WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 44
PURITA'S POV
Dinala ako sa hospital na pagmamay-ari nina bhebhe ko. Maliban sa pananakit ng katawan ko ay wala na rin naman akong ibang naramdaman. Syempre except sa kilig na naramdaman ko habang buhat-buhat ako kanina ni Dyuswa palabas ng bahay. Sinabihan pa nga ako ni grandlolo na dapat ay sa psychiatrist na raw ako dalhin. Dahil daw imbes na masaktan ako at umiyak dahil sa pagkakahulog ko ng hagdan eh todo pa raw ang ngiti ko. Kasalanan bang kiligin ng lubusan? Hihi.
Wala sila mommy at daddy kaya naman si Dyuswa lang at grandlolo ang sumama sa akin sa hospital. Hindi na nila pinaalam kay grandlola ang nangyari dahil baka raw tumaas ang presyon nito. Kakagaling lang namin ng X-Ray room para tignan kung nabalian na ba ako ng buto. Gusto ko sanang sabihin sa doctor kanina na okay lang ako. Natatandaan ko pa no'ng maliit pa ako ay nahulog ako sa bubong ng bahay namin para mamitas ng bunga ng manga. Hindi man lang ako nabalian ng buto. Galo slang sa katawan ang natamo ko eh. Minsan nga naiisip ko tuloy baka supernormal ang mga tunay kong magulang kaya hindi ako nababalian ng buto. Hihi.
"Bhe..."
"Ate!" malakas niyang sabi saka lumapit sa akin. Matalim niya akong tiningnan.
"Nakalimutan mo na ba ang first rule?" pabulong niyang tanong sa akin.
Napakagat naman ako ng labi sa narinig. Bawal nga palang tawagin siyang bhe sa harap ng pamilya niya.
"Sorry."
"Ano ba kasing ginawa mo at nahulog ka sa hagdan?"
Tumingin muna ako sa gawi ni grandlolo na nakaupo lang sa mahabang sofa sa sulok at wala yatang balak na malaman ang sasabihin ko.
"Ano kasi, nawalan lang ako ng panimbang kaya nahulog ako sa hagdan. Alam mo na," nangingiting sabi ko sa kanya.
"Ganyan ang napapala ng mga batang pasaway."
Sabay kaming napalingon ni Dyuswa kay grandlolo na ngayon ay nakatayo na. Lumapit ito sa amin.
"Gabi na. Gusto ko nang magpahinga. Ikaw na lang ang bahala sa kanya Joshua. Baka kasi hanapin na rin ako ng lola mo," sabi nito kay Dyuswa.
"Sige po 'Lo. Ako na po ang bahala."
Ngumisi pa sa akin si grandlolo bago ito lumabas ng room. Bakit kaya ang sungit ni grandlolo sa akin ngayon? Dahil ba do'n sa ginawa kong pagsagot-sagot sa kanya kahapon? Hay. Gusto ko lang namang makita kung paano magbasa ng kwento sa kanya si Dyuswa eh. At natupad nga 'yon kanina. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang isang Dyuswa Raymundo ay nagbabakla-baklaan sa harapan ni grandlolo. Ang cute niyang tingnan. Sana gawin niya rin 'yon sa harap ko sa susunod. 'Yong siya ang bakla tapos kunwari ako naman ang gwapong lalaking napupusuan niya. Tapos hahalikan ko siya ng bonggang-bongga. Oh di ba? Masaya kaya 'yon. Hihihi.
"Purita!" untag sa akin ni Dyuswa.
"Oh?"
"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"
"'Yong hahalikan mo ako?"
"What?"
"Biro ka lang. Ano ka ba. Ano ba 'yong sinabi mo?"
Napabuga siya ng hangin saka umupo sa upuan na malapit sa akin.
"Kaya nadidisgrasya ka eh. You're not paying attention."
"Sorry na nga. Ano ba 'yon?"
"Wala. Never mind." Nayayamot niyang sagot.
"Ay ako may sasabihin sa'yo."
"Ano?"
"Sa tingin mo ako 'yong magta-top sa evaluation next month?"
