Revenge of a Rejected

De FinnLoveVenn

63.6K 3.3K 344

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... Mais

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86
CHAPTER: 87
CHAPTER: 88
CHAPTER: 89 [R18]
CHAPTER: 90
CHAPTER: 91
CHAPTER: 92
CHAPTER: 93
CHAPTER: 94
CHAPTER: 95 [R18]
CHAPTER: 96
CHAPTER: 97
CHAPTER: 98
CHAPTER: 99 [R18]
CHAPTER: 100
CHAPTER: 101
CHAPTER: 102
CHAPTER: 103
CHAPTER: 104
CHAPTER: 105
CHAPTER: 106
CHAPTER: 107
CHAPTER: 108

CHAPTER: 65

404 24 1
De FinnLoveVenn

Apat na araw nang nakakulong sa pack dungeon si Fiona, wala siyang ano mang balita mula sa labas, hindi nakakatulog sa malamig na selda at matigas na higaan ninto.

Binabalot ang malamig na brick wall ng mga sapot ng gagamba, maliit na bintana na gawa sa rehas lamang ang pinagkukunan ng liwanag at hangin sa selda niya, isang mahabang tabla ng kahoy ang kaniyang higaan, isang gripo at balda ang kaniyang paliguan.

Para siyang mababaliw habang tumatagal ang pag-iintay niya sa trial, wala siyang ibang makagawa kundi isipin kung pano niya itatanggi ang akusasyon sa kaniya.

Pabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng kaniyang selda, kagat-kagat ang pudpod at nagdudugo niyang hinlalaki sa kamay. Hindi niya na alam ang gagawin, gusto niya na lumabas sa mabaho at maduming lugar na ito.

"Mom! Gumawa ka ng paraan!" Hiyaw ni Fiona pero walang sumasagot, nagtataka siya kung bakit hindi sumasagot ni isang beses man lang ang kaniyang ina na si Fernanda, hindi niya alam ay nasa ibanb selda ito malayo sa kaniya.

Sinugurado ni Elara na paglayuin ang selda nilang dalawa para wala silang mabuong ano mang plano habang nakakulong sa dungeon ng pack house.

"Ahhh! Wala bang ibang tao rito! Palabasin niyo ako rito!" Naghehesterikal na si Fiona, naiinis sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi siya makakapayag na maging ganito na lang ang kahinatnan niya, hindi maaaring mabulok na lamang siya sa kulungan na ito.

"Ah! Palabasin niyo ko rito! Pano niyo nagawang ikulong ang Luna niyo! Palabasin niyo ko!" Malakas na sigaw ni Fiona pero bumabalik lamang ang boses niya sa tahimik at mahabang dungeon na ito.

Napasalampak sa sahig si Fiona, habang nakasabunot sa kaniyang buhok. Panay ang bulong at isip sa kung ano ang pwede niyang gawing sulosyon upang makalabas ss lugar na ito.

"Asan si Francis? Bakit hindi niya ako tinutulungan makalabas dito? Iniwan niya na ba ako? Hayop talaga ang lalaking iyon," bulong ni Fiona at mas hinihpitan pa ang sabunot sa sarili niyang buhok, habang sinasaktan niya ang kaniyang sarili ay mas ramdam niyang totoo ang nangyayari sa kaniya, na hindi siya nas aloob ng bangungot at kailangan niya itong gawan ng paraan.

Ayaw niyang mabaliw, ayaw niyang lamumin siua ng katahimikan at kadiliman sa lugar na 'to. Kailangan niyang umisip ng paraan upang mabaliktad ang kwento ni Elara, kailangan niyang makaganti.

Napaangat ang kaniyang ulo nang marinig ang pag ingit ng selda, oras na ng pagkain niya at ito lang ang oras na may makakausap siya at mapagtatanungan ng mga nangyayari sa labas.

"Hapunan mo," sagot ng isang omega at nilapag sa ilalim ng selda ang tray. Isang soup, matigas na tinapay at tubig lang ang laman nun, parang pagkain ng pulubi sa daan.

"Tingin mo kakainin ko 'yan? Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na kumakain lang ako ng mamahaling pagkain? Gusto mong isubsob ko ang pagmumukha mo sa sabaw na 'yan?!" Galit na tanong ni Fiona habang nanlilisik ang mga mata sa omega na nasa harapan niya.

