Beautiful Dance

By nininininaaa

4.3M 106K 14.4K

[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 1: If words fail, actions speaks. Vini Sarmiento is a leader of the... More

Beautiful Dance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 8 (Re-Upload)
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 28 (Re-Upload)
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Decision
Book Two
ANNOUNCEMENT!
Author's Announcement:

Chapter 17

94.5K 2.8K 459
By nininininaaa

Chapter 17
House

"Is that Rachel?" tanong sa akin ni Rachel ng matanaw na ang labas ng bahay nila Aling Felisa.

Naningkit ang aking mga mata't nakita kong si Rachel nga 'yon at sa tikas palang ng kanyang sarili'y alam kong hindi magandang dahilan ang ipinunta nya dito.

"Ihinto mo, Vini." mabilis kong sabi kay Vini bago pa nya mailapit ng tuluyan ang sasakyan at makita kami ni Rachel paparating.

"Why?" tanong nya sa akin ngunit inihinto nya rin ng dahan-dahan ang kanyang sasakyan.

"Sandali lang. Huwag kang lalabas." sabi ko't sinukbit na ang aking bag at tahimik na lumabas ng kanyang kotse bago pa nya ako mapigilan sa paglabas.

Taas-noo akong naglakad papunta kay Rachel at ng makita ko ang kanyang matatalim na tingin ay napahigpit ang kapit ko sa strap ng aking shoulder bag.

"Rachel--"

Hindi pa ako nakakapagsalita nang makalapit ako sa kanya ay agad nya akong sinalubong ng isang napakatunog na sampal.

Napabaling ang aking mukha sa kaliwa't ininda ko ang sakit ng kanyang sampal sa akin.

"Pano mo nagawa 'yon, Bella?" mariin nyang tanong sa akin na halos ipagsigawan na nya.

"H-Hindi ko alam--"

"Hindi mo alam? Hindi mo alam?" paulit-ulit nyang sabi't hinawakan nya ng mahigpit ang aking braso. "Sinaktan mo si Ralph! Pinaasa mo sya tapos sasabihin mong hindi mo alam?!"

Alam kong malaki ang tiyansang magalit sya sa akin ng dahil sa ginawa kong pambabasted kay Ralph. Sinakripisyo nya ang nararamdaman nya kay Ralph para sa akin na wala namang pinatunguan. Pero hindi ko naman iniwasang umasa na baka sakaling maintindihan nya ang desisyon ko dahil kilala nya ako na parang kapatid na.

"Ginawa ko 'yon dahil 'yon ang tama." sagot ko sa kanya't nasurpresa ako dahil buong-buo pa ang aking boses.

"Tama? Tama ba ang manakit ng taong walang ginawa kundi ang mahalin ka?" frustrated nyang tanong.

"Alam kong nakasakit ako pero sa tingin mo ba'y tama kung sagutin ko sya kahit hindi ko naman sya mahal? Kahit wala na akong nararamdaman para sa kanya?" pagbabalik ko ng mga tanong at hindi sya agad nakapagsalita kaya nagpatuloy na ako. "Rachel, hindi ako humindi sa kanya dahil trip ko lang. Humindi ako dahil hindi ko kayang lokohin ang sarili ko o magpanggap na mahal ko sya kahit hindi naman. Humindi ako dahil alam kong 'yon ang tama." paliwanag ko.

Napapikit ng mariin si Rachel at bahagya nyang sinabunutan ang kanyang sarili.

"Ahh!" sigaw nya't tinignan ako ng mariin. "Nagparaya ako, Bella! Nagparaya ako dahil alam kong ikaw ang magpapasaya sa kanya." tinuro-turo nya ang kanyang sarili. "Nagparaya ako kasi alam kong hindi mo sya sasaktan. Nagparaya ako kasi mahal ko sya at mahal din kita dahil parang kapatid na kita."

Nakayuko lang ako't pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi sa akin. Ayokong sumabat dahil ayokong mas lumala. Papakinggan ko sya. Iintindihin bago ako tumaliwas sa kanyang mga pahayag.

"Alam mo ba ang pakiramdam ng mabaliwala ang mga sakripisyo't effort?" tanong nya sa akin. "Yun ang nararamdaman ko. Kasi nung mga oras na magkasama kayo't masaya sa harapan ko, tinitiis ko 'yon kahit na nasasaktan na ako. Tiniis ko 'yon dahil alam kong sasaya kayo. Kahit ako na ang masaktan basta masaya kayong dalawa."

Kinagat ko ang aking labi't hindi ko na napigilan ang pagtutubig ng aking luha dahil sa pagtama sa akin ng bawat salita't paghikbi ni Rachel.

"Bella.. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Ralph.." pag-amin nya. "I should be happy pero nasasaktan ako para sa kanya."

Pumikit sya ng mariin at saka sya muling nag-angat ng tingin sa akin.

"Bakit mo sya sinaktan? Bakit? Bakit mo sya sinaktan?" paulit-ulit nyang sabi't nagsimula na nya akong pagpapaluin ng biglang may humarang sa aming gitna na nagpatigil sa kanya.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Rachel ng makita nya si Vini na nakaharang sa pagitan naming dalawa.

