[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 34

12.2K 436 91
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 34

I R I N E

Kinabisado ko ang lahat ng spells na nasa libro kagabi. Nanghihina akong tumayo at nagbihis dahil wala akong masyadong tulog.

Maaaring ngayong araw ang dating ni Red o bukas pa.

Pero sana bukas nalang.

Pagkatapos maligo at magbihis. Tinali ko ang buhok ko para hindi sagabal sa pagbabasa. Kumain ako ng almusal nang wala ang iba dahil pinahintulutan ako ni Sov na magfocus muna sa Spell training kaysa sa Battle kaya halos hindi na magkasabay ang oras naming lahat.

Masyado silang maaga para sa Battle Training at ako naman malaya kong nagagawa ang gusto ko, 'yun nga lang natorture ang utak ko.

Lumabas ako sa guild pagkatapos kumain at umupo na naman sa bench na nasa harap. Malamig ang simoy ng hangin at makulimlim ang langit. Pinagmasdan ko ang grayish na kulay ng mga ulap na nagbabadyang magbuhos ng ulan.

Hindi na naman maganda ang panahon ngayon. Pansin kong tahimik ang daan marahil halos lahat sila ay nasa Battle Ring. Huminga muna ako ng malalim bago magbasa.

Unda dimittere - a dismissing spell that uses water element to de-escalate the opponent's attacking spell.

Tumango ako. Ang isang dismissing spell ay tumutulong sa paghina ng spell na binato ng kalaban at kinakalaban ang energy nito. Kinabisado ko ang spell na to. Baka kakailanganin ko.

Kahit na para sa water element ito, maaari ko itong gamitin basta't may tubig sa paligid ko. Galing din naman ako sa Water ang Ice Family.

Nilipat ko ang tingin sa susunod na spell.

"IRINE!"

"AY ASHTIO!" Nahagis ko ang librong hawak ko.

Tyaka ko napagtanto kung ano ang sinabi ko. Naku naman!

"AHH!" Tuluyan na nga akong nahulog mula sa bakal na bench nang mabilis itong naging abo at lumipad sa hangin.

"Ayos ka lang?" Tinulungan akong tumayo ng pamilyar na boses na 'yon.

"Ang balakang ko..." Hinaplos ko ang parteng nasaktan dahil sa pagkakabagsak ko.

Sino ba ang nanggugulat na 'yon?!

Narinig ko kaagad ang mahinhing tawa ng tumulong sa akin. Pinakalma ko ang sarili ko at humarap sa kanya.

"Maya naman, bakit ka nanggugulat?"

Tumigil siya sa pagtawa at kinuha ang librong nahulog.

"Ang seryoso mo kasi sa pagbabasa," wika niya na medyo natatawa pa.

Binigay niya sa 'kin ang libro at tiningnan ang inuupuan ko kanina. Napabuntong-hininga ako. Wala nang anumang bakas ng bench ang naiwan.

Ano nang sasabihin ko kay Sov?!

Mabuti nalang talaga naitapon ko ang libro at ang bench huling bagay malapit sa katawan ko. Kung nabigkas ko ang spell na Ashtio nang hindi ko naibato ang libro, baka ang bagay na 'yun pa ang mawala nalang ng parang bula–ay abo pala.

"Abo nalang ang natitira sa inuupuan mo kanina..." Natawa siya. "Para sa Locus Tournament ba 'yan?" Baling niya sa 'kin.

Pinagpag ko muna ang libro bago sumagot. "Oo, kailangan ko raw kasing pag-aralan sabi ni Re–Stager Red."

Napansin ko kaagad ang mga mata niyang tila may bahid na lungkot.

"Mabuti ka pa, lagi mo siyang kasama." Bahagya siyang ngumiti at tumingin sa mga mata ko.

"Naku! Hindi mo rin gustong makasama ang isang 'yon sa training dahil masyado siyang istrikto." Tumawa ako.

"Kahit na, kasama mo parin naman siya," malungkot na sabi niya.

Napabuntong-hininga ako nang makita siyang nababalutan ng lungkot. "Hayaan mo na, gagawa talaga ako ng paraan para makasama mo siya."

Biglang napatingin sa 'kin si Maya. "Talaga? Ang bait mo talaga, Irine!"

