournament. Hindi lang sugat ang matatamo mo na katulad ng kay Stager Red kanina. Maaring mas malala pa ang pwedeng mangyari," dugtong ni Bryan.

Payo nilang dalawa sa 'kin. Alam ko ang mga bagay na 'yon pero hindi ko man lang nagawang isaala-ala.

Napansin siguro ni Cyndel na malapit na akong mapaiyak kaya hinagod niya ang likod ko. "Kung hindi lang siguro ako nakapagtimpi kanina, baka nasabunutan ko na ang Lina na 'yon! Ay!"

Napatakip siya ng bibig nang maalala niyang nasa tabi pa namin si Tristan.

Tumawa si Tristan. "Ayos lang 'yon. Hindi ako magsusumbong."

"Talaga? Edi pwede kong sabihin na maldita si Lina at kanina ko pa siya gustong ibitin patiwarik sa puno?"

Tuluyan nanm silang natawa sa pagiging prangka ni Cyndel. Pero napatigil rin sila nang nakatingin sa'kin.

Kumunot ang noo ko. "May problema ba?"

"Irine..." Niyakap ako ni Cyndel at sumunod si Nisha.

"Ano bang ginagawa niyo? Bakit parang ang lungkot niyo?" Tanong ko.

Pati si Bryan at Tristan, nakatingin sa'kin nang hindi man lang nakangiti.

Hanggang sa maramdaman ko ang basang parte ng mukha ko.

Pinunasan ko ang ibaba ng mata ko at tiningnan kung ano ito.

Luha. Lumuluha ako.

"Ano ba kayo! Napuwing lang ako." Lumayo si Cyndel at Nisha sa 'kin habang pinupunasan ko ang mga mata ko.

"Talaga? Patingin nga!" Kinuha ni Nisha ang kaliwang mata ko at hinipan ito na parang napuwing talaga.

Napangiti ako. "Salamat."

"Kami nalang ang maglilinis dito. Maligo at magpahinga ka nalang, Irine," sabi ni Bryan.

"Tutulong ako."

"H'wag na! Hayaan mo na sila." Bigla akong hinila ni Tristan papalayo.

"Pero–"

"Sige na, Irine. Kami na ang bahala rito," ngiting sabi ni Nisha.

Wala na akong nagawa kundi magpahila kay Tristan papunta sa elevator habang nakayuko.

Hindi parin maialis sa isip ko ang itsura ni Red na nahihirapan kanina. Masyado siyang maputla.

"Umiiyak ka na naman." Napatingala ako kay Tristan. Pinunasan niya ang luha kong bumagsak. Hindi ko namalayang tumulo muli ang tubig mula sa mata ko.

"Sa tingin ko, ito ang dahilan kung bakit gusto ka niyang protektahan."

Kumunot ang noo ko. "Protektahan niya? Sinong siya?"

Ngumiti siya sa'kin. "Secret."

Napasimangot ako. Hindi yata matinong kausap ang isang 'to.

"Okay." Naglakad ako papalayo sa kanya. Pipindutin ko na sana ang button para buksan ang elevator nang bigla niyang sinigaw ang pangalan ko.

"Irine!"

Lumingon muli ako sa gawi ni Tristan at laking gulat ko nang makita ang isang malaking alon na papunta sa'kin.

Wala na akong nagawa kundi pumikit habang natamaan ng alon. Naramdaman ko ang masakit na hampas ng alon sa katawan ko.

Alam kong si Tristan ang may gawa nito. Alam kong siya. Huminga ako nang malalim at nagtimpi ng pagkainis sa lalakeng nasa harap ko.

Narinig ko siyang tumawa kaya hindi ko na napigilang sumigaw pa.

"Tristaaaaan!"

Pati ang grupo nina Cyndel ay tumawa na sa ginawa ni Tristan sa'kin. Mukha na akong basang sisiw!

"Sa tingin mo, papabayaan lang kita sa ginawa mo?" Mariin kong sabi.

Kaagad kong tinawag ang spirit kaya naman nagkaroon muli ng puting usok ang mga braso ko.

"Bwisit ka!" Sigaw ko.

Mukhang si Tristan na ang napagbuntunan ko ng frustrations kaya naman ang kalahating katawan niya pati ang paligid niya ay nabalutan ng yelo.

Nagulat sina Cyndel sa ginawa ko. Pero si Tristan, nakangiti lamang sa habang nakatingin sa'kin.

