Invisible

By michiimichie

13.1K 308 49

what if tanungin ka ng pinakamamahal mo na ganito, "Pwede bang si *insert name ng ibang girl* ka na lang? Can... More

Invisible
INVISIBLE 1: (ALEX)
INVISIBLE 2: (ALEX)
INVISIBLE 3: (ALEX)
INVISIBLE 4: (AINA)
INVISIBLE 5: (AINA)
INVISIBLE 6: (AINA)
INVISIBLE 7: (ALEX)
INVISIBLE 8: (AINA)
INVISIBLE 9: AINA
Invisible 10: AINA
Invisible 11: LEO
Invisible 12: AINA
Invisible 13: ALEX
Invisible 14: ALEX
Invisible 15: ALEX
Invisible 16: AINA
Invisible 17: AINA
Invisible 18: ALEX
Invisible 19: AINA
Invisible 20: AINA
Invisible 21: AINA
Invisible 22: AINA
Invisible: Epilogue

Invisible 23: AINA

309 10 0
By michiimichie

'I bet this time of night you're still up,
I bet you're tired from a long hard work,
I bet you're sitting in your chair by the window looking out at the city,
And I bet sometimes you wonder about me.'

Napatingin ako sa crowd. Mamimiss kong magperform sa harap nang maraming tao. Napatingin naman ako kay Leo, ang drummer ng banda. Bakit nga ba hindi ko magawang mahalin siya? Siguro dahil ginusto ng puso at utak ko na si Alex lang. Sinarado ko ang puso ko sa iba. Napatingin ako kay Drew na seryosong naggigitara at pagkaminsan ay nagsesecond voice sa akin. Si Edward naman ang pinasadahan ko ng tingin with his electric guitar. This cool and sweet guy. Mamimiss ko ang kakulitan nila. Mamimiss ko ang pagtrato nila sa aking lalaki.

Napangiti ako. Minsan ay nakakalimutan nila na babae ako. May mga pagkakataong kapag naghaharutan sila ay ako ang napapagitnaan. Sa tuwing may away ay ako pa rin ang nasa gitna.

'And I just wanna tell you,
It takes everything on me not to call you,
And I wish I coukd run to you,
And I hope you know that every time I don't,
I almost do,
I almost do.'

Alex. He must be in his pad, looking at his window, staring at the city lights. Maybe by now, napag-iisip niya ang mga nangyari sa amin. Kung bakit kami humatong sa ganito. Napakurap ako nang maramdaman kong may papatak na naman na luha sa mga mata ko.

"Let's end this," mahinang sabi ko habang nakayuko, hawak ang phone ko. Those words that I practised a hundredth times just to be sure that I won't stammer. May tumulong luha sa may blanket. Nakaupo ako sa hospital bed kung saan ako naka-confine. Isang linggo na rin akong nasa hospital. Isang linggo na ring hindi ko nakikita si Alex. Isang linggo nang puro si Leo ang nakikita ko, walang sawa sa pag-aalalaga sa akin. And he, Leo, already knew my condition. And his begging me to go to Canada, to do the operation eventhough he knows that it is risky to have that.

"Aina..." nabiglang sagot ni Alex sa kabilang linya. I am the one who called him first. Dahil alam kong hindi niya ako maalalang tawagan dahil si Son ang kasama niya, si Son ang inaalagaan niya.

Napangiti ako nang mapait, mahigpit ang hawak sa phone. "Well, napag-isipan ko lang... na..." pasimple akong huminga nang malalim, "napag-isipan ko lang na I don't really love you. I'm just in love with our past." Napakagat ako sa labi ko. Sinungaling. "I'm just in love with my bestfriend."

Hindi nagsasalita si Alex sa kabilang linya. Ang paghinga niya lang ang naririnig ko.

"I'm sorry," mahina kong sabi at pinunasan ang luhang walang tigil sa pagdaloy.

