Wake Up Or Sleep

By TianaVianne

1.5M 52.3K 8.8K

|| Published under PSICOM || After the plane crash incident, her brother went missing. Ever since that day, B... More

Published under PSICOM
Wake Up Or Sleep
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
EPILOGUE

43

16.9K 632 75
By TianaVianne


CHAPTER FORTY-THREE


"HUY, Bloss, okay lang 'yan," pagpapakalma sa akin ni Ulan.

January na kasi ngayon at pinost na 'yong ranking namin no'ng 3rd grading. Naging top 4 ako imbes na Top 1.Top 1 si Sofia, Top 2 si Sleep, Top 3 si Blue, at Top 4 ako. Medyo nadismaya ako sa sarili ko.

Bakit bigla akong bumaba nang gano'n?

"Baka pagalitan ka ni Tito Franzen. Gusto mo kausapin ko na lang sila? Ako na lang mag-e-explain," natatarantang sabi ni Sofia sa 'kin.

"Huwag. Kahit nga ako, hindi ko alam kung paano mag-eexplain. Hindi ko kasi alam kung bakit nagkakaganito bigla."

Papagalitan ako ng mga 'yon panigurado. Ayaw ko na tuloy umuwi mamaya. Napatingin ako kay Sofia.

Aaminin ko, hindi akoganoon kakomportable kapag nakikita ko siya. 'Yong presensya niya ang palaging nagpapaalala sa 'kin kung gaano karaming taon ako nangulila sa kapatid ko.

Simula umpisa pala, alam niya kung nasaan ang kapatid kopero kahit isang beses, hindi siya nagmagandang loob sabihin sa'kin. Naisip ko tuloy, kaibigan ba talaga ang turing niya sa 'kin?

"Nakita na kaya ni Sleep 'yong result ng ranking?" tanong ni Sofia. Napaisip din ako, nakita na nga ba ni Sleep 'yong ranking? Ano kaya'ng reaksyon niya?

"Hindi pa niya nakikita," singit naman ni Ziehl kaya nakahinga ako nang maluwag.

Sasabihin ko ba agad kay Tulog? Baka magalit sa akin 'yon, eh. Hays, bahala na.

***

"B-BABE, nakita mo na ba 'yong ranking?"

"Hindi pa. Bakit? Mayroon na pala?"

"A-Ah, ano kasi. Babe . . . top 4 ako. 'T-Tapos, 'yong Math ko, naging 86 na lang. 'Tapos nag-line of 8 lahat ng g-grades ko. W-Wala akong nakuhang line of 9 kahit isang s-subject," nahihiyang sabi ko.

Natigilan siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako. Nakita kong kumunot ang noo niya. Hindi siya nagsalita at nagtuloytuloy ulit kami sa paglalakad.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin, hindi pa rin siya umiimik.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, ewan ko ba kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko.

Bakit parang feeling ko, may hindi magandang mangyayari?

Nang maghapunan kami, humanap ako ng tamang tiyempo para sabihin kina Dade ang tungkol sa grades ko. Bumaba kasi talaga lahat lalo na 'yong Math. Nang masabi ko kina Dade ay nagalit si Momsie no'ng una. Pero huminahon din agad siya.

"Pinayagan ka namin magkaroon ng boyfriend pero sana hindi mo pinabayaan ang pag-aaral mo. Blossom, tingin mo ba matutuwa si Sleep sa ranking mo? He will be disappointed. Believe me," nag-aalalang sabi sa 'kin ni Dade.

Mas lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko. Kanina, 'yong reaksyon ni Sleep nang sabihin ko 'yong about sa grades ko, sobrang sumeryoso ang mukha niya at hindi ko maintindihan ang reaksyon niya.

Galit kaya siya?

***

KANINA pa ako tawag nang tawag sa number ni Sleep pero hindi siya sumasagot.

Tulog ba siya? Or busy? Hindi naman siya ganyan, eh. Kahit pa tulog siya or kahit pa busy siya, palagi niyang sinasagot agad ang mga tawag ko.Baka nga busy lang siya.

Nag-text na lang ako sa kanya, para pagbukas niya ng phone niya, mabasa niya agad.

Oy, babe. 'Di ka sumasagot. Punta ka rito 'pag hindi ka na busy or 'pag gising ka na. Nood tayong movie, babe. I love you.

Hindi siya nagre-reply. Hanggang sa sumapit na ang 11 p.m., hanggang sa mag-12 a.m. na, hanggang sa mag 3 a.m. na. Natulog na lang ako.

Kinabukasan, Sabado na. Tinatawagan ko si Tulog pero hindi pa rin siya sumasagot. Nag-online na lang ako sa FB at tiningnan ko kung online siya. Nakita kong online siya kaya nabuhayan akong loob. Nag-chat ako sa kanya.

Babe, uso mag-reply. ;)

Nakalipas ang ilang minuto, hindi pa rin siya nagre-reply.Hanggang sa lumipas ang kalahating oras, nag-offline na siya. Inis kong tinapon ang phone ko.

