[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 30

14.2K 481 69
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 30

I R I N E

Bumaba na kaming lahat mula sa rooftop at kaagad kaming nagpunta sa mga sari-sarili naming kwarto. Malapit nang lumubog ang araw at hindi ko man lang namalayan ang oras.

Kaya lang 'yung mga kaibigan kong maiingay, hindi ko alam kung saan nagpunta.

Nang tumakbo kasi sila, hindi ko na sila naabutan at mistulang nawala na parang bula. Kaya mag-isa ako ngayon sa kwarto naming tatlo.

Pumunta ako sa tapat nang bintana, hinawi ko ang kurtina at tiningnan ang labas.

Medyo madilim na.

Pinagmasdan ko ang nakikita ko. Nasa mataas na palapag din ang kwarto namin kaya nakakalula kapag tumingin sa baba.

Ang ganda dito sa Amaryllis–ang mga buildings at tanawin nga ay maganda na sa paningin. Pero naalala kong hindi ko pa pala naiikot ang buong Tyro ring dahil sa pag-t-training. Ang daan patungong Battle Ring palang ang nakikita ko.

Yayain ko kayang pumasyal sila Cyndel at Nisha bukas?

"Ikaw kasi e!" Nagulat ako nang narinig ko ang isang boses sa labas ng pintuan.

"Anong ako? Alam mo rin naman ang history ah! H'wag mo 'kong sisisihin."

Alam kong si Cyndel at Nisha ang nag-uusap. Ano naman kayang pinag-aawayan nila?

Bumukas ang pintuan. "Ang tanga ko! Ay hindi ang tanga nati-oh, hi Irine!"

"Kailangan natin siyang bigyan ng babala-aww!" Siniko ni Cyndel si Nisha.

Kumunot ang noo ko. "Sinong bibigyan niyo ng babala?"

"Ha? Ah! Kasi ano… Si Prince! Oo tama, siya nga! May, ano, may daga kasi sa sala kaya gusto namin siyang bigyan ng babala. Diba, Nisha?"

"Oo! 'Yun! Babala! Hehe."

"Ah." Napatango ako.

Kakaiba ang kinikilos nila. Akala mo naman ang layo namin sa isa't-isa at makasigaw wagas.

"Alam niyo, kanina ko pa napapansin na kakaiba na naman yang kinikilos niyo, may problema ba?" Tanong ko sa kanila habang sila ay mabilis na nagsiupuan sa kama.

"Wala, Irine. Imahinasyon mo lang 'yon." Ngumiti si Nisha. Pati si Cyndel ay sumang-ayon din.

Nagkibit balikat nalang ako.

Umupo ako sa kama at nilaro ang tablet. Kailangan ko talagang matutunan 'to, baka kung ano na naman masulat ko dito.

Ayoko nang maulit ang nangyari!

Nang pinag-aaralan ko ang Notepad sa tablet nakaramdam ako ng kakaibang pwersa mula sa bintana.

Hinimas ko ang noo ko. Nahihilo ako.

Napatayo kaagad ako at sumilip sa labas ng bintana para magpahangin.

"May problema ba?" Tanong ni Cyndel.

Parang alam ko tong pakiramdam na 'to. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at lalo akong nahilo. Napahawak ako sa bintana.

Parang nasusuka na naman ako.

Napahawak ako sa kanang mata ko. Ganito rin 'yung pakiramdam nang biglang dumilim ang paningin ko sa dump site.

"Irine? Ayos ka lang?" Hinawakan ni Cyndel ang balikat ko. Kaagad namang nawala ang kakaibang pakiramdam na dati ko nang nararanasan.

"Okay lang. " Ngumiti ako sa kanya.

Kumabog ang dibdib ko. Paano kung maulit na naman ang nangyari noon? Paano kung maranasan ko ulit yung hirap dati?

Natatakot ako. Natatakot akong maulit ang lahat.

"Cyndel! Irine!" Napalingon kami kay Nisha.

"Ano 'yon, Nisha?" Tanong ko.

"Tingnan niyo ito." Tinuro niya ang nakalabas na 3D hologram.

Inalis ko sa isip ko ang nangyari. Kung dati wala akong alam sa kapangyarihan ko, ngayon, may mga bagay na akong alam sa katauhan ko.

