WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 48
***
Nakaupo si Hector sa kanyang opisina nang tumunog ang telepono. Inilagay muna niya ang hawak-hawak na ballpen sa mesa bago niya sinagot ang tawag.
"Hello."
"Sir, si Miguel poi to," sabi ng sa kabilang linya.
Napaupo nang tuwid si Hector sa kanyang kinauupuan.
"Anong balita?"
"Positive po sir."
Parang wala sa sarili niyang binaba ang telepono sa narinig.
****
PURITA'S POV
Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang makasalubong ko si Eileen. Andami nitong librong bitbit.
"May libro pa bang natira sa library?" nang-aasar kong tanong sa kanya.
"Nice joke. Pero ayokong maging joke pagdating ng evaluation."
"Dinig ko nag-date daw kayo kahapon ni Mario ah?"
Gulat na gulat siya sa sinabi ko at tiningnan pa ang paligid kung may tao. Mas lalo siyang lumapit sa akin.
"Huwag ka ngang maingay," bulong niya.
"Okay. Saka wala namang problema kung nagdi-date kayo di ba? Match made in heaven kaya kayong dalawa," natatawa kong sabi sa kanya.
"Nakakainis ka talaga. Anyway, nakita mo ba si Joshua? Kailangan na naming mag-review eh."
"Si D-Dyuswa?"
Halos sabay kaming bumaba ng hagdan para mag-agahan. Wala kaming imikan nang makarating kami sa kusina para kumain. At tulad ng dati, kaming dalawa lang.
"I'm sorry," sabi niya.
Napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya. Gusto ko sana siyang sagutin pero nakita kong seryoso siya kaya minabuti ko na lang na tumahimik.
"Wala kang sasabihin?" patuloy niya.
"Pasensiya rin."
"For what?"
"Dahil nag-over acting ako kahapon?"
"Wala 'yon," sabi niya saka patuloy na sa pagkain.
"May itatanong sana ako sa'yo."
Tiningnan muna niya ako bago nagsalita. "Ano?"
"Hindi ko alam," sagot ko kay Eileen.
"Anong hindi mo alam? Eh nasa iisang bubong lang kayo?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
Minabuti kong hindi na lang siya sagutin saka nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Purita!" habol niya sa akin.
"Ano ba?"
"Tatawagan ko siya ngayon," sabi niya sabay kuha ng cellphone niya.
Kaagad ko namang kinuha ang kanyang cellphone. Hindi niya pwedeng tawagan ngayon si Dyuswa.
"Huwag mo muna siyang tawagan ngayon."
"At bakit? Meron pa kaming idi-discuss."
"May bukas pa naman di ba?"
Pilit niyang kinukuha sa akin ang cellphone niya pero mas matangkad ako sa kanya kaya hindi niya ito makuha sa akin.
"Kung tatawagan mo siya ngayon, malalaman ng buong school na nakikipag-date ka kay Mario."
"Bina-blackmail mo ba ako?"
"Hindi. Binibigyan lang kita ng option. Maniwala ka, ginagawa ko lang 'to para sa kapakanan ng lahat," sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.
###
Pagkatapos ng klase ay hindi muna ako umuwi ng bahay. Naisipan kong pumunta muna sa bahay, sa totoo kong bahay. Pagkarating ko roon ay iginala ko ang aking paningin. Na-miss ko talaga ito. Ang amoy ng bahay, ang dampi ng mga kagamitan sa balat ko at ang ingay ng aking mga magulang.
"Sabi ko na nga sa'yo na hindi mo pwedeng puntahan do'n ang anak mo Oscar! Hindi sila tumatanggap ng bisita doon," narinig kong sigaw ni inay.
"Wala akong pakialam. Gusto ko lang makita ang magandang pagmumukha ng anak natin. Kahit iyon lang."
Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa sinabi ni itay. Kaya mahal na mahal ko si itay eh. Sobrang anest. Hihi.
"Oscar! Naiinis na ako sa'yo ha? Baka gusto mong itakin na lang kita para tuluyan ka nang mawala!"
"Sige! Gawin mo. Mabuti na nga iyon para hindi na kayo mahirapan!"
"Ah, hinahamon mo talaga ako ha."
"Inay! Itay! Itigil niyo 'yan," pigil ko sa kanila.
Hawak-hawak na ni inay sa kanyang kaliwang kamay ang itak at sinasakal naman ng kanan niya si itay.
"Purita?"
"Anak!"
Kaagad akong lumapit sa kanila saka niyakap sila nang mahigpit. "Na-miss ko po kayo!"
"Kamusta ka anak? Hindi ka ba nahihirapan sa pagre-review mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni itay.
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayoko talagang magsinungaling sa harapan niya.
"Okay lang po itay."
"Pupuntahan sana kita ngayon pero buti na lang at dumating ka. Kung hindi, isa na siguro akong malamig na bangkay," sabi nito at masamang tiningnan si inay.
"Anong ginagawa mo rito Purita?" tanong sa akin ni inay.