Puno ang antisipasyon ko na oo ang isasagot niya sa tanong ko. Pero nagulat na lang ako nang nagpakawala siya ng isang ngiti. Oo ngiti lang iyon pero parang gustong umurong ng panty ko. Ay ano ba ito. Hindi ako karengkeng. Hindi. Marunong lang talaga akong mag-appreciate ng kagandahan ng mundo. Hihi.
Pero bakit ngiti 'yong sagot niya sa tanong ko? Seryoso kaya ako. At hindi ba dapat mainsulto ako sa inakto niya? Bakit kinikilig naman yata ako? Okay, magkukunwari na lang akong naiinis. O di kaya nagagalit. Paano ba magkunwaring galit? Itataas ko ba ang kilay ko? Tama. Saka iirapan ko rin siya katulad nang ginawa sa akin ng Diane na 'yon.
"Ano?" sabi ko sa kanya sabay beautiful eyes.
"Oo."
Napaawang ang labi ko sa narinig. Oo ang sagot niya. Two letters lang 'yon pero parang binigay na sa akin ang buong alphabet sa sinabi niya. Huhu. Na-touch talaga ako. Naniniwala siya sa akin. Ang bhebhe ko, naniniwala sa bhebhe niya.
Kaagad kong kinuha ang mga kamay niya. "Talaga?"
"Wala naman imposible kung desidido ka lang sa isang bagay na gusto mong makuha."
"Tama. Kaya nga hindi ako sumusuko sa'yo bhe eh. Dahil alam ko, tayo talaga ang magkakatuluyan sa huli. Positive ako d'yan."
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya saka tumayo.
"But of course you should know your capacities and limitations."
"Alam na alam ko 'yon bhe," masigla kong sagot sa kanya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nang makitang palapit siya sa pinto.
"Kukunin ko ang results mo."
Hindi na ako nakasagot nang lumabas na siya ng room. Napasinghap ako sabay hawak sa ulo ko. Parang nahihilo yata ako ah. Epekto siguro 'to nang paggulong-gulong ko kanina sa hagdan.
###
Sa bahay nina Purita. Naghahapunan sina Erlinda, Oscars saka Sarah. Pareho silang tahimik habang kumakain. Pero hindi na nakatiis si Oscar at binasag na ang naghaharing katahimikan.
"Pupuntahan ko si Purita."
Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Erlinda sa narinig.
"Bakit mo naman pupuntahan si Purita aber?"
"Ayokong malayo siya sa atin. Ano bang klaseng review center ang pinapa-stay ang mga rnagre-review sa kanila? Kukuha ba sila ng entrance papuntang langit?" sagot nito kay Erlinda.
"Bakit ba ang dami mong tanong? Pasalamat ka nga at siniseryoso na ng anak moa ng pag-aaral niya. Saka isa talagang malaking sayang ang full scholarship sa college ano," katwiran niya.
"Oo nga naman kuya Oca. Hayaan na natin do'n si Puring. Alam kong nasa mabuting kalagayan naman siya doon eh," dagdag pa ni Sarah.
"Ang pag-focus-an mo ngayon ay ang paggaling mo ng sa gano'n eh makabalik ka na sa trabaho. Pasalamat na lang tayo at may mga mababait pang tao na handang tumulong sa mga mahihirap na tulad natin. Kaya naman wala na tayong poproblemahin pa sa panggasto d'yan sa mala-rich kid mong sakit."
"Sa tingin mo ba eh gusto kong magkasakit ng ganito?" inis nitong sabi sa kanya.
"Imbes na itanong mo 'yan sa akin, pwede ba kumain ka na lang Oscar! Baka gusto mong tagain kita d'yan at tuluyan ka na lang mamatay!"
"Oo na nga. Kakain na!" sagot nito saka nagsimula nang kumain ulit.
###
PURITA'S POV
Sabi ng doctor ay wala naman daw malubhang dulot sa katawan ko ang pagkakahulog ko. Wala rin daw internal hemorrhage sa ulo ko. Sinasabi ko na nga ba eh. Supernormal talaga ako. Hihihi. Pahinga lang daw ang kailangan ko dahil may konting fracture lang ako sa tagiliran. Kaya naman kinabukasan ay umuwi na kami ng bahay. Wala pa rin sila mommy at daddy dahil may business meeting daw ang mga ito sa Canada. Iba talaga kapag mayaman ano? Nakakapunta ka sa ibang bansa para makipag-meeting lang. Eh kung sa mahihirap, keri ng sa barangay hall lang magmi-meeting.
