Unlucky Princess

By BeWIXyGirl_Wp

107K 3.4K 968

May pag-asa pa kayang maibalik ang dating pagmamahal ng taong iyong nilalayuan,pinagtatabuyan at higit sa lah... More

Unlucky Princess-Prologue
Chapter 1-Photograph
Chapter 3-BAE
Chapter 4-Why Not Me?
Chapter 5-With Someone
Chapter 6-Boyfriend?
Chapter 7-Moving On
Chapter 8-Reserved
Chapter 9- Fight For Him
Chapter 10-Use Me
Chapter 11-Hope
Chapter 12-Paris
Chapter 13-Kiss Me
Chapter 14-Akin Ka
Chapter 15-Bohol
Chapter 16-I Won't Give Up
Chapter 17-Text Message
Chapter 18-Party
Chapter 19-Pictures
Chapter 20-Giving Up
Chapter 21-True Love
Chapter 22-She Left
Chapter 23-Forgetting You
Chapter 24-Forgotten Feelings
Chapter 25-Picture Frame
Chapter 26-Letter
Chapter 27-Thinking Out Loud
Chapter 28-Your Smile
Chapter 29-Rain
Chapter 30-Jealous
Chapter 31-Gown
Chapter 32-Waiting
Chapter 33-Trash Can
Chapter 34-Luha
Chapter 35-Elevator
Chapter 36-Realization
Chapter 37-Eunice's Plan
Chapter 38-The Son
Chapter 39-The Punishment

Chapter 2-The Girlfriend

3.7K 102 32
By BeWIXyGirl_Wp

Bernice's POV

Inis kong inihagis ang shoulder bag ko pagkapasok ng classroom.

“Oh bakit parang aburidong-aburido ka diyan ha?” agad na sita sa akin ni Khate na best friend ko ng mapansin niya ang paghagis ko ng shoulder bag.

“Eh kasi eh.” pasalampak akong umupo sa tabi niya. Kakainis lang talaga si...”

Si kuya VJ na naman?Na inihatid ka lang niya pagkatapos,hindi ka na niya masusundo dahil susunduin niya ‘yong model at artista niyang girlfriend.” tuluy-tuloy niyang saad pagkatapos niyang agawin ang sasabihin ko sa kanya.

Bhessy naman eh.” inis kong saway sa kanya.

Bhessy naman eh.” ginaya niya pa ang pagkakasabi ko. Bhessy naman ka diyan eh.Tigilan mo na ngayan Bernice.” inis niyang sabi. Kaganda mong babae tapos doon ka pa sa kuya-kuyahan mo naiinlab.Wow naman bhessy.Ang tindi mo.Spell TANGA nga!” talak pa niya ulit.

Inirapan ko na lang siya at kunwari ay busy na sa book na kaka-bukas ko lang.

Alam kasi ng best friend ko ang totoong nararamdaman ko.Wala akong ni isang itinago sa kanya.

“Move-on ka na kasi Bhessy.‘Wag naman si Kuya VJ.May girlfriend nayon girl at kapatid lang ang turing sa ‘yo n‘on.” nagsalita siya muli.Kahit kailan talaga ang kaibigan kong ito ay ‘di nawawala ang lakas sa kakatalak.

Tiningnan ko lang siya ng masama at bumuntong-hininga.

Alam mo bhessy,marami namang may gusto sa ‘yo diyan ah.Nariyan si James,Daniel,at Alden.Ohdi ba,artistahin ang mga dating.‘Di din naman pahuhuli sa kagwapuhan ang mga iyon dahil ang ga-gwapo din.‘Di naman nalalayo kay Kuya VJ mo.At kung abs lang naman ang gusto mo sa kuya-kuyahan mong iyon,ang mga iyan ay may papa-usbong ding mga abs.Hintay ka lang ng kaunti,lalaki din ang mga abs n‘on.See? ” dere-deretso niyang sabi.

