Beautiful Dance

Galing kay nininininaaa

4.3M 106K 14.4K

[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 1: If words fail, actions speaks. Vini Sarmiento is a leader of the... Higit pa

Beautiful Dance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 8 (Re-Upload)
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 28 (Re-Upload)
Chapter 30
Epilogue
Decision
Book Two
ANNOUNCEMENT!
Author's Announcement:

Chapter 29

96K 3K 282
Galing kay nininininaaa


Chapter 29
Flyer

"Bella!"

Napatigil ako sa pagtakbo't hinabol ko ang aking hininga habang pinupunasan ang aking luhang wala ng tigil sa pagtulo.

Nakita ko ang El Dorado't agad akong tinuro ni Kai ng makita nya ako't mabilis silang nagtakbuhan papalapit sa akin.

"Bella, what happened?" pambungad na tanong nila sa akin.

Hinarangan naman sila ni Ate Lyrae na nakasunod pala sa akin.

"Leave Bella first please. I need to talk to her." pakiusap ni Ate Lyrae sa kanilang lahat.

Tinignan naman ako ni Kai na mukhang alam na nya kung ano ang nangyari't tumango-tango.

"Can we visit Vini, Ate Rae?" tanong naman ni L.

Tumango naman si Ate Lyrae. "Be quiet at kung pwede huwag kayong magsabay-sabay. Ang dami nyo. Okay?" bilin nya sa kanila.

"Okay po." magalang na pagsagot ni L at agad ng nagtipon-tipon ang El Dorado kung sino ang mauunang grupo na papasok sa loob upang kamustahin si Vini.

Huminga naman ng malalim si Ate Lyrae at nilingon ako ng may mapagsumamong ekspresyon.

"Follow me, Bella." mahinahong sabi nito't nagsimula na syang maglakad palayo.

Dahan-dahan naman akong sumunod kay Ate Lyrae at nakita kong patungo kami sa kanyang kotse na agad nyang pinatunog ng makalapit na kami doon.

"Get in." utos nya sa akin at pumasok na sa loob ng kotse.

Sumunod naman ako papasok sa passenger seat at kinagat ang aking ibabang labi habang pinapaandar ito ni Ate Lyrae upang magkaroon ng lamig sa loob ng sasakyan.

"Bella.." tawag sa akin ni Ate Lyrae.

Lumingon naman ako sa kanya't nakita kong nakatingin na sya sa akin.

"You dont really mean it right?" paninigurado nya. "Hindi mo naman iiwan ang kapatid ko diba? You promised that." paalala nya sa akin.

"Hindi ko rin po alam..." naguguluhan kong sabi.

"Bella.." hinawakan ako ni Ate Lyrae sa aking braso't bahagya nyang niyugyog. "You love my brother. My brother loves you. He's just blinded nang dahil sa nangyari sa kanya. You know it's his dream. Make him believe again that he can dance in no time. Huwag mo naman syang sukuan."

"Pero sya na po ang mismong sumuko sa aming dalawa.." sabi ko.

"Kaya susukuan mo rin sya?"

Muli akong nag-angat ng tingin kay Ate Lyrae nang dahil sa tanong nya sa akin.

Porkit ba sinukuan ako ni Vini, dapat ko rin syang sukuan? Porkit nasaktan nya ako, dapat rin bang bumitaw na ako agad. Porkit sinabi nyang lumayo ako, dapat bang lumayo ako agad sa kanya.

Dapat bang yun ang gawin ko? Hindi ba dapat ay susubukan ko ulit kung mahal ko talaga sya?

Alam kong masyado pa kaming bata ngayon. Magse-second year college palang sya't papasok palang ako sa kinakalagyan nya ngayon. Pero wala naman sa edad ang pagmamahal diba? Kung alam mong sya na, sya na talaga.

Sinabi ko dati na kung magkahiwalay kami'y siguro'y pinaranasan lang sa amin ng nasa itaas kung pano ang magkaroon ng relasyon. Pero ang alam ko lang ngayon, kaya kami pinaghiwalay ay para malaman ko kung gaano sya ka-importante sa akin. Kung gaano ko sya kamahal na hindi ko na sya kaya pang bitawan.

