Wake Up Or Sleep

Von TianaVianne

1.5M 52.3K 8.8K

|| Published under PSICOM || After the plane crash incident, her brother went missing. Ever since that day, B... Mehr

Published under PSICOM
Wake Up Or Sleep
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
60
EPILOGUE

59

19.7K 650 118
Von TianaVianne


CHAPTER FIFTY-NINE


NAGHILAMOS ako ng mukha at binura ang make up ko.

Pagkalabas ko, tsinek ko agad ang phone ko at nakita kong may text sa 'kin si Tulog.

Iba talaga ang epekto sa 'kin ni Tulog, eh. Ultimong kahit text lang, nakakakilig agad.

Binasa ko ang text niya at napangiti ako nang malapad.

Good morning, babe. Kumain ka na?

Good morning. 'Di pa 'ko kumakain. Ikaw ba?

Binitiwan ko muna ang phone ko saka ko hinubad ang tuwalya ko at nagsuot ng hanging blouse at maikling shorts. Tumunog ulit ang phone ko kaya binasa ko agad ang textniya.

Good. 'Di pa rin ako kumakain. Sabay tayo mag-breakfast, babe. Sunduin kita d'yan.

Okay. Ingat. I love you!

Ang corny ko na naman. Bumabalik na ako sa dating Blossom. Si Sleep lang talaga may kakayahang ibalik ako sa dati.

Hinintay ko ang reply niya kaso nakalipas na ang fifteen minutes ay wala pa ring reply. 'Di man lang nag-I love you too.Kainis.

Lumabas na ako ng dorm at hinintay na lang siya sa tapat ng convenience store. Maya-maya lang ay dumating na ang Mercedes Benz niya at lumabas siya mula roon. Ugh. Dati, kapag nakikita kosiya, lagi lang siyang nakasandal sa gate ng bahay nila. Pero ngayon tuwing nakikita ko siya, lagi niyang kasama 'yong kotse niya.

Sinimangutan ko siya nang lumapit siya sa akin. Nakakatampo kasi, hindi man lang nag-reply kanina. Nginitian niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang hapitin niya ang baywang ko saka niya ako hinalikan sa labi.

"I love you too, babe," malambing na sabi niya kaya agad na dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko.

"Hindi na ako naka-reply kanina, nagmadali kasi akong magdrive papunta rito. Sorry."

Grabe, bakit ang sweet ng boyfriend ko?

"Gutom na ako," reklamo ko dahil kumakalam na 'yong sikmura ko.

"Doon tayo kumain sa restaurant ng kuya mo," bigla niyang sabi kaya napalunok ako.

"Bakit doon pa? 'Di ba magkaaway kayo?"

"May pag-uusapan kami."

"Oh? Talaga? Bati na kayo? Tungkol saan ang pag-uusapann'yo? Saka bakit kayo mag-uus—"

"Ang dami mong tanong, babe. Tara na."

Sumimangot na naman ako at sumakay na sa kotse niya. Pagkarating namin doon, agad niyang nilapitan si Kuya. Iniwan ako ni Tulog sa mesa namin at nag-usap sila ni Kuya doon sa loob ng kitchen.

Ano na naman ba'ng pinag-usapan nila? Pero buti bati na sila.

***

PUMUNTA kami sa Mariveles, Bataan kung saan talaga kami parehong nakatira. Dito ko talaga balak mag-celebrate ng Christmas Eve mamaya.

Siyempre gusto kong kasama angpamilya ko. At si Tulog naman, gusto niya rin kasama pamilya niya.

Ginamit namin ang kotse ni Tulog pauwi rito. Si Kuya, naunanang umuwi rito kagabi dahil sa kanya ko pinaasikaso ang surprise ko para kay Tulog.

Pumasok na ako sa bahay at agad na yumakap kina Momsie at Dade.

Sinenyasan ko si Kuya at tinanong ko kung okay na ba'yong plano. Oo raw sabi ni Kuya kaya naman nagpaalam na'ko kina Momsie at lumabas na ng bahay. Nakita ko si Tulog na nakasandal sa gate habang naghihintay sa akin. Napangiti ako bigla.

Naalala ko noong high school kami. Ganito palagi ang set up namin.

"Punta tayo sa school natin noong high school tayo. Lakad lang ulit tayo, ah?" nakangiting sabi ko at hinawakan ko angkamay niya.

9 p.m. pa lang ng gabi pero sobrang lamig na.

Puro Christmas lights sa paligid at talagang ramdam na ramdam na ang simoy ng Pasko.

"Akala ko, sa Japan lang may cherry blossom, mayroon dinpala rito sa Pilipinas. Blossom Prim Sasaki," hagalpak ko sa tawa sa sarili kong joke at narinig kong tumawa si Tulog. Woah.

First time niyang tawanan ang joke ko. WTF? Achievement!

"Na-miss ko mga joke mo, babe."

