BEST-Friend-Zoned (Book 2)

By katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue
Special Chapter

Chapter Five

65 1 0
By katnisssss

Hindi ko alam kung bakit ko pa ba binibigyn ng mga kulay ang ginagawa sa akin ni Logan. Everything changes. And I'm sure my feelings for him does too. I have moved on. And I made that sure during my five-year stay far away from him. 

Kung sabihin man niya ngayon na bestfriend niya ako, then I should act normal about it. I should be happy actually, dahil kahit papaano naman, nabalik pa rin ang friendship namin. Siguro naninibago pa ako sa ngayon. Kakabalik ko pa lang and the environment I'm into now? Marami nang pinagbago.


"Goodmorning anak! Kumusta ang naging tulog mo?" salubong sa akin ni Mama nang bumaba na ko galing sa kwarto.

"Hmm..." nag-ayos muna ako bago tuluyang sumagot sa kanya. "Ayos naman po Ma. Medyo nanibago lang po ako siguro kaya ilang oras lang din ang naging tulog ko."

Tumango naman si Mama sa tinuran ko. Tumalima ako sa hapag-kainan. Ang dami namang pagkain ang nandoon.


"Ma, may bisita ba tayo? Bakit parang ang dami naman nitong mga pagkain. Hindi naman natin kakayaning maubos ito ehh." pagkasabi ko naman kay Mama, isa-isa kong ineksamin yung mga pagkain. This is too much heavy for a breakfast!

Lumapit siya sa akin bago ako sinagot. Naglapag pa siya ng isang putahe doon. "Na-inspire lang ako magluto. Ngayong nandito ka na, gusto kong ipatikim sa'yo lahat ng mga natutunan kong lutuin nung nasa Amerika ka pa."

Napakamot naman ako ng ulo. "Pero pwede naman pong, isa-isa lang. Hindi naman po ako aalis agad." tawa ko. Umupo na rin ako doon sa usual na inuupuan ko.

Umupo na rin naman si Mama. Ngumiti siya sa akin. "Ewan ko ba. Masyado lang ata kitang na-miss kaya ganyan. O siya sige, kain na!" saka niya ako nilagyan ng kanin sa plato.

Sinubukan kong bawasan iyong nilagay ni Mama kaso pinigilan niya naman ako. "Ang payat mo na, kumain ka ng marami. Aba, parang hindi ka naman ata kumakain doon. Pati ata allowance mo, pinapadala mo sa akin dito. Tss."

Napatigil ako doon sa sinabi niya. 


Halos tama naman kasi ang naging hinuha ni Mama. Ewan ko ba, para kasing iyon lang ang maitutulong ko kay Mama. Na kahit nag-aaral pa lang ako, gusto kong nakakatulong na ako sa kanya. Kahit pa nga inaayawan niya yun dahil may grocery store naman na bumubuhay sa kanya ng mga oras na yun. Kaso wala lang. Feeling ko kasi, wala rin naman ako masyadong gagawin sa kung anumang halaga ang meron ako. 

Lahat din halos ng pagkain namin doon, si Daphne ang gumagastos.

Sinabi ko na lang din kay Mama na pampagawa na lang iyon ng bahay o kahit ng kwarto ko na lang. Doon na rin siya pumayag. 


"Ma, kumakain naman ako doon. Sobrang naging busy lang po lately kaya hindi ako masyadong nakakakain ng maayos. Pero kumakain pa rin naman po ako." Sumubo na rin ako. 


How I miss eating Filipino dishes! Puro naman kasi high-meat products ang kinakain ko doon. Kung minsan, mga processed foods na lang. Na-miss ko rin ang kanin. Haayy!


Mukhang napansin ni Mama ang pagsandal ko doon sa inuupuan ko. "Na-miss mo, ano? Di bale, sa dalawang buwan mo dito, puro mga putaheng Pinoy lang."

Natuwa naman ako doon sa sinabi ni Mama. Kung ganun nga ang magiging set up, baka, hindi na lang ako bumalik sa US at dito na lang ako.

"Asahan ko po yan Ma." Sabay kaming tumawa ni Mama at pinagpatuloy na ang pagsalo doon sa mga pagkain.


-


"Ayaw niyo po talagang samahan ko kaya sa store Ma? Wala naman akong gagawin ehh. Isa pa, kaya nga po ako umuwi para matulungan ko naman po kayo dito." Pinagmamasdan ko si Mama na abalang-abala sa pag-aayos ng mga gamit niya.


I really can't understand why she don't want me to go with her. Ehh ano naman kasing gagawin ko dito di ba? Tsaka tinatamad naman akong mamasyal ng walang kasama.


"Hindi na. Marami na naman tayong employees doon. Imomonitor ko lang sila doon." Sumimangot ako sa sinabi niya. 


Hmmp! The reason why I took a business course, is to help on our business. I wonder how can I be able to do it, if she don't even allow me to go with her.


"Baka ma-bored ka lang doon. Maaga rin naman ako uuwi mamaya. Promise ko yun. Ang mabuti pa, mamasyal ka na lang muna. Alam ko naman na na-miss mo rin ang Pilipinas."

