Wake Up Or Sleep

By TianaVianne

1.5M 52.2K 8.8K

|| Published under PSICOM || After the plane crash incident, her brother went missing. Ever since that day, B... More

Published under PSICOM
Wake Up Or Sleep
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
EPILOGUE

48

17.4K 636 214
By TianaVianne


CHAPTER FORTY-EIGHT


"HAPPY birthday, Kuya. Simple lang ang gift ko sa 'yo pero sana magustuhan mo."

"Thanks. Anyway, kailan semester break n'yo?"

"Next week na start ng sem break namin. Oo nga pala, Kuya, ngayon lang ako nakapunta rito sa restaurant mo, ah. Ang gandang interior. Sino nag-design?"

Pinagmasdan ko 'yong ceiling, may mga simpleng chandelier at kung ano-ano pa.

"Si Daddy nag-design ng architectural interior, 'tapos 'yong mismong interior design ay kaibigan ni Daddy ang umasikaso."

"Ah. So, may bago kang dish? Masarap ba?" excited kong tanong sa kanya at kumunot ang noo niya.

"Don't ask me about my business, let's talk about yours."

"Duh? Kuya naman, ano namang pag-uusapan natin tungkol sa akin? Alam mo namang tatlo lang ang routine ko. Mag-aral, lumandi at kumain."

"Tss. When will you change?"

"I won't, Kuya."

"You know what, Blossom? I only have one wish for my birthday today."

"Ano naman 'yon?"

"Sana bumalik ka na sa dati. I miss my innocent little sister."

Hindi ako sumagot. Kumain na lang ako at nasarapan ako sa bagong dish na nilabas ng restaurant nila. Anyway, Kuya Rade is a chef. Sikat siya dahil ang guwapo-guwapo niya 'tapos ang galing pang magluto. Kumbaga, full package na.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa makarinig ako ng familiar na boses na kumakanta.

"Every breath you take and,

Every move you make

Every bond you break

Every step you takeI'll be watching you"

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tinig at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yong lalaking guwapo na hinalikan ko kahapon sa mall. Kinakanta niya ang Every Breath You Takeng The Police.

"Every single day and,

Every word you say

Every game you play

Every night you stayI'll be watching you"

Kumakanta siya ngayon sa gitna ng restaurant habang damang-dama niya ang paggigitara.

Acoustic ang version niya kaya mas lalong gumaguwapo ang dating niya.

"Oh, can't you see

You belong to me

How my poor heart aches

with every step you take"

Muli kong nilingon si Kuya Rade. "Kailan pa tumutugtog 'yong lalaking 'yon dito?" tanong ko kay Kuya sabay turo doon sa lalaking naggigitara habang kumakanta.

"One year na siyang tumutugtog dito. He's our special guest here every Thursday and Friday night."

"Every move you make

Every vow you break

Every smile you fake

Every claim you stake

I'll be watching you"

"Eh? Seryoso?"

"Yup. Hindi mo ba siya kilala? Are you nuts? Sikat siyang gitarista, bakit hindi mo siya kilala?"

"Since you've gone I been lost without a trace

I dream at night I can only see your face

I look around but it's you I can't replace

I feel so cold and I long for your embrace

I keep crying, baby, baby, please"

"He's my friend. I met him two years ago," dagdag pa niya.

"Ah."

"Wait, why are you interested? Are you planning to date him?"

"He's my type."

Napakunot ang noo ni Kuya kaya naman ngumiti na lang ako.

"Every move you make

Every vow you break

Every smile you fake

Every claim you stake

I'll be watching you"

Nilapitan ko 'yong lalaki habang nag-aayos siya ng gitara niya sa gitna.

"Hey," tawag ko sa kanya at napaangat naman siya bigla ngtingin sa akin saka siya napangisi.

"Stalker ka pala," natatawang sabi niya sa akin.

"Asa. Anyway, gusto mo maki-join? Nagdi-dinner kami ng kuya ko."

"Ah, sure. Teka lang, ayusin ko lang 'to."

Hinintay ko siya at nauna na ako sa mesa namin ni Kuya. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at maya-maya lang ay dumating na 'yong lalaki at umupo sa tabi ko.

"Happy birthday, dude," bati niya kay Kuya.

"Thanks."

"Hey, ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Wake Trash And Kill."

Napakunot ang noo ko.

"What?"

"I'm Wake Trash And Kill. Wake first name ko, Trash second name ko, And middle name ko, and Kill surname ko."

"Woah. Angas ng full name mo, ha," natatawang sabi ko.

He chuckled. "Thanks."

"Eh, ako? Hindi mo man lang ba tatanungin kung ano'ng pangalan ko?" iritang tanong ko.

"I already know you."

"Huh?"

"Lagi kang kinukuwento sa akin ni Rade. At nabanggit sa akin ni Rade dati na same university pala tayo nang pinapasukan. And you're Blossom."

"Ibig sabihin, bago mo pa 'ko nakita kahapon sa mall, kilala mo na ako?"

"Yes. Lagi kitang nakikita sa university. Dami ngang galit sa 'yo, eh," saka siya humalakhak. What the?

"Eh, bakit miss ka nang miss sa akin kahapon kung alam mo naman pala pangalan ko?"

"Wala lang. Masama?"

"Tss Whatever."

"Pero hindi mo talaga ako kilala? Imposible 'ata 'yan," nakangising sabi niya.