"Kung ayaw mong kainin, mamatay ka sa gutom," mataray na sagot ninto, simula nang malaman ng pack members ng Forestheart ang ginawang panlalason ni Fiona sa kanilang Alpha, lahat sila ay tumalikod na sa kanilang Luna at isinumpa ito.

"Anong sabi mo?! Ang kapal naman ng mukha mo na sumagot sa Luna mo!" Hiyaw niya at ngumiti lang ang omega.

"Pasensya ka na Fiona, pero apat na araw ka ng hindi Luna. Tanggal ka na sa posisyon na 'yun at wala ka ng otoridad para utusan kami," sagot ng babae sa kaniya at sumadal sa pader para mag check ng social media niya.

Kailangan niyang intayin matapos kumain si Fiona, pinapabantay din ito sa kaniya ni Alpha Diego upang malaman na hindi magtatangka si Fiona na patayin ang kaniyang sarili.

Kailangan pa nila si Fiona, kailangan pa nila itong mapaamin kung ano ang drugs na pinainum ninto kay Elijah at kung may lunas pa ba ito. Pero pilit na itinatanggi ni Fiona ang bagay na 'yun kaya naman wala silang magawa kundi hanapin na lang mismo ang sagot.

"Anong sabi mo! At sino naman ang papalit s aakin bilang Luna! Hindi pwedeng si Elara!" Hiyaw ni Fiona kaya napangiti ang omega na nagbabantay sa kaniya.

"Pasensya ka na pero tama ang hula mo, ang malas mo lang dahil siya pa rin talaga ang uupo sa trono. Inagaw mo lang naman ang posisyon na iyon sa kaniya, kaya siguro binabawi niya na sa'yo," sagot ninto sa kaniya. Siya si Andie, isang omega na kasabay ni Elara lumaki pero hindi sila ganoong ka-close. Bilang omega na pinaka mababa ang posisyon sa pack, kinaiinisan ni Andie ang pagiging mayabang ni Fiona, minamata sila ni Fiona, minamaliit at hindi tinuturing na member ng pack kundi utusan lang.

Kaya ngayon, hindi niya maiwasan mapangiti dahil dating isang omega ang bagong uupo sa posisyon ng Luna. Masaya rin siyang makita si Fiona sa ganitong sitwasyon, dahil alam niya kung pano gastusin ni Fiona ang pera ng kanilang pack sa mga luho ninto, silang mga omega na nagsisilbi sa main pack house ang nakakakita ng tunay na ugali ni Fiona.

"Hahaha, sira na rin pala ang pangalan mo sa social media?" Tanong ni Andie, lalo niya pa ginagalit si Fiona pero hindi niya maitatanggi na nagulat siya sa pagbaliktad ng mga article tungkol kay Elara at Elijah, ngayon ay lumabas na ang tunay na kwento na minanipula lamang ni Fiona in the first place.

"Anong sinasabi mo? Anong sira na ang pangalan ko?" Kinakabahan na tanong ni Fiona dahil hindi niya alam ang mukhang ihaharap niya kung ilabas nila ang tungkol sa nangyayari sa kaniya ngayon.

"Wait papakita ko sa'yo tutal nakakaawa ka na masyado," sagot ni Andie at nilapit ang screen ng phone niya sa rehas ng kulungan ni Fiona. Agad na lumapit si Fiona sa rehas at kumapit dito, kulang na lang ay idikit niya ang kaniyang mukha upang makita ang nasa screen.

At nang unti-unti niyang mabasa ang nakasulat sa headline ay lalo siyang nanlambot, nanginginig ang kaniyang mga labi at kamay sa galit. "Hindi!!! Hindi 'to maaari!" Hiyaw ni Fiona at nagwala sa loob ng kulungan.

"Anong karapatan nilang baliktarin ako! Bakit nila sinisira ang image ko!" Hiyaw ni Fiona, at panay ang pagdadabog sa loob ng knaiyang selda, lahat ng bagay na pwede niyang ibato ay ibinato niya na, sinira niya ang mga gamit sa loob ay naglawa na ang tubig sa loob ng selda niya kasama ng kaniyang pagkain at higaan.