Tinuon ko ang atensyon kay Nisha na ngayo'y nakangiti. Tumabi kami ni Cyndel sa kanya.

"Ano ba 'yan?" Tanong ko. Tinitingnan ni Nisha ang information hologram ng Orion guild at may nakasulat na...

"Locus Tournament?" Usal ko.

"Talaga?!" Napasigaw si Cyndel na parang hindi makapaniwala.

"Para saan ba 'yan?" Tanong ko sa kanila.

Tumingin sa 'kin si Nisha habang nakangiti. "Yan ang pinakahihintay na event dito, Irine. Ang alam ko nga gaganapin ang Locus Tournament sa susunod na buwan pero wala nang kaso sa 'kin kung bakit nila naisip na ngayong buwan gaganapin!"

Tumayo si Cyndel at tumingin din sa 'kin. "Ang Locus Tournament ay ginaganap sa Battle Ring para paglabanin ang mga pinakamalalakas na kalahok mula sa iba't-ibang guild. Ang mananalo dito ay maaaring magkaroon ng malaking pagkakataon para mag-level up kaagad siya. Sabik na sabik na talaga ako! "

Mag-level up? Ang ibig bang sabihin, ang Tyro ay maaari nang maging Stager?

"Pero Nisha, dalawa lang sa guild ang pwedeng makasali," naghihinayang na sabi ni Cyndel.

Napasimangot si Nisha. "Oo nga pala, isang Stager at isang Tyro lang ang kukunin bilang kalahok."

Napaisip ako. "Stager? Diba si Red lang naman ang nag-iisang Stager sa guild?"

Nagulat ako nang tiningnan nila ako ng masama. Napalunok ako. "Bakit?"

"Stager Red ang itawag mo sa kanya, Irine! Stager Red!"

Napaatras ako. "Edi Stager Red! Stager Red! Ayos na ba?!"

"Mabuti."

Napanganga ako. 

"Isa lang naman ang Stager na tumutulong sa guild kaya si Stager Red lang ang maisasali." Paliwanag ni Nisha.

"Sino ba ang malakas na Tyro ngayon?" Napaisip si Cyndel. "Pwedeng si Bryan pero mas malakas ang kutob ko na ikaw ang pipiliin, Irine."

"Ha? Imposible 'yan." Natawa ako.

Paano ako magiging malakas kung hindi pa naman ako ganoon kagaling sa combat battle? May iba pang mga inpormasyon na hindi ko nalalaman.

"Nakaagaw kaya ng pansin ang ginawa mo noong Scission. Hindi mo lang alam na pinag-usapan ka noon," sabi ni Nisha.

Umiling ako. "Imposible talaga 'yan, Nisha."

Hindi ko naman nakontrol ang kapangyarihan ko dati. Dahil sa galit kaya ako nakalabas ng malakas na spirit.

Maliban nalang kung si Red–Stager Red ang may karapatang mamili ng isasali dahil baka ako pa piliin ng isang 'yon dahil gusto niya akong pahirapan.

"Alam mo ba, Irine..." Kinuha ni Nisha ang atensyon ko. "Isa to sa pinakamahirap na event sa camp. Ang mga kalahok kasi ay pinapayagang gumamit ng sandata at maglabas ng lakas kahit na pwedeng makasakit sa iba. Kailangan kasing labanan ng bawat isa ang mga miyembro sa kabilang guild para manalo ka."

Napalunok ako.

Kung malala na ang nakikita ko sa battle training, mukhang mas malala pa ang event na ito. Pinakamalakas si Bryan sa 'min dahil matalino at magaling siya sa mga taktika. Galing din siya sa Plasma Family, kaya hindi malabong magamot niya ang sarili niya kahit nasa labanan siya.

Malakas ang loob kong siya ang mapipili.

"May tanong ako..." Tawag pansin ko sa kanila. "Paano pala pipiliin ang Tyro na sasali?"

Ngumiti si Cyndel. "Si Stager Red ang mamimili."

Napasinghap ako. "Si Re-Stager Red?"

Tumango sila.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit bigla akong kinabahan?

"Kaya nga sabi ko sayo, Irine. Malaki ang tyansa na ikaw mismo ang mapili dahil ikaw ang estudyante niya at hindi maitatangging may tinatago kang lakas," usal ni Nisha.

