Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

64.6K 3.4K 469

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86
CHAPTER: 87
CHAPTER: 88
CHAPTER: 89 [R18]
CHAPTER: 90
CHAPTER: 91
CHAPTER: 92
CHAPTER: 93
CHAPTER: 94
CHAPTER: 95 [R18]
CHAPTER: 96
CHAPTER: 97
CHAPTER: 98
CHAPTER: 99 [R18]
CHAPTER: 100
CHAPTER: 101
CHAPTER: 102
CHAPTER: 103
CHAPTER: 104
CHAPTER: 105
CHAPTER: 106
CHAPTER: 107
CHAPTER: 108
CHAPTER: 109

CHAPTER: 66

405 24 5
By FinnLoveVenn

"Hindi niyo ako pwedeng tanggalin sa posisyon ko bilang Luna o sa Forestheart pack, dito ko papalakihin ang anak ko at hindi niyo siya mailalayo sa akin," mariin na sagot ni Fiona kay Esmeralda at kay Diego na ngayon ay nasa loob ng kaniyang silid at pinapaliwanag sa kaniya ang mga nangyayari.

"Napatunayan na namin na ikaw ang lumason kay Elijah, ano pa bang mukha ang ihaharap mo sa amin? Masyado mo na ginagamit ang koneksyon mo sa pamilya na ito kaya pagtapos mong manganak sa apo ko ay papalayasin ka na namin sa pack na 'to," galit na sagot ni Esmeralda dahil kanina lang ay lumabas na ang drug test kay Elijah at nakita ang bakas ng lason na nilalagay ni Fiona sa kaniyang dugo, hindi lang iyon, nakita rin nila sa bag mismo ni Fiona ang lason na kaniyang ginamit.

"Subukan niyo lang akong saktan at palayasin sa pack na 'to, hindi niyo makikita ang app niyo!" Pananakot naman na sagot ni Fiona dahil sa kaniyang anak na lang siya humahawak para hindi mapaalis sa Forestheart pack.

Nayukom ni si Diego ang kaniyang kamao, kanina niya pa nais kaladkarin palabas ng pack house si Fiona pero hindi niya magawang saktan ito. Pinatingin niya na rin sa mga Elder ang pinagbubuntis ni Fiona, malalaman kasi nila sa amoy kung tunay ngang kay Elijah ang pup na dinadala ni Fiona, at naamoy nila ang dugo ng Reed sa sinapupunan ni Fiona— ang hindi nila alam ay si Francis ang tunay na ama ninto.

Nagkakagulo na rin sa loob ng pack, hindi nila alam kung sino na ba talaga ang kanilang Alpha at Luna dahil sa mga nangyayaring kaguluhan. May ilan na nais na lang lumipat ng pack, may iba naman na nais na si Damian na ang mamalakad sa kanila.

Pero hindi makapagdesisyon si Diego dahil sobrang dami na ng iniisip niya ngayon.

Samantala, nakarating na kina Damian at Elara ang balita. Windang na windang si Elara sa kaniyang narinig, hindi makapaniwala na ang kaniyang kapalaran ay napunta kay Fiona.

Katulad ng nangyari kay Elara noon, ay nilason din siya ni Fiona at Fernanda, at ang kapalaran na iyon ay na napunta na ngayon kay Elijah. Samantalang ang pagbubuntis ni Elara na kapalaran niya sa kaniyang unang buhay ay napunra na kay Fiona.

Hindi niya alam ang nangyayari, wala nga siyang kaalam-alam na ang kapalaran niya noon ay unti-unti nang napupunta sa mga kalaban niya ngayon.

"Alam mo, akala ko noon baog 'yan si Elijah," sagot naman ni Damian habang iniiisip ang mga bagay-bagay sa kaniyang isipan.

"Huh, panong baog?" Tanong naman ni Elara dahil alam niyang nabuntis siya ni Elijah kaya pano ito magiging infertile.