"Kung tama ako, marami kang followers sa social media? Syempre, hindi nila alam na lycan ka pero ngayon alam na nilang ahas ka," sagot ni Andie at tatawa-tawang naglakad papalayo ng selda.

Iiwan niya na sana si Fiona roon nang bigla itong magsuka, at mawalan ng malay. Natarantang lumapit si Andie kay Fiona at nakita niyang humihinga pa naman ito pero nanghihina at walag malay kaya agad siyang lumabas ng selda at humingi ng tulong.

Nakarating naman ang balita kay Diego, agad niyang pinadala ang pack doctor sa selda ni Fiona at nilipat ito sa mas malinis na selda na may maayos na bentilasyon. Nais niya mang pabayaan itong mamatay, hindi niya magawa dahil paniguradong may masasabi ang Lycan council sa kanila, lalo na't hindi pa naipapasa ng ayos ang pagiging Alpha kay Damian at Luna kay Elara.

Bumaba siya sa dungeon para personal na tignan ang kalagayan ni Fiona, sinusuri pa ng pack doctor ang kalagayan ninto pero unti-unti na nagkakaroon ng malay si Fiona ngunit nanlalambot pa rin siya.

"Alpha Diego," tawag ng doctor. Nakita ni Diego ang nag-aalalang mukha ng kanilang pack doctor, halata na may malaki itong balita na sasabihin sa kaniya.

"Ano iyon?" Tanong ni Diego habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kanila ni Fiona.

"Buntis si Luna— ah si Fiona," nauutal na sagot ng doctor, kabado na baka sa kaniya ibuntun ni Diego ang galit sa mga nangyayari.

"Ano!" Malakas na hiyaw ni Diego na nagpagising sa diwa ni Fiona pero hindi pa rin siya gumagalaw at nagsasalita, nanatili siyang nakahiga at nakapikit na tila ba wala pa ring lakas para tumayo.

Pero malinaw niyang narinig ang sinabi ng kanilang pack doctor, buntis siya at ang batang ito ang maaaring sumagip sa buhay niya.

"Pano nangyari iyon? Ilang buwan na ang dinadala niya!?" Tanong ni Diego dahil malaking problema ito kung ang dinadalang pup ni Fiona ay kay Elijah, hindi pa alam ni Diego ang pagiging infertile ng kaniyang anak na si Elijah kaya ito pa ring ang naiisip niya na magiging ama ng dinadalang pup ni Fiona.

Kinakabahan naman si Fiona habang nanatiling nakapikit, hindi niya naisip na bakaisipin nila na iba ang ama ng dinadala niya dahil halos isang buwan ng walang malay si Elijah at pano nila magagawang bumuo ng pup kung nasa coma ito at hindi magalaw ang buo niyang katawan. Lalong bababa ang tingin sa kaniya ng mga pack members at aakusahan pa siya ng adultery laban sa kanilang Alpha.

"Isang buwan na po siyang buntis," sagot ng doctor na kinagulat ni Diego at kinatuwa naman ni Fiona. Mukhang umaayon sa kaniya ang tadhana, binibigyan siya ng pagkakataon na makalaya sa impyernong kinalalagyan niya ngayon.

"Ibig sabihin bago pa mawalan ng malay si Elijah," sagot ni Diego at tumango ang doctor. Samantalang alam ni Fiona na hindi kay Elijah ang pup na pinagbubuntis niya kundi kay Francis, dahil ilang araw nung nahospital si Elijah ay doon na rin may nangyari sa kanila ni Francis.

Sino mag-aakala na magagamit niya ang insidente na iyon sa advantage niya? Magagamit niya itong paraan para may panghawakan pa rin sa pagiging Luna niya, milalaban niya ang posisyon niya at gagamitin niya ang kaniyang anak sa lahat ng posibilidad na maaari.

"Kailangan natin mailapat sa mas maayos na kwarto si Fiona, kahit isa siyang kriminal, apo ko pa rin ang pinagbubuntis niya," sagot ni Diego habang hinihilot ang kaniyang sintido at hindi makapaniwala sa mga pangyayari.

Pano niya ito ipapaliwanag kay Elara at Damian? Kung kailan napapayag niya na si Damian para maging Alpha ng kanilang pack saka naman dadagdag sa problema nila ang pagbubuntis ni Fiona. 