Kitang-kita ko sa mga mata niya na na-miss din niya ako pero alam ko rin naman kung bakit gano'n ang tanong niya sa akin.
"Bakit ba ganyan ang tanong mo sa anak natin? Hindi mo man lang ba siya na-miss kahit konti?"
"Tumahimik ka nga Oscar. Kanina ka pa."
"Babalik din naman po ako pagkatapos nito. Gusto ko lang pong i-check kung okay lang kayo rito."
Saglit pa akong tiningnan ni inay at nginitian ako.
"Dito ka na maghapunan."
Lumapit ako sa kanya saka niyakap siya nang mahigpit. "At mas na-miss ko po ang luto niyo."
####
"Anak, ba't di mo kasama si Purita?"
Nagtatakang tiningnan ni Joshua ang kanyang mommy.
"Wala pa po siya rito?"
"Akala ko ba ay sabay kayong uuwing dalawa?" balik-tanong nito sa kanya.
Kaagad na binaba ni Joshua ang kanyang bag sa sofa.
"Wala na po siya kanina sa school eh."
"Oh my God. Eh saan pumunta ang batang iyon?" nag-aalala nitong sabi.
Lumapit siya sa kanyang mommy at hinawakan ito sa magkabilang-balikat.
"Don't worry 'My. Hahanapin ko siya. Sigurado akong may pinuntahan lang 'yon."
"Magpasama ka sa driver natin. Gabi na anak. Baka kung anong mangyari sa kapatid mo."
Mabilis siyang lumabas ng bahay at tinawag ang driver nila. Saan na naman kaya pumunta ang babaeng iyon? Alam naman nitong delikado na ang magpagabi sa daan eh. Hindi kaya galit ito sa kanya? O di kaya sumama ang loob nito dahil sa sinabi niya.
"May itatanong sana ako sa'yo."
"Ano?"
"Mahal mo pa ba si Diane?"
"O-oo."
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Imposible naman sigurong maglayas ito nang dahil lang doon di ba? At isa pa, hindi niya naman ito pinaasa eh. Dati pa ay vocal na siya rito na hindi niya ito gusto. Kaya kampante siyang naiintindihan nito ang sinabi niya. Saglit siyang nag-isip sa mga posibleng pupuntahan nito. Hindi kaya umuwi ito sa bahay nila?
Lumabas sa bahay nila ang tita ni Purita na si Sarah. Nagulat nga rin ito nang makita ako.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Nandito ba si Purita?"
"Kanina pa siya nakaalis."
Natahimik siya sa narinig. Kung kanina pa ito nakaalis, eh saan ito pumunta?
"Pero teka, bakit hinahanap mo siya? Hindi ba siya umuwi sa inyo?"
"Hindi pa."
"Diyos ko naman. Saan pumunta ang batang iyon? Tama ang hinala ko talaga kanina eh."
"Anong hinala?"
"Nang magkita kami ay bigla na lang niya akong niyakap saka umiyak nang umiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman siya nagsasalita," nag-aalala nitong kuwento sa kanya.
Kaagad siyang nagpaalam kay Sarah at sumakay na ng kotse. Wala siyang pinapalampas na daan. Bawat kanto ay nagtatanong siya kung nakita ba nila si Purita. Bumaba siya ng sasakyan at nagtanong sa isang tindahan. Pamilyar sa kanya ang mukha ng matandang babae.
"Lola, nakita niyo po ba si Purita?"
"Oo. Nandito lang siya kanina. Nagbayad siya ng kanyang utang sa akin. At nagpa-load. Bakit ba iho?"
"Alam niyo po ba kung saan siya pumunta?"
"Sa kaliwang daan siya lumiko kanina eh."
"Salamat po lola."
Nagmamadali siyang naglakad. Baka maabutan pa niya si Purita. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Purita. Out of reach. Lihim siyang napamura.
"Pare ang ganda ng chicks kanina. Sayang at naunahan tayo ng kabilang grupo."
Napahinto siya nang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa waiting shed.
"Isang malaking sayang talaga. Sigurado akong birhen pa 'yon. Preskang-preska."
Medyo alanganin siyang lumapit sa mga ito. Kinakabahan siya sa posible niyang marinig.
"Mawalang-galang na po. Pero ito po ba ang babaeng pinag-uusapan niyo?"
Ipinakita niya sa mga ito ang picture ni Purita sa kanyang phone. Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"Teka, hindi masyadong malinaw eh," sabi ng isang lalaki at kinuha sa pagkakahawak niya ang phone.
"Oo nga. Ito 'yong babae," segunda ng isa pang lalaki.
"Sigurado po ba kayo sa nakita niyo?"
"Sigurado kami bata. Kaya amin na lang 'tong cellphone mo!"
Kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki matapos kunin ang cellphone niya.
"Hey! Saan siya dinala?!" sigaw niya sa mga ito.