"Kanina pa ako nagtitimpi sa loob ng sasakyan simula ng sampalin mo sya but I guess I couldn't keep it to myself seeing you hurting her." mariing sabi ni Vini.

Sa tono palang ng boses ni Vini ay sa tingin ko'y wala syang pakealam kung babae man o matalik na kaibigan ko si Rachel.

"Vini.." marahan ko syang hinawakan sa kanyang braso at ang tensyonado nyang muscles ay unti-unting huminahon.

Napalingon naman sa akin si Rachel saka bumalik ang tingin kay Vini na muling bumalik sa akin.

"Sya ba ang dahilan kung bakit mo binasted si Ralph?" naka-kunot noong tanong sa akin ni Rachel.

Napalunok ako't hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Rachel. Kung oo ang sasabihin ko'y malalaman na ni Vini ang nararamdaman ko sa kanya, kung hindi naman ay alam kong hindi sya maniniwala sa akin.

"Sagutin mo ko, Bella!" akmang lalapit sa akin si Rachel ng muli syang hinawakan ni Vini na agad namang tiningala ni Rachel.

"Dont you dare lay a hand on her again." pagbabanta ni Vini. "I dont care if you're a girl." he added.

Napailing naman si Rachel at napabuntong hininga na parang hindi sya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Ah!" untag nya saka ngumisi. "Alam ko na!"

Napakunot naman ang noo ko sa biglang pag-iiba ng mood ni Rachel at alam kong pati si Vini'y naguguluhan na rin sa pinapakita ni Rachel.

"Bakit mo nga naman pipiliin si Ralph.. kung may mas mayaman ka namang manliligaw?" sarkastiko nyang sabi't lumingon kay Vini saka binigyan ito ng isang ngiti. "Ano? Magpapabilog ka ba sa kaibigan ko? Anong ibibigay mo sa kanya? Kasi si Ralph, binigyan sya ng cellphone at tignan mo ngayon, iniwan nya na kasi nakuha na nya ang gusto nya--"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nasampal ko na ang aking kaibigan kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Okay lang na magalit ka sa akin dahil sinaktan ko si Ralph pero wala kang karapatang siraan ang pagkatao ko." nanginginig at nanggigigil na sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Vini sa aking braso't hinimas-himas ito ng marahan.

"Hindi rin naging madali sa akin ang saktan si Ralph dahil wala syang ginawa kundi ang mapabuti't mapasaya ako pero ginawa ko pa rin dahil 'yon ang alam kong tama." muli pagpapaliwanag. "At yung cellphone ba? Ayun! Binalik ko na sa kanya. Kunin mo dahil sayang naman. Gusto mo rin ba ng cellphone galing sa kanya? Diba gusto mo?"

"Bella.." pagtawag sa akin ni Vini ng marahan na nagpatigil sa akin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ngunit hindi ko pa rin napigilan ang pagkawala ng aking hikbi.

Magsasalita na sana ako upang talikuran na sya ng bigla syang umakto na parang naduduwal.

Nanlaki ang aking mga mata ng maulit ito't tumakbo na sya sa may kanal upang ilabas ang sama ng kanyang tiyan.

Sinundan ko naman sya't marahang hinimas-himas ang kanyang likod habang patuloy lang sya sa pagsuka.

Kahit na napagsalitaan nya ako ng masama ay mahal na mahal ko pa rin sya dahil para ko na syang kapatid at hindi ako masaya kapag nakikita ko syang nahihirapan o nasasaktan.

"Okay ka lang ba--"

"Huwag mo kong hawakan." aniya't itinabig ang aking kamay saka pinunasan ang kanyang bibig gamit ang kanyang panyo.

"Rachel.." tawag ko sa kanya na may bahid ng pag-aalala ngunit tinalikuran nya lang ako't nagsimula na sa paglalakad paalis.

Lumapit naman si Vini sa akin at hinarap ako sa kanya't hinawakan ang aking pisngi na para bang sinusuri nya ang aking mukha.

"Thank God there's no bruise." napabuntong hininga sya't niyakap ako. "It'll be alright. Magkakaayos rin kayo." he comforted me.

Tumango-tango naman ako't pinilit ko ang aking sarili na ngumiti kahit na nag-aalala na ako para kay Rachel dahil sa bigla nyang pagsuka ng wala sa oras.

May naiisip akong dahilan ngunit hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling tama ang hinala ko.

"Oh, Bella! May kasama ka pala..." bahagyang napataas ang kilay ni Aling Felisa nang makita akong may kasama nang binuksan niya ang gate ng bahay.

"Ah, opo, kaklase ko po," sabi ko nalang at ngumiti saka nagmano bilang paggalang at pagbati.

Hindi naman naalis ang titig ni Aling Felisa kay Vini.

"Magandang gabi po," magalang na pagbati ni Vini kay Aling Felisa at lumapit din upang magmano sa kaniya.

