Invisible

By michiimichie

13.1K 308 49

what if tanungin ka ng pinakamamahal mo na ganito, "Pwede bang si *insert name ng ibang girl* ka na lang? Can... More

Invisible
INVISIBLE 1: (ALEX)
INVISIBLE 2: (ALEX)
INVISIBLE 3: (ALEX)
INVISIBLE 4: (AINA)
INVISIBLE 5: (AINA)
INVISIBLE 6: (AINA)
INVISIBLE 7: (ALEX)
INVISIBLE 8: (AINA)
INVISIBLE 9: AINA
Invisible 10: AINA
Invisible 11: LEO
Invisible 12: AINA
Invisible 13: ALEX
Invisible 14: ALEX
Invisible 15: ALEX
Invisible 16: AINA
Invisible 17: AINA
Invisible 18: ALEX
Invisible 19: AINA
Invisible 20: AINA
Invisible 21: AINA
Invisible 22: AINA
Invisible 23: AINA

Invisible: Epilogue

646 24 10
By michiimichie

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Kinakabahan kong tanong kay Leo. Kakarating lang namin sa Pilipinas at sa Hospital na agad kami dumiretso. Kanina pa siya tahimik at kahit na ano'ng tanong ko ay hindi niya sinasagot. Tahimik lang siya. Kinabahan na ako pagpasok pa lang namin dito.

Ngumiti siya sa akin at inalalayan akong maglakad. Tumigil kami sa may tapat ng isang room.

"Sino ang nandito?" Tanong ko ulit.

"I'm sorry, I wasn't able to tell you about him."

"Him?" Naguguluhan kong tanong. Ayokong mag-isip kung sino anh bibisitahin namin. Ayokong isipin na ang taong pinakamahalaga sa akin ang nandito pero damn! Hindi ko maiwasan.

Imbes na sumagot ay binuksan niya ang pinto. "Go and see him," mahinang tulak niya sa akin.

Naguguluhan na lang akong sumunod sa kanya. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa may hospital bed.

Nang makalapit ako at nakita kung sino ang nakahiga ay pumatak ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at nakaramdam ako ng mumunting kurot sa puso ko. Ang puso kong naka-survive sa operation. Ang puso kong patuloy na lumalaban dahil pinilit kong lumaban at bumalik sa kanya kahit walang kasiguraduhang may babalikan pa ako.

Tumingin ako kay Leo na nakatayo lang sa may tapat ng pintong nakabukas nang nagtatanong.

"Sorry," mahina niya lang na sabi at sinarado ang pinto.

Ibinalik ko ang paningin ko kay Alex, kay Alex na payapang natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya. "Alex..." niyakap ko siya. "Alex, what happened?"

Nagmulat si Alex ng mata pero blanko ang mga mata niya. Ni hindi siya nagsalita o kahit kumibot lang ang labi.

"Aina..."

Napalingon ang luhaan kong mga mata sa babaeng tumawag sa akin at nakita si Son na isang dipa ang layo sa akin. Umayos ako ng pagkakatayo at humarap sa kanya. Nakaramdam ako ng pamilyar na kirot sa dibdib. Makita lang siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kurot sa dibdib. Hanggang ngayon ay iyon ang nararamdaman ko sa kanya, kahit ilang taon na ang nakakalipas, kahit alam kong wala siyang kasalanan.

Pinunasan ko ang luha ko pero hindi ko siya binati o ang kahit ngumiti lang.

"I'm sorry," mahina niyang sabi at lumapit sa akin.

Napakunot-noo ako. Why? Siya na namam ba ang dahilan kung bakit andito sa hospital si Alex? Siya na naman ba? Hindi ko alam ang iisipin ko.

"I'm sorry," ulit niya sa paghingi ng tawad. Lumapit siya at niyakap ako. Napahawak ako sa braso niya. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas para gawin iyon.

"This is all my fault. I'm sorry. I'm sorry for everything. I'm really sorry," umiiyak na paghingi niya ng tawad habang yakap-yakap ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya dahil sa labis na pag-iyak.

Hindi ako naawa sa kanya. Hindi ko magawang sabihing okay lang ang lahat dahil hindi ito okay lalo na at nakita ko sa ganitong kalagayan si Alex.

Kumalas siya ng yakap at pinunasan ang luha niya. "I'm sorry. I'm sorry, Aina. I was not on my right mind when I did that. I was so... I was so broken that I tried to kill myself. I didn't know that Alex followed me. I didn't know that... that... I'm sorry. I'm really sorry. God knows how sorry I am."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya lalo na at wala akong alam sa nangyari. Gusto kong magtanong pero hindi ko magawang magsalita.

"Aina..." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko ito. Lalo siyang naiyak at napaluhod sa harap ko. Humagulhol siya ng iyak kasabay ng walang sawang paghingi niya ng tawad.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Sobrang mahal ka talaga ni Alex, 'no? He can offer his life just to save you. He's willing to die just for you to live."