"Kung ganito lang ang ipapakita mo, baka madali mahulog sa mga bitag ko sa Locus Tournament," wika ni Tristan.

"Bitag mo?" Takhang tanong ko.

"Stager ako, Irine. Malamang kasali ako." Sagot niya at bigla nalang nadurog ang yelong ginawa ko sa katawan niya kaya naman nakagalaw siya ng maayos.

Stager siya?

Bigla nalang sumagi sa isip ko ang nangyari noong una ko siyang makilala. Sila pala ang tumawag kay Red noon  dahil pinapatawag ang mga Stager at Doyen sa Underground Base.

"Nakakatawa talaga ang ekspresyon ng mukha mo kapag namamangha." Humalagakpak sa tawa si Tristan.

Kaya nagising ako sa katotohanan at napailing. Ang layo ng ugali niya kay Red.

Tyaka ako muling napatulala nang maalala muli siya.

Si Red.

Tuwing sumasagi siya sa isip ko, naaalala ko kung paano siya nahirapan dahil sa kagagawan ko.

Gusto ko siyang puntahan at tingnan ang kalagayan niya. Hindi ako matatahimik kung hindi ko siya makikitang maayos.

Tatakbo na sana ako paalis nang makarinig muli ako ng matinis na sigaw mula sa itaas.

"Pepire!" Sigaw ni Tristan sa taas kaya napatingala ako.

Ang pulang pepire na naman na nagdala sa'kin ng sulat kanina. Pansin kong mayroon nanaman siyang dala habang papalapit sa direksyon ko.

Inihulog niya muli sa akin ang bato na may nakataling papel.

Sulat na naman. Baka galing kay Red!

Kaagad kong binuklat ang sulat nang hindi man lang pinapansin ang nagtatakang mga itsura ng kasama ko.

Huminga muna ako nang malalim bago basahin ang anumang nakasulat.

H'wag kang mag-alala. Ayos lang ako.
-r

Tila isang spell ang sinabi ni Red dahilan para mapatigil ako.

Nabunutan ako ng tinik nang mabasa ang sulat niya. Biglang nawala ang bigat na nararamdaman ko tuwing iniisip ko ang kalagayan niya.

Unti-unti ko na ring naramdaman ang mga labi kong kumurba hanggang makaporma ng ngiti.

Kahit na may pag-aalala parin akong nararamdaman, nabawasan ito dahil sa apat na salitang binasa ko.

Panghahawakan ko ang sinulat mo, Red. Ayos ka lang. Alam kong ayos ka lang.

"Ang saya mo yata? Kani-kanina lang para kang nabagsakan ng isang barko sa itsura mo."

Napatingin ako kay Tristan. Tyaka ako ngumiti at umiling.

"Wala lang 'to. Sige, magbibihis muna ako." Paalam ko sa kanya at hindi na pinansin ang reaksyon niya.

Binulsa ko ang sulat ni Red habang pumasok sa elevator. Pagpasok ko ay sinundan ako ni Tristan sa loob.

Kumunot ang noo ko. Pinindot ko ang 5th floor bago humarap sa kanya.

"Sinusundan mo ba ako?" Sumandal ako sa gilid.

Tumawa siya. "Sabi kasi ni Red, bantayan daw kita kaya nandito ako."

"Hindi uubra sa'kin ang rason mo. Hindi pa kayo nagkakausap ni Red."

Bigla niyang pinakita ang papel na hawak niya. Sulat din.  "Dala rin ng Pepire 'to. Basahin mo pa kung gusto mo."

Kinuha ko kaagad ang hawak niya at binasa ang laman.

Bantayan mo siya. Kapag may nangyaring masama sa kanya, sisiguraduhin kong malamig na bangkay ka nalang mamaya.

Napanganga ako. Brutal ang pagkakasabi.

Galing nga kay Red.

"Ayoko namang mangyari sa'kin 'yan. Kaya sa ayaw mo o sa hindi, sasama ako sa'yo kahit saan ka magpunta." Tumawa siya

"Kahit sa kwarto?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya. "Kung kinakailangan, bakit hindi?"

Napanganga ako.

Hinayaan ko nalang si Tristan na tumawa dahil sa reaksyon ko. Ibang klase ang isang 'to, mukhang makulit.

Hinayaan ko rin siyang sumama sa 'kin. Humanda ka mamaya.

