Beautiful Dance

By nininininaaa

4.3M 106K 14.4K

[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 1: If words fail, actions speaks. Vini Sarmiento is a leader of the... More

Beautiful Dance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 8 (Re-Upload)
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 28 (Re-Upload)
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Decision
Book Two
ANNOUNCEMENT!
Author's Announcement:

Chapter 14

91K 2.9K 144
By nininininaaa


Chapter 14
Competition

"Mabuti naman at agad kang nakahanap ng trabaho." masayang sinabi sa akin ni Aling Felisa habang tinutulungan nya akong igayak ang aking sarili para sa unang araw ko sa trabaho. "Tunay ngang may awa ang Diyos."

Nakangiti naman akong lumingon kay Aling Felisa. "Oo nga po eh." sabi ko't sinuklay ang aking buhok. "Ang swerte ko po't hindi nya po ako pinapabayaan."

Lumapit naman sa akin si Aling Felisa't kinuha sa akin ang suklay upang sya ang gumawa nito para sa akin.

"Panigurado akong masaya ngayon ang nanay mo para sayo." marahan nyang sabi sa akin.

Napangiti naman ako. "Sana nga po." sabi ko.

Alam ko sa sarili kong sinuway ko si nanay sa palagi nyang habilin sa akin na mag-aral ako ng mabuti.

Napaka-importante kay nanay na makapag-aral ako't makapagtapos. Siguro'y gagawin ko rin 'yon pero hindi pa ngayon... Pasensya na nay, pero hindi pa ngayon.

"Gusto mo bang isabay na kita, Bella?" tanong sa akin ni Tatay Tonio, ang asawa ni Aling Felisa.

Namamasada ng taxi si Tatay Tonio kaya pwede nya akong maihatid sa trabaho.

"Huwag na po." magalang kong pagtanggi. "Sayang po sa gas nyo. Marami pong kailangang sumakay ng taxi doon sa C4."

"Okay lang 'yon. Madali lang din naman makakuha ng pasahero sa China Town kaya sumabay ka na sa akin at sayang din sa pamasahe." pagpilit nya sa akin.

Nilingon ko naman si Alings Felisa't nakangiting tumango sya sa akin upang sabihing sumabay na ako kay Tatay Tonio.

"Sige na nga po." ngiti ko't mabilis kaming umalis para hindi mahuli sa aking trabaho.

Nang makarating na ako doon ay nagmano ako kay Tatay Tonio bago sya tuluyang makaalis at sinalubong ako ng isang mabangong amoy at tahimik na paligid ng restaurant.

Hindi pa naman kasi bukas ito kaya wala pang masyadong tao kundi ang mga nag-aayos at naghahanda para sa pagbubukas ng restaurant.

"You're early, Bella."

Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Sir James na tinitiklop ang kanyang longsleeves hanggang siko't kakapasok lang.

"You still have thirty minutes before call time." puna nya.

"Okay lang po saka.. natatakot din po akong ma-late." nakangiti kong sabi.

He chuckled. "Well then I guess I cant do anything since you're already here." sabi nya. "Ipapakilala nalang kita sa mga ibang staffs dito."

"Ay! Sige po." sabi ko't na-eexcite akong makilala ang mga ka-trabaho ko.

"Sonia, pakitawag naman ang lahat dito." sabi nya sa isang babaeng nag-aayos ng mga kubyertos sa mga lamesa.

"Sige po, Sir." magalang at nakangiting sabi nito saka nagtungo sa may loob.

Nang matipon na ang lahat pati ang mga chefs ay hinarap na ako ni Sir sa kanilang lahat.

"Everyone, she's Arabella Francisco, this branch's assistant manager." pagpapakilala sa akin ni Sir James.

Kumaway at ngumiti sa akin ang mga ka-trabaho ko't isa-isa ko silang binati upang mas madali ang pagtanda ko sa kanilang lahat.

"Here's the contract. I need you to sign it." aniya't binigay sa akin ang kontrata. "There's no specific date kung kailan matatapos ang kontrata mo since thing's may change lalo na't teenager ka palang. There's a chance na ginusto mong bumalik sa pag-aaral kaya no limits." pag-eexplain nya sa akin.