Shocks! Kapag may hindi inaasahang mangyayari, kinakabahan ako.

Hindi naman ako ang pipiliin niya hindi ba? Anak ng tournament na 'yan! Ang lakas na ng tibok ng puso ko na para bang kanina pa ako tumatakbo. Sa sinabi palang nila na hindi pangkaraniwang tournament ito at kasali ang pinakamalalakas na kalahok mula sa iba't-ibang guild, alam kong napakahirap nito. Pero...

Baguhan palang naman ako. Ang karangalan ng guild din ang nakataya para sa tournament na 'yon. Malaki rin ang tyansa na hindi ako pipiliin ni Red–este–Stager Red para makasali.

Bakit pa ako kinakabahan na baka ako mapili niya, mahina lang naman ako. Siya na nga mismo ang nagsabi.

Sige. Ngayon ko tatanggapin na wala akong alam at mahina. Kahit ngayon lang hangga't nakapili na siya ng Tyro.

Nakarinig kami ng sunud-sunod na pagkatok sa pintuan. "Sino 'yon?" Pagtataka ko.

"Aba! Malay ko. Tingnan mo kaya ano?" Humiga si Nisha na parang tinatamad.

"Oo nga Irine. Tingnan mo para malaman mo. " Humiga rin si Cyndel.

Napailing ako. Ayaw pa nilang sabihin na tinatamad silang magbukas ng pinto.

Tumayo kaagad ako at binuksan ang pintuan.

"Bakit po–" Nagulat ako kaya bigla ko itong isinara.

Bakit nandito siya?! Minamalikmata lang ba ako? Pinunasan ko ang dalawang mata ko.

Muli na namang kumatok ang nasa labas. Hindi naman sigurong siya 'yon.

Huminga ako ng malalim

Binuksan ko ulit ang pintuan kahit kinakabahan ako pero sinara ko kaagad ulit ito.

Hindi! Hindi maaari 'to!

Kinausap ko ang sarili ko. Hindi naman mangyayari 'yung iniisip ko kanina diba? Diba? Diba?

Lumundag ang puso ko nang kumatok na naman siya. Huminahon ka, Irine. Kumalma ka. Baka iba ang pakay niya dito.

Binuksan ko ulit ang pinto at–

"Subukan mo lang ulit isara 'yang pinto, sisirain ko na 'yan nang tuluyan. "

Tama. Si Red nga.

"Ano bang kailangan mo?"

Kumunot ang noo niya. "Sinusungitan mo ba ang Stager ng guild mo?"

"Hehe. Joke." Nagpeace sign ako.

Pero sa loob loob ko, nagdadasal na ako na sana hindi ako ang piliin niya para sa tournament. Bakit kasi lagi akong malapit sa kanya eh!

Naramdaman kong sumisilip sila Cyndel at Nisha mula sa likod dahil nakarinig ako ng nagbubulungan.

"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko.

H'wag mong babanggitin ang tournament!

H'wag mong babanggitin ang tournament!

H'wag mong babanggitin ang tournament!

"Hapunan na. Bumaba na kayo," usal niya bago ako tinalikuran.

Napangiti ko. Yes! Wala siyang binanggit na tournament! Magdiwang! Napasayaw ako sa saya. Malabo nga naman na ako pipiliin niya. Ano ba kasi 'tong naiisip ko? Natawa ako at napailing.

Malabo talagang ako ang pipiliin niya. Goodluck nalang kay Bryan. Lalo akong napaindak.

"Pero.. " Napatingin siya akin. "Anong ginagawa mo?"

Napatigil ako sa pagsasayaw.

Napatayo ako ng maayos. "Wala."

Tinago ko ang mukha ko dahil sa hiya.

"Sinasabihan na rin kita... "

"Na?" Ngumiti ako sa kanya. Maganda ang pakiramdam ko ngayon. Mukhang wala namang sasabihin si Red, nawala na rin ang kaba ko.

Lumawak ang ngiti ko.

"Ikaw ang isasali ko sa tournament."

Nawala kaagad ang aking ngiti.

"Ano? Pakiulit? Ako?" Hindi ako makapaniwalang tinuturo ang sarili ko.

Hindi niya ako sinagot. Tinalikuran niya ulit ako at umalis. Hahabulin ko na sana ang papaalis na si Red pero bigla akong hinila nila Cyndel at Nisha papasok.

