Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

64.6K 3.4K 469

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86
CHAPTER: 87
CHAPTER: 88
CHAPTER: 89 [R18]
CHAPTER: 90
CHAPTER: 91
CHAPTER: 92
CHAPTER: 93
CHAPTER: 94
CHAPTER: 95 [R18]
CHAPTER: 96
CHAPTER: 97
CHAPTER: 98
CHAPTER: 99 [R18]
CHAPTER: 100
CHAPTER: 101
CHAPTER: 102
CHAPTER: 103
CHAPTER: 104
CHAPTER: 105
CHAPTER: 106
CHAPTER: 107
CHAPTER: 108
CHAPTER: 109

CHAPTER: 63

424 28 10
By FinnLoveVenn

Sa loob ng malaking silid kung saan nakaupo ang karamihan ng older member ng Forestheart pack, ay ramdam ang pag-aalala at takot sa bawat myembro na nakaupo at nakaharap ngayon kay Alpha Diego.

Sa tanang buhay nila ay ngayon lang nila nakita ang nakakatakot na mga tingin ninto, bakas sa kaniyang mukha ang galit at blood lust. Ramdam ng bawat isa sa loob ng silid and autoridad sa kaniyang presensya na tila ba inuutusan silang iyuko ang kanilang mga ulo at huwag magsalita.

Napatingin si Elara sa pagpasok ng silid ni Fernanda, Fiona at kasunod ninto si Francis at si Esmeralda. Dumaretsyo ng lakad si Fiona at Esmeralda sa upuan na nakahalera sa unahan, isang patunay na parte sila ng matataas na ranggo ng pack.

Habang si Elara at Damian naman ay nakatayo lamang sa gilid ng stage, kung saan tago ang presensya nilang dalawa at hindi naiilawan ng liwanag sa loob ng silid.

"Mukhang walang kaalam-alam ang lahat," bulong ni Elara sa kaniyang mate na si Damian.

"Magugulat sila sa kung ano man ang sasabihin ni Alpha Diego," sagot naman ni Damian at tumingin sa kapatid niyang si Francis na nakatingin sa direksyon nila.

Isa-isang napuno ang mga upuan sa loob ng council room, karamihan ng mga dumalo ay ang mga importanteng member ng pack, ang mga gamma, delta, warrior,  hunters at mga omega.

"Andito na ang lahat, mag umpisa na tayo," sagot ni Diego habang iniiscan ang buong kapaligiran. Tumingin din si Elara sa loob ng silid at naalala ang unang rejection ceremony na kaniyang dinaluhan para i reject si Elijah.

Lahat ng tingin nila ay nasa kaniya noon, gumawa pa talaga siya ng eksena para mapahiya ang chosen mate niya. At iyon ang pinaka magandang desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, alam niyo naman ang kinalalagyan ng pack natin hindi ba? Nakatayo ako rin upang maging representative ng aking anak na si Alpha Elijah, na ngayon ay patuloy pa ring walang malay at nasa hospital," paliwanag ni Diego sa kanilang lahat, doon na nagsimulang mag usap-usap ang mga members, nagtatanong kung ano na ang kalalagyan ng kanilang pack kung mananatiling walang malay si Elijah.

"Hindi natin alam kung hanggang kailan mananatili sa ganoong sitwasyon si Alpha Elijah, pero asahan niyo na gagawin ko ang lahat para maibalik ang lakas ng aking anak," tugon ni Diego, hindi maiwasan mapatingin sa direksyon ni Fiona.

Nakasimangot si Fiona, umaakto pa itong tila naiiyak at panay punas sa kaniyang mga mata na wala namang luha. Umaakto itong nalulungkot sa nangyari sa kaniyang fated mate pero ang totoo ay siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Alpha Elijah.

Tumayo ang idang Delta at nagtanong, "Alpha Diego, ipapasa mo na ba sa anak mong si Francis ang posisyon ng pagiging Alpha?"

Dahil sa tanong na iyon ay lalong umalingawngaw ang usap-usapan sa loob ng council room. Nanatiling walang imik si Francis habang si Fiona naman ay pilit na tinatago ang ngiti sa kaniyang hawak na panyo.