"Talaga? Sorry, ngayon na lang ulit ako ginanahan mag-joke, eh. Kasama kasi kita."

Pagkapunta namin sa school, nilabas ko ang phone ko at inaya kong mag-selfie si Tulog kasama ko. Napangiti siya at kusa siyang nag-wacky sa tabi ko.

Ang guwapo ni Tulog, kainis.

"A-upload ko 'to, ah? Grabe, ang tagal ko nang hindi nagpopost sa FB ko," sabi ko pa at in-upload ko agad ang pictures namin.

Ang dami agad nag-like at ang daming nag-comment. Sabinila, 'Kayo na ulit? Yie.'

Iba talaga ang kamandag naming dalawa. Charaught!

"Tulog."

"Oh?"

"Nami-miss mo na ba'ng tumugtog ng gitara?"

"Hindi. Mas miss kita."

"Weh?"

"Kulit."

"Eh, Tulog."

"Oh?"

"Naalala mo ba no'ng high school tayo, noong lagi tayo magka-chat 'tapos lagi tayo nagkikita sa balkonahe ng kwartonatin."

"Oo. Pangit. Corny."

"Wow, grabe ka!" reklamo ko at humalakhak siya.Nag-asaran at nagkuwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa umabot ng 2 hours ang paglilibot namin.

Pumunta kami ni Tulogsa Paskuhan Park. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 11:59 p.m.na. 1 minute na lang, Pasko na.Natigilan siya nang biglang bumukas ang mga Christmas lights sa bawat puno na may hugis puso lahat.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Mulasa damuhan, nagsimulang umilaw ang mga Christmas lights sa mga damo na may naka-form na 'I love you, Tulog.'

"Merry Christmas, babe," nakangiting bati ko sa kanya at kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Tulog nang akbayan niya ako.

"Sweet mo yata?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Hindi pa 'yan sweet," proud na sabi ko saka ako lumayo kay Tulog at kinuha ko ang gitarang nakasandal sa puno.

Umupo akosa gitna ng mga Christmas lights sa damuhan at nakita ko ang mas paglapad ng ngiti ni Tulog habang nakatingin sa akin.

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at ipinuwesto ko ang gitara sa lap ko.

"Pinag-aralan ko maggitara para sa 'yo, babe," nakangiting sabi ko at saka ko sinimulang i-strum ang gitara para kantahin ang Eternal Flame ng The Bangles.

"Close your eyes, give me your hand, darlin'

Do you feel my heart beating

Do you understand

Do you feel the same

Am I only dreaming

Is this burning an eternal flame"

Sleep Kaiser Topaz will always be my first and last love. Kahit malapit na akong mawala, I will still guide him and magiging masaya ako para sa kanya kung sakaling magmamahal man ulit siya ng panibago.

"I believe it's meant to be, darlin'

I watch you when you are sleeping

You belong with me

Do you feel the same

Am I only dreaming

Or is this burning an eternal flame"

Siguro nga, hindi lahat nabibigyan ng happy ending, 'no? Isa na ako roon. Bakit ba kasi sa dami ng taong puwedeng maagang bawian ng buhay, bakit ako pa? Hindi ko pa nga nagagawang maging architect, eh.

"Say my nameSun shines through the rain

A whole life so lonely

And then come and ease the pain

I don't want to lose this feeling, oh"

Naalala ko tuloy 'yong sinabi sa 'kin noon ni Tulog. Sabi niya, gusto niya magkasama raw kami sa trabaho. Civil engineer siya at architect ako. Masaya ako no'ng mga panahong sinabi niya 'yon, pero ngayon, hindi ko na alam kung ano pa'ng puwedeng maramdaman ko bukod sa lungkot at takot dahil hindi ko na siya masasamahan sa pagtupad ng mga pangarap namin.

"Close your eyes, give me your hand

Do you feel my heart beating

Do you understand

Do you feel the same

Am I only dreaming

Or is this burning an eternal flame"

I stared at him while singing and strumming the guitar. Sana ganito na lang palagi, nagagawa kong titigan ang mga mata niya. Mata niyang kakaiba.

"Close your eyes, give me your hand, darlin'

Do you feel my heart beating

Do you understand

Do you feel the same

Am I only dreaming

Is this burning an eternal flame"

Kapag namatay ako, gusto kong ibigay kay Sleep ang mga kamay ko. Baka sakaling makatugtog ulit siya tulad ng dati.

Baka sakaling maibalik sa dati ang buhay niya. Baka sakalingmaging masaya siya kapag nakapaggigitara na ulit siya.

Matapos kong tumugtog, nilapag ko ang gitara sa damuhan at tumayo ako para lumapit sa kanya. Matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at saka ako tumingkayad para halikan siya sa labi. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik pabalik sa akin.

Kumapit siya sa baywang ko at gustong tumulo ng luha ko ngayon dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko.