Anong abs ang mga pinagsasabi mo diyan.” agad ko siyang kinutusan at tiningnan ng masama.Kainis kasi dahil napunta na sa abs ang mga pinagsasabi nito.

Aray!” himutok niya. “Eh kung hindi abs,ano?Muscles o V-line?” pang-aasar pa nito sa akin.Kaya lalong tumaas ang apoy sa ilong ko.

Sa inis ko,inihampas ko ng marahan ang book na hawak ko sa kanya.

Aray ko!Nakakarami ka na bhessy ha.” muli niyang reklamo.

Paanong hindi ako maiinis sa ‘yo kung wala namang kwenta ‘yang mga pinagsasabi mo!” nakasimangot kong sagot sa kanya.Pinaningkitan ko siya ng mga mata pagkuwa'y.

Bakit,‘yan bang pagtibok ng puso mo...” itinuro niya ang dibdib ko. “....may kwenta bayan?‘Di ba wala din.Mas may kwenta pa nga ‘tong mga pinagsasabi ko kasi realistic kaysa mga sinasabi mong pangarap ng puso mo na malabong matupad.” dugtong pa niya.At nasaktan ako sa huli niyang sinabi.Masakit talaga iyon na parang sinampal ako ng katotohanan.

Mabuti na lang dahil hindi pa dumating professor namin.Bigla yatang bumigat ang puso ko dahil sa sinabi ni ng best friend ko.

Ang sabi nga nila masakit ang katotohanan.Lalo na kapag nag-a-assume ka lang ng sobra.

Bumuga na lamang ako ng hangin upang maibsan ang bigat na nararamdaman ko.

Bhessy,..” hinuli niya ang kamay ko at pinisil ito.Alam kong seryoso na ngayon si Khate. “....hindi naman ako galit sa nararamdaman mo eh.Kaso ang gusto ko lang ay matauhan ka.Masakit sa akin bilang kaibigan mo na nakikita kang nalulungkot at nasasaktan.Kaya gusto kong ibaling mo na lang ang pagmamahal mo sa iba.Bata ka pa.Bata pa tayo at magaganda." anito na nakangiti na dahil huli niyang sinabi.Hindi ko na napigil ang luha ko.Mabuti na lang dahil busy ang mga classmates namin kaya ‘di na kami napansin dito.

Anong tayo ka diyan.Ako lang ‘no.” nakanguso kong sita sa kanya habang pinupunasan ang luha.Natatawa na rin ako.

Oo tayo.Ano ka ba bhessy,siyempre damay na ako sa kagandahan mo.Best friend kaya tayo.” at tumawa na ito.Nagsitawanan na rin kaming dalawa.Actually, maganda naman talaga si Khate. Ayan,gusto kong palagi kang nakatawa.‘Wag mong masyadong isipin ang lalaking iyon.Naku,ang wrinkles bhessy,ingatan.” tudyo pa nito sa akin sabay masahe ng noo ko.

Sira!” marahan ko siyang hinampas.Kaya nagtawanan kami.

Sana,balang araw,magigising na lang ako na hindi ko na mahal si Kuya VJ.Sana mauntog ako at makalimot sa nararamdaman ko sa kanya.Sana balang araw marealize ko na hindi pala siya ang lalaking mahal ko —na ang nararamdaman ko pala sa kanya ay isang paghanga lang o ang tinatawag nilang puppy love.

Tumawag ako sa bahay upang magpasundo.Tapos na rin kasi lahat ng subject namin.

“Hello mom,magpapasundo po sana ako.Wala po kasing magsusundo sa akin eh.” agad kong sabi kay mommy Catherine.

“[Naku princess.Eh sino ang magsusundo sa ‘yo?‘Yong dalawa nating driver eh nasa leave pa.Tapos si Mang Arnolfo kanina nagpaalam kasi emergency daw sa family niya.Ang dad mo naman may meeting pa.Si Bernie naman may dateyon.]” sagot ni mommy sa kabilang linya.Si mang Arnolfo ay ang driver na naghatid sa akin kanina sa bahay nina kuya VJ.Hindi naman kasi marunong si mommy mag-drive.At higit sa lahat,ayaw nila akong pasakayin ng taxi.