Natawa ako nang tumalon-talon siya na parang bata. Gusto ko talaga siyang maging kapatid. Sa sobrang cute niya, aakalain mong may alaga kang maamong pusa.

"Pwede bang humiling muli?" Bigla niyang tanong.

Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. "Pwede bang akin nalang si Stager Red?"

Napanganga ako sa tanong niya. Seryoso ba siya?

Inaangkin niya ba talaga ang lalakeng 'yun? Bakit naman sa akin niya tatanungin 'yan kung wala naman akong karapatan sa desisyon na gagawin ni Red.

"Hindi ko naman hawak ang puso ni Red–"

"Sige na!" Pilit niya.

Napatitig ako sa dalawa niyang mga mata. Mistulang nahulog ako sa malalalim niyang mga titig at nangungusap na pumayag ako. Maya-maya, sa hindi malamang dahilan ay gusto ko nang sundin ang iniuutos niya.

Wala naman sigurong mali kung pipilitin ko si Red na magkagusto sa kanya, hindi ba? Maganda naman si Maya.

Tatango na sana ako nang biglang nakarinig kami ng matinis na ingay mula sa itaas. Napatingala ako nang makita ang pulang Pepire na pumunta sa 'kin noon sa Scission.

Bakit nandito ang isang 'yan?

Bumaba ito at inihulog sa akin ang maliit na batong may nakataling papel sa gitna. Minasdan ko ito. Isang sulat?

Napatingin ako kay Maya at nagulat nang makita ang mga nanlilisik niyang mga mata. Napaatras ako. Pinunasan ko ang mga mata ko ngunit nang makita ulit siya, puno na ng pagtataka ang itsura niya.

"May problema ba?" Ngiting tanong niya.

Umiling ako. Namamalikmata lang yata ako kaya naman binasa ko na ang lamang ng sulat.

Rooftop.
-r

Napangiti ako. Alam ko kung kanino galing 'to. Sa sulat kamay niya palang ay alam ko na.

Kay Red.

"Maya, pwede bang mamaya nalang kita kakausapin?" Baling ko sa kanya.

Ngumiti siya sa 'kin at tumango. "Magkita nalang tayo sa susunod."

Tumango rin ako at nagpaalam sa kanya. Papasok na sana ako ng guild ngunit bigla niya akong tinawag.

"Bakit?" Lingon ko.

"Ang pangako mo sa 'kin, ha? Si Red, akin lang siya." Tumitig na naman siya sa akin. Tumango ako at tyaka pinagpatuloy ang papunta sa rooftop.

Mabait si Maya kaya gagawin ko ang lahat para tulungan siya. Ngunit sa ngayon, kailangan ko munang magfocus sa training. Mukhang magsisimula na kasi ang pagsubok para sa Spell chanting.

Mapapasubo na naman ako nito. 

Nang makarating ako sa rooftop, napansin kong walang anumang presensya ni Red sa lugar. Nasaan na nga ba 'yon? Wala naman siya dito.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid—mula sa kaliwa kung saan nakikita ko ang kabilang building at inilipat ang tingin hanggang sa likod ko.

At doon ko nga nakita si Red na nakasandal sa barrier ng rooftoop malapit sa elevator na pinaglabasan ko. Nakacross ang mga braso habang nakatitig sa akin.

Walang nagsalita.

May nagbago sa kanya ngayon. Medyo tumikas ang hubog ng katawan niya. Mukhang naging mahirap ang training nila sa Stager Guild. Ano kaya ang nasa loob? Gusto ko talagang makita.

"Sinong kausap mo kanina?" Bigla niyang tanong.

Napakaseryoso ng mukha ni Red ngayon na karaniwan ko lang nakikita kapag nakikipaglabanan siya. Napalunok ako. Nakita niya siguro mula rito ang kausap ko.

"Si Maya," sagot ko.

"Mula sa anong guild?"

Napaisip ako. Walang sinabi si Maya kung saan siya nabibilang. Nakakapagtaka ngang bigla nalang siyang sumusulpot kung saan-saan.

"Hindi niya nabanggit ang guild pero ang alam ko ay isa siyang Nymph." Ngiting sagot ko.

Kumunot nang bahagya ang noo ni Red. "Nymph?"