Paano 'pagbumitiw na siya sa baywang ko? Paano kapag naghiwalay na'yong labi namin? Baka hindi na namin ulit magawa 'to.

I did my best para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Punta tayo sa bahay n'yo, babe. Doon ako kakain sa bahay n'yo," nakangiting sabi niya at tumango naman agad ako.

Pagkarating namin sa bahay, kumain muna kami at talagang masaya ako dahil kasama ko ang buo kong pamilya, at katabi ko pa 'yong lalaking mahal na mahal ko.

Sana ganito na lang, sana hindi na matapos 'to.

Sana maramipa'ng kasunod.

Iinom sana ako ng wine, pero napadiin ang hawak ko sa baso dahil biglang kumirot ang dibdib ko. Pinilit kong itago ang hirap na nararamdaman ko at kumilos ako nang normal para hindi mapansin ni Sleep, pero alam kong medyo nahalata niya na may kakaiba sa kilos ko.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin at pilit akong ngumiti. "Teka, may kukunin pala ako sa kwarto," paalam ko. Peroang totoo, gusto kong pumunta sa kwarto para magpahinga at nang mabawasan kahit papaano 'tong sikip ng dibdib ko.

Umakyat ako sa kwarto at pagkabukas ko ng pinto, natigilanako. Buong pader ng kwarto ko ay napupuno ng pictures namin ni Tulog noong high school kami.

Halos walang natirang space sa pader dahil puro pictures naming dalawa. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Tulog mula salikuran ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Iyan 'yong pinag-usapan namin kahapon ni Rade, babe."

Napangiti na lang ako. Akala ko kung ano 'yong pinag-usapan nila kahapon ni Kuya. Iyon pala ay may hinanda rin siyang surprise para sa 'kin. Natawa tuloy ako, pareho pala naming inutusan si Kuya.

Napatingin ako sa kama ko na puro papel na may lamang linya ng mga kanta.

"Iyan 'yong mga na-compose kong kanta sa loob ng anim na taong hindi kita nakita, Prim. Tungkol sa 'yo lahat ng kantang 'yan."

Tinanggal ni Tulog ang pagkakayakap niya sa akin at pumunta siya sa harapan ko. Nangilid ang mga luha sa mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at naglabas ng isang maliit na kahon.

Binuksan niya 'yon at bumungad sa akin ang isang napakagandang singsing.

"Ikaw 'yong gusto kong makasama habambuhay, babe. I can't imagine my life without you. Kahit araw-araw pa ako maghatidsundo sa 'yo, kahit araw-araw mo akong simangutan at kahitaraw-araw mong ipakita sa akin 'yong kabaduyan mo, hindi parin mababawasan 'yong pagmamahal ko sa 'yo. Kahit ilang beses pa tayong maghiwalay, ikaw at ikaw pa rin sa huli, babe. Ikaw lang. Ayaw ko sa iba, gusto ko ikaw lang."

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon.

"Alam kong maaga pa para dito pero gusto kong masigurado nasa akin lang ang bagsak mo. Will you marry me, Prim?" nakangiti at sinserong tanong niya sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas nanikip ito at naramdaman ko ang paghahabol ko ng hininga.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang maramdaman ko ang panghihina ko.

Buong lakas kong pinilit magsalita nangtuwid at diretso.

"Sorry, Sleep. Pero hindi tayo para sa isa't isa."

Tinalikuran ko siya at tumakbo ako papasok sa kwarto ni Kuya. Ni-lock ko ang pinto at mahina akong umiyak sa isang sulok.

Gustuhin ko mang makasama ka panghabambuhay, hindi ko magagawa dahil sa sakit ko.

"Tinanggihan mo?" tanong sa akin ni Kuya.

"W-Wala akong karapatang s-sagutin siya ng oo. Iiwan ko lang din siya, Kuya. Iiwan ko lang siya."

"Wala ka man lang bang balak sabihin sa kanya ang kalagayan mo? Karapatan niyang malaman ang tungkol sa sakit mo."

"Paalisin mo na siya sa kwarto ko, Kuya. Pauwiin mo na siya. P-Please," hirap na hirap na sabi ko dahil sa paghahabol ko ng hininga ko.

Napatingala na lang ako nang maramdaman kong pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko at nararamdaman kong parang may napupunit na kung ano sa loob ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na pinipigilan ang pagkirot nito.

Pinawisan ako nang todo at mas lalong naghabol ng hininga.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
5.6K 366 20
Aeious is a man full of passion in his heart. One day, nawala iyon lahat sa kanya. He was lost, until Marina came into his life to fix and motivate...
25.1K 1.5K 10
His Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her home...
38.8K 1.4K 72
Meron na ngang label, pero magtuloy-tuloy na kaya ang pagmamahalan nila? [Travis Andrai & Romaline's Story] NOTE: This is an epistolary novel. Date S...