Wake Up Or Sleep

By TianaVianne

1.5M 52.3K 8.8K

|| Published under PSICOM || After the plane crash incident, her brother went missing. Ever since that day, B... More

Published under PSICOM
Wake Up Or Sleep
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
EPILOGUE

49

16.5K 638 170
By TianaVianne


CHAPTER FORTY-NINE


"HI, Asul," bati ko kay Asul pero hindi siya sumagot.

"Five years na pala kitang hindi nadadalaw. Naiintindihan mo naman kung bakit, 'di ba?"

Hindi siya sumagot kaya tumulo ang luha ko.

"I miss you," malungkot na sabi ko.

"I'm sorry for that night," dagdag ko pa. Muling tumulo ang luha ko.

"Wala akong karapatang sumaya dahil wala ka na."

Pinunasan ko ang lapida niya at ipinatong ko ang bulaklak na dala ko sa ibabaw ng puntod niya.

"Sana ako na lang 'yong napahamak at hindi ikaw."


6 years ago . . .

"DO you hate me now?" tanong sa akin ni Sleep.

Nakita kong tumulo ang luha niya kaya huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Don't worry, I don't hate you, because hate is a feeling and I feel absolutely nothing for you."

Marahas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at umalis ako habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.

Pagkalabas ko ng campus, narinig ko ang sigaw ni Asul.

"Blossom, saan ka pupunta?! Teka!" sigaw niya kaya huminto ako sa paglalakad at nanatili akong nakatayo. Hinihintay ko ang paglapit sa akin ni Asul pero isang nakasisilaw na bagay ang sumilaw sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko.

Nakita kong may paparating na truck at ayaw gumalaw ng katawan ko. Nakapako lang ang mga paa ko at ayaw makisama ng sistema ko.

Napalingon ulit ako kay Asul at nakita kong tumatakbo siya nang mabilis papalapit sa akin.

Muli akong napalingon sa truck atkaunti na lang ay tatama na ito sa akin. Pero natigilan ako nang biglang may tumulak nang malakas sa akin kaya tumilapon ako sa gilid ng kalsada.

Tumama ang katawan ko sa poste sa gilid kaya para akong tanga na dahan-dahang tumayo at laking gulat ko nang makita ko ang truck na nakahinto habang si Asul . . . nakahandusay sa kalsada at nababalot ng dugo.

"H-Hindi . . ." nanghihinang sabi ko at pinilit kong makalapit kay Asul.

Pinuntahan ko siya sa gitna ng kalsada at kitang-kita ko kung paano umagos ang dugo sa bibig niya at ang mga dugo sa ulo niya.

Umupo ako sa tabi niya at nag-umpisa ng tumulo ang luha ko. Niyakap ko si Asul at nananatiling dilat ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Asul, dadalhin kita sa ospital, ha? Magiging okay ka."

Nginitian niya lang ako at dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya para hawiin ang buhok ko.

"Kahit na hindi ako 'yong pinili m-mo. K-Kahit na sinaktan mo ako, I will always protect you," hirap na hirap niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

"I-I love you. I r-really do . . ." huling sabi niya bago niya ipinikit ang mga mata niya.

***

PINUNASAN ko ang luha ko.

"Sorry. Puro sakit na lang ang naibigay ko sa 'yo. Ni hindi ko man lang nasuklian 'yong pagmamahal mo. Sana ikaw na lang ang pinili ko. Sana tayo na lang noon para hindi na umabot sa ganito."

Pinunasan ko ang pisngi ko dahil basang-basa na ito.

Pumasok na ako sa klase at tinaasan ko ng kilay ang mga babaeng masamang nakatingin sa akin.

Nakita ko 'yong mga lalaking nakatingin sa akin at nginitian ko sila pero umiwas sila ng tingin.

What the?

Nang matapos ang klase, lumabas na ako ng classroom at nagtataka talaga ako kung bakit hindi ako nilalapitan ng kahit na sinong lalaki. Problema nila?

Nakasalubong ko sina Ulan at Jessan at para silang aatakihin nang makita nila ako.

"Ano ba'ng problema n'yo?" iritang tanong ko.

"Halika, dali! Jusko ka! Hindi mo kami in-inform!" kinikilig na sabi ni Ulan kaya napataas ang kilay ko.

Hinila nila ko ni Jessan papunta sa may entrance ng university namin at nalaglag ang panga ko nang may makita akong malaking picture ko sa isang malaking tarpaulin at nakapaskil ang malaki kong pangalan doon. At hindi lang 'yon. May nakalagay pa sa ilalim.

This is my girlfriend. This is Wake Trash And Kill's property. Touch her and I'll never let you WAKE up the next day. Date her and I'll throw you in the TRASH. And look at her and I'll KILL you.

What the f*ck?

Kaya pala walang lalaking lumalapit sa akin ngayong araw na 'to at wala ring pumapansin sa akin! Letse!

"Ang swerte mo, Blossom! Si Wake 'yan, oh! 'Yong crush kong guitarist!" pag-aalburuto ni Ulan.

"OMG," sabi ni Jessan sabay turo sa likuran ko. Tinaasan ko siya ng kilay at lumingon sa likuran ko. Inis kong tiningnan si Wake na tumatawa habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

"I hate you!" sigaw ko.

"What? Sabi mo kasi, huwag akong magreklamo dahil madami kang lalaki. Oh, 'ayan, gumawa na lang ako ng paraan para ako lang 'yong lalaki mo," nakangising sabi niya.

"Ugh! Ang possessive mo! Hindi ka nakakatuwa!"

"Sorry, gano'n talaga. Pinatulan mo ako, eh. Wala ka nang kawala."

"Ugh! Damn you, Wake!"

"Sweet mo namang girlfriend," tumatawang sabi niya kaya talagang nagsalubong ang mga kilay ko.

Pinapainit niya ang ulo ko!

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 240 7
Self-love Trilogy Book Two: Losing her way at some point of her life, Kyll tries finding happiness in the little things around her to retrieve all th...
105K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
29.5K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 26.1K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...