Tumango ako. Bakit parang nagtataka siya sa itsura niya ngayon? Imposible namang ngayon niya lang nalaman ang tungkol sa mga nymphs.

"May problema ba?" Tanong ko muli.

Tumitig sa akin si Red na ikinagulat ko. Tila ba'y may hinahanap siya sa mga mata ko na kailangan niyang tuklasin. At doon ko muli naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ano ba kasing nangyayari sa 'kin? Simula noong pumunta kami sa Night Market, ganito na ang nagiging reaksyon ko kapag nandiyan siya.

"Gusto ko siyang makilala," wika niya.

Mistulang napako ako sa kinatatayuan ko at may narinig na pagkabasag ng isang mahinang bagay.

"Gusto mo siyang...makilala?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagnanais na makita nga si Maya.

"Kailan mo gusto?" Nauutal na tanong ko.

"Bukas." Pagkasabi niyang 'yon ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.

Kailangan ko na yata ng doktor.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Mabuti 'yon diba? Mabuti nga't si Red na mismong nagsabi na gusto niyang makilala si Maya.

Siguro nga sadyang magaganda ang mga nymphs kaya pati si Red hindi pinalampas na makita siya.

Sino nga ba naman ako? Walang laban sa ganda ng isang nymph.

"Napag-aralan mo na ba ang mga libro?" Biglang lumapit  si Red kaya nagising ako sa katotohanan.

Pinilit kong magfocus sa nangyayari ngayon. Hindi ako pwedeng maapektuhan. Kailangan kong malampasan ang training na ito para sa Locus Tournament.

Kahit na masama ang pakiramdam ko.

"Arf!" Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Fiery na tumatakbo papunta sa akin.

"Fiery!" Tumakbo ako para salubungin siya at niyakap. "Namiss kita!"

Hinalikan ko si Fiery at bigla niyang winagayway ang buntot niya. Lalo tuloy akong nanggigil at niyakap muli siya.

"Tama na 'yan, magsimula na tayo," seryosong sabi ni Red.

Tumayo ako at humarap muli sa kanya. Mukhang magiging mahirap 'to para sa 'kin.

"Sa Locus Tournament, 5 spells lamang ang pwedeng gamitin. Payo ko, gumamit ka ng healing, dismissing at blocking spells para sa depensa mo at spell chant para naman sa opensa." Lumapit siya sa 'kin.

"Bawal ang Killing at Paralyzing spells o kaya iba pa na magpapabawal sa kalahok na gumalaw at para sa mga tainted, bawal ang teleportation.  Dahil ang Locus Tournament ay isang karera."

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba, maglalaban ang mga kasali pero bakit karera?"

"Lalabanan mo nga ang iba, pero habang pumupunta ka sa pinakadulo."

Mukhang mas mahirap pa ito sa inaasahan ko. Tatakbo ka na nga, makikipaglabanan ka pa sa iba.

"Subukan mo ang Dismissing spell."

Bago pa man ituloy ni Red ang sasabihin niya, bumukas ang elevator at iniluwa mula dito sina Cyndel, Nisha, at si Bryan. Kumaway sila sa 'kin.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko.

Tinawag ni Red ang tatlo at tumabi sa kanya. Halata sa mga mukha nila ang pagkasabik habang nakatingin sa 'kin. Kaya talagang nakapagtataka.

Biglang lumapit si Nisha at kinuha ang libro ng spell chanting bago umalis sa tabi ko.

"Cyndel, gawin mo na." Biglang utos ni Red.

"Opo, Stager Red."

Humarap sa 'kin si Cyndel at ngumiti. "Sorry, Irine."

Bago pa man ako magtanong kung bakit siya humingi ng tawad, umatras si Cyndel at biglang humangin ng malakas.

"Styppe Radix!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng gumalaw ang mga puno sa tabi ng guild, umuga ang buong building na para bang may lindol. Tyaka ko nakita ang mga malalaking ugat na papaakyat sa building. Nang makarating ang mga iyon sa rooftop, dahan-dahan silang lumapit sa akin na parang mga ahas.

"Anong ginagawa mo, Cyndel?!" Panic kong sigaw habang nakatingin ang mga takot kong mata sa kanila.