“Eh mom!Sino po ang magsusundo sa akin?!” inis kong tanong kay mommy sa kabilang linya.

"[Teka lang princess.Tawagan ko ang tita Railey mo.Baka pwedeng padaanan ka niya kay Kuya mo VJ.Total malapit lang siya diyan sa school mo and beside,siya din naghatid sa ‘yo diyan kanina.]” agad na sagot ni mommy.Napangisi ako kasi si kuya VJ na naman ang susundo sa akin.I'm sure ‘di ‘yon makakatanggi.

“Oh sige mom.Bye!Love you.Hintayin ko na lang si Kuya.” masigla kong sagot sa kanya at agad na pinindot ang end sign sa iPhone ko.

Masaya ako.Kasi makakasama ko na naman si Kuya VJ.Sorry ka na lang witch Eunice.Akin mamaya si Kuya.

‘Yon nga lang.Maghanda na ako sa galit ni Kuya VJ sa akin.Pero handa naman akong harapin ang galit niya sa akin.Makasama ko lang siya.Iyon lang ang mahalaga sa akin.

VJ's POV

“Hi Bae! ” nakangiting salubong ni Eunice sa akin.Ang aking girlfriend.

Tapos na kayo sa shooting niyo babe?” yeah babe.‘Yan ang tawag ko sa kanya dahil ayoko sa ma-corning endearment.Hinayaan ko na nga lang siya na ‘yan ang itawag niya sa akin dahil mahal ko siya.

Nang makalapit siya sa akin ay hinapit ko siya sa baywang at hinalikan sa mga labi.

“Yes Bae.Ikaw na lang ang hinihintay ko.’ masayang sagot niya sa akin nang maghiwalay ang mga labi namin.

Nandito kami ngayon sa abandonadong building dahil dito ang set ng taping nila.Sinundo ko lang siya para makapag-dinner kami mamaya.Pero bago pa ang lahat,gusto kong mamasyal muna kami sa mall.

Mahirap ang magkaroon ng artistang girlfriend.Hindi mo siya gaanong malalantad sa publiko.

“So let's go babe.Sorry for waiting.” paumanhin ko. Kailangan ko kasing tapusin ang ginagawa kong project para ma-i-report at ma-i-present ko na.” dugtong kong paliwanag.Alam kong maiintindihan niya ako.Ganyan naman siya.

Naiintindihan naman kita Bae eh.” malambing nitong saad sa akin.Kaya siguro minahal ko siya dahil sa pag-u-ugali niya.Hindi lang dahil sa maganda at model siya. Mahirap talaga magkaroon ng architect na boyfriend.” malambing niyang bulong sa akin at kumapit na sa braso ko.Inalalayan ko naman siya habang naglalakad kami.

Pfft!Mas mahirap ang magkaroon ng girlfriend na artista.” kontra ko sa sinabi niya. “Kung pwede nga lang pahintuin ka na ay ginawa ko na babe.” dugtong ko pa.Actually,‘yan naman talaga ang gusto ko.Ang pahintuin siya.Pero ayoko rin na pilitin siya dahil ayaw kong simulan pa ng ‘di naming pag-uunawaan ito.

Hmmm.Bae,‘di ba sabi ko sa ‘yo may panahon para diyan?” nakalabi niyang sabi.Pinagbuksan ko siya ng pintuan at saka kami pumasok sa kotse.

“Tsk!I know babe.Hindi naman kita minamadali.Handa naman akong maghintay kung kailan.Gusto ko lang naman na makasama ka ng matagal ma hindi nagmamadali palagi.” ini-start ko na ang kotse.

“Sorry Bae.I love you!” niyakap niya ako.Kaya ginantihan ko na rin siya ng yakap at masuyong hinalikan.

“I love you more.At ikaw lang babe ang gusto kong makasama habang buhay.” seryosong saad ko ng maghiwalay ang mga labi namin.Iniangat ko pa ang baba niya para magtama ang mga mata namin.

