POSSESSIVE 9: Lash Coleman

By CeCeLib

41.4M 876K 238K

With his amethyst eyes, to die for smile and gorgeous body, Lash Coleman was a very handsome male specimen. G... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Special Chapter - OPERATION: Help Coleman Number 1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
EPILOGUE

CHAPTER 1

1.6M 33.8K 7.5K
By CeCeLib

CHAPTER 1

LASH TOOK OFF his sunglasses as the Black Pearl Cruise Ship was already near the Coleman's Port. After seven months of sailing around Asia, dumaong na sila sa wakas sa Pilipinas. Huminga siya nang malalim, saka ginawang headband ang sunglasses niya.

"Pahinga muna tayo after this," wika ni Lath na nasa tabi niya.

Tumango siya. "Yes. We should."

"Ilang buwan tayong mamamalagi rito sa bansa?" tanong ni Lath.

Alam niyang gusto nitong mamalagi sa bansa. Lath was Lath. He couldn't survive without being in land. Samantalang siya, ayos lang na wala siyang makikitang lugar at puro dagat lang. Maybe because the sea was his escape from his irritating father, annoying stepmother and his not so MIA stepsister, Nez.

Speaking of that woman...

Lash wondered, nasaan na kaya ngayon ang babaeng 'yon? Ano kaya ang pinaggagagawa nito sa buhay? Nang dumating ito sa bahay nila kasama ang ina, she was just fifteen years old. Nanatili pa si Nez sa bahay nila ng tatlong taon—three years na wala siya sa kanilang bahay at tuwing summer lang umuuwi dahil nag-aaral siya sa abroad—pagkatapos ay nagdesisyon ang ama niya na ipadala si Nez sa London para doon mag-aral ng kolehiyo. Siya naman ay sa Stanford nag-aral.

Dahil sa paghihiwalay ng landas nila ni Nez, his life became peaceful but boring as hell. But Lash would take boring anytime rather than always having a huge boner every time Nez was near.

Tuwing sumasapit ang summer sa tatlong taong 'yon, his restrain was put into test. After that kiss in the shore, when Nez was just fifteen, alam niyang wala nang pag-asang maging maayos ang pakikitungo niya kay Nez. Every timeshe was near, all he could remember was the sweetness and softness of her lips pressed against his. Damn! Hanggang ngayon, naalala pa niya ang lasa nito.

That kiss was a mistake. Nang makita kasi niya ito sa dalampasigan at tinatawag ang pangalan ng kanyang kakambal, mas nadagdagan ang iritasyong nararamdaman niya. So he kissed her and he liked it.

Then regret rushed in.

Yes, he liked Nez. More than he should, actually. But she was his stepsister. Hindi niya dapat nararamdaman 'yon sa kapatid niya.

Bullshit! They were not blood related for Pete's sake!

But who cared? Nez was long gone and it seemed that she was not coming back. Kaya nga gusto niya itong ipahanap kay Shun. But Mr. Detective was busy with his love life and now with his newborn son—Saito Becker.

Weird name.

"Hindi ko alam," sabi ni Lash, saka nagpakawala ng buntong-hininga. Ayokong manatili nang matagal. "Two months? Three?"

Lath grinned. "Make it three."

Wala itong ideya kung ano ang laman ng isip niya at kung ano ang hirap ang dadanasin niya sa tatlong buwan na yon.

Lash sighed. For his twin brother, he would endure.

"Lash?"

"Yes, Lath?"

"Tumawag si Daddy kani-kanina lang nang makasagap ng signal ang cell phone ko."

Agad na nasira ang kanina pa niyang sirang mood. "'Tapos?"

"Nagtanong kung uuwi raw tayo."

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "'Tapos?"

"I said yes. Mukhang nagmamadali siyang makauwi tayo. Sabi niya may welcome party daw, eh."

Lash grimaced in irritation. "Since when did Dad throw a welcome party for us?"

"Not for us." Lath rested his elbow on the railing. "For Nez."