Pagkarating namin sa bahay ay nandoon si Hannah at ang isang di-kaaya-ayang babae. Nakataas ang kilay na naman nitong nakatingin sa akin.
"What is she doing here?" tanong nito.
"Diane, siya ang sinasabi ko sayong long lost sister ni Joshua," nakangiting pagpapakilala ni Hannah sa amin.
"So kapatid pala ni Josh ang babaeng gumawa ng eskandalo during our Acquaintance Party?" pasaring nito sa akin.
Kanina pa 'tong babaeng ito ha. Makakatikim talaga siya sa akin ng literal na backstab.
"Oh my God. So si Purita pala ang kinukwento mo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Hannah.
"Yeah. What a small world isn't it?" sagot nito sa kanya.
"Kailangang magpahinga ni ate ngayon," sabad ni Dyuswa.
"Why?"
"Nahulog siya sa hagdan kagabi."
Nag-aalalang lumapit sa akin si Hannah. "Are you alright?"
"O-opo tita."
"You better go to your room. Magpahinga ka na," utos nito sa akin saka lumapit kay Dyuswa.
"And ikaw naman, may kailangan kaming sabihin sayo ni Diane."
Nakatayo pa rin ako at nakatingin lang sa kanilang tatlo na abalang nag-uusap. Parang may dumagan sa akin. Ang bigat. Hindi ko alam kung saan ang mas mabigat na nakadagan sa akin. Sa puso ko o sa aking mga mata. Gusto ko sanang tawagin si Dyuswa na samahan niya akong umakyat sa kwarto. Pero parang nalunok ko yata ang dila ko. Wala rin ako sa lugar mag-demand sa harap ng mga ito. At naiinis talaga ako sa Diane na iyon. Gusto ko siyang sabunutan sa inasta niya sa akin kanina pero nagpigil lang ako.
Baka kasi sumama ulit ang loob sa akin ni Dyuswa kapag ginawa ko 'yon. Naalala ko tuloy ang nangyari no'n. Nang nagsabunutan kami sa party. Galit siya sa akin sa ginawa ko kay Diane. Tahimik na lang akong umakyat papunta sa silid ko. Mag-aaral na nga lang ako.
###
Nakahiga lang ako sa aking higaan nang marinig kong may pumanhik sa hagdanan. Paano ko narinig? Syempre supernormal nga ako di ba? Nakakarinig ako ng mga tinig kahit ilang kilometro pa ang layo. Sige na nga, joke lang. Hindi ko kasi sinara ang pinto ng kwarto ko. Para naman alam ko kung ano ang nangyayari sa baba ano.
Nagkakandahaba na ang leeg ko sa pagtanaw kung sino ang dadaan. Nagulat na lang ako ng biglang may nagsara ng pinto ko kaya namana dali-dali akong bumangon at lumabas ng silid. Nakita ko si Dyuswa na kakapasok lang sa silid niya.
Sa paghiga ko kanina, marami akong gustong itanong sa kanya.
Bakit kayo nagkahiwalay?
Mahal mo pa ba siya?
May pag-asa bang mahalin mo ako?
Bumilog ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto niya at lumabas siya. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Itatanong ko ba? Hindi kaya magalit siya? Bahala na.
"What?" tanong niya sa akin.
Napatikhim muna ako bago nagsalita.
"Pwede ka bang maging tutor ko rito sa bahay?"
Minsan may mga bagay talaga na mas mainam na huwag mo na lang alamin dahil baka kapag nalaman mo ito eh mawalan ka na ng karapatan na magtanong pa. At baka kapag nalaman moa ng sagot ay mas lalo ka pang magtanong nang magtanong.
Mayroong maliit na linyada ang namamagitan sa isang tanong at sa isang sagot. At mananatili na lang muna ako sa linyadang iyon- ang magmaang-maangan.