"Is it abou--"

"No," mabilis kong putol sa kanya. Ayokong marinig sa pangalawang pagkakataon na si Son ang kasama niya, na 'mas' kailangan siya ni Son. "It's not about what happened last week. I just realized it. I'm really sorry. I really thought that I--"

"Lier," putol ni Alex sa sinasabi ko. "I don't believe you. Please, tell me why? Please, tell me what's wrong."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Kapag sinabi ko ba ang totoo ay tatakbo siya papunta sa akin? Kapag sinabi ko bang mas kailangan ko siya ay magagawa niyang iwan si Son? Kapag sinabi ko ba na mamamatay na ako ay mas mamahalin niya ako kesa kay Son? Ayokong makipagkompitensya kay Son pero hindi ko maiwasan. Pero sa kompitensyang ako mismo ang gumagawa ay ako ang talo.

At alam ko naman ang sagot. Alam ko ang sagot sa mga tanong ko. At mas masakit kung maririnig ko iyon kay Alex.

"Hindi na kita mahal," mahina kong sabi. "Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal!" May kalakasang sabi ko sa huling mga salita. Kung mawawala lang ang pagmamahal ko kay Alex sa pamamagitan ng pagsasabi nang maraming beses ng 'hindi na kita mahal' ay gagawin ko. Gagawin ko dahil sobrang pagod na pagod na ang puso ko. "At hindi mo ako mahal," bulong ko.

"Mahal kita. Mahal kita, Aina. Kilala mo ako. Hindi ko sasabihin ang salitang iyon kung hindi ko iyon nararamdaman."

Napahinga ako nang malalim at pinunasan ang basa kong pisngi dahil sa pagluha ko. Napatingin ako sa nakabukas na pinto at nakita kong nakatayo roon si Leo, nakatingin sa akin. "Pero mas mahal mo siya."

Natahimik si Alex sa kabilang linya. Wala akong sinabing pangalan pero alam na niya agad kung sino ang tinutukoy ko. Hindi siya makasagot dahil alam niyang totoo ang sinasabi ko.

"Kaya tigilan na natin 'to, Alex. Tigilan na natin 'to," may halong pagmamakaawang sabi ko. Nakatingin pa rin ako kay Leo na nakatingin din sa akin.

"Please, Aina. No."

"Please... nahihirapan na ako, Alex. Nahihirapan na ako. Pagod na ako. Pagod na ang puso ko. Susuko na ang puso ko." Napahigpit ang hawak ko sa may bandang dibdib ko. Hindi na nito kayang mahalin ka pa. Masyado ng masakit.

"Give me another chance. Aina... please let me prove to you that I really love. That I love you. Aina just please... please..."

Napapikit ako. I want. God knows, I want. I want it bad. But I can't. Ayokong iwan ka. Ayokong paghintayin ka nang walang kasiguraduhan kung babalik ako. Ayoko maulit ang nangyari dati. Dahil for good na kapag hindi ako bumalik.

"Aina," mahinang tawag sa akin ni Leo na napalapit sa akin.

Umiling ako sa kanya.

"Alex... I'm sorry but I can't. I can't. This is my goodbye. Nagmamakaawa ako, 'wag kang makikipagkita sa akin," baka hindi ko mapanindigan ang sinabi ko. Dahil baka kapag nakita kita ay wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin ka at mahalin nang paulit-ulit. Kahit hindi na kaya ng puso kong tumibok.

Narinig ko pang nagsasalita si Alex pero hindi ko na maintindihan dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Nabitawan ko ang phone at napahawak nang mahigpit kay Leo. Napaungol ako sa sakit. Hindi ako makahinga. "L-leo..."

'I bet you think I either moves on or hate you,
'Cause each time you reach out there's no reply,
I bet it never occured to you that I can't say 'hello' to you,
And risk another goodbye.'

"Aina.."

Natigilan ako sa pagbukas ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Alex.

"Aina please..."

Umiling ako, ayokong tumingin sa kanya dahil nang marinig ko pa lang ang pamilyar niyang boses ay tumulo na agad ang luha ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. "Aina, mag-usap tayo..."

Tumikhim ako at pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa kanya. "Ayoko na, Alex," mahinang sabi ko.

Sa pagkabigla ko ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang nakahawak sa mga kamay kong nanginginig. "A--"

"Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, Aina," putol niya sa sasabihin ko. 'Wag mo akong iwan, nakikiusap ako sa 'yo," mahinang sabi niya nang may kasamang hikbi.