Lash froze. Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang kadahilanan. Was he nervous or excited? I'm fucked. This is not good.

It had been ten years since he last saw Nez. Ano ang mararamdaman niya kapag nakita ito? Would his feelings for her resurface?

Let's see...

"Ganoon ba?" Umakto siyang walang pakialam. Sa nakalipas na sampung taon, Lash, too, perfected the art of pretending and masking his emotion. "Sana hindi na lang siya bumalik."

Eh, di sana hindi ko nararamdaman ang emosyong ito na lumalabas lang kapag nakikita ko siya.

"Huwag ka ngang ganyan," saway ng kakambal. "Nez is actually nice," pangungumbinsi nito sa kanya. "Give her a chance, will you? Akala ko nga masama ang ugali niya, pero mali ako. Nez is nice, well, except to you. Ikaw naman kasi, palagi mong inaaway at ginagalit tuwing umuuwi tayo noon sa bahay."

Lash shrugged nonchalantly. "She just pissed me off."

"Alam ko." Tumayo nang tuwid si Lath, saka tinapik ang balikat niya. "Come on. May despedida party pa tayong aasikasuhin bago natin tuluyang idaong ang Black Pearl sa port."

Tumango si Lash, huminga nang malalim, saka malapad na ngumiti. "It's party time."

Lath grinned widely. "Let's party."

Three hours later, the despedida party was in full blast. Lahat ng nakasakay sa Black Pearl, mula sa mga guest hanggang mga crew, present lahat. Nagsasayawan, nag-iinuman at nagkakantahan.

At sa sulok niyon ay naroon si Lash at nagmamasid lang sa nangyayari. Wala siyang aasahan kay Lath, his twin was a party animal.

"Hi." A seductive voice purred over his left ear.

Binalingan niya ang babaeng tumabi sa kanya. Tinaasan niya ito ng dalawang kilay. "Ano'ng kailangan mo?" Halata ang iritasyon sa boses niya.

Scowled was visible on his face but the woman didn't back down. Ngumiti ito sa kanya na nang-aakit. "Want to spend the night with me, Mr. Coleman?"

Tinitigan niya ang babae na halatang inaaya siyang makipagtalik. Wala siyang maramdamang pagkagusto man lang dito. Yes, she was pretty but not enough to meet his standard.

Ibinalik niya ang tingin sa dance floor. "No, thanks," he said in a dismissive voice.

Thankfully, the woman left. Thanks goodness. Ayaw niya ng sakit sa ulo bukas ng umaga. Mukhang pareho sila ng inisip ng kakambal dahil nakita niya si Lath na nasa bar at umiinom mag-isa.

Not wanting to be alone and to be women's apple of the eye, nilapitan ni Lash ang kakambal at umupo sa katabi nitong stool.

"Ilan 'to?" birong wika ni Lash, saka iniharap sa mukha ang kamay niya na naka-fuck you sign.

"Fuck you too," Lath grumbled and drank his Martini again. "Wala ako sa mood, Lash."

"At bakit?"

Uminom na naman ito ng Martini sa baso. "Wala ka na roon." He burped. "Bukas, uuwi na tayo."

"Oo nga." Um-order siya ng whiskey sa bartender. "I don't want to go home."

"Isn't it the whole reason behind Black Pearl Cruise Ship?" Mahinang tumawa si Lath at umupo nang maayos sa stool. "I mean half of the reason. At least ako, kahit paano, I can stand Dad. Eh, ikaw? Ilang minuto pa lang kayong magkaharap, para na kayong bombang sasabog."

Nalukot ang mukha niya. "Don't remind me. Saka may kinalaman ang pakikitungo niya sa akin sa nangyari ten years ago. Minsan nga iniisip ko, mas gusto niyang anak si Nez kaysa sa atin."

Nagkibit-balikat si Lath. "Sa tingin ko rin. But come on, Lash, we're already thirty-one. Hindi na tayo mga bata. It's time to forgive and forget."

"I can't," agad na tugon niya. "Masyadong malalim ang galit ko kay Daddy para sa forgive and forget na 'yan."