❦❦❦

Nakahiga si Elara sa kama ni Damian habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng kaniyang Alpha. Nakangiti, at hindi mapigilan kiligin sa kagwapuhan ng fated mate niya.

'Sa wakas may oras na rin kami para magpahinga,' iyan ang tumatakbo sa utak ni Elara dahil hindi niya pa alam ang pagbubuntis ni Fiona.

Para kay Elara ay gusto niya na lang maging tahimik ang buhay nilang dalawa ni Damian, panatilihing masaya ang dalawang pack na hahawakan nila at magkaroon ng sariling pamilya.

Hindi maiwasan mapangiti ni Elara habang iniisip na pano kaya kapag nagbuntos siya tapos maging kamukha ni Damian ang mga pups nila? Parang aapaw na sa kasiyahan ang puso niya habang ini-imagine niya ang bagay na iyon.

Napahawak siya sa kaniyang tiyan, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang anak niya na nawala sa kaniya. Habang buhay niya itong mamahalin at hindi aalisin sa kaniyang isipan kahit na maging ilan pa ang magiging anak niya sa kasalukuyan.

Ang anak niyang iyon ang panganay niya.

"Hmmm.. Elara? Ba't hindi ka pa natutulog? Don't tell me gusto mo pa mag fifth round?" Kantyaw ni Damian sabay taas-baba ng kaniyang dalawang kilay. Pero hindi siya sinagot ni Elara ng pang-aasar, baskos ngumiti lang ito nang malambing sa harap ni Damian.

"Naiisip ko lang kung ano kayang magiging itsura ng mga magiging pup natin, pag naiisip ko na kahawig mo sila, hindi ko maiwasan mapangiti at maging masaya," sagot ni Elara.

Hindi inaasahan ni Damian na lalabas iyon sa bibig ni Elara, buong akala niya ay wala pa sa isip ni Elara ang magkaroon ng mga anak na kanilang papalakihin at nagmana sa kanilang dalawa.

Biglang sumikip ang dibdib ni Damian, hindi niya magawang tignan si Elara sa kaniyang mga mata dahil may sikreto siyang tinatago sa kaniyang Luna.

"Nakakapagtaka, bakit hindi pa ako nabubuntis kahit ilang beses na natin 'tong ginagawa? Masyado mo naman ginagalingan, ayaw mo talaga ng responsibilidad, hahaha," biro ni Elara pero ngayon na naagtanto niya ang bagay na iyon medyo nalungkot siya.

Pano kung ayaw nga ni Damian na magkaroon sila ng mga pup kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabubuntis, pano kung wala talagang balak si Damian na panindigan siya kaya hindi pa rin siya ninto minamarkahan.

"Anong pinagsasabi mo? S'yempre gusto ko maging tatay ng mga magiging anak mo,  bubuo tayo ng pangatlong pack sa sobrang dami ng magiging pups natin," biro ni Damian dahil agad niyang napansin ang paglungkot ng mga mata ni Elara.

"Grabe naman sa isang pack, papatulugin mo pa ba ko nun?" Biro ni Elara, tinatago ang kaba sa dibdib niya at ang mga what if na umiikot ngayon sa isipan niya.

"Hahaha, biro lang. Syempre kung hanggang saan lang na kaya mo at gusto mo, gagalangin ko parati ang desisyon mo," tugon ni Damian sabay halik sa noo ng kaniyang Luna.

"Tandaan mo, mahal kita Elara," sagot ni Damian na kinamula ng mga pisngi niya.

Napatanong tuloy si Elara sa kaniyang sarili, 'nasabihan ko na ba ng I love you si Damian?' Nag-iisip siya pero hindi na siya nagdalawang isip pa na sabihin ito ng personal sa Alpha niya.

"Mahal din kita Damian," sagot ni Elara na kinalaki ng mga mata ni Damian.


TO BE CONTINUED

Continue lendo

Você também vai gostar

63.6K 3.3K 110
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
141K 2.9K 44
Warning: This is an old story of mine, still unedited. Expect grammatical errors, typographical errors and whatnot. Date finished:June 2,2016 Date pu...
298K 9.9K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
864K 28.3K 19
"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboratio...