Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

41.9K 2K 217

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85

CHAPTER: 52

392 21 2
By FinnLoveVenn

Nakatanggap ng tawag kagabi si Damian mula kay Diego, balak nitong dumalaw sa Nightraven para personal na kausapin si Damian, ubos na kasi ang pasensya ni Diego dahil ilang beses na siyang iniiwasan ni Damian. Ni hindi ninto sinasagot ng mga text message at email niya, kaya wala na siyang iba pang sulosyon kung hindi puntahan ito ng personal sa Nightraven pack.

"Anong karapatan niyang pumunta rito ng hindi invited? Huwag niyong papasukin ang matandang 'yan sa loob ng pack house," sagot ni Damian kay Calix na kakauwi lang din galing mission.

"Hindi maari Alpha Damian, baka may mahalata pa siya sa atin kung hindi natin siya papaunlakan, saka tatay mo pa rin naman si Alpha Diego," tugon ni Calix, ayaw niya nang palakihin pa ang issue na umiikot sa Alpha niya dahil sa pagiging mailap ninto sa pamilya ng mga Reed.

"Kasama niya pa si Francis, baka mamaya mahalata pa nila ang tinatago natin tungkol kay Elara," mahinang sagot ni Damian, iniingatan niya ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig lalo na ngayon na pakiramdam niya ay unti-unting lumalabas ang tunay na lakas ni Elara.

Pansin niya kasi nitong mga nakaraang araw ay lumalakas ang pakiramdam ni Elara ganoon na rin ang pangdinig ninto. Parang nagiging normal na lycan na si Elara at mabilis niyang na aadapt ang bagay na iyon.

"Mag ingat ka na lang sa mga sasabihin mo Alpha, kailangan natin maingatan ang totoong pagkatao ni Luna Elara," sagot naman ni Calix, malapit niya na rin kasi maungkat ang totoong pagkatao ni Elara, may lead na siya kung nasaan nagtatago ang tiyuhin ninto na si Emmanuel.

Tumango si Damian at tumahimik dahil ramdam niya na paparating na si Elara sa office niya, lumabas muna si Calix para paghandaan ang pagdating ni Alpha Diego, nakasalubong ni Elara si Calix palabas ng pinto.

"Magandnag umaga Luna Elara," bati ni Calix kay ELara.

"Tapos ka na mag report?" Tanong naman ni Elara kaya tumango si Calix bilang sagot.

Pansin ni Calix ang hindi mapakaling mga daliri ni Elara, nilalaro ninto ang bawat isa at mukha may nais itong itanong sa kaniya.

"Hmm... pwede magtanong?" Nahihiyang sagot ni Elara kaya tumango si Calix. Hindi maiwasan ni Calix na makonsensya dahil may pagkakataon talaga na hindi pa rin komportable si Elara sa paligid niya.

"Kahit ano Luna," sagot naman ni Calix saka ngumiti para maramdaman ni Elara na ayos lang ang bagay na ito.

"Ah, kasi busy silang lahat sa baba, iniisip ko kung may bisita ba? Saka nakita mo ba si Melody? Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita at hindi rin siya sumasagot sa mga call and text ko, medyo nag-aalala na ako," tanong ni Elara.

Nahihiya siyang alamin ang ipang detalye sa pack house, kinakabahan siya na baka hindi niya naman karapatan na makialam, pero tuwing maiisip niya na isa siyang Luna, ay tinitibayan niya ang loob niya para magampanan ng maayos ang tungkulin niya.

"Ah, bibisiya raw si Alpha Diego dito mamaya, kaya nagpalinis lang ako ng kaunti para naman hindi nila isipin na bastos tayo sa ating mga bisita," sagot ni Calix at muling nag isip.

"Tungkol naman kay Camille, may mission pa rin siya pero dont worry okay naman siya dahil hindi naman nawawala 'yung connection niya kay Alpha Damian," sagot ni Calix kaya nakahinga nang maluwag si Elara dahil hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya kung hindi niya malaman na nasa mabuting kalagayan ang best friend niya.

"Thank you Calix."

"Walang anuman Luna," sagot ni Calix at naglakad na palayo kay Elara, mabuti na rin at sa kaniya nagtatanong si Elara dahil kung kay Damian ito nagtanong ay paniguradong mahihirapan ito magsinungaling.

Totoong nasa mission naman si Melody, pero ang mission na iyon ang tungkol sa totoong pagkatao ni Elara. Katulong niya si Melody sa pag baback ground check sa tunay na pinang galingan ng lakas ni Elara at kung pano nila ito makokontrol.

Kailangan nilang malaman ito bago pa tuluyang lumabas ang wolf ng Luna nila, kailangan nilang magmadali dahil mabilis din ang pagbabago na nagaganap sa katawan ni Elara.

Pagpasok naman ng opisina ay nakita ni Elara si Damian, nakasalumbaba ito sa mesa niya at panay ang buntong