"Irine! Binabati kita!" Yakap sa 'kin ni Nisha.

"Ako rin! Ako rin! Ang swerte mo!" Sumama si Cyndel sa 'min.

Kumalas ako sa yakap nila. "Swerte ba 'yon? Swerte bang matatawag na kailangan kong makipaglaban sa iba? Paano kung may patayan?"

"Ha?" Tiningnan nila ako ng di makapaniwala. "Ang layo mo naman kung makapag-isip. Bawal ngang pumatay diba? Isa 'yong malaking kasalanan,"usal ni Nisha.

"Kahit na!" Hindi maganda ang nararamdaman ko sa tournament na 'yan. "Kakausapin ko siya at sasabihin kong ayokong sumali."

Kaagad kaming bumaba para kumain ng hapunan pero hindi ko nakausap si Red dahil nasa tabi niya sila Sov at Mestro kaya nang nauna siyang umalis, tumayo rin ako para habulin siya.

"Red!" Tawag ko sa kanya habang pumapaakyat kami sa hagdan. "Ayokong sumali sa tournament!"

Nangawit ang tuhod ko. Bakit ba kasi mas gusto niyang umakyat gamit ang hagdan imbes na ang elevator?

"Red!"

Napatigil siya at lumingon sa 'kin.

"Wala ka ng magagawa." Sinungitan niya ako at naglakad ulit papalayo sa 'kin.

Mukhang mahihirapan na naman ako dito. Bwisit! Patuloy ko lang sinusundan at kinakausap si Red habang paakyat kami ng hagdan. Sa totoo lang...

Nakakapagod 'tong ginagawa ko.

"Red!" Pumunta ako sa harap niya kaya napatigil siya. "Bakit ba kasi ako pa ang pinili mo?"

Ngunit parang wala siyang narinig dahil nilampasan niya ulit ako.

Napasimangot ako. Kahit anong gawin ko ayaw talaga kong payagan ni Red na magquit sa tournament.

Tumakbo ulit ako sa harap ng nilalakaran niya kaya napatigil muli siya.

"Sagutin mo muna ako," diing sabi ko. "With valid reasons."

Tinitigan niya lang ako nang ilang segundo bago muling naglakad at nilampasan ako.

"Red!" Nilingon ko siya.

Bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko.

"Red naman!"

Binilisan ko ang paghabol sa kanya dahil malapit na siya sa kwarto niya. Binuksan niya ang pinto.

"Red–" Napaatras ako. Naisarado niya na ang pinto.

Halos pinagbagsakan na ako ng lupa. Heto na naman po kami, pipilitin ko na naman siyang buksan ang pintuan ng kwarto niya na pinaghirapan kong puntahan dahil nasa tuktok ng building.

Ang déja vu ha? Gawin ko kaya ulit yung mga plano ko noong pinilit ko siyang lumabas sa kwarto niya.

Ano na ulit 'yung Plan A?

"Kailangan na pong paghandaan ang Locus Tournament, Mestro."

Nagulat ako nang narinig ko si Sov na paakyat ng hagdan papunta sa floor na ito.

Anong ipapaliwanag ko sa kanila kapag nakita nila akong nasa harap ng kwarto ni Red? Baka ano pang isipin nila. Kailangan kong makahanap ng matataguan.

Aligaga akong naghanap ng mga bagay na malalaki para mapagtaguan ko pero wala akong makita.

"Hayaan mong si Red nalang ang mamili." Nanlaki ang mga mata ko. Kasama niya si Sister?

Naririnig ko ang usapan nila dahil sa echo sa hallway ang mga boses at masasabi kong malapit na sila.

Sinubukan kong katukin ang pinto. Bigla naman itong bumukas at may humila sa akin papasok.

"Waaaa-mmmppp!"

"Tumahimik ka nga," bulong ni Red.

Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Red na malapit sa 'kin.

Nakahawak ang kanang kamay niya sa bewang ko at ang kaliwa niya naman ay tinatakpan ang bibig ko. At ang malala pa, wala nang space sa pagitan namin.

Kumatok ang nasa labas. "Red? Nandiyan ka ba?" Tanong ni Sov.

Nagulat kaming dalawa. Halata sa mukha ni Red ang kaba at bigla niya akong hinila papalayo sa pinto.