Sa wakas, ay magagawa na rin nilang dalawa ang kanilang matagal ng plano. Magbubunga na ang mga paghihirap ni Francis para lang makuha ang posisyon bilang Alpha at sisiguraduhin naman ni Fiona na mananatili siya sa posisyon bilang Luna.

"Hindi, kay Alpha Damian ko ipapasa ang posisyon na ito," diretsyo at walang prenong sagot ni Alpha Diego. Seryoso ang kaniyang mukha, walang bahid ng ano mang pag-aalinlangan at hesitation sa boses at ekspresyon ninto.

"Hu? Pero hindi ba't Alpha na siya ng Nightraven? Pwede ba maging alpha ng dalawang pack?" Tanong ng ilan sa mga nakikinig sa anunsyo.

"Anong nangyayari? Bakit kay Alpha Damian?" Ito ang tanong na umuugong sa loob ng council room. Bakit si Damian? Bakit siya ang magiging alpha nila?

"Kung nais niyo umapila ay hamunin niyo ng dwelo si Alpha Damian, sino mang manalo ay magiging sunod na Alpha," sagot ni Alpha Diego na lalong kinagulat ng lahat.

Alam nila ang pamamaraan ni Alpha Diego, hindi ninto pinapasa ang pack sa kahit sino mang walang dugo ng Reed. Kaya walang dwelo na nagaganap sa paghalal ng bagong Alpha. Pero ngayon ay ito ang gagamitin niyang paraan para makaupo si Damian sa posisyon, posisyon na walang makakaagaw kay Damian dahil sa lakas na taglay ninto.

Alam ng bawat isa sa loob ng silid na wala silang laban, wala rin silang magagawa pa dahil kung pagbabasihan sa lakas ay mas magiging panatag sila kung si Damian ang mamumuno sa kanila.

"Bakit kayo ang nagdedesisyon sa bagay na 'to! Buhay pa si Alpha Elijah! Siya pa rin ang Alpha!" Sagot ni Fiona kahit nanginginig ang mga palad niya sa takot dahil sa pagsagot niya kay Alpha Diego. Pero walang autoridad si Diego upang patigilin sa pagsasalita si Fiona, dahil siya pa rin ang Luna ng pack na ito.

"Mapapatakbo mo ba ng ayos ang pack na 'to habang wala ang Alpha mo? Tingin mo magiging ayos ang buong pack kung ikaw ang mamumuno rito?" Seryosong tanong ni Alpha Diego, nais niya na pahiyain si Fiona at sabihin ang totoong ginawa ninto pero alam niya na hindi pa ito ang tamang oras.

Kailangan niya muna marinig ang mga ibabato nitong sagot sa kaniya, saka niya ipapahiya ang walang kalaban-laban na Luna.

"Oo! Mapapatakbo ko! Tutulungan ako ni Francis katulad ng ginagawa namin nitong mga nakaraan linggo," sagot ni Fiona, nais niya pa rin makakuha ng simpatya ag tiwala galing sa ibang pack members nila.

"Isa pa, pano niyo nagawang piliin na Alpha si Alpha Damian kung siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Alpha Elijah? Nakalimutan niyo na ba nakaya hindi pa rin nagigising si Elijah ay dahil dyan sa magaling niyang kapatid sa labas?!" Hiyaw ni Fiona, nawala na ang paawa na expression sa kaniyanh mukha kanina, puno na ito ng galit at inggit.

"Diego, pano mo 'to nagawa sa anak mong si Elijah? Maawa ka naman sa anak mo," hinaing ni Esmeralda, nakayuko ito habang takip ang kaniyang mukha ng dalawa niyang kamay, tinatago ang malakas niyang paghihinagpis sa nangyayari sa kaniyanb pamilya.

Samantalang si Fernanda naman ay naguguluhan din sa nangyayari, napatingin siya sa pwesto ni Elara at masama itong tinignan. Alam niyang may kinalaman si Elara sa mga nangyayari at gumagawa ito ng hakbang para makaganti sa kanila.