"Uhm.. Salamat po." nahihiya kong sabi habang pinipirmahan ang mga dapat kong pirmahan.

"No. Thank you." sabi nya't napalingon ako agad sa kanya.

Ngumiti sya't inilapit sa akin ang picture frame ng isang family photo na sa palagay ko'y pamilya nya dahil nandoon sya't nakayakap sa isang buntis na babae.

"My wife's due next month with our third child and walang mag-mamanage ng restaurant that's why I'm thankful na pinasok ka dito ni Hailey." aniya. "Hindi ko naman pwedeng ipahandle sa kapatid ko dahil natataranta din sya sa asawa nya dahil buntis din ito sa pangatlo nyang anak na kagabi nya lang nalaman that's why he'll be busy taking care of his wife dahil nasa critical stage pa ang misis nya't sensitive sa pagbubuntis." ngumiti sya sa akin. "That's why thank you. With you here, mas magkakaroon ako ng time sa pamilya ko."

Ngumiti naman ako't umiling. "Wala pong problema don, Sir." sabi ko.

"I know and I hope magustuhan mo ang pagt-trabaho dito cause I dont mind if you'll be a permanent employee here." aniya.

"Nako! Salamat po talaga, Sir."

Hindi ko alam kung gaano ako kasaya sa swerteng dumadating sa akin ngayon. Swerte sa pamilyang kumupkop sa akin, swerte trabaho, swerte sa boss. Laking pasasalamat ko talaga't may dumadating na ganitong grasya sa akin.

At pinapangako kong hindi ko sasayangin ang grasyang 'yon.

"Everything's complete." ngiti ko. "Pwede na tayong umuwi." sabi ko sa mga staffs.

Bago magsara't umuwi ang lahat ng mga staff ay binibilang ko muna ang lahat ng mga gamit sa kusina para sa inventory. Para kapag may nawawala'y ma-irereport ko kay Sir James. Binibilang ko rin ang bawat kita na pumapasok sa araw-araw at nilalagay 'yon sa computer para sa monthly report ng sales kay Sir James.

Sa araw nama'y minsan tinutulungan ko sila sa pagseserve o di kaya'y kinakausap ko ang ilang mga customer upang ma-entertain sila ng kahit papaano.

Tatlong araw palang akong nagt-trabaho dito pero nakasanayan ko na ang lahat ng mga gawain ko lalo na't paminsan-minsa'y tinutulungan din ako ni Sir James kaya mas nakakaya kong gawin lahat lalo na't ayokong masira ang tiwala nya sa akin.

"Bella, medyo maaga tayong magsasara cause it'll be a private place for our family dinner." pag-iinform sa akin ni Sir James. "Pauwiin mo na yung iba but let two waitress or waiter stay plus the head chef and one assistant chef."

"No problem, Sir." ngiti ko.

"Okay and please tell the chef you assigned to do this cuisines for estimatedly sixteen persons." at inabot nya sa akin ang isang papel.

Apat na putahe lang ang nakalagay doon pero sa tingin ko'y mabilis lang din itong mauubos sa dami ng kakain.

"Magdidinner pala ulit dito ang family ni Sir James." sabi ng isang assistant chef.

"Oo nga eh. Pamilya ng mga gwapo." kinikilig na sabi nang isang waitress.

"Sana kasama na 'yong isa pang pogi. Hindi na kasi 'yon uma-attend nung mga nakaraang linggo." lumungkot ang boses ng isa.

Napalingon naman ako sa kanila. "Lagi ba silang kumakain dito?" curious kong tanong.

Ngumiti naman sa akin si Wyne, ang assistant chef. "Oo, every week 'yon. Kaya lagi namin yun inaabangan every week. Ang popogi at ang gaganda kasi ng lahi ng pamilya ni Sir."

Tumango-tango naman ako't inisip kong kasama doon si Hailey. Siguro'y dapat akong magpasalamat ulit sa kanya sa personal.