HINIHINGAL na si Joshua sa kakatakbo pero hindi niya pa rin makita si Purita. Nakaabot na siya sa central plaza pero wala rin ito rito. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng dalawang kumag na iyon. May plano lang talaga ang mga ito na kunin ang phone niya. Pero paano nga kung totoo ang sinabi nila? Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nangyari 'yon.
"Nasaan ka na ba Purita? Bakit palagi mo 'tong ginagawa sa akin?" sabi niya sa kanyang sarili.
###
Nasa isang restaurant si Hector at kasalukuyang kausap nito ang private inverstigator niyang si Miguel. Ito ang inatasan niyang hanapin ang totoo niyang anak.
"Ito sir 'yong mga litrato ng pamilyang kumupkop sa anak niyo," sabi nito at pinakita sa kanya ang mga litrato. Napako ang kanyang tingin sa isang bibong bata habang hawak-hawak nito sa litrato ang isang manika.
"S-siya ba ang anak ko?"
"Yes sir."
Kaagad niyang pinunasan ang kanyang mga mata. Hindi niya matanggap na wala na ang anak niya. Napakabata nito para mamatay.
"Pinasabog ang bus na sinasakyan nila papuntang probinsiya. Ito 'yong mga natagpuang pagkakakilanlan sa mga kumupkop sa anak niyo. At ito naman ang suo-suot na sapatos ng anak niyo sir. Siya lang ang nag-iisang batang pasahero sa bus na iyon."
Nanginginig ang kanyang mga kamay na kinuha ang sapatos.
"Binayadan ko na rin ang kamag-anak nila para huwag nang mag-ingay."
"M-mabuti."
"Eh anong plano niyo ngayon sir?"
"Wala na akong choice Miguel. Mahal na ng ina ko ang pinakilala ko sa kanya bilang nawawala niyang apo."
####
Pagod na pagod na si Joshua sa paghahanap kay Purita. Wala siyang makitang bakas nito kahit saan. Napuntahan na niya ang mga pinupuntahan nito. Pero wala pa rin. Kasalanan niya kung may nangyaring masama kay Purita. Kasalanan niya kasi siya ang dahilan kung bakit ito hindi umuwi sa kanila. At kasalanan din niya kung bakit sinagot niya ang tanong nito sa kanya kanina.
"Pero bakit parang nag-aalangan ka pa rin sa kanya?" tanong nito.
"She once broke my trust."
"Kaya natatakot kang magtiwala sa kanya ulit?"
"No."
"Eh saan ka natatakot?"
"Natatakot akong magmukhang tanga ulit."
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Walang problema sa pagiging tanga Dyuswa. Hindi nakakatakot magmukhang tanga sa taong minamahal mo."
"Anong gagawin ko?"
"Puntahan mo siya. Sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman para sa kanya," nakangiting sagot nito sa kanya.
Binilisan ni Joshua ang paglalakad. Kailangan niyang mahanap si Purita. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakikita. Napahinto siya sa paglalakad nang matanaw sa malayo ang isang babae.
"Bakit sinasabi mo sa akin 'to?" tanong niya kay Purita.
"Dahil isa akong tanga."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang mahal naman ng kamote niyo ale. Wala na bang tawad ito?"
Dahan-dahang lumapit si Joshua sa direksiyon nito.
"Kasi nga isa akong tanga na nagmamahal sa isang taong natatakot maging tanga sa pagmamahal."
Hindi niya napigilan ang ngumit nang mapag-sino ang babae. Parang nabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
"Aynako. Ang dugas niyo talaga ale. Pasalamat po kayo at paborito ko ang kamote. Kung hindi, hindi talaga ako bibili nito," nakasimangot nitong sabi sa tindera sabay abot ng bayad.
"Alam mo iha, ang ganda mo na sana eh. Kuripot ka lang," sagot ng tinder.
"Sa'yo na nga lang ang sukli ale."
"Talaga?"
"Sabihin niyo po muna ulit na maganda ako," nakangiti nitong sabi.
Ngumisi ang tindera at binigay na kay Purita ang isang supot ng kamote. "Napaka-ganda mo talaga iha. Salamat sa sukli mong limang piso ha?"
"Walang anuman po ale."
Natigilan ito nang makita si Joshua na nakatingin sa kanya.
"D-dyuswa?"
Mabilis siyang lumapit kay Purita. "Ano sa tingin moa ng ginagawa mo?"
"Ano?" gulat nitong tanong sa kanya.
"Alam mo ba kung anong oras na? Hindi mo ba alam na napagod na ako sa kakahanap sa'yo tapos nandito ka lang pala para bumili ng kamote? At dahil sa'yo nawalan na naman ako ng cellphone."
"Sino ba ang nagsabi sa'yo na hanapin mo ako ha? At ako pa ngayon ang sinisisi mo sa pagkawala ng cellphone mo? Alam mo nakakainis ka na talaga eh. Hindi ko na alam kung anong..."
Napahinto ito sa pagsasalita nang niyakap siya ni Joshua nang mahigpit.
"Masaya akong nakita kita Purita."