Masakit. Masakit pa rin pala talaga na ang taong mahal ko ay kayang ibuwis ang buhay para sa taong mahal niya. Ang pinakamasakit do'n ay hindi ako iyon.

Hindi ko talaga mako-question ang pagmamahal ni Alex kay Son at 'yon ang ikinaiinggit ko sa taong nasa harap ko.

"Alam mo bang ang laki ng selos na nararamdaman ko sa tuwing maririnig ko lang ang pangalan mo? Automatic makakaramdam ako ng selos. Automatic naninikip ang dibdib ko."

Napatingin ang luhaan niyang mga mata sa akin. "I'm sorry..."

"Bakit kasi ikaw? Of all people bakit ikaw ang laging dahilan? I lived for him but he's willing to die just for you!"

"Aina!" Malakas na awat sa akin ng lalaking bagong dating. Inalalayan niya si Son na tumayo.

"Drew..." mahinang tawag ni Son dito.

"Son, samahan na kita sa labas. Hindi ito ang tamang oras para mag-usap kayo," mahinang sabi ni Drew kay Son.

"P-pero..." Napatingin sa akin si Son at tumulo na naman ang luha niya. Nakaramdam ako ng guilty. Alam ko namang wala siyang kasalanan pero napuno na ng selos ang dibdib ko at kailangan ko nang ilabas.

"Let's talk later," mahinang sabi sa akin ni Drew at inalalayan na niyang lumabas ng silid si Son.

Napahinga ako nang malalim nang lumabas na sila ng kwarto. Pinunasan ko ang luha ko. Wala na si Son pero parang nag-iwan siya ng matalim na patalim na nakatusok sa dibdib ko.

Siya. Siya pala ang dahilan. Lagi naman eh. Bakit hindi pa ako nasanay? Lagi namang siya.

"Alex," mahinang tawag ko sa lalaking nakahiga sa kama. Gising pero parang walang nararamdaman. "Bakit ganyan ka? Bakit, Alex? Bakit kailangan mong ibuwis ang buhay mo para sa kanya? Bakit? Gusto kong malaman kung bakit nagawa mong iligtas si Son pero ang sarili mo..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Naitakip ko na lang ang kamay ko sa mukha ko at humagulhol ng iyak. "Alex... Alex... Alex..." paulit-ulit kong tawag sa kanya. "Alex..."

"Aina..." narinig kong tawag sa akin ni Leo at naramdaman kong hinagod-hagod niya ang likod. "Sshhh. Tama na, Aina. Makakasama sa 'yo ang sobrang emotion. 'Wag ka ng umiyak."

Pinigilan ko ang sarili kong hindi humagulhol ng iyak pero hindi ko magawa. Halos mawalan na rin ako ng hininga dahil sa pag-iyak ko.

Nakita kong tumulo ang luha ni Alex.

Alex, masaya ka ba? Masaya ka ba dahil nagawa mong iligtas ang taong mahal mo?

Alex... naisip mo ba ako? Naisip mo kaya ako? Sana ay hindi 'sorry' ang gusto mong sabihin sa akin.

--

Halos hindi ko iwan si Alex. Andito lang ako sa tabi niya. Natatakot akong iwan siya.

"Aina..."

Napatingin ako kay Drew na kakarating lang. "Bakit ganito si Alex? Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?"

Napahinga nang malalim si Drew. "Can we talk outside? Hindi man nagrereact si Alex pero alam nating naririnig niya tayo."

--

Napahinga ako nang malalim at tumingin ng diretso kay Drew. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi mo sinabi sa akin na na aksidente si Alex?" Diretso kong tanong kahit pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

Napaiwas ng tingin sa akin si Drew. "I do not know where to start."

Nagpakawala na naman ako ng hangin. "Please..."

Uminom muna siya ng kape bago tumingin ng diretso sa akin. "Remember no'ng araw na umalis ka para sa operation mo? I'm sorry but I told him that you're sick, that you're just going to Canada to do an operation. I told him everything. Alam kong wala akong karapatan para sabihin iyon kay Alex but he was so devastated at that time so i have to tell him. Halos mabaliw siya nang malaman niya iyon. Alam nating dalawa kung paano magmahal si Alex at alam nating pareho na totoo ang nararamdaman niya para sa 'yo. Halos sisihin niya ang sarili niya dahil ang tagal niyong magkasama pero hindi niya man lang napansin na may dinaramdam ka. He was too blind to see because we all know that you were trying to deceive us that you're all healthy and all."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "I'm sorry. Ayoko lang na mag-alala kayo."

Napahinga nang malalim si Drew.

"But still he loves Son more than he loves me," mahinang sabi ko. "How can he loves two person at the same time?"

"No. He loves you more than anything. It just a matter of situation. May kasama ka sa tuwing pipiliin niya si Son, may ibang taong dadamay sa 'yo habang si Son ay wala. Remember your birthday? Son was alone at her house. Iniwan siya ng pamilya niya. He wants to come badly at your celebration, he even called me for so many times just to make sure that you were celebrating your birthday according to the plan, but he can't leave Son alone. Unless he knows that she's safe. All he can do is called me and have an update. We didn't know about that until two years later. Son told us everthing since she disappeard two years ago."

Napalunok ako ng ilang beses para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. "But why didn't you tell him that he's hospitalized? That he's not doing well?"

Napahilamos si Drew at napabuga ng hangin. "We all know that your heart is too weak to hear some kind of a news."

"But at least..."

"I can't, Aina. I can't because the day that he met an accident is the day when you left. It was the same day, Aina."

Napakunot-noo ako. "W-what? W-why? So Alex was been hospitalized for two years? H-he's been like that for damn two years? H-how? W-why?"

Hindi na mabilang kung ilang beses nagpakawala ng hangin si Drew. "It was a long story. Alex was about to come and see you leaving but Ikey called him telling to come to Son because we know what was going to happen between Son and her boyrfriend. We know that Kurt will break up with her and we know how fragile she is. She can't bear the pain."

"Pero bakit si Alex?" Isang tanong na kailangan ko ng kasugutan.

"Aina..."

"Hindi ko kasi maintindihan... bakit kailangan laging si Alex? Bakit?" Lumuluhang tanong ko.

"Aina... maliban kay Ikey, si Alex ang isa sa pinakamalapit sa kanya. Si Alex ang naging bestfriend/bodyguard niya. Si Alex itong mas makakatulong kay Son. Si Alex ang pinagkakatiwalaan ng magulang niya."

"Pero..."

"Alex is one big part of Son's life. We care for her. We all care for her but Alex is the only one knows what's really going on with Son. And we have to understand him."

"Hindi ko maintindihan. Kung talagang mahal niya ako bakit si Son pa rin ang pinili niyang puntahan. Alam na niya ang kalagayan ko pero bakit si Son pa rin? Bakit laging si Son ang pinupuntahan niya? Bakit, Drew?" Akala ko wala nang mas sasakit pa sa tuwing pipiliin niya si Son pero nagkamali ako.

Hinawakan ako sa kamay ni Drew at parang batang pinapangaralan. "Aina, please understand the situation. You have Leo, you have me and Edward when he has to come to Son. But Son is alone dealing with all her problems. Come to think of it. Son was alone while you were with us. Walang ibang masasandalan si Son kung hindi si Alex. Siya lang. Don't be too selfish, Aina. We all know kung ano ang pinagdaanan mo pero hindi natin alam ang nangyayari kay Son and only Alex knows. So we have to understand why Alex chose Son."

Napayuko ako. "Sorry. I was so jealouse when it comes to Son kaya kahit ano'ng paliwanag ay hindi ko kayang tanggapin. I'm sorry."

--

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatingin lang kay Alex at hindi nagsasalita. Iniisip ko ang napag-usapan namin ni Drew. Bakit napakaunreasonable ko? Hindi ko alam pero sa pag-uusap namin ay ako ang lumabas na selfish.

Masama bang maging selfish sa taong mahal ko? Ang gusto ko lang naman ay piliin ako ni Alex kahit isang beses lang. Hindi iyong laging si Son.

Oo. Sinusubukan kong intindihin ang napag-usapan namin pero siguro nga ang selfish ko pagdating kay Alex kaya kahit na ano'ng paliwanag ni Drew ay hindi ko maintindihan.

"Alex..." mahinang tawag ko kay Alex. Nakaupo lang siya sa wheelchair niya habang nakatingin sa kawalan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "I love you," mahinang bulong ko. "Pagaling ka na, ha?"

Ngumiti ako nang malungkot at niyakap siya. "Namimiss na kita. Namimiss na kitang kausap. Sobrang namimiss na kita, Alex."

Kumalas ako ng yakap sa kanya at umupo sa tapat ng wheelchair niya. Nginitian ko siya. Napakurap ako nang mapansin kong nakatingin siya ng diretso sa akin. "Alex?"

Hindi siya tumugon bagkus ay may tumulong luha sa mga mata niya. Dali-dali ko iyong pinunasan.

Niyakap ko siya pagkatapos at bumulong. "I'll wait for you, Alex. I'll wait for you and from now on, hindi na kita iiwan. Lagi lang akong nasa tabi mo. Aalagaan kita hangga't kaya ko. Kaya pagaling ka na, ha? Pagaling ka, Alex."

"A-aina..."

---THE END---

THANK YOU SA MGA WALANG SAWANG SUMUSUPORTA AT MGA SUSUPORTA SA MGA SINUSULAT KO.

HAPPY NEW YEAR EVERYONE.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...