Napaatras ako hanggang maramdaman ko ang matigas na barrier sa likod ko. Shoot. Unti-unting lumapit ang mga malalaki at mahahabang ugat at pumulupot sa buong katawan ko.

"AHHH!" Napasigaw ako nang bigla akong umangat.

Tumingin ako sa baba at nakita ang mga kasamahan kong nakatingala sa 'kin na para bang wala akong balak tulungan. Ano ba ang nangyayari dito?! Gusto ba nila akong patayin?!

Pinilit kong pumiglas para kumawala ngunit masyadong malakas ang pagkakakapit ng ugat sa katawan ko.

"Dismissing spell, huminahon at mag-isip ka!" Sigaw ni Cyndel mula sa baba.

Pinakalma ko ang sarili ko. Walang mangyayari kung magpapanic lamang ako dito sa taas.

Ang dismissing spell ay nakalaan para tanggalin ang ibinatong spell ng kalaban. Pero may restrictions ito dahil kung masyadong malakas ang ibinatong spell, hindi sapat ang dismissing spell, chanting spell na ang kailangan.

Ang simpleng spell ay naiiba sa chanting spell. Kung minsan, dalawang salita lang ang simpleng spell, ang chanting spell ay kinakailangan ng mas malakas na konsentrasyon at mas mahaba ang sasabihin na mistulang isang tula.

Susubukan ko muna ang isang dismissing spell.

"AHH!" Napasigaw muli ako ng mas humigpit ang pagkakabalot ng mga ugat. Kailangan kong mag-isip.

Earth ang element ni Cyndel kung mag-iisip ako ng isang Earth Dismissing Spell, magiging mahirap sa 'kin dahil isa akong Ice enchanter. Gagamit nalang ako ng isang spell na kung saan komportable ako.

Ginising ko muna ang spirit para gumana ang spells na sasambitin ko. Ano na nga ulit 'yon?

"Unda dimittero!" Sigaw ko.

Naghintay lamang ako ngunit patuloy parin ang paggalaw ng mga ugat sa katawan ko.

Nakita kong umiling si Nisha at Bryan sa sinabi ko. Bakit walang nangyayari?

Ngumiti si Cyndel na para bang natutuwa sa ginagawa niya. Loko ang isang 'to ah.

Napasigaw muli ako ng gumalaw ang ugat at mas lumayo na ako mula sa lapag. 

"Mali na naman ang sinabi mo, Irine!" Sigaw ni Cyndel. "Alalahanin mong mabuti at mag-ingat ka!"

Unda dimittero? Ano namang mali doon? Sa pagkakalaam ko ay tama ang sinabi ko dahil natatandaan ko iyon. Sandali...

Dimittero nga ba 'yon? Napaisip ako at inilala kung saan pahina ko nabasa ang spell.

Dimittero? Dimitteri?

"Ah!" Napakagat ako ng labi ng mapagtanto ko ang pagkakamali ko. Isang letra na nga lang, nagkakamali pa ako.

"Unda dimittere!" Sigaw ko.

Unti-unti kong naramdaman na nagiging mamasa-masa ang mga ugat na pumulupot sa akin. Ang mga puno ay naglalaman ng tubig dahil kailangan nila ito.

Napangiti ako ng maramdaman kong lumuluwag na ang mga ugat hanggang sa tumalsik ang tubig mula sa loob. Tuluyan nang umalis sa katawan ko ang nakapulupot ngunit huli na ang lahat nang mapagtanto kong nasa mataas na lugar pala ako.

Kumalas ang mga ugat dahilan kung bakit ako napasigaw. Napapikit ako nang maramdaman nag hangin nang dahil sa pagkahulog ko mula sa taas.

Ngunit hindi ko naramdaman ang masakit na semento kundi dalawang bisig ang sumalo sa akin.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Red na binubuhat ako.

"Isipin mo kung nasaan kang sitwasyon bago magsambit ng spell, Irine." Komento niya.

Maingat niya akong binaba kaya napakamot tuloy ako ng ulo.

"Tandaan mong oras na may mas malaki kang pagkakamali sa pagsabi ng spell, baka ikapahamak mo 'to. Kaya mag-ingat ka," usal ni Red habang naglakad papalayo sa akin.