Agad naman naramdaman ni Elara ang matalim na tingin sa kaniya ni Fernanda, nag ngingitngit sa galit ang mga ngipin ninto na nagdulot naman ng ngiti sa labi ni Elara. Malambing siyang ngumiti kay Fernanda sabay kaway rito, pinapakita niya kung gano siya kasaya sa mga nangyayari.

"Sa ating mga Lycans at werewolves, kung sino ang pinaka malakas ay siya ang mananatili sa taas. Kung sino ang may kakayahan mamuno ay siya ang susundin ng lahat. At sa tingin mo sino ang tumalo kay Elijah? Hindi ba't si Damian? Sa kanilang dalawa, sino ang mas makakapagbigay ng stability sa pack na 'to? Si Elijah ba na nilason ng sarili niyang fate mate o si Damian na heneral ng buong Summergrave?" Tanong ni Diego at binato na ang pasabog na kaniyang dala-dala.

Tila na bingi ang lahat sa kanilang narinig, walang nakaimik at lahat sila ay nakatingin lamang sa direksyon ni Fiona, gulat na gulat sa ginawa ng kanilang Luna.

"Ah-a-anong sinasabi mo Alpha Diego? Anong nilason?" Tanong ni Fiona pero hindi niya maitago ang kaba kaniyang pagsasalita, hindi siya makapaniwala na alam ni Alpha Diego ang tungkol sa bagay na iyon.

"Hindi pa ito napapatunayan, pero habang nasa proseso pa ang kaso na 'to ay itatapon ka muna sa dungeon para sa probation mo ng dalawang linggo," anunsyo ni Alpha Diego at tumingin sa mga warrior ng Forestheart para ikulong si Fiona.

"Anong karapatan niyong ikulonh ako! Ako ang Luna ng pack na 'to!" Hiyaw ni Fiona at napatawa naman si Elara habang tinitignan ang pagwawala ng stepsister niya. Agad na napalingon si Fiona sa direksyon ng tawa na iyon at doon niya nakita si Elara na minamaliit siya, natatawa ito at hindi mapigilan ang saya sa kaniyang mukha.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to!" Angal ni Fiona, unti na lang ay kakawala na si Mira na kaniyang wolf dahil sa kaniyang galit pero hindi niya mapigilan ang lakas mg tatlong warrior na may hawak sakaniya

"Under probation din si Fernanda bilang kasabwat ni Luna Fiona sa kaniyang mga plano, ang mag ina ay haharap sa hiring pagtapos ng dalawang linggo," dagdag pa ni Alpha Diego na lalong kinagulantang ng mga members ng Foretsheart pack.

Lahat sila ay nakatingin kay Elara, hindi nila maipaliwanag pero ramdam nila ang takot sa kanilang dibdib na para bang hindi sila pinapayagan ni Elara na magsalita o magkumento sa mga nangyayari.

Binabalot ang buong silid ng kakaibang aura, presensya ng nakakatakot at sobrang lakas na kapangyarihan na ngayon lamang nila naramdaman.

"Elara! Anong ginawa mo! Utusan mo silang itigil ang lahat ng 'to!" Hiyaw ni Fernanda, gusto niyang hilahin ang buhok ni Elara lalo na ngayon na kitang kita niya ang mayabang na ngiti sa mukha ninto.

Lumapit naman si Elara sa kanilang dalawa, tumingin siya kay Fiona at ngumiti rito nang napakalambing. "Wala akong ginawa, kayo naman ang gumawa ng sarili niyong ikakapahamak, at kapag napatunayan namin na totoo ang lahat ng mga krimen na ginawa niyo hindi lang sa pack na 'to pati na rin sa pamilya ko, ay sisiguraduhin ko na hindi lang sa dungeon ang kalalagyan niyo, kundi sa impyerno," seryosong sagot ni Elara na kinatahimik nilang lahat.

Tila ba nalunok ni Fernanda ang dila niya, hindi siya makapagsalita o makasagot sa mga sinabi ni Elara lalo na't may alam na ito sa mga sikretong matagal niya nang pilit na binabaon.

