Undead City

By MrEyesNoseLips

111K 3.5K 2.2K

-WATTPAD FEATURED STORY- Paano mabubuhay sa isang lugar na patay na? Paano mo magagawang patayin ang mahal mo... More

Prologue
UC #1:
UC #2:
UC #3:
UC #4:
UC #5:
UC #6:
UC #7
UC #8
UC #9
UC #11
UC #12
UC #13
UC #14
Disconnection Notice!
UC #15
UC #16
UC #17
UC #18
UC #19
Season Finale

UC #10

3.1K 127 79
By MrEyesNoseLips

Lyndsel's P.o.V

"Ako o si Jael?"tanong ko kay Jackson.

Umiwas lang siya ng tingin sa tanong ko. Iniwasan niya ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Kanina ko pa gustong umiyak sa harapan niya ngunit pinipigilan ko. Ayokong maging mahina sa mata ng ibang tao maliban sa akin.

"Jackson sagutin mo ako."tanong ko ulit ngunit walang siyang imik. "Jackson..."

"Akala mo ba hindi ko alam?"sabi ni Jackson saka tumingin muli sa'kin. Hindi ko alam ang emosyon niya, magulo masiyado. "Akala mo hindi ko alam ang ginagawa niyo ni Zian kapag wala ako? Alam ko na lahat Lyndsel. Matagal na, Pero anak ng tangina, mahal pa din kita!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Jackson sa'kin. Ngayon... Ako naman ang walang masabi. Hindi makapag salita. Hindi ko alam ano ang itutugon ko sa kaniya.

"J-Jackson..."tawag ko sa kaniya. Nanginginig ko siyang hinawakan sa braso niya. "J-Jackson hindi ko naman sinasady---"

Naputol ang pag sasalita ko ng bigla niya akong tinalikuran at umalis ng hindi man lang ako pinakikinggan.

"J-Jacksoon!"

---

"Lyndsel? Lyndsel anong nangyayari sayo?"

Narinig kong boses ni Zian kaya unti-unti akong napadilat. Nakatulog pala ako.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang binabangungot."tanong sa'kin ni Zian.

Bumangon ako at iginala ang aking mga mata. Nasa sasakyan pa din pala kami.

"Nasaan na ba tayo?"sabi ko sabay tingin sa may bintana.

Para itong bus ngunit mas mukha itong ten wheeler truck dahil sa itsura nito at laki nito. Pero ang loob parang isang kwarto sa isang hospital.

"Mapapalayo tayo dahil ibang daan ang tinahak natin. Yun ang sabi ni Jael."tugon ni Zian.

Jael... Oo nga pala, kasama na namin siya.

Sa pagod, kaming lahat ay nag pahinga at maging ako. Di na namalayang nakatulog.

"Bakit di ka natulog?"tanong ko kay Zian.

Ngumisi siya saka nag salita.

"Oh anong ibig sabihin niyang pag ngisi mo?"

"Wala lang. Hindi mo ba napapansin? Pa-excite ng pa-excite ang mga nangyayari dito."simple pero makahulugan na wika ni Zian.

Hindi na ako nag re-act. Hindi dahil sa ayoko, kundi mas gusto kong umiwas na lang.

"Shit!"

Napahawak ako sa gilid ng upuan ng biglang pumreno itong sasakyan. Dahilan noon ay nagising lahat at matapos noon ay nakarinig na kami ng isang malakas na sirena. Bigla akong kinabahan. Ganitong ganito yun, bago mag umpisang mag kagulo.

"Anong nangyayari?"tanong ni Misty.

Lahat kami ay walang ideya kaya walang sumagot sa tanong ni Misty. Ilang Segundo pa ay nawala din malakas na sirena na narinig namin.

"Saan ka pupunta?"tanong ni Nurse Jamie kay Ryohei ng tumayo ito at binuksan ang pintuan.

"Titingnan ko kung anong nangyari. Babalik din ako."sabi ni Ryohei saka tumalon para bumaba.