Nakita ko si Cyndel at ngumiti sa akin na para bang sinasabing 'Peace tayo, Irine'. Natawa ako. Naiintindihan ko naman kung bakit niya iyon nagawa.

"Nisha, ikaw naman." Utos ni Red.

"Opo." Naglakad sa harap ko si Nisha. "Ako na ang susunod. Yey!" Masiglang sigaw niya.

Inilabas niya ang wand at itinutok sa 'kin. Naging alerto ako sa anumang ilalabas niyang kapangyarihan. Sinigurado kong mabilis akong makakagalaw sa pwesto ko.  Malakas si Nisha basta sa pagcast ng spell dahil isa siyang wizard.

"Beldetti!" Sigaw niya.

Lumabas ang kuryente sa wand niya kaya naman napatalon ako pagilid upang iwasan ito. Tumingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala.

Kung hindi ako umiwas, malamang nakuryente ako.

"Beldetti!" Sigaw niya muli. Isang nakakatakot na kuryente na naman ang lumabas. 

Napatakbo ako papalayo sa kanya para maiwasan siya. Pero natamaan ng kidlat ang laylayan ng damit ko.

Shocks. Muntik na ako roon! Hindi pa nga ako nakakagalaw dahil sa ginawa niya, bigla na naman siyang naglabas ng isang spell.

"Striga Beldetti!" 

Mas lumaki ang kidlat na pumunta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at yumuko.

Isang maingay na pagsabog ang narinig ko sa likod. Napalingon ako sa natamaan niya. Nangitim na ang sahig at may usok pa akong nakikita.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Nisha na ngayo'y nakangiti sa 'kin.

"Lagi ka nalang bang iiwas, Irine?" Wika niya kasama ang nakakalokong ngiti.

Attacking spell ang ginagamit niya kaya naman kailangan ko itong sanggain.

Blocking spell. Iyon ang kailangan ko dito.

Tumayo ako at tumingin sa kanya. Nag-isip muli ako ng spell para maibato sa kidlat.

"Stiga beldetti!" Sigaw niya.

Kaagad din akong sumigaw ikinumpas sa hangin ang kamay ko na parang maglalagay ng isang harang.

"Lucere Valum!"

Nagkaroon ng transparent barrier sa harap ko. Nagkaroon ng isang malakas na spark at pagsabog nang tumama ang kidlat sa barrier. 

Ngumiti ang kaibigan kong wizard na ikinapagtaka ko.

"Beldetti pereosa!" Sumigaw  muli siya.

Nanginig ang katawan ko nang mapagtanto kung anong klaseng spell ang pinalabas niya. Sa sobrang kaba, kaagad akong gumawa ng apat na transparent barriers.

"Lucere Valum!" Apat na beses kong isinigaw ang spell na ito sa apat na direksyon upang maharangan ko ang atake ni Nisha na parang isang kahon.

Lightning spell ang sinabi niya na kahit saan magpunta ang kalaban, susundan niya ito.

Mas malakas pa sa spell na binato niya kani-kanina lang.

Mabilis na gumalaw ang kidlat patungo sa harap ng barrier na ginawa ko pero nanlaki ang mga mata ko nang hindi ito tumama bagkus nagpataas pa ito.

Napatingala ako. Walang barrier sa taas!

"Reversus!" Gumana kaagad ang reflexes ko.

Tumalon papalayo sa pwesto ko nang nawala ang mga barrier na ginawa ko. Kaagad akong tumayo at tumakbo nang maramdaman na sumusunod parin ang kidlat.

Kung hihinto ako sa pagtakbo, sigurado akong matatamaan ako ng kidlat! Kailangan ko 'tong patigilin.

Pumasok naman sa isip ko ang ginagawa ni Nisha na orb tuwing nakikipaglaban siya.

Ngunit hindi ko basta mapapatigil ang kidlat kapag ginawa ko 'yon. Maaari itong sirain ang orb na magagawa ko at matatamaan din ako.

Napaisip ako. Alam ko na.

"Striga Beldetti!" Sigaw ni Nisha na ikinagulat ko. Dalawang malalaking kidlat na ang nagbabadyang sumugod sa 'kin!

"Apotheceosa!" Kaagad akong sumigaw.

Nabalutan ng transparent orb at umangat sa ere. Nakaupo ako sa bilugang barrier na katulad ng ginagawa ni Nisha.