Lash sighed. "Whatever you say, brother-mine. Whatever you say."

Tumahimik si Lash hanggang sa maubos niya ang in-order na whiskey. And after that whiskey, he ordered a bottle of rum. Nilunod niya ang sarili sa alak hanggang sa hindi na niya kayang umahon pa.



"LATH, NASAAN na ba iyang kakambal mo, ha? Kanina pa nag-umpisa ang welcome party pero wala pa rin siya. Nasaan ba siya, ha?!"

Ang galit na boses ng kanyang stepfather ang bumungad kay Nez nang pumasok siya sa kabahayan.

Lash was not here? Nakahiga siya nang maluwag. Thank God. Hindi niya alam ang iaakto kung naroon ito sa welcome party niya. He had always hated her for a reason that was unknown to her. Wala naman siyang ginawang masama rito.

It was the other way around.

Ito ang may ginawang masama sa kanya. He kissed her! It was a mistake, alam niya iyon. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kung umakto si Lash ay parang siya ang may mali, na parang siya ang humalik dito!

Oh, well, it was in the past. Hindi na siya ang dating Nez na nasasaktan tuwing inaaway o sinisigawan siya ni Lash. She was now a woman capable of handling herself in any situation.

"Hindi ko alam, Dad," sagot ni Lath, saka napatingin sa gawi niya. His eyes widened. "Nez?"

Ngumiti siya sa stepbrother niya na itinuring siyang tunay na kapatid. "Hi, Lath."

"Wow," Lath exclaimed. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya. "Nez, wow, look at you." Niyakap siya nito nang mahigpit. "Mas gumanda ka lalo," sabi nito nang pakawalan siya.

Mahina siyang tumawa. "Salamat." She felt flattered. "Ikaw rin, mas gumuwapo ka."

Lath rolled his eyes. "Alam ko 'yon. No need to tell me. I know I'm downright handsome with my gorgeous eyes and hot body."

Alam niyang nagbibiro ito dahil tumatawa at halata ang kislap sa mga mata.

Magsasalita sana siya para kontrahin ang sinabi nito pero bago pa niya maibuka ang bibig, umalingawngaw ang galit na boses ng stepfather niya.

"Lash! Where the hell have you been?!"

Napaigtad si Nez nang marinig ang pangalan ng isa sa kambal na masaya niyang iniwan noon nang ipadala siya ng stepfather niya sa London para mag-aral.

"Wala ako sa mood, old man."

Napalunok siya. That voice. That baritone voice. Lash. Oh, God. He was here and... he was drunk! Siguradong sisirain nito ang party niya katulad ng ginawa nito noong eighteenth birthday niya.

In a slow motion, Nez looked at Lash. At ganoon na lang ang lakas ng tibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. He was more handsome than ever. His jaw was now square and stubborn. His nose was straight and proud. His lips were thin, soft looking and natural red. His violet eyes were cold, unflinching and impassive.

Impossible. Hindi ito si Lash.

Ang Lash na iniwan niya sampung taon na ang nakakaraan ay madaling mabasa ang mukha. Lash was like a book before, so easy to read and understand. But ten years later, he wasn't like that anymore.

Inaasahan na niya ang nararamdaman nitong galit ngayong nagbalik na siya pero wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito.

"Lash." His name escaped Nez' lips before she could stop herself from saying it.

Matiim siyang tinitigan ni Lash. It felt like forever before he looked at his father. "I'm tired. I'm drunk. I need rest." Walang pakialam na nilampasan nito ang ama at umakyat sa hagdan.

"Lash! Come back here this instant!" sigaw ni Tito Leandro.

Malakas na bumuntong-hininga si Lash, saka lumingon. "Dad, kapag naki-party ako, nasisiguro kong sisirain ko lang ang welcome party ng..." Dumako ang tingin nito sa kanya. "Kapatid ko."

A shiver ran down her spine. Kapatid, he said with no emotion, yet Nez knew that that word was meant as sarcasm.