Ngayon ko lang din napansin na wala sina Bobby at Jackson dito.

"Nandun sila sa harapan. Wala na silang mapupwestuhan kaya doon sila sa tabi ni Jael naupo."biglaang wika ni Zian.

"H-hindi ko naman sila hinahanap."tugon ko.

"I know you Lyndsel. You can't fool me."

Tumayo ako at hindi na nag salita.

"Where do you think you're going?"tanong ni Zian.

"Susunod lang ako kay Ryohei."pag papaalam ko.

Pag baba ko, walang kasasakyan sasakyan itong tinatahak naming daan. Tahimik na ang buong highway. Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito."si Ryohei pala na nakatingin lamang sa pinanggalingan namin.

"Guys bakit kayo bumaba?"si Jael papalapit sa amin kaya hindi ko na naitanong kay Ryohei ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"Ano ibig sabihin nung ingay kanina. Saka bakit ka biglang pumreno? May problema ba?"tanong ko.

---

"Ano! Teka hindi tayo pwedeng bumalik doon. Paano ang parents namin! Kuya kausapin mo nga siya. Gusto ko na makita sila Mama!"sabi ni Nerrise.

"Nerrise, huminahon ka muna okay?"pagpapakalma ni Tyrone.

"I have no choice. Utos 'to ng nakatataas. Naka red alert na ang buong city. Ibig sabihin noon, Wala ng ligtas na lugar. Mapanganib na para sa atin kung mag papatuloy tayo sa binabalak natin---"

BOOOGSH!

Lahat ay napayuko ng makarinig ng mala;akas na pag sabog at saka lahat kami madaling lumabas at...

"Fuck!"wika ni Zian ng mahina.

"S-soldier, ano yang pag sabog na yan? Saka, hindi ba... Dyan tayo nanggaling?"tanong ni Misty.

Mabilis na tumakbo si Jael pabalik sa harapan ng sasakyan at wala pang ilang minuto ay bumalik agad siya.

"Kailangan na nating umalis dito. Wala ng sumasagot sa radyo. Tingin ko may malaking---"natigilan siya sa pag sasalita.

"Ba't ka natigilan?"tanong ni Misty.

"Narinig niyo ba 'yon?"

Sa sinabi ni Jael, lahat ay tumahimik at nakiramdam.

"Urgghh."

Nagkatinginan kaming lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi lang isa o dalawa ang ungol na 'yon kundi parang isang hord talaga ng Zs.

"Shit! Mag tago kayo bilis!"utos ni Ryohei.

Biglang may humila sa kamay ko kaya't nag patangay na lamang ako. Hindi kami sa sasakyan nag tago, sa taranta naming lahat, nag kawatak-watak kami. Dito kami nag tago sa damuhan sa gilid ng highway.

"Bakit dito tayo Zian nag tago?"tanong ko saka tumingin sa taong nasa kanan ko ngunit nagulat ako kung sino ang kasama ko. "J-Jackson?"

"Hindi ligtas sa sasakyan. Masyado tayong marami."seryoso niyang tugon.

Napatango lamang ako. Pilit kong iginagala ang paningin ko sa highway para makita ang iba ngunit bigo ako dahil makakapal ang talahib na tinataguan naming at nasa side ako na madami-dami ang mga damo. Nakakainis naman talaga! Habang tumatagal, palapit na ng palapit ang mga ungol.

"Anong gagawin natin Jackson?"tanong ko.

Tumingin siya sa'kin. Matagal ko ng hindi natititigan ang mga mata ni Jackson ng ganito.

"Wengya, ako pa tinanong mo. Baka pag nag suggest ako, ikapahamak mo pa."tugon niya.

---

Third Person's P.o.V

Matapos nilang mag kawatak-watak at mahati sa tatlong grupo ay tumahimik lalo ang paligid dahilan para mas marinig ang mga ungol ng mga parating na Zs.

"Nerrise wag kang maingay."bulong ni Tyrone sa kapatid.

Nanginginig-nginig na tumango si Nerrise. Nag tago sa ilalim ng sasakyan sila Tyrone at Nerrise. Samantalang ang iba pang natira ay mag kakasama sa kabilang parte ng highway.

"Hindi natin sila kakayanin. Masyado silang marami."wika ni Ryohei habang hawak-hawak kahoy na espada niya sa bandang gilid niya.

Siya at si Jael ang tanging nakatingin lamang sa kalsada.

"Malapit na sila. Hintayin lang natin sila makalagpas sa atin saka tayo tatakbo pabalik sa sasakyan."bulong ni Jael.

"Pag katapos? Ano? Saan na tayo pupunta?"singit ni Bobby.

Walang sumagot sa kaniya.

"URRGGH."mas malakas na ang ungol na kanilang naririnig, mahinahon pero delikado.

"Konti pa... Konti pa..."bulong ni Jael.

Patuloy na gegewang-gewang na nag lalakad ang mga Zs. Halong babae, lalaki, matanda at bata. Naaagnas na ang kanilang itsura. Amoy patay, at hindi na kumpleto ang mga parte ng katawan. May mangilan-ngilan na tila kamamatay lamang dahil sa pag tulo ng dugo.

"Pag bilang ko ng tatlo, mag handa na kayo sa pag takbo, bilisan niyo lang at siguraduhin tahimik ang lahat. Maliwanag ba?"bulong at papaalala ni Jael.

"Ako ng bahala bumack-up sa inyo."boluntaryo ni Ryohei.

Habang unti-unting lumalayo ang mga Zs, umangat ng kaunti si Jael para i-check kung may nahuhuli pang Zs. Ng masigurado na niya ay nag simula na itong mag bilang.

"Three, go!"hudyat ni Jael saka sila nag si tayuan ng dahan-dahan nag umpisa ng nag lakad.

Sinenyasan ni Jael ang iba pang kasama nila kasama sina Jackson at Lyndsel na nasa kabilang parte ng high way.

"Tara."wika ni Jackson sabay hawak sa kamay ni Lyndsel.

Natigilan si Lyndsel sa pag hawak ni Jackson.

"Sorry."sabi ni Jackson kay Lyndsel sabay bitaw sa kamay niya. "Tara na."dadag pa niya.

Tumayo na sila saka nag umpisang humakbang ng hindi mapansin agad ni Lyndsel ang nakausling piraso ng kahoy na may katulisan ang dulo dahilan para masugatan siya sa binti at mapasigaw siya. Mabilis na nag labasan ang mga dugo ni Lyndsel na tumutulo sa binti niya.

"AH!"halos matumba si Lyndsel buti ay agad siyang nahakwan ni Jackson.

Ngunit dahil sa nangyari, napukaw ang atensyon ng mga Zs na hindi pa ganoon na nakalayo sa kanilang lugar. Unti-unti silang nagiging agresibo sa bawat pagalaw na kanilang gagawin. Nanginginig-nginig ang kanilang ulo habang umuungol na tumingin sa kinaroroonan nila Jackson.

Halos matuyo naman ang laway nilang lahat. Sa takot at sa kaba. Halos napapalunok na din ng sunod-sunod sila Nurse Jamie.

"What the fuck. What a great scene to catch their attention Lyndsel."bulong ni Misty na naiinis pero kinakabahan at nag aalalal din sa kanila.

Nag umpisa ng mag lakad ang mga Zs, mula sa mabagal na pag lalakad hanggang sa pabilis ng pabilis.

"Shit pasok sa sasakyan!"sigaw ni Zian.

Agad na nag sipasukan silang lahat maliban kina Lyndsel at Jackson dahil medyo na hihirapan alalayan ni Jackson si Lyndsel kaya mabagal ang kilos nila.

Biglang tumalon si Ryohei sa sasakyan para tulungan sina Jackson. Agad naman siyang nakalapit sa kinalalagyan nila ngunit ng pabalik na sana sila ay agad silang napahinto. Malapit na ang mga Zs sa kanila at kukulangin na sila sa oras.

"Bilisan niyo Jackson, tara na!"sigaw ng lahat.

Ngunit sa halip na mag patuloy sa pag lalakad ay umatras na si Jackson habang akay-akay si Lyndsel.

---

(Sa lugar kung saan nanggaling nina Jackson bago ang pag sabog.)

"Sir patuloy na nag wawala ang mga tao. Bakit hindi daw umuusad ang mga sasakyan. Ano na pong gagawin natin?"tanong ni Ronaldo, isa sa mga sundalo ng defence force kay Chief Bernard.

"Bwisit! Bakit ba hindi sila makapag hintay. Hindi ba nila maintindihan na masusi ang pag che-check sa mga taong pinapalagpas natin sa check point?"inis na sabi ni Chief Bernard.

"TAKBOOO! MAY MGA NAKALUSOT NA Zs DITO!"sigaw ng isang lalaking malapit sa kinalalagyan nila.

Humawak agad sa holster si Ronaldo para kumuwa ng baril pero pinigilan si ni Chief Bernard.

"Wag, mas lalong mag wawala ang mga tao kapag nag labas ka ng baril."pigil ni Chief Bernard ngunit bigla na lang tumunog ang malakas na sirena na umlingawngaw sa buong paligid.

Agad na tumakbo sin Chief Bernard palapit sa mas lalong mga nag wawalang tao dahil sa takot. Nadatnan nila na may hawak-hawak ng baril ang lalaking sumigaw. Tila na-corner na siya ng dalawang Zs na kapwa lalaki din at nakasandal na lang siya sa isang putting sasakyan. Tila mga bagong patay lamang din ang dalawang Zs. Ang ibang tao ay hindi na nagawang lumabas ng kotse at nagii-iyak na lamang. Ang ibang mga tao naman na walang mga sasakyan ay patuloy sa pag takbo ngunit dahil sa madami ang mga sasakyan ay nahirapan sina Chief na mas lalong makalapit.

"T-Tulong! Tulungan niyo ako!"naiiyak ng sigaw ng lalaki habang nilalapitan siya ng dalawang Zs, nanginginig niyang itunututok ang isang baril ngunit dahil sa dalawa ang Zs, hindi niya alam kung sino ang unang papuputukan.

Mas lalo siyang natatakot ng sugurin na siya ng dalawang Zs na hayok na hayok sa laman ng tao. Dahil sa takot nag paputok siya ng baril at sa di inaasahang pag kakamali, tumama ang bala sa gas tank ng isang sasakyang nasarapan niya lamang dahil ng isang malaking pag sabog. At dahil din sa napakadaming sasakyan na halos mag kakadikit, nadamay sa pag sabog ang iba pang sasakyan.

Hindi na tuluyan pang nakapalapit sina Chief Bernard dahil damay sila sa pag sabog. Rinig na rinig ang mga hiyawan at iyakan ng mga tao. Iyak sa sakit at takot.

A/N

Guys naitawid ko po ba? Magulo? Kulang? Pangit? Walang kwenta? Patapon? xD

Sorry sa typos. Haha. Saka gas tank ba tawag doon sa ano ng sasakyan? Paki-correct naman po ako, ng mai-edit ko agad. Sorry sa Typos.

Minsan naiinis na kahit nag ta-type ako, hindi ko maiwasang hindi mainis sa isa sa kanila. Bakit kaya? Ako naman ang gumagawa ng scenes :3

-PrinceT

Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 412 63
#471 In Fanfiction Sa Muling Pagbubukas ng isang Bagong Yugto para sa lahat ng nilalang sa Encantadia. Isa nanamang pagsubok ang kanilang haharapin. ...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
155K 2.6K 58
Konnichiwa!!!ヾ(*'∀`*)ノ This stuff is written for those who wants to discover new ideas about random things!! It is up to you if you read this or just...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...