Nang magsara na ang restaurant at ni-anunsyo ni Flora, ang isa sa mga waitress ngayon na nandito na ang mga bisita'y nagbilang nalang ako ng mga kita sa araw na 'to habang hinihintay na matapos ang kainan nila para mabiling ang nga kubyertos at ang mga iba pang utensils.

"Ma'am Bella..." dahan-dahang pumasok si Flora sa loob ng aking maliit na office.

"Hmm?" lumingon ako sa kanya't ngumiti.

"Pinapatawag ka po ni Sir James." aniya.

Bahagya naman akong kinabahan sa sinabi nya't iniisip ko kung may nagawa ba akong mali sa pagp-prepare para sa dinner ng pamilya nya ngayong gabi.

"Pakisabi susunod ako agad." mabilis kong sabi at ni-type sa computer ang bilang ng kita ngayong araw saka ni-save ito bago lumabas sa aking office.

Nangangatog ang aking binti habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroon nila.

"Oh, there she is..." rinig kong sabi ni Sir James at lumapit sa akin. "My assistant manager, Arabella Francisco." pakilala niya sa akin sa harap ng buong pamilya.

Lumingon silang lahat sa akin at pinasadahan ko sila ng ngiti at tingin na agad ring mawala ng makita ko si Vini'ng nakatingin sa akin ng seryoso't nagtiim ang kanyang bagang.

Tumayo sya sa kanyang kinauupuan at napatingin ang lahat sa kanya.

"Vini..."

Nilingon ko si Hailey na tinawag si Vini't hinawakan ito sa kanyang braso.

"Where are you going, son?" tanong ng isang nakakatandang lalaki't isang tingin ko palang ay alam kong sya ang daddy ni Vini dahil kahawig nya ito.

"I forgot that I have to do something important." simpleng sabi ni Vini. "I'm sorry but I have to go." paalam niya at mabilis na umalis kahit na tinatawag siya ng kanyang mommy.

"Sorry for Vini's actions." nakangiting paghingi ng paumanhin nito sa lahat. "Maybe it's something really important cause he's not really like that." she explained.

Kinagat ko ang aking ibabang labi't sinasabi sa akin ng utak ko na ako ang dahilan kung bakit umalis si Vini.

"It's really, Ate Bella!"

Napalingon ako sa isang matinis na boses at nakita ko si Lauren na masayang papalapit sa akin na agad hinawakan ang charm bracelet na gawa nya para sa akin na nakasuot sa aking papulsuhan.

"You made that for her, baby?" tanong ng mommy ni Lauren sa kanya.

"Yes, mom." nakangiting sabi nito. "She's kuya's friend that made her also my friend 'cause she's very nice."

"You must be the Bella he knew then?" puna ng kanyang mommy.

Nahihiya naman akong tumango. "Ako nga po."

Pinakilala ako ni Sir James sa buong pamilya nya't pinakahuling pinakilala sa akin ay si Ate Lyrae.

"Can I talk to you, Bella?" nakangiti nyang aya sa akin.

Lumingon naman ako sa buong table at nakitang busy sila sa pag-uusap ng kung anu-ano bago ako huminga ng malalim at tumango kay Ate Lyrae.

Tumayo si Ate Lyrae at pinigilan sya agad ng kanyang asawang si Kuya Josh.

"Aalis kayo?" sabay tingin sa akin ni Kuya Josh.

"We'll just talk at her office." ngiti nito sa asawa. "It'll be quick." sabi niya.

Binitiwan naman ito ni Kuya Josh. "Okay, then." ngiti nito.

Tumango nalang si Ate Lyrae at saka lumingon sa akin.

Pumunta kami sa aking masikip na office para doon makapag-usap privately.

"Pasensya na po. Masikip po't maliit lang ang opisina ko." nahihiya kong paghingi ng paumanhin.

"It's okay. Space doesn't matter." ngumiti ito sa akin at umupo sa provided na upuan para sa gustong bumisita sa aking opisina. "Upo ka din." aya niya at tinapik ang kaniyang tabi.

Tumango naman ako't naiilang na umupo sa tabi nya't naamoy ko kaagad ang bango nya.

Nasa lahi rin ata nila Vini ang may mabangong amoy.