Lumabas ako ng bahay at nag-doorbell ako sa gate nina Tulog. Maya-maya lang ay may lumabas. Akala ko si Tulog, pero si Ziehl pala.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Si Tulog? Nandiyan ba? O hanggang ngayon, tulog pa rin siya? Kagabi pa siya 'di nagre-reply, ah. Nakakainis na."

"Gano'n ba? Wala siya rito, eh. May pinuntahan sila ni Papa."

"Anong oras sila babalik?"

"Hindi ko alam, eh. Baka gabihin pa sila. Pumunta sila sa mga pinsan namin sa Manila, eh."

"Sige, sige, salamat."

Umuwi na lang ako agad at nag-review na lang. Muntik ko nang makalimutan na may long quiz pala kami sa Math saMonday. Nag-aral ako at nakatulog.

Kinabukasan, Linggo na. Sinubukan ko ulit tawagan si Sleep pero hindi pa rin siya sumasagot kaya naman tinadtad ko na lang siya sa text.

Babe. :(

Reply ka babe. :(

Babe naman eh. :(

Babe . . .

Reply naman oh.

Busy ka ba?

Babe, reply ka please.

I miss you, babe. :(

Babe, ano na?

I miss you. :(

Para na lang akong tanga kaya tinigilan ko na 'yong pagtetext sa kanya. Magkikita naman kami bukas, eh. May pasok na kasi.

***

LUMABAS ako ng bahay at nabigo ako dahil walang Tulog na naghihintay sa 'kin.

Mag-isa na naman ba akong papasok?

Malungkot akong naglakad papasok ng school at nang makarating ako sa classroom, nakita ko si Tulog. Lalapitan ko sana siya kaso napansin kong busy siyang mag-review ng notes niya.

Bakit gano'n? Katabi ko naman siya pero pakiramdam ko, ang layo-layo niya.

Natapos ang maraming subjects at hindi pa rin ako kinikibo ni Tulog.

May problema ba kami?

Wala naman akong matandaan na nag-away kami. Bukod doon sa resulta ng grades ko. Baka hindi niya lang nagustuhan.

Mababa tuloy ang nakuha kong grade sa long quiz namin sa Math. 15 lang ang score ko out of 40 items. Hindi ako nakapag-focus sa quiz kanina dahil panay ang isip ko kung bakit hindi ako kinikibo ni Tulog.5 p.m. na kaya hindi ko na palalampasin 'to.

Kinuha ko agad ang bag ko at nilapitan ko si Sleep.

"Babe," tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa 'kin. Napabuntonghininga siya at nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at dinala niya ako sa pool area sa 4th floor.

"M-May problema ba? Hindi mo kasi ako nire-reply-an at hindi mo sinasagot mga tawag ko. Kung tungkol sa grades ko 'yong dahilan kung bakit ka ganyan, huwag kang mag-alala. Promise, mag-aaral akong mabuti—"

"Don't tell me not to worry. Kanina, mababa na naman 'yong nakuha mong grades sa mga quiz."

Napahiya ako nang bahagya kaya yumuko ako at napakagat sa kuko ko. Kinakabahan ako. Mag-aaway na naman ba kami?

"Prim, hindi ka makakapag-aral nang mabuti as long as I'm with you."

Natigilan ako kaya napaangat agad ako ng ulo at tumingin sa kanya.

"Magagawan ko naman ng paraan, eh. Puwede namang ikaw na lang ang maging tutor ko, sabay tayong mag-aral," pangangatuwiran ko pero umiling siya.

"I know that studies are really important to you. I don't wanna ruin your dreams. Ganoon ka kahalaga sa akin."

Unti-unti akong kinabahan.

Saan ba papunta ang usapang 'to?

"Hindi pa siguro 'to 'yong right time para sa ating dalawa. Dapat mas mag-focus muna tayo sa mga bagay na dapat natini-prioritize," dagdag pa niya.

"B-Babe, uwi na tayo. Inaantok na 'ko," pag-iiba ko ng usapan namin pero humarang siya sa harapan ko.

He leaned down closer to me at napapikit na lang ako nang halikan niya ang labi ko.

"Will you promise me na mas pagbubutihan mo ulit ang pagaaral mo?" tanong niya sa akin at agad akong sumagot.

"Promise."

"Mahal kita. Kaya ko gagawin 'to," malungkot na sabi niya kaya mas lalo akong nanghina.

"A-Ano'ng gagawin mo?"

"Prim, I'm breaking up with you."

Nag-echo sa pandinig ko ang mga katagang binitiwan niya. Parang gusto ko na lang bumagsak bigla sa sahig dahil sobrang nanghina ang mga tuhod ko.

Bago pa ako makapagsalita ay nilagpasan niya ako at naglakad na siya paalis. Habang ako, naiwan ako rito sa pool area.

Hindi ko matanggap ang sinabi niya.

Sobrang sakit pala. Ganito pala. Ganito pala ang pakiramdam kapag may break up.

Ganito pala kapag tapos na.

Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko at saka ko tinawanan ang sarili ko.

"Kasalanan ko 'to, eh. Kung hindi sana ako naging pabaya."

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 199 32
MOON SERIES #1| COMPLETED (NOT EDITED) Arely Vittales has no experience in this thing called Love, her friends tease her and here she is proves herse...
6.6M 219K 194
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance
33.2K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...