"Ah wala-wala," sagot naman ni Damian at hindi na pinaalam kay Elara ang bagay na iyon. Dati kasi ay may ginagawa silang medical test every five years sa buong pack nila at hindi niya sinasadyang makita ang medical record ni Elijah dahil gusto niya makita kung sino ang mas physical fit sa kanila, hindi niya alam kung tama ang nabasa niya noon pero sa pagkakatanda niya ay may nakalagay doon na infertile.

Simula noon ay iniisip na lang ni Damian na kahit nobyo ni Elijah si Elara ay hindi sila magkakaanak at may pagkakataon pa siyang agawin si Elara kay Elijah.

Pero mukhang mali pala ang pagkabasa niya sa medical record ni Elijah noon, buti na lang at nakuha niya na si Elara ngayon kundi ay sobra siyang mabo-broken hearted kapag nagkaanak ang dalawa.

"Alam mo para nakahinga ka pa ng maluwag, ano bang iniisip mo eh ang dami na nga natin problema rito?" Tanong ni Elara kasi nakita niyang huminga nang malalim si Damian habang hawak ninto ang kaniyang dibdib.

"Ah, naisip ko lang na buti na lang walang nangyari sa inyo kasi pano na lang kung nabuntis ka noong magnobyo pa lang kayo? Edi matatali ka na sa kaniya? Pano na ako?" Nakangusong paliwanag ni Damian talagang nag papaawa pa ito kay Elara kaya hindi maiwasan ni Elara na mapangiti.

"Hahaha, hindi naman siguro ako ganoon kabilis mabuntis? Tignan mo hindi pa tayo nagkaka-anak ngayon," hindi napigilan ni Elara na i-bring up ang topic na iyon dahil kagabi niya pa ito iniisip at sino mag-aakala na ang una niyang balita na maririnig ngayon araw ay ang pagbubuntis naman ni Fiona.

Napatahimik si Damian, hindi niya alam pano niya aaminin kay Elara na planado niya talagang hindi muna magka-anak dahil sa hindi pa nila alam kung pano gagawan ng paraan ang kondisyon ni Elara. Ayaw niya ma offend ang kaniyang Luna, hindi niya rin alam pano sasabihin kay Elara ang kondisyon niya, ayaw niyang masira ang magandang ngiti ng kaniyang Luna.

"Magkakaroon din tayo, siguro ay hindi lang din talaga naayon ngayon. Ayaw siguro mastress ng pup natin kaya ayaw niya muna mabuo kasi ang daming problem ng parents niya," sagot ni Damian at niyakap si Elara sa kaniyang likuran, pinaikot ni Damian ang kaniyang mga braso sa maliit na bewang ni Elara at hinalikan ang leeg ni Elara.

"Mamarkahan muna kita saka tayo bubuo ng pamilya natin okay?" Sagot ni Damian at tumango lang si Elara dahil ito rin ang napag-usapan nila kagabi. Gusto niya na lamang magtiwala kay Damian sa bagay na ito.

"Anong plano nila Alpha Diego? Pano nila paparusan si Fiona niyan ngayon na dinadala ninto ang anak ni Elijah? Paniguradong gagamitin niya ito sa advantage niya sa iba niya pang plano," sagot ni Elara dahil kilala niya ang stepsister niya.

"Iyon din ang pinoproblema nila, pero panigurado na tuloy naman ang pag-upo ko bilang Alpha ng pack. Napag-usapan na rin sa council kanina ang bagay na ito at kahit hindi gusto ng ilang pack members ng Nightraven ay wala silang nagawa, may ilang kondisyon lang din sila nais ibigay sa akin para hindi magkaroon ng abirya," sagot ni Damian at tumango si Elara.

Hindi siya nakasama sa council meeting kanina dahil siya naman ang humawak ng ilang trabaho na naiwan ni Melody, ayos lang naman sa kaniya dahil alam niyang ipapaliwanag din naman sa kaniya ni Damian ang mga nagpag-usapan ng pack council.

"So bali hindi magiging isa ang dalawang pack, magkahiwalay mo 'tong papatakbuhin?" Tanong ni Elara dahil iyon ang nabasa niya sa summary report ng meeting kanina.