"Anong gagawin mo?" Bulong ko.

Pero hindi niya ako sinagot dahil tinulak niya ako papasok ng malaking closet niya.

"Nababaliw ka na ba-"

"Shhh. Dito ka lang. H'wag kang lalabas kundi malalagot tayo." Usal niya.

Napatango ako. Sinara niya ang pintuan ng closet at umalis. Nakarinig kaagad ako ng nag-uusap na mga tao.

In fairness, mabango ang loob ng closet niya. Napaupo ako sa kumpol niyang damit at sumandal sa malalambot na telang kumukuskos sa balat ko.

Ang komportable naman dito. Ang sarap tuloy matulog.

Karamihan sa mga damit niya ay shirts at denim jeans lang. May mga semi formal na long sleeve-shirts at neck ties. Pati na rin uniforms.

Nandito kaya mga underwears niya? Tinakpan ko ang bibi ko at pinigilang matawa.

Napasandal ako sa bandang pintuan ng closet para mapakinggan sila. Nadismaya ako nang wala man lang akong marinig mula sa nag-uusap. Ano ba 'yan!

Binuksan ni Red ang pinto kaya natumba ako palabas ng closet.

"Aray!" Hinimas ko ang siko ko.

"Ano ang tingin mo sa closet ko? Kwarto?"

Tiningnan ko siya ng masama. Siya kaya ang tumulak sa akin papaloob ng closet.

"Kasalanan ko bang mabango sa loob. " Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

Tumingala ako sa kanya. "Ang sabi ko, hindi ako sasali sa tournament."

Napasabunot siya sa buhok niya na parang nawawalan na ng pasensya.

"Ang kulit mo." Umupo siya sa kama niya at hinaplos ang balahibo ni Fiery na natutulog. "Hindi ka na pwedeng umatras. Nasabi ko nang ikaw ang napili ko at pumayag sila Blue at Mestro."

Lumapit ako sa kanya."Bakit kasi ako? Magbigay ka muna ng rason kung bakit ako ang napili mo."

"Ayoko."

"Red naman."

"Ayoko."

Tiningnan ko siya na para bang 'di makapaniwala. Ang laking disadvantage kapag ako ang sumali, kung alam niya lang na kararating ko lang sa Amaryllis at hindi ko pa napag-aaralan ang mga genus dito kaya wala akong kaalam-alam kung ano ang mga kakayahan nila! Hindi naman pwedeng ibigay ang lahat ng impormasyon at aaralin ko siya ng wala pang isang buwan?

Binuksan ko ang bibig ko para sabihin ang totoo sa kanya. Pero tumigil ako.

"Bahala ka nga. Basta hindi ako sasali. Hindi, hindi, hindi!" Tinalikuran ko siya.

Delikado. Parami na nang parami ang mga nakakaalam sa katauhan ko at delikado para sa 'kin 'yon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakaling malaman nila ang totoo.

Bubuksan ko na sana 'yung pinto pero nakalock. Nagtaka ako. Paanong malalock ang pinto kung mula sa loob ang bubukas? May sira ba 'tong pintuan na 'to?

Nanliit ang mga mata ko at lumingon kay Red na prenteng nakahiga sa kama at ginagawang unan ang mga braso niya.

Sa tingin ko, siya ang dahilan kung bakit hindi ko mabuksan yung pinto.

"Red." Binantaan ko siya. Hindi man lang natinag sa boses ko.

"Red. Buksan mo ang pinto."

Nagkibit-balikat lamang siya.

"Red naman! Parang-awa mo na h'wag kang maging makulit ngayon." Halos maiyak na ako dahil sa katigasan ng ulo ng nakahiga sa kama.

"Kapag hindi mo bubuksan ang pinto, hindi kita bibilhan ng candy."

"Ano sa tingin mo sa akin, bata?" Napaupo siya.

"Oo! Dahil 'yon ang nakikita ko ngayon! Isa kang toddler!"

"Aba't-" Napahilamos siya ng mukha. "Dahil sa ginagawa mo, hindi na kita papaalisin dito sa kwarto hanggang sa araw ng event."

Nanlaki ang mga mata ko. Pinuntahan ko siya sa kama niya.

"Bakit nga ba kasi ako?!" Tumaas ang boses ko.

Hindi niya ako sinagot at nilalaro lang ang maliit na bolang apoy na nakalutang sa harap niya.

Mukhang ayaw niya talaga akong payagan na magquit sa event. Kailangan kong mag-isip. Paano ko ba mapapalambot ang puso ng isang 'to?

"Sa ayaw mo sa hindi, dito ka lang." Nahiga siya sa kama at balak matulog.

Tototohanin niya talagang ikulong ako dito?

"Red!" Sigaw ko. Kailangan ko na talaga ng mga plano. Kung kaya ipakagat ko siya kay Fiery?

Ay hindi pwede. Baka ako pa ang makagat.

Gawin ko kaya siyang yelo? Napailing ako. Mas malakas pala siya sa 'kin. Baka maging roasted enchanter pa ako.

Babantaan ko nalang siya na lalayas ako.

Napaisip ako. Wala pala akong mapupuntahan kapag umalis ako.

Biglang nagpop sa isip ko ang isang ideya. Ngumisi ako at humugot ng malalim na hininga bago sumigaw.

"RED! Ilabas mo ko sa kwarto mo!" Buong giting akong sumigaw kaya napatakip siya ng tenga gamit ang unan niya.

Ayaw mo pa ha? Tumayo ako at humugot ng madaming hangin.

"RED! H'WAG MONG GAWIN SA 'KIN 'TO! H'WAG MONG KUNIN SA 'KIN ANG PINAKAIINGAT-INGATAN KO!"

Napaupo si Red at tiningnan ako ng parang hindi makapaniwala. Ngumisi ako. Ginusto mo 'to eh.

"PLEASE H'WAG PO! BATA PA AKO! RED!"

"Nababaliw ka na ba?! " Napatayo si Red at halata na sa mukha niya ang sobrang pagkayamot.

Natawa ako dahil namumula na siya. Nakakatuwa 'to!

"REEEEDDDDD! MAAWA KA SA 'KIN–AHH!" Bigla siyang tumakbo kaya tumakbo rin ako.

"AHH! HINAHABOL NIYA AKO!"

"Itigil mo yang ginagawa mo!" Banta niya.

Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo sa buong kwarto niya. Bahala siya! Siya ang may gustong ikulong ako dito, edi magsisi siya.

Tumalon ako sa kama kaya nagising si Fiery at tumalon ulit ako pababa pero sa kasamaang palad, napatid ako.

"ARAAAAAY KO RED!" Napaupo ako. Hinawakan ko ang kanang paa kong unang bumagsak sa sahig kanina.

Aligagang lumapit si Red at tumingin sa 'kin na puno ng pag-aalala.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

Tumango ako nang hindi ko namamalayan.

Hinawakan niya ang paa ko at minasahe ito. Kaagad naman akong napatitig sa mukha niya. Mas malapit sa 'kin si Red ngayon kumpara noong ginagamot niya ang mga palad ko.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Nakakatuwang pagmasdan ang matangos niyang ilong, ang labi niya, lalo na ng mga mata niyang nagbibigay ng tunay niyang emosyon.

Hinawi ko ang buhok ni Red para mas makita ko ang mukha niya.

Napatingin siya sa 'kin.

Napasinghap ako. Bakit ko ginawa 'yon? Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumalim pa ang mga titig niya.

Hindi ko rin maialis ang mga mata ko sa direksyon ng mga mata niya. Napamisteryoso ng mga ito. Parang may sinasabi ngunit hindi ko maintindihan. Kasalukuyang, naguguluhan ang emosyon ko at gusto kong lumayo pero hindi ko kaya.

Tumikhim si Red at inalis ang tingin niya sa 'kin. Bumalik na rin ako sa realidad at inayos ang upo ko.

"Ayos na yang paa mo. Tumayo ka na," usal niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Salamat." Tumayo ako at gano'n din siya.

Hindi ako makatingin kay Red. Ano ba 'to?! Kani-kanina lang kaya ko pa siyang matingnan ah. Napatingin na lamang ako sa bedside table niyang may nakapatong na libro. Nilaro ko ang mga daliri ko.

Nabalutan ng katahimikan ang buong kwarto. Napakamot tuloy ako ng ulo. Ang awkward kaya.

"Ahm.."

"Ahm.."