"Very well." Halatang hindi gusto ng stepfather niya iyon. "Matulog ka na. Ayokong masira ang party nang dahil sa 'yo."

Nakahinga nang maluwag si Nez nang magpatuloy sa pag-akyat sa hagdan si Lash. Napukaw lang ang pag-iisip niya nang akbayin siya ni Lath.

"Come on. Let's party."

Pilit siyang ngumiti. "Sige."

MULA SA KUWARTO ni Lash, dinig na dinig niya ang kasiyahang nangyayari sa malaking solar ng bahay nila.

What a lavish welcome party.

Well, hindi naman 'yon nakapagtataka, his father had a soft spot for Nez.

Nez...

His mind drifted back to the living room earlier. Ten years had passed, but she still possessed the beauty that caught not just his attention, but also something more. Ang mga mata nito at mapupungay pa rin, matangos ang ilong at natural na mapupulang labi. Walang ipinagbago ang babae maliban sa tapang ng kislap ng mga mata nito. Nang magtama ang mga mata nila kanina, he saw fierceness in her eyes that he'd never seen before.

Lash blew a loud long breath and pushed himself up. Nagtungo siya sa balkonahe na nakakonekta sa kanyang kuwarto at mula roon ay kitang-kita ang nangyayari sa party.

Kumulo ang dugo ni Lash nang makitang magkasama sina Lath ang Nez. Twenty-twenty ang vision niya kaya hindi siya puwedeng magkamali. Ang braso ni Lath ay nakaakbay sa balikat ni Nez.

Mabilis na inilabas niya ang cell phone at tinawagan ang kakambal. Wala siya sa tamang pag-iisip, his mind was hazy with jealousy creeping into his chest.

"Lash?" nagtatakang paniniguro ni Lath kung siya nga ang tumatawag.

"Tanggalin mo ang braso mo sa balikat ni Nez. Kung hindi, puputulin ko 'yan," Lash said in a menacing voice that even the devil would be afraid.

Nakita niyang umawang ang mga labi ni Lath sa gulat at mabilis na tinanggal ang braso sa balikat ni Nez. Pagkatapos ay tumitig ito sa gawi ng balkonahe niya. Dahil madilim ang kinaroroonan niya, alam niyang hindi siya makikita nang maayos si Lath.

"Lash, nasaan ka? Lasing ka ba?" nag-aalalang tanong nito.

Lath seldom worried about him, well, Lash seldom used a menacing voice to Lath. "I'm okay. Just don't touch her."

"Si Lash ba 'yan?" pabulong na tanong ni Nez pero narinig niya.

Pinatay ni Lash ang tawag bago pa niya marinig ang sagot ni Lath. Umalis siya ng balkonahe at bumalik sa loob ng kuwarto niya.

Minutes passed before Lath barged into his room. May habit talaga ang kakambal niya na hindi ito kumakatok.

"Lash..." Isinara nito ang pinto at magkasalubong ang mga kilay na tinitigan siya. "Ano ba ang problema mo? What's with the phone call? Look, Nez doesn't deserve your grumpiness, okay? Lay off. Saka inakbayan ko lang naman siya. What's the big deal?"

I'm fucking jealous! That's the big deal!

Humiga siya sa kama. "Go back to the party, Lath. Leave me alone. Wala ako sa mood."

"Whatever." Lumabas si Lath at malakas na isinara ang pinto ng kuwarto niya.

Lash sighed. This was going to be a very long and torturous three months. Hindi na siya makapaghihintay na sumakay uli sa Black Pearl at lumayo sa bansang iyon. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

58.7M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...
58.1M 1M 25
Eight years ago, Iuhence met Mhelanie Tschauder at his mother's birthday party. She was the most stunning and ravishing woman his eyes ever laid on...
47.4M 1M 51
Iris Gonzaga-Racini had made peace with her unusual life. Married, but miserable and lonely, Iris vowed to live life to the fullest. When she is invi...
47M 952K 31
Phoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury him...