"I don't want to interfere pero I can sesnse that there's something wrong between you and my brother." panimula niya.

Kinagat ko naman ang aking labi't bahagyang napayuko. "H-Hindi po kasi ako nakarating sa competition nya kahit na nangako po akong dadating ako." paliwanag ko. "Nagalit po sya kasi hindi ko po natupad ang pangako ko na hindi ko naman po sya masisisi."

"Speaking of that.. he told us na dadating ka nga daw and he's so thrilled na ipakilala ka kila mommy't daddy but you didn't come." aniya. "But... why?" tanong nya. "Bakit hindi ka nakapunta?"

Huminga naman ako ng malalim at naramdaman ang walang tigil na pagbuo ng aking luha twing pinag-uusapan ang pagkamatay ni nanay.

"N-Namatay po ang nanay ko sa mismong araw ng competition niya..." pag-amin ko.

Nakita kong napaawang ang bibig ni Ate Lyrae sa pag-amin ko't mukhang hindi nya inaasahan ang aking isinagot.

"W-What happened?" hindi makapaniwala nyang tanong.

"Heat stroke po." pumiyok ang aking boses saka pinilit na ngumiti. "Hindi na po siya naisalba kaya ngayon, sa kaibigan po muna ako ng nanay ko naninirahan pero kapag nag-eighteen na po ako sa nalalapit na buwan, aalis na rin po ako. Kaya po tumigil ako sa pag-aaral upang magtrabaho at dito nga po ako napadpad na masaya naman po ako dito."

"I-I'm sorry to hear about that..."

Umiling naman ako't ngumiti kay Ate Lyrae. "Okay lang po." sabi ko. "Di naman pong maiiwasan i-kwento ko ang mga bagay na 'yon."

"Why didn't you tell Vini about this?" tanong nya sa akin. "I assumed na namatay sya even before the competition started right? Pero bakit hindi mo sinabi sa kanya ang nangyari kaya hindi ka makakarating?" naguguluhan niyang tanong.

"Kahit po hindi pa po kami ganong katagal magkakilala... Alam ko pong kapag nalaman niya ang nangyari, pwedeng iwan niya po ang competition para lang tumakbo papunta sa akin. Napalapit na rin po kasi sya kay nanay at ayoko pong maging hadlang sa pinaghahandaan nyang competition." pagsasaad ko ng aking dahilan. "Ayoko pong masayang ang pinaghirapan nila ng kanyang grupo dahil lang po sa amin."

"Then why didn't you tell him after that?" tanong nya. "He's mad at you... I can see and feel that earlier."

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. "S-Sasabihin ko po dapat pero... pero hindi ko po nagawa dahil nalamon po ako ng galit niya at hindi ko na po nagawang makapagsalita." sabi ko. "Kung ayaw niya na po sa akin, ayoko naman pong ipagpilitan pa ang sarili ko. Saka diba dapat po sana man lang ay tinanong niya po ako kung bakit? Hindi po 'yong bigla-bigla nalang siyang magagalit at aakusahan ako."

"I can see your point, Bella." ani Ate Lyrae. "Naiintindihan kita. And I promise that I won't tell Vini about it. I want him to learn his lesson that he shouldn't act or accuse someone without even thinking about it." ngumiti sya sa akin.

"Salamat po, Ate Lyrae." ngiti ko sa kanya.

Bahagya namang nawala ang kanyang ngiti't kinagat ang kanyang ibabang labi.

"May problema po ba, Ate?" nag-aalala kong tanong dahil sa biglang pagbabago nya ng ekspresyon.

"About Vini's competition.." panimula niya at tumingin ng diretso sa akin. "His group didn't win."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
8K 541 61
Esperance Series 2 | An Epistolary Naranasan mo na bang mag-paubaya ng taong mahal mo? Lalo na't kung alam mong hindi siya liligaya sa piling mo. Per...
3.1M 68.7K 34
[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 3: Destiny won't really make life easy for both of Vini and Bella. Different challenges are coming at them...
2.5M 56.7K 50
Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawalan ng boyfriend niya. That-and she just...