“Same here Bae.” kinuha niya ang kamay ko at inilapat sa kanyang dibdib. Ikaw lang ang nagmamay-ari ng pusong ito.” seryoso din niyang sabi.Kaya ngumiti ako sa kanya.Alam ko naman ‘yon na mahal na mahal niya ako.

“Thank you babe.” sabi ko.

Si Eunice Esguerra ay ang babaing sumakop sa puso ko.Unang pagkakita ko pa lang sa kanya ay nabighani na kaagad ang puso ko.Sa katunayan nga,sa kanya lang ako tumino ng ganito.

Nakilala ko siya sa isang shooting na kung saan,part ang company namin sa kanilang show.Ako kasi ang nagtuturo sa kanyang leading man kung paano ang maging architect sa show nila.Kaya ng ipakilala siya sa akin,nagtuluy-tuloy na ang date namin.Kilala na rin ako ng mga tao dahil ako ang boyfriend ng sikat na actress.

Saang mall ang gusto mo babe?” nilingon ko siya ng tanungin ko.Ang ganda talaga ng babaing ito.Maamo pa ang mukha.Kilala na rin siya ng parents ko.

“Anywhere Bae.Basta kasama kita,okay na sa akin.” malambing niyang sagot sa akin.

Sino ba ang hindi mapamahal dito kung palagi niya akong nilalambing?

Hindi niya rin ako ipinagkaila nang ipinakilala at inilantad niya ako sa publiko noon bilang boyfriend niya.Ni hindi siya nagdalawang isip na ipakilala ako.

“Hello mom?” agad kong sagot sa phone ng makita kong tumatawag si mommy ko Railey.

“[Son favor.]” anito sa kabilang line.Kaya parang nahuhulaan ko na kapag ganito ang tono ni mommy.No not this time Bernice.

“What is it mom?” sabot ko sa kanya kahit alam ko naman na ang pakay niya.Nilingon ko pa si Eunice.

“[Si princess Bernice sana sundu—”

“Mom I'm with Eunice.I'm with my girlfriend. ” pinagdiinan ko pa ang mga kataga.

“[Basta sunduin mo na si Bernice.Ngayon na.]” at binabaan na kaagad ako ng phone.

Napabuntong hininga na lang ako.Tiningnan ko ang wrist watch ko.Past five na ng hapon.

Bae,what's the problem?” nababahalang tanong nito.Malungkot akong tumingin sa kanya at humingi ng paumanhin.

Palaging ganito na lang kami.Kailangang i-cancel namin ang date namin ng dahil sa babaing iyon.

Hindi ko naman kayang tanggihan si mommy.At hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay ni Bernice sa akin.Lalo niya lang dinadagdagan ang inis ko sa kanya.

Minsan nga,nasasakal na ako sa babaing iyon.

Si Bernice na naman?Susunduin mo tapos hindi matutuloy ang date natin? ” malungkot niyang tanong.Bumuntong hininga pa siya.

“I'm sorry babe.” ginagap ko ang kamay niya at pinisil.Damn!Nasasaktan ako dahil sa nakikita kong reaksiyon sa kanya.Kahit ‘di niya sabihin sa akin pero nararamdaman kong nasasaktan siya.

“May magagawa pa nga ba ako Bae?Okay lang.Naiintindihan kita dahil mahal kita.” halata naman ang pagpigil niya sa pag-iyak.

“I'm sorry.Sana last na ito.Kakausapin ko na si Bernice.” pagpapanatag ko sa kanya.Niyakap ko na lang siya.Magkakilala naman sila ng babaing iyon. “I love you.” pahayag ko pa.

Ito na ang huli kong gagawin para kay Bernice.Dahil sa mga ginagawa niya sa akin—sa amin ng girlfriend ko,tuluyan na akong nagagalit sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 70.3K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
61.3M 946K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
966K 14.8K 43
[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nic...
3.2M 133K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...