Napakagat labi ako nang makita kong tumulo ang luha niya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong sabihing 'hindi kita iiwan'. Gusto kong sabihing mahal ko siya pero hindi pwede. Hindi pu-pwede. Ayoko na. Tama na ang ilang buwang kasama siya.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa akin. Hahakbang sana ako patalikod pero pinto na ang nasa likod ko. "Ayoko na nga, Alex. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong maging option lang. Pagod na ako bilang second priority mo. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako, Alex. Ayoko na. Ayoko na, Alex. Ayoko na..." hindi ko napigilang hindi umiiyak at humagulhol sa harap niya. Kahit ano'ng pigil ko sa pag-iyak ay hindi ko magawa.

"I'm sorry. I'm really sorry. I know... I know I shouldn't come to her but... but... I have to."

Napangiti ako nang mapakla sa narinig ko at pinunasan ang luhang walang tigil na oumapatak. "You have to," ulit ko sa mga huling salitang sinabi niya. "You have to."

"Aina, please..."

Umiling ako.

"Please..."

"Sht naman, Alex!" Malakas kong sabi kahit ako ay nabigla sa pagsigaw ko. "Maawa ka naman sa akin!" Hinampas ko nang malakas ang dibdib ko. "Sobrang sakit na rito. Ang sakit-sakit na. Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi kayo pero alam kong wala akong laban sa kanya kaya tama na. Ayoko na. Ako na ang nakiki-usap. Maawa ka naman sa akin. Pakiramdam ko ay mamatay ako sa tuwing malalan ko na mas pinili mo si Son na puntahan. Kaya please. Tama na. Maawa ka sa akin." Dahil kung laging ganito ang mangyayari ay paniguradong bibigay ako sa kanya at tatanggapin ulit siya ng buong puso.

Kumalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At nang mabitawanan niya ako ay nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko. Napasandal ako sa pinto at napahagulhol ng iyak. Kasabay ng pag-iyak ko ay ang pagsigaw ni Alex sa labas ng kwarto ko kasabay ng hagulhol.

"Alex..."

'And I just wanna tell you,
It takes everything in me not to call you,
And I wish I could run to you,
And I hope you know thay everytime I don't,
I almost do,
I almost do.'

"Aina... pagaling ka ha?" malungkot na paalam sa akin ni Edward matapos ang yakap.

Ngumiti ako nang malungkot, "sana."

Napabuntong-hininga si Drew, "ano'ng sana? Pagaling ka kahit ano'ng mangyari."

Napangiti ako sa sinabi niya, "I will. Happy?" Pabiro kong sabi sa kanya.

"Tsk. You should. After your operation we're gonna visit you kaya dapat tatagan mo ang puso mo."

"Let's go, Aina?" Mahinang yaya sa akin ni Leo at hinawakan ako sa braso.

"Leo, you better take care of her or else..." banta pa ni Edward.

"I will, bro."

'Oh, we made quite a mess, babe,
It's probably better off this way,
And I confess, babe,
In my dreams your touching my face,
And asking me if I wanna try again with you,
And I almost do.'

Matapos magpaalaman ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likod ko habang naglalakad. Si Alex, alam kaya niya? Alam kaya niyang aalis ako? Did Drew tell him?

'And I just wanna tell you,
It takes everything in me not to call you,
And I wish I could run to you,
And I hope you know thay everytime I don't,
I almost do,
I almost do.'

Mahinang pinagalitan ko ang sarili ko. Maybe Drew didn't tell him 'cause I told him not to.

'I bet this time of night you're still up,
I bet you're tired from a long hard work,
I bet you're sitting in you chair by the window looking out at the city,
And I hope sometimes you wonder about me.'

Napahinga ako nang malalim at humawak kay Leo. Tumingin ako ng diretso sa unahan. Goodbye, Alex.

---
MichiiMichie
Epilogue next. Thank you for patiently waiting for the updates. Thank you.
Don't get mad when you read the epilogue. Okay? :)

Continue Reading

You'll Also Like

400K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...