"Iyon na nga, mananatiling Forestheart at Nightraven ang dalawa, pero para hindi sila mag-away sa pamamalakad ko at isipin na nagkukulang ako sa kanilang dalawa o nahahati ang atensyon ko, maglalagay ako ng tauhan ko sa Forestheart pack," sagot ni Damian at tumango naman si Elara.

"Kung gusto mo ay maglagay ka rin sa Nightraven ng representative ng Forestheart pack para hindi sila mag-inggitan sa atensyon at autoridad mo," sagot pa ni Elara.

"Napaka indemand ko naman kasi, masyado akong gwapo at pinaka malakas pang Alpha kaya ako pinag-aagawan ng mga pack," pagmamayabang ni Damian at sinabi niya ito habang seryoso ang kaniyang mukha kaya napakunot ang mga kilay ni Elara sa kayabangan ng kaniyang Alpha.

"Ewan ko sa'yo, bahala ka dyan at gawin mo ang trabaho mo basta wag ka rin mawawalan ng oras sa akin kundi magtatampo ako," sagot ni Elara kaya napatawa si Damian at pinapak ng halik ang kaniyang Luna.

Naputol ang harutan nila nang maramdaman nila ang papalapit na hakbang ni Calix, agad na humiwalay si Elara sa yakap ni Damian kaya sumimangot ito at nagmukmok. "Mauna na ako, may trabaho pa pala akong gagawin, mukhang kailangan mo na rin magtrabaho dahil andyan na si Calix hahaha," paalam ni Elara dahil alam niyang tatadtarin na naman ng trabaho ni Calix si Damian.

"Tsk, kung mas dadami ang trabaho ko sa pagiging Alpha ko sa dalawang pack, ay magiging rogue na lang ako at kikidnapin kita," sagot ni Damian habang nakasimangot na bumalik sa harapan ng kaniyang office desk. Tatawa-tawa naman naglakad si Elara palabas ng silid.

"Good luck sa work," sagot ni Elara at kumaway na sa kaniyang Alpha. Nakasalubong ni Elara si Calix na mukhang masaya ito at may dalang magandang balita.

"Good afternoon Luna Elara," bati ni Calix at bumati rin sa kaniya si Elara, "good afternoon, mukhang masaya ka ngayon Calix. Sana mapasaya mo rin ang Alpha," biro ni Elara dahil alam niyang maraming trabaho na ipapagawa si Calix kay Damian ngayon.

"Talagang magiging masaya siya ngayon," sagot ni Calix at tatawa-tawa na lamang na kumaway si Elara kay Calix habang bumababa siya sa hagdan.

Pumasok naman si Calix sa opisina ni Damian at nakita niya ang kanilang Alpha na nakasimangot na kaagad, nakasalampak ang ulo ninto sa desk habang tinatamad na binabasa ang hawak niyang mga papeles.

"May good news ako," sagot ni Calix at lapag ng nagkakapalang folder sa ibabaw ng desk ni Damian. Agad na napabangon si Damian at masamang tumingin sa report papers saka balik ng tingin kay Calix.

"Mukha bang good news ang trabaho na nasa harapan ko ngayon?" Tanong ni Damian at iritableng pinirmahan ang papeles na hawak niya.

"Hahaha, oo kasi nahanap at nakausap na nila si Emmanuel," sagot ni Calix kaya napatayo si Damian sa kaniyang kinatatayuan at gulat na gulat sa balitang sinabi ni Calix.

"Talaga ba?! Kailan siya pupunta rito? Pwede ko na ba sabihin kay Elara ang totoo?" Tanong ni Damian dahil gustong-gusto niya na talagang sabihin kay Elara na hindi siya wolfless at may paraan pa para maging ganap siyang lycan.

"Wala pa sinasabi si Melody pero napapayag na nila si Emmanuel na tulungan si Luna Elara," sagot ni Calix kaya hindi maitago ni Damian ang kaniyang saya para kay Elara.

"May lunas pa ang kalagayan ni Luna Elara, may pagkakataon pang maging normal siyang Lycan at hindi lang iyon, isa siya sa pinaka malakas na luna kung magkataon," sagot ni Calix dahil alam niya kung gano kalakas ang mga Lerian.

"Sa dami ng mga problema at bad news na narinig ko ngayon araw, napawi lahat dahil sa isang balita na 'to. Buti at napapayag ni Melody si Emmanuel," sagot ni Damian at iniisip na bigyan ng malaking increase si Melody.

"Kung tama ang pagkakaalam ko ay kasama niya roon si Calisto ngayon, pero hindi pa nila alam kung si Luna Elara ba ang pupunta roon o si Emmanuel ang pupunta rito dahil sabi sa report ay isang Beta si Emmanuel at hindi siya pwedeng umalis ng basta-basta hanggat hindi pa bumabalik si Alpha Kalil," sagot ni Calix at tumango naman si Damian.

Kung kinakailangan niya ipadala si Elara sa ibang empire para lang gumaling ang kondisyon niya ay gagawin ni Damian, nais niya lang makumpirma kung magiging maayos ang lahat.

"Pabalik na rin si Melody, kasama niya ata si Calisto kaya intayin na lang natin sa kaniya ang full report. Sa ngayon ay problemahin mo muna 'yang trabaho sa harap mo at ang trabaho mo sa Foretsheart," sagot ni Calix habang nakangiti nang malambing kay Damian.

Iritable niyang tinignan si Calix, pagtapos siyang bigyan ng good news at pasayahin niyo saglit ay ibabalik na siya sa realidad kung saan napakarami niyang kailangan tapusin na trabaho.

"Work ka na ah, check mo lahat 'yan," utos ni Calix habang hindi inaalis ang ngiti sa kaniyanb mukha. Gustong batuhin ni Damian ng ballpen si Calix pero umupo na ito sa pwesto niya ay nagtrabaho.

"Ah, teka nabili mo ba 'yung pinapabili ko sa'yo?" Tanong ni Damian habang binabasa ang mga papeles.

"Hindi pa, pwede ba tigilan mo na ang pag-inum ng gamot na 'yun? Pwede ka magkasakit sa ginagawa mo," sagot ni Calix at tumingin sa kaniya si Damian nang seryoso.

"Gawin mo na lang ang inuutos ko," sagot ni Damian at hindi na makaimik pa si Calix kahit na ayaw niyang sundin ang utos na iyon ay wala siyang magagawa.

Patuloy pa rin kasi siyang pinapabili ni Damian ng isang drug na pipigil sa pagbubuntis ni Elara. Dahil hindi sila sigurado sa maaaring mangyari kay Elara ay iniiwasan ni Damian na mabuntis si Elara, siya ang umiinum ng gamot na maaaring makaapekto sa katawan niya para lang mapanatiling sikreto kay Elara ang tunay na kondisyon ninto.

Ang drug na iyon ay maaaring magdulot ng iba't ibang sakit sa katawan na makaka-apekto sa iba't ibang parte ng katawan ng umiinum ninto. Sa ilang buwan ng pag-inum ay walang magiging problema pero kung mapapadalas ang paginum ng gamot na iyon ay maaari na itong maging delikado.

Iyon ang kinatatakot ni Calix, kilala niya ang kaniyang Alpha at lahat ng pwedeng gawin ninto para maprotektahan ang kanilang Luna ay gagawin ni Damian. Walang second thoughts, walang pag-aalinlangan, kaya hindi maiwasan ni Calix na mag-alala para naman sa kalagayan ni Damian.

"Wag ka na muna makipag sex," sagot ni Calix out of no where, nasabi niya na pala 'yung akala niya ay nasa utak niya lang.

"Ano! Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ako titigil makipag-sex kay Elara?!" Inis naman na tanong ni Damian kaya napabuntong hininga si Calix.

"No way!" Hiyaw ni Damian.


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

162K 4.6K 68
[Eng/Fil] They say everybody needs a second chance. No matter how mean you are. Though for some people, they find that second chance a little late. _...
864K 28.3K 19
"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboratio...
3.6K 79 18
Current rank: #2 in Arrest If there's a legal wife then there's a lethal wife. She's Lethal because she's not your typical wife type. Yes, she had it...
299K 9.9K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...