Napatingin kami sa isa't-isa nang sabay kaming nagsalita. Ngunit kaagad kaming lumihis ng tingin.

"May sasabihin lang ako kay Blue," sabi niya at mabilis na naglakad para umalis ng kwarto.

Nang maisara niya ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag. Napaupo ako at hinawakan ang dibdib ko. Parang hinahabol ako dahil sa bilis ng tibok nito.

Puso, kalma. Please, kumalma ka.

Lumapit si Fiery sa paanan ko at dinilaan ang napilay kanina.

Napangiti ako. "Ayos lang ako, Fiery."

Kinuha ko siya at binuhat. Hinaplos ko ang mga balahibo niya at tyaka ko lang napansin na kasing kulay ng mga mata ni Fiery ang mata ni Red.

Aakalain mo talagang itim, pero dark brown kapag nilapitan mo.

Napatingin ako sa pintuan nang bumalik si Red. Kaagad niyang isinara ang pintuan na para bang balisa at kinakabahan.

Nagtaka ako. "Problema mo?"

Tumingin siya ng masama sa akin at napasabunot sa buhok. "Kasalanan mo 'to."

Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ano ba kasing nangyari at parang–"

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan at iniluwa mula roon si Sister, Cyndel, Nisha, Sov at mga kamiyembro ko mula sa Tainted Family.

"Red, ano ang ginagawa niyong kababalaghan dito?" Mariin na sabi ni Sister.

Napanganga ako. Mukhang narinig ng mga Tainted ang sigaw ko kanina.

"Wala, Mestro," bagot na sagot niya.

"Anong wala? Ang sabi ng mga Tainted ay balak mo daw agawin ang pinakaiingat-ingatan niya."

Natawa ang iba. Napayuko tuloy ako. Ngayon na ako nagsisisi kung bakit sinabi ko pa 'yon kanina. Nakakahiya!

Please lupa, kainin mo ako.

Tumingin si Red sa malayo na parang hindi niya alam ang sasabihin niya. Tiningnan ko ang mukha niya.

Namumula ba siya?

"Irine," Tawag pansin ni Sister. "Bumalik ka na sa kwarto mo. Mula ngayon, hindi ka na maaaring makapunta sa floor na ito nang hindi ka nagpapaalam. Maliwanag ba?" Seryosong sabi ni Sister.

Napalunok ako. "Opo."

"Sumama ka na sa mga kaibigan mo. At ikaw naman, Stager ng guild, kailangan nating mag-usap." Tinalikuran kami ni Sister.

Kinabahan ako sa inasal niya. Nakikita ko lamang ang seryosong Sister Leyva kapag galit siya. Napakagat ako ng labi, mukhang kasalanan ko ito at si Red pa ang mapapagalitan.

Sumunod si Red ng hindi ako tinitingnan, pati na rin si Sov at iba ay umalis. Si Nisha at Cyndel na lamang ang naiwan na kasama ko.

"Irine," Tawag ni Cyndel. "Anong ginagawa mo rito?"

Binitawan ko si Fiery. "Gusto ko lang pilitin si Red na huwag na akong isali sa event." Nahihiyang sabi ko.

Napabuntong hininga sila. "Wala ka ng magagawa, Irine. Nakasulat na ang pangalan mo sa listahan ni Rocio at ang magagawa mo nalang ngayon ay magtraining para hindi ka mapang-iwanan," sabi ni Nisha

"Pero-" Hinintay nila ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko na matuloy dahil napagtanto kong tumatakbo na pala ako sa mga pagsubok sa buhay ko na ngayon ko lamang ginawa. Dati ay wala akong tintakasang problema.

"Mukhang papagalitan si Stager Red," usal ni Nisha na ikinaagaw ng pansin ko.

At kasalanan ko 'yon.

"Bawal magpapasok ng Tyro sa mga kwarto ng mas mataas sa'tin. Pero, nilabag mo na naman ang patakaran, Irine,"

Napayuko ako. Nabalutan na naman ako ng konsensya.

"Pero..." Napatingin ako kay Cyndel. "ANO ANG GINAGAWA NIYO KANINA? AT ANO ANG TINUTUKOY MONG PINAKAIINGAT-INGATAN MO?!"

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Uh-" Nakita ko si Fiery. "Si Drax?"

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
97.3K 3.4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...