Ilang saglit pa ay narating kami sa 5th floor.  Pagkabukas ng elevator ay kaagad akong tumakbo palabas.

"Lucere valum!" Sigaw ko.

Huminto at binalik ang tingin kay Tristan na nagulat sa pagkulong ko sa kanya sa loob ng elevator.

"Bye!" Kaway ko habang pinanood na sumasarado ang pinto.

Umiling ako at naglakad nalang sa hallway. Mabagal lang ang paglakad ko dahil alam kong wala nang nakasunod sa 'kin.

Nang makarating ako sa pinakadulo ng hallway kung nasaan ang kwarto namin, binuksan ko kaagad ang pintuan.

Pero laking gulat ko nang makita ko na si Tristan na prenteng nakahiga sa kama ko habang tinitingnan ang Enchanted book.

"Saan mo nakuha 'to?" Tanong niya na parang hindi ko siya pinagbawalang pumasok dito.

Nagising sa katotohanan. Ibang klase.

"Paano ka kaagad napunta dito?!" Sigaw ko.

Umupo si Tristan at muling ngumiti. Binabawi ko na ang sinabi kong gusto ko ang ngiti niya.

"Sabi ko nga sayo dapat daw kitang bantayan." Sagot niya. Napasandal pa siya sa kama na para bang kanya 'yon. Aba, aba! Sumosobra na 'to ah!

Kaagad kong sinarado ang pintuan at humarap sa kanya habang nakacross ang mga braso ko. Napaatras siya.

"Layas." Utos ko.

"Aray ko naman, Irine!" Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang sinaksak ng kutsilyo. "Wag ka namang ganyan. Parang wala tayong pinagsamahan ah."

Napakamot ako ng tenga. "Pangalawang beses na pag-uusap palang natin to."

"Ahh," Bigla siyang humiga ng patagilid habang nakasuporta ang kanang braso niya. "Sabi ko nga."

Nauubusan na ako ng pasensya sa isang makulit na 'to! Napapikit ako at huminga ng malalim. Ramdam ko ang nagkikiskisan na mga ngipin ko.

"TRISTAN!"

Bigla siyang napatayo ng tuwid habang gulat na gulat.

"Umalis ka muna," sabi ko. Gusto ko nang magbihis at matulog. Sobrang pagod na ako at ayoko nang may makulit pa!

"Sorry pala sa inasal ni Lina kanina," bigla niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. Mukhang nililihis niya ang usapan.

"Sadyang overprotective lang 'yon sa'min. Simula kasi noong naamoy ng guardian niya ang dugo ni Red, kaagad ka niyang sinisi kahit hindi niya pa alam ang nangyari. Mabuti nga't hindi niya pa ginamit si Grethel para saktan ka," dugtong pa niya.

Kahit na taktika niya ito para hindi ko siya paalisin, hindi ko siya magawang palayasin dahil nabalutan muli ako ng curiosity.

"Grethel? Sino si Grethel?" Tanong ko kaya napangiti niya.

"Spirit Guardian ni Lina. Fire Guradian. Lahat ng Stagers, katulad namin ay may guardians."

"At ang guardian mo?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Secret."

Napasimangot ako kaya tumawa siya. Ang daya talaga nito.

"Bahala ka na nga diyan. Maliligo na ako." Paalam ko.

"Okay, gusto mo samahan kita?"

"ANO?!" Kaagad akong lumayo sa kanya.

"Nagbibiro lang ako," sabi niya. Pero base sa ekspresyon niya, para siyang isang taong gagawin ang lahat ng gusto niya. 

"Lumayas ka na nga lang!" Hinila ko siya papalayo sa kama.

"Papaalisin mo talaga ako?" Tanong niya sabay ng isang nakakalokong ngiti.

Napakunot ang noo ko sa inasal niya.

"Sa tingin ko, hindi mo pa nababasa ang librong 'yan." Turo niya sa Enchanted Book na nasa kama. "Sayang, alam ko pa naman ang paraan kung paano lumabas ang sulat."

Nagulat ako. Alam niya?

Bigla siyang naglakad papalayo. "Pero mukhang gusto mo akong paalisin kaya..."

"Sandali!" Pagpigil ko.

Lumingon siya sa akin kasama na naman ang ngiti niya. Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi ko pa makukuha ang inaasam kong katahimikan ngayon.

"Paano?" Tanong ko.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION
2.4M 183K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
16K 562 55
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
9.8M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...