"Paano naman po ako mag-eenjoy kung hindi ko kayo kasama?" naka- pout kong tugon sa kanya. Pumangalumbaba pa ako para mukha talagang nagtatampo.

Ngumiti lang si Mama doon. Hmm? Ano namang nakakatawa? Lalo naman akong sumimangot.

"Oo na, sige na. Bukas, pangako ko, sasamahan kita." Napangiti na rin ako sa sinabi niya. "Sa ngayon, iba muna ang sasama sa'yo."

Nangunot naman ang noo ko. Sino naman pala?


"Hi Tita! Late na ba ako?" Narinig ko bigla si Logan na nagsalita. Kakapasok niya pa lang ng bahay. "Gulaman!"

Agad naman akong napalingon sa kanya at binigyan siya ng masamang titig. 

"Mukhang masama ang gising natin ngayon ahh." humalakhak pa siya, parang hindi niya alintana na naiinis pa rin ako sa kanya.


Habang naglalakad kasi kami pauwi kaninang madaling-araw. May nakasalubong kaming mga bading. Pagnanasang tingin ang binigay nila kay luga samantalang sa'kin, akala mo kakainin na ako ng buhay. They were like tearing my soul apart using their stares.

Hindi ko naman napansin na napairap pala ako sa kanila. Kaya iyon, halos sugurin nila ako. Sabi pa ng isa, akala mo daw kung sino akong napaka-ganda. Napakunot tuloy ako ng noo.

Having friends like Daphne and Ali, natutunan ko sa kanila kung paano lumaban. Well, kapag sumosobra na sila sa pang-lalait at lalo na kapag nagamitan pa ng dahas. 

Aba! Ang sakit kaya ng paghila niya sa isang strand ng buhok ko. Kaya yun, nakipag-suguran din ako. Mga baklitang iyon! Tss! Kung hindi naman dahil sa make up, hindi mo sila mapagkakamalang tao. Kahit pa nga pa, puno na halos ng kolorete ang mukha nila, hindi pa rin mukhang tao talaga. Mukhang clown, pwede pa.

Malapit ko na sana mahigit ang buhok nung isa na mukhang wig lang naman, nang pinigilan naman ako ni luga. Akala ko ipagtatanggol niya ako, pero laking gulat ko nang sumang-ayon pa siya sa sinabi ng mga baklitang yun. 

Nakipagladian pa kamo. Sa sobrang asar ko, iniwan ko siya mag-isa doon. Bahala siyang magpa-rape sa mga mukhang clown na mga baklitang yun. 

Ilang segundo rin naman ng paglalakad ko, sumulpot ulet siya sa tabi ko. At kung maka-akbay, akala mo walang nangyaring ganung eksena. Ang sarap lang sapakin! Kung makapangsabi ng bestfriend, akala mo naman umaakto talaga. Tss!

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makauwi kami sa bahay. Tinatanong niya ako kung anong problema, pero hindi ko siya sinasagot. Umiismid lang ako sa kanya. Manigas ka diyan noh! 


"Nakiusap ako kay Logan kung pwede ka ba niyang samahan ngayon mamasyal. Buti nga at wala naman palang masyadong gagawin itong si Logan kaya pwedeng pwede ka niyang alalayan muna." Napansin ata ni Mama ang naging reaksyon ko kaya nagdugtong rin siya ng eksplanasyon.

"Kaya ko na naman po mag-isa Ma." nasabi ko sa kawalan. Ayoko ngang kasama itong luga na 'to. Ewan ko ba, banas na banas lang ako sa kanya.

"Akala ko ba, gusto mo ng may kasama?" Napapikit naman ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang dumugtong naman ulet siya. "Ayos lang ba talaga sa'yong samahan itong si Angela?" lipat niya ng tingin kay luga.

"Opo naman Tita. Libre naman po ako ngayong araw."

Napapailing na lang ako. What else will I'm going to do? Kahit naman magpalusot pa ako, wala rin namang mangyayari. The end line will still be, sasamahan niya ako kahit anong mangyari.

"Sige na, mauuna na akong umalis. Mag-enjoy kayong dalawa!" pagpapa-alam pa ni Mama.


-


Ginamit namin ang kotse nitong luga na 'to. Ang awkward tuloy sa loob. Well, ayoko namang mag-insist na makipag-usap sa kanya. May kasalanan siya sa akin kaya dapat lang tahimik ako. It is just right that I will never give him any attention nor any words. Patigasan na lang kami!


"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya sa akin habang minamaniobra ang sasakyan niya sa may parking lot ng mall.

"Ikaw bahala." walang kagana-gana kong sagot sa kanya.


When he finally shut the engine, doon lang ulet siya nagsalita. "Ako? Di ba ikaw ang gustong mamasyal?" Kumunot pa siya ng noo.

I just shrugged my shoulders. "Let yourself be my tour guide, then. Tutal nagprisinta ka namang samahan ako di ba?" pagtataray ko pa.

Nanliit ang mga mata niya sa akin. Huminga siya ng malalim bago ulet nagsalita. "Okay." Sabay baba niya ng kotse.