"Hindi nga kita kilala. Duh. Kahapon lang naman kita unang beses nakita."

"I'm a famous guitarist. So it's impossible for you to not know me."

"Famous ka? Eh, hindi nga kita kilala."

"Tao ka ba talaga? Hindi mo ba talaga ako kilala o sadyang ignorante ka lang sa lahat ng bagay? Lagi akong tumutugtog sa university kapag may events."

"Ah, kaya naman pala. Hindi naman kasi ako nanonood ng events. Busy ako makipaglandian kapag may event," tumatawang sabi ko. Kumunot ang noo niya at saka siya natigil sa pagtawa.

"Seriously, hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex mo?" tanong niya sa akin at natigilan naman ako bigla.

"Teka nga, bakit ba ang dami mong alam tungkol sa akin?"

"Ask your brother, lagi ka niyang kinukuwento sa akin." He shrugged his shoulders. Tumingin ako kay Kuya at nakita kong kumunot ang noo niya.

"I told you a lot about my sister because you were always asking me about her," bored na sabi ni Kuya kay Wake at nasamid si Wake no'ng uminom siya ng wine.

"Huwag kang mag-imbento, dude. Ikaw ang kusang nagkukuwento sa akin tungkol sa kapatid mo."

"Kaya ako nagkuwento sa 'yo tungkol sa kapatid ko dahil naiinis na 'ko. Tanong ka nang tanong sa akin at ang kulit-kulit mo. Ouch! Ugh. What the f*ck. Why did you kick me?" inis na sabi ni Kuya sabay tingin sa ilalim ng mesa.

Palihim akong natawa.

"Huh? Hindi kita sinipa. Guniguni mo lang 'yon," palusot naman ni Wake kaya tiningnan siya nang masama ni Kuya.

"Deny all you want, Wake. Do you want me to tell her—"

"Ah, Blossom, labas na tayo. Lasing na si Rade. Let's go."

"What the? Wine lang iniinom ko, paano ako malalasing?"

"Lasing ka na, dude. Una na kami."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang tumayo si Wake at hinila ako palabas ng restaurant. Seriously? Ang weird nila.

May naka-park na BMW sa harapan ng restaurant at doon ako dinala ni Wake.

"Sakay." Binuksan niya ang pinto sa passenger seat.

"Eh?"

"Sakay na. Baka maabutan tayo ni Rade."

"What the hell? Ano ba'ng problema mo sa kuya ko?"

"Story maker kasi kuya mo. Baka ma-brain wash ka."

"Hindi gano'n si Kuya! Tss. Baka ikaw."

"Sakay na kasi. Hahatid na kita sa dorm n'yo."

"Okay—wait . . . what? Paano mo nalaman na nagdo-dorm ako?"

Natigilan naman siya bigla at saka ngumiti ulit nang pilit.

"Nabanggit din ni Rade."

Hindi naman na ako kumontra at sumakay na lang sa kotse niya. Habang nagda-drive siya, tanong pa rin siya nang tanong kung seryoso raw ba akong hindi ko siya kilala.

Nakatutuwa kasama ang lalaking 'to. Hindi kasi nawawala'yong ngiti niya.

Nang makarating kami sa tapat ng dormitory ay pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas na ako. Kumapit ako sa leeg niya at hinalikan ko siya sa labi niya na ikinagulat na naman niya.

"That's my way of saying thank you," natatawang sabi ko. Natawa na lang din siya at ngumiti.

"Huwag mo akong daanin sa ganyan, Miss Sasaki. Ayaw kong nagpapahalik sa hindi ko girlfriend. Baka magmukha akong playboy, pangit tingnan."

Natigilan naman ako at saka ako humalakhak nang sobra.

"'Di ba sabi mo kilala mo ako? So, siguro naman alam mo kung ano'ng klaseng personality meron ako? Nahahalikan ko lahat ng lalaking gusto kong halikan."

"Be my girlfriend first and I'll let you kiss me whenever you want."

"Iyon lang pala, eh. Eh 'di gawin mo akong girlfriend. Kaso huwag kang magrereklamo dahil hindi lang ikaw ang boyfriend ko. Marami kayo," prangkang sabi ko.

"Okay then."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang hindi siya tumangging maging boyfriend ko.

"Seriously? Papatulan mo talaga ako kahit alam mong nakikipaglaro lang ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo. Dahil sa larong 'to, ikaw ang matatalo. Naglalaro kalang, pero seryoso ako. Always remember na laging nananalo ang seryoso kaysa sa naglalaro lang."

"Hmm. Let's see. Let's see how you can handle a girl like me."

Nginitian niya lang ako nang nakaloloko.

"I'm warning you. The next time you'll kiss me, I'll make you want me," seryosong sabi niya at saka siya nakangiting sumakay sa kotse niya.

Continue Reading

You'll Also Like

63.2K 2.5K 72
Masaya lang pero wala kayong label. Kayanin mo kaya? [Roma & Kaile's Story] NOTE: This is an epistolary novel. Date Started: May 17, 2020 Date Ended:...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
20.4K 1.3K 15
A short story about Tyrese and Eisley living in a parallel universe. Would their alternate realities finally get their happily ever after?
23K 865 88
✨ Part of WattpadFilipino's "quick reads to satisfy your cravings" reading list - Michelle Zanea Cortez is a first year college student, studying Mar...