"Hindi mo nasabing mag-iimbita ka pala ng kaibigan at sana'y nakapagluto ako ng ibang hapunan," sabay baling sa akin ni Aling Felisa at tila nahihiya kay Vini.

"Hinatid niya lang po ako. Hindi naman po siya magtatagal," sabi ko.

"Eh, kung ganoon ay salamat sa paghatid mo kay Bella, hijo," pagpapasalamat ni Aling Felisa kay Vini.

"Walang ano man po," ngumiti si Vini kay Aling Felisa bago ako nilingon. "I'm gonna pick you up tomorrow. Text me once you're ready to go."

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. "Salamat ulit, Vini. Mag-iingat ka."

"No problem," he smiled, once again, and courtly nodded at Aling Felisa before returning to his car.

Tuluyan naman akong pumasok sa loob ng bahay kasama si Aling Felisa.

"Susunduin ka niya bukas?" tanong ni Aling Felisa nang makapasok kami sa loob ng bahay.

Sina Ate Daisy at Linda ay nanonood ng telebisyon sa sala. Agad naman naming nakuha ang atensyon ni Ate Daisy kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniya.

"Saan kayo pupunta?" kuryosong tanong ni Aling Felisa.

"Uh... May alam po siyang apartment na pwede ko pong matirahan. Sasamahan niya po ako roon bukas upang makapaglipat. Sinigurado niya naman po na kasya ang budget ko sa lilipatan ko," sagot ko.

"Hay sa wakas!" biglang pagsingit ni Ate Daisy. "Akala ko'y habang buhay ka nang makikisiksik dito sa bahay namin."

"Daisy, magtigil ka nga!" pagsuway naman ni Aling Felisa sa nakakatandang anak bago muling lumingon sa akin. "Sigurado ka bang aalis ka na, Bella? Wala namang problema kung nandito ka sa amin."

Tumango naman ako at saka ngumiti. "Sigurado na po ako at gusto ko na rin pong matutong tumayo mag-isa."

Kita ko sa mga mata ni Aling Felisa na ayaw niya akong pakawalan at umalis sa kaniyang puder, ngunit hindi niya rin naman ako mapipigilan. Nahihiya na ako sa kanila dahil totoo naman ang sinasabi ni Ate Daisy. Ayoko nang maging pabigat sa kanila.

Kinagabihan, pagkatapos kumain ng hapunan ay inayos ko na ang aking mga importanteng gamit na dapat kong unahing dalhin.

"Ate Bella..."

Nilingon ko naman si Linda na nakasilip sa pintuan. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

I smiled at the sight of her. Sumenyas ako na lumapit siya sa akin at agad niya namang ginawa. Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad siyang yumakap sa akin ng mahigpit. Doon na rin nagsimula ang kaniyang munting hikbi.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"Mamimiss kita, Ate Bella..." iyak niya.

Kaysa malungkot ay napangiti ako. Napamahal na siya sa akin kahit sandali pa lamang akong nakikituluyan sa kanila.

"Huwag kang mag-alala," sabi ko naman. "Susubukan kong bisitahin ka kapag hindi ako busy. Ayos ba 'yon?"

Naramdaman ko naman ang kaniyang pagtango at saka mas humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin.

Tanghali kinabukasan ay sinundo na ako ni Vini upang magtungo sa apartment na kaniyang sinasabi. Dumaan pa kami sa drive thru upang bilhan niya ako ng pagkain na aking kakainin habang nasa daan.

Sa isipan ko ay sinusubukan ko nang kwentahin ang magiging gastusin ko buwan-buwan. Kailangan ay maging matipid ako. Panatag naman ako na makakayanan kong bayaran ang magiging bayarin, ngunit nang makita kong pumasok kami sa isang eksklusibong subdibisyon ay agad na akong kinutuban.

"Vini, sigurado ka bang may mga murang apartment dito?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya.

He just glanced at me and smiled before maneuvering his car to a massive gate. Bumusina siya ng dalawang beses at agad namang binuksan ang gate para sa kaniya. He accelerated the car while entering the mansion. I'm pretty sure that this is not an apartment.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkalito at pagkagulat ng bigla nang bumukas ang pintuan sa aking gawi. Hindi ko man lang napansin si Vini na nakababa na pala ng sasakyan.

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin at kahit punong-puno ng pag-aalangan ay ibinigay ko sa kaniya ang aking kamay upang maalalayan niya sa paglabas ng sasakyan. Agad ko namang tiningala ang napakatayog na bahay sa aking harapan. I suddenly felt so small while looking at the house.

"Welcome to our house," Vini suddenly announced and my eyes widened in surprise.

Continue Reading

You'll Also Like

86.4K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
8K 541 61
Esperance Series 2 | An Epistolary Naranasan mo na bang mag-paubaya ng taong mahal mo? Lalo na't kung alam mong hindi siya liligaya sa piling mo. Per...
5.3M 114K 40
[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua...
1.3M 53.4K 40
Regret, guilt and fear are embracing her soul. Throughout the years that has passed, Linette Afia is still chained to the past of the unforgettable t...