So, ganun? Yun lang yun? Tss. Then, fine. Patigasan pala ahh! Sige lang...


Padabog akong bumaba ng kotse. Ni hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ehh sa naaasar ako sa kanya...


"I thought, I'm gonna be your tour guide." Parang wala lang yung ginawa kong drama kanina. Nangingiti pa itong isang 'to. Ang sarap lang batukan!

Ngumiti din ako sa kanya at sarcastic na nagsalita. "Ang bagal mo kasi ehh, kaya nauna na akong bumaba." saba irap ko at alis nang nakasabit niyang braso sa akin. Feeling close lang ahh! Hoy! Hindi pa po kaya tayo bati! May kasalanan ka pa sa'kin!


Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makapasok na kami sa loob ng mall. Nakahalukipkip lang akong tumitingin tingin sa mga clothing line stalls doon. 

Napansin ko ang isang dress sa isang shop. Pagkakita ko nun, naisip ko kaagad si Mama. Bagay sa kanya 'to panigurado!


Akma na sana akong papasok doon sa shop para tingnan ang kabuuan nun. At para mabili ko na rin yun. Nang bigla naman akong hinila ni Logan.

"What the?!" inis kong sabi sa kanya habang hablot niya ang braso ko. Palayo na kami doon sa shop.

"I'm gonna be your tour guide, right? But as my student, you should learn how to stay focus and listen." Hindi siya lumingon sa akin pero naramdaman ko naman ang ginawa niyang pagngiti.

"May bibilhin lang ako. Ang alam ko mall naman 'to ahh, then I can buy whatever I think should I buy." 

"Sshh..." bigla niyang hinarang ang daliri niya sa bibig ko. Napaatras tuloy ako, buti nakakuha pa ako ng balance. "Kakasabi ko lang. Akala ko ba Harvard graduate ka, ehh bakit parang hindi ka marunong makinig? Yun na nga lang ang gagawin mo ehh."


Nag-iinit na talaga ang ulo ko sa isang 'to ahh. Makikita mo lang luga, makakaganti din ako sa'yo!


Wala na akong nagawa kung hindi sundan siya. Pinasadahan ko na lang ng tingin ang pangalan ng store. Babalik na lang siguro ako doon mamaya. Bahalang mag-alburuto ang isang yun! Basta babalikan ko yung dress!


--


Nakapasok ako sa sinasabing real newspaper company, ni Will. I'm among the feature writers na nandoon. Hindi naman full time ang naging trabaho ko. Basta magpapasa ka lang ng related articles sa section araw-araw, then makakatanggap ka na ng bayad. Okay na yun, para maipadala ko kay Mama. 

Gusto ko rin kasing makatulong kahit papaano.


"Ready for the best Christmas season, girls?" pag-aanunsyo ni Daphne.


Actually, ramdam ko yung excitement. Kahit two weeks lang ang break, feeling ko mae-enjoy ko 'to kasama silang tatlo. Ano kayang pakiramdam ng Pasko sa ibang bansa?


"I can't hear you, girls! Are you excited!"

"YES!!!" sabay sabay naming sagot.


-


Masaya ang naging byahe namin. Kung anu-anong tugtugin ang mga sinabayan namin kahit pa mali-mali ang lyrics, okay lang. Nagpasya din kaming bumili ng mga makakain. More of unhealthy snacks. Mukhang magsasaya kami mamayang gabi neto. 


"Welcome to my vacay house!" 

Napanganga lahat kami sa bahay na tinutungtungan namin ngayon. Seriously? Vacation house lang ba 'to? Nahiya naman ako sa bahay namin, kung ganoon nga. 

"This is so nice!" sabi pa ni Ali na nanlalaki pa ang mga mata habang nililibot ang tingin sa buong kabahayan.

"Great!" bulong naman ni Bettina.

"Really? I thought, this house's too small." 

Napalingon lahat kami kay Daphne na prenteng nakaupo sa sofa niya. 


Too small? Ano pa pala ang malaki sa kanya? Yung tipong mansyon ang dating?


Natulala lang kami sa sinabi niya.

Nang hindi naman siya nakakuha ng sagot mula sa amin, agad rin siyang tumayo at nagsalita. "Let's go! We'll start the break with a blast! We gonna go party!"

"Party?" maang na tanong ko. 

"Yeah." nakangiti niyang sagot.

Napatingin ako kay Bettina na nagkibit balikat lang.

"Come on! We have to drink! We'll go to a bar and let's waste ourselves there!" saka siya tumalima sa isang malaking kwarto. 

"Bar hopping!" pabulong na sigaw naman ni Ali sa amin ni Bettina at saka na sumunod kay Daphne.


Naiwan kaming dalawa doon sa may sala. 

"Let's go! We have to find a nice dress." ngiti na lang sa akin ni Bettina na umakyat na rin sa taas para makapagbihis.


Okay! Relax, Angela!

Makakasanayan mo rin 'to!


"Bettina, wait!" pagsunod ko naman sa kanya.


Continue Reading

You'll Also Like

532K 13K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
571K 20.9K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...