"Dalhin niyo na 'yan sa kulungan," utos naman ni Damian at agad na sumunod ang mga warrior sa kaniya. Kinaladkad palabas ng council room ang mag ina at tinapon sa ilalim ng pack house kung na saan ang dungeon na kulungan ng mga kriminal at iba pang rogue na kumakalaban sa pack.

Naiwan ang ilang member ng pack sa loob ng council room, binalot sila ng katanungan sa mga balitang kanilang narinig.

Samantala, nayukom ni Francis ang kaniyang kamao. Alam niyang hindi siya pwede magsalita o gumawa ng hakbang ngayon lalo na't nahuli na nila si Fiona sa mga ginagawa ninto, pero hindi niya lubos maisip na kaya nitong lasunin ang fate mate niya.

"Alpha Diego, totoo ba na nilason nila ang anak ko?" Tanong ni Esmeralda habang tulala at nakayuko lamang ang ulo. Lahat ng pack member sa loob ng silid ay hindi makaimik, alam nila kung gano kamahal ni Esmeralda ang kaniyang anak na si Elijah at anong sakit na lamang ang dala ng balita na iyon sa isang ina na katulad niya.

"Oo, matagal na siyang gising Esmeralda, hindi niya lang maigalaw ang buo niyang katawan dahil paralisado ito dahil sa gamot," paliwanag ni Alpha Diego at dinamayan ang kaniyang asawa.

"Hindi ba kayo nagtataka? Tayong mga Lycans ay may kakayahan na gamutin ang ating mga sarili. Hindi mahina ang anak kong si Elijah para tuluyan macoma dahil lang sa ilang bali sa katawan o sugat na natamo niya sa labanan nila ni Alpha Damian. Kaya bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nagagalaw ang kaniyang katawan? Dahil ginawa siyang paralisado ni Luna Fiona, nilason niya ang sarili niyang fated mate," paliwanag ni Diego sa lahat ng pack members upang malinis na rin ang pangalan ng kaniyang bunsong anak na si Damian.

"Kapag nahanap namin ang drugs na iyon at mapatunayan na si Fiona ang lumason sa Alpha, exile ang ipapatong kong parusa sa kanila," sagot ni Alpha Dieho pero umiling si Esmeralda at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaniyang asawa.

"Hindi... hindi sila maaaring makatakas sa ginawa nila sa anak ko. Kailangan nilang mamatay at magbayad ng buhay sa pagsira nila sa buhay ni Elijah," sagot ni Esmeralda.

Nawala ang ngiti sa labi ni Elara, sumeryoso ang kaniyang mukha at handa na para idiin si Fernanda at Fiona sa mga plano niya.

Simula na ang totoong laban, pinapangako niya sa kaniyang sarili na ipaghihiganti niya ang kaniyang ina at gaganti sa pagsira nila sa masayang pamilya niya.

"Kung mapatunayan na si Fernanda rin ang pumatay at lumason sa aking ina, sana ibigay niyo sa akin ang karapatan na gumanti sa kanila," sagot ni Elara na kinabigla ng lahat.

Nagtataka sila kung saan nagpunta ang dating Elara na kilala nila, ang Elara na sakitin, mahiyain at mahinang omega. Tila ba ibang Elara na ang nasa harap nilang lahat pero para kay Damian ay ang Elara na ito ang kaniyang minahal simula pa lamang nung una.

Hindi mapigilan ni Damian na mapangiti, habang tumatagal ay lalo siyang nahuhulog kay Elara, hindi siya binibigo ninto sa ano mang bagay.

"Sino mang umangal sa gagawin ng aking Luna ay ako ang makakaharap niyo, at kung sino man ang hindi sang-ayon sa pagiging Alpha ko ay lumapit sa harapan ko ngayon din," sagot ni Damian at ni isang member ng Forestheart ay hindi makaimik.


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
299K 9.9K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
141K 2.9K 44
Warning: This is an old story of mine, still unedited. Expect grammatical errors, typographical errors and whatnot. Date finished:June 2,2016 Date pu...
3.6K 79 18
Current rank: #2 in Arrest If there's a legal wife then there's a lethal wife. She's Lethal because she's not your typical wife type. Yes, she had it...