"Bella, please.. let him cool down. Hindi mo nakita ang itsura nya ng umalis ka kanina. He's hurt too. Nadala lang sya ng galit at inis nya." pagpipilit sa akin ni Ate Lyrae. "Give him some time, Bella. Give him one more chance."

Should I give him one more chance? Pano ko naman ibibigay sa kanya 'yon kung hindi nya naman hinihingi? Pero pwede naman 'yon diba?

"It's time for you to live with us, Bella." ani Tita Edna nang ikwento ko sa kanila ang nangyari kanina. "If you think Vini needs some space, you can live with us. Penny and I would be glad."

Nilingon ko naman si Penny na naiiyak nang dahil sa pagk-kwento ko't nakayakap ngayon sa akin na tumatango-tango.

Napabuntong hininga naman ako't dahan-dahang tumango na agad kong nakitang sumilay ang ngiti sa labi ni Tita Edna saka kinuha ang kanyang phone.

"You dont have to go there tomorrow to get your things. Ipapakuha ko nalang sa secretary ko't sa driver. Just inform your Tita Sandra about it, okay?" pagpapaliwanag sa akin ni Tita Edna.

"Opo, Tita." sagot ko naman.

Pinahiram muna ako ni Penny nang aking pantulog at saka humiga sa kama nang aking nakahandang kwarto dito.

Pinakiramdam ko ang aking paghinga habang nakapikit ako't inaalala ang mga nangyari kanina at kung ano ang dapat kong gawin.

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Lyrae.

Gusto kong makabawi kay Vini. Pangarap nya ang nasira ko't nasaktan ko pa sya. Nahihirapan pa sya ngayon nang dahil hindi nya makilos ng maayos ang kanyang binti't alam kong isa ako sa dahilan kung bakit 'yon nangyari.

"Penny?"

Pumasok ako sa kwarto ni Penny't nakita ko syang nagbabasa ng magazine habang umiinom ng juice at nanonood ng isang palabas sa television.

Lumingon naman sya sa akin at ngumiti sya saka nya tinapik ang tabi nya upang doon ako maupo.

"Namamahay ka ba? You can't sleep?" malambing na tanong nya sa akin.

Umiling naman ako't bahagyang ngumiti.

Hindi ko alam kung gaano ako ka-swerteng mayroon pa akong natitirang pamilya na pwede kong maging sandalan lalong-lalo na't kailangan ko sila ngayon.

"Kilala mo ba si Kai or si L or Cliff o kahit na sinong member ng El Dorado?" tanong ko sa kanya.

"I know Kai and L dahil ka-department natin sya but I dont know who's Cliff. Is he studying at Ateneo too?" aniya.

"Uhm.. hindi ko alam pero.. may number ka ba ni Kai or L?" tanong ko sa kanya. "Kasi alam kong socially active ka't marami kang kaibigan sa school. Baka lang may number ka nila."

Ngumiti naman sya. "I'm socially active and friendly but not to boys." sagot nya sa akin. "Ian wouldn't like me hanging out with boys kaya hindi ko na sinubukan pang kumausap ng lalaki unless it's for academic matters." pagpapaliwanag nya.

Napabuntong hininga naman ako't hindi ko alam kung paano ko makakausap sila L at Kai dahil wala pa naman kaming pasok at kailangan ko silang makausap sa lalong madaling panahon.

"But I can ask Ian if you want." pahabol nya.

Napatingin naman ako sa pinsan kong nakangiti sa akin habang pinapakita nya ang kanyang cellphone at agad naman akong tumango.

"Ian?" sabi ni Penny nang mailagay na nya sa tapat ng tenga nya ang kanyang cellphone. "Do you have a number of Kai or L? Yung member ng El Dorado? Taga-Ateneo din sila." sunod-sunod na sabi nya.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Penny't napailing sya.

"No! It's for Bella dumbass." ani Penny na para bang nililinaw nya sa kanyang boyfriend kung bakit nya hinihingi ang number ni Kai o L. "Okay. Whatever. Just give me their number para okay na... I told you it's for Bella. You dont have to be jealous. Kung gusto mo i-send ko nalang sayo number ni Bella't doon mo i-send para malaman mong wala akong balak na i-save 'yon." hamon nya saka ito huminga ng malalim. "Okay. I'll send her number. Bye."

Nakasimangot na binaba ni Penny ang kanyang cellphone at mariin na nagtype sa kanyang cellphone bago nya ito padabog na inilapag sa gilid nya.

Nang humarap naman sya sa akin ay binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti na parang hindi sila nag-away ng boyfriend nya.

"Isesend na nya sayo. Hintayin mo nalang." nakangiting sabi nya.

"Uhm.. thank you.. at sorry din dahil nag-away pa ata kayo nang dahil sakin." paghingi ko ng dispensa.

Umiling naman sya't ngumiti sa akin. "That's nothing." aniya. "That jerk is just really immature. Sanay na ako. Saka magbabati din naman kami agad. Mga after one hour siguro." nagkibit-balikat sya.

Bahagya naman akong napatawa sa sinabi nyang para bang alam na alam na nya ang mangyayari twing nag-aaway.

"Pero, Penny.. huwag kang makampante ah?" babala ko sa kanya na agad namang nawala ang kanyang ngiti. "I'm not scaring you pero hindi alam ang pwedeng mangyari sa susunod na mag-away kayo. You might lose him. Kung ikaw, sanay ka na. Paano kung sya, sawa na pala?" tanong ko.

Ngumiti ako sa kanya't hinawakan ang kanyang kamay.

"Gusto kong malaman mo na huwag kang gagaya sa akin na masyadong kampante sa pagmamahal ng taong mahal natin dahil kahit mahal ka nila, kaya nilang bumitaw agad basta nasasaktan sila." I reminded her.

Ngumiti naman sya't tumango sa akin saka ako niyakap.

"Makipagbati ka na sa kanya ah?" sabi ko't tinapik-tapik ang kanyang likod ng marahan.

Agaran naman syang tumango sa aking sinabi. "I will. Makikipagbati na ako agad." paninigurado nya sa akin. "I dont want to lose him, Bella."

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't ganyan na ganyan din ang nararamdaman ko.

Ayaw kong mawala sa akin si Vini pero mas masaklap nga lang ang nangyari sa akin dahil wala na sya sa akin ngayon.

Bumalik na ako sa aking kwarto't agad kong ni-check ang aking cellphone at nakitang naroon na ang mensahe ng isang unknown number na may numerong nakalagay ang pangalan ni Kai.

I should probably text him now.

To: Kai.

Kai, let's meet. Bukas. Sa practice house nyo. Isama mo na rin ang buong El Dorado pero please, please lang at wag mong sasabihin kay Vini. Okay lang ba?

Message sent!

Halos magdugo na ang aking labi sa pagkagat ko dito habang hinihintay ang reply sa akin ni Kai na dumating pagkatapos ng limang minutong nakalipas.

From: Kai.

Is this Bella?

Mabilis naman akong nagreply sa kanyang mensahe.

To: Kai.

Oo. Pwede ba?

Message sent!

Mabilis syang nakapagreply na pumapayag sya't natulog ako ng may kaba sa aking dibdib nang dahil sa gagawin ko.

Hindi ko alam kung sasang-ayon ba sila sa gagawin ko pero nananalangin ako na pumayag sila dahil ito lang ang paraan na naiisip ko upang mapasaya si Vini sa kabila ng nangyari sa kanya.

Nanginginig ang aking tuhod at ang mga kamay ko habang nakatingin sa buong El Dorado na diretso't seryoso lang din na nakatingin sa akin.

Lumunok naman ako't huminga ng malalim upang makahagilap ng lakas ng loob upang magsimula ng makapagsalita.

"Una sa lahat.. I'm sorry." paninimula ko. "Nang dahil sa akin.. nawala ang leader nyo. Nawala si Vini na isang malaking kawalan sa mga routines na nagawa nyo. P-Pasensya na.. Hindi ko naman sinasadya."

"It's nothing, Bella." ani Kai at tipid na ngumiti sa akin.

"Yeah.. You don't have to say sorry." sabi rin ni Teph.

"Wala naman kaming sinisisi sa mga nangyari, Bella." pahabol ni L. "At.. kami na ring El Dorado ang manghihingi ng paumanhin sayo nang dahil sa ginawa ni Vini. He's just like that when it comes to dancing. Bata palang kami.. mahal na mahal na namin ang pagsasayaw. Pasensya na't ikaw pa ang napagbuntungan nya."

Tumango-tango naman ang ibang members ng El Dorado na sumasang-ayon sa sinabi ni L.

"Salamat.." bahagya akong ngumiti dahil sa tuwang naiintindihan nila ako. "Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit gusto ko kayong makausap.."

"Then what do you want to tell us, dancing princess?" nakangiting tanong sa akin ni Cliff. "We will listen." dagdag nya.

Pumikit naman ako ng mariin at muling huminga ng malalim saka nag-angat ng tingin sa kanilang lahat at ngumiti.

"Gusto kong palitan si Vini't ako ang gagawa ng mga routines nya." I stated.

Nakita kong nalaglag lahat ng panga nila ng dahil sa aking sinabi.

"I mean, pwede rin akong magdagdag ng routine para mabagay sa pagdagdag nyo sa akin." sabi ko. "Nakapag-isip-isip na ako ng ilang choreography't alam kong hindi ako kasing galing ni Vini pero I just really want to help--"

"Can you dance?"

Napalingon ako kay Peter na biglang nagsalita't napalingon sa kanya ang lahat.

"She can dance." pagsagot ni Kai. "I saw her dance. Nung audition. That's your own choreography right?"

Nahihiya naman akong tumango.

"Tama! Ang ganda kaya ng sayaw nya non." masayang pagsang-ayon naman ni L.

"If Kai and L, approved then count me in." sabay taas ng kamay ni Cliff.

"Me too." sunod ni Teph na nagtaas din ng kamay.

Sunod-sunod silang nagtaas ng kamay at gaya ng inaasahan ko'y si Peter ang pinakahuling magtataas ng kamay.

"Even if this will be hard.. Count me in." ani Peter.

Napangiti naman ako't natuwa sa kanilang pagsuporta sa akin.

"Alam kong mahirap pero kung magtutulungan tayo.. kakayanin natin." sabi ko. "Para kay Vini.." dagdag ko.

Nagtanguan naman sila't agad kong sinabi ang mga ideya kong nagustuhan naman nila't nagbigay din sila ng mga sarili nilang ideya. Alam kong kakayanin namin 'to ng kahit kunting oras lang. Kahit isang araw lang ang pagpo-polish namin, okay lang. That's already enough.

"Bella.."

Napalingon naman ako kay Kai na tumawag sa akin at nakita kong may hawak-hawak syang envelope.

"That's only two tickets. Sorry kung dalawa lang. Dapat ay tatlo 'yan pero kinuha na namin ang isang ticket para ibigay kay Vini. Gusto nya kasing sumama kahit na manonood lang sya." pagpapaliwanag sa akin ni Kai.

Tumango naman ako't ngumiti saka inisip na tamang-tama lang ito para kila Tita Edna at Penny.

"Salamat." nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya.

Binigyan nalang nya ako ng isang ngiti bago ako tinalikuran at pumunta kila L.

Huminga naman ako ng malalim at tinignan ang flyer na kasama sa loob ng envelop at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang pangalan ng nasa head judge.

Eduardo Francisco.

My tatay's the head judge!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
94K 4.6K 18
Epiphany leaves her job, gets accused by her old college friend (now turned ex-friend) of seducing her douchebag boyfriend, and gets kicked out of th...
1.3M 53.4K 40
Regret, guilt and fear are embracing her soul. Throughout the years that has passed, Linette Afia is still chained to the past of the unforgettable t...
3.2M 68.7K 34
[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 3: Destiny won't really make life easy for both of Vini and Bella. Different challenges are coming at them...