Tumama ang dalawang malalakas na kidlat at yumanig ang orb. Tinutulak  ng mga kidlat ang orb na ginawa ko hanggang sa tumama ang likod nito sa pader.

At tama ang hinala ko dahil nakakabuo ng crack sa orb habang patuloy na binubunggo ng mga kidlat ang sarili niya dito.

Ngayon naman, kailangan kong patigilin ang spell na ginamit ni Nisha.

"Unda dimittere!" Sigaw ko.

Pinagmasdan ko ang tubig mula sa ugat na nasira ko kanina at mabilis na namuo sa ere tyaka inatake nito ang dalawang kidlat na tumatama sa orb.

Nagbanggaan ang kidlat at tubig sa harapan ko. Ngunit dahil dismissing spell ang inilaban ko, unti-unting natalo ang kidlat at nawala nalang ng bigla sa hangin.

Napangiti ako. "Reversus!"

Bumaba ako sa orb kaya nakita ko sila na nakangiti sa akin.

"Magaling, Irine!" Sigaw ni Nisha.

Gumamit ako ng Blocking at Dismissing spell. Pinagsama ko ang dalawang spell para maging ligtas ako at mapawala na ang kidlat.

Ayon sa nabasa ko, ang element na ginamit ko para sa dismissing spell ay siyang magiging panlaban sa attacking spell ng opponent. Ang dismissing spell ay nakalaan para higupin ang lakas ng ibang spell hanggang mawala ito.

Kaya kanina, hinihigop ng tubig ang lakas ng kidlat hanggang sa makuha nito ang lahat at mawala muli para madismiss ang spell na binato ng kalaban.

Lumapit muli ako sa kanila. Nakangiti si Cyndel at Nisha habang nakatingin sa 'kin.

Seryoso lang naman si Red habang pinapanood kami.

Ano na naman ba ang susunod? Tapos na ang blocking at dismissing spell. Si Bryan na lamang ang natitira.

Ngumisi sa 'kin si Bryan na para bang siya nga ang susunod. Hinablot niya ang isang bagay sa kanyang bulsa at binuksan ang lalagyan nito. Nagulat ako sa pinakita niya.

Isang matulis na punyal.

Naglakad papalapit si Bryan sa :kin habang may hawak na punyal sa kanang kamay niya.

"Anong gagawin mo riyan?" Kinakabahang tanong ko.

Hindi siya sumagot kundi lumapit lamang siya sa 'kin at itinaas ang punyal na para bang susugatan ako. Napaatras ako.

"Bryan." Diing sabi ko.

Nang makalapit siya sa 'kin, bigla niyang kinuha ang braso ko at itinutok dito ang matulis na punyal.

Nagulat ako. "Bryan, ano ba!"

Pinilit kong tanggalin ang braso ko sa pagkakahawak niya. Susugatan niya talaga ako!

"Bitawan mo ako!" Pumiglas ako pero lalo niyang hinigpitan ang hawak siya sa 'kin.

Naramdaman ko na ang malamig na metal sa braso ko.

"Hindi naman masakit to—" Hindi niya tinuloy ang sinabi niya nang pinigilan siya ni Red.

Nakahinga ako ng maluwag. Tumingin ako kay Red na parang nagmamakaawa na ilayo niya sa 'kin si Bryan.

Nababaliw na siya. 

"Ako nalang." Kinuha ni Red ang punyal at itinutok sa braso niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Red?!" Hinawakan ko ang punyal pero hindi siya nagpapigil dahil unti-unti niya itong binaon sa balat niya hanggang makagawa ng mahaba at malalim na sugat.

Napatakip ako ng bibig nang makita kong dumaloy ang pulang likido sa balat niya. Halos hindi ako makapagsalita na nakatingin kay Red.

"Gamutin mo." Kalmadong sabi niya habang pinapakita sa 'kin ang sugat na ginawa niya.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan ang napakaraming dugong dumadaloy mula sa braso niya at nalalaglag sa lupa.

Napapikit ako at tumibok nang mabilis ang puso ko.

Muli kong naalala ang nangyari noon. Ang memoryang ibinaoon ko na sa lupa.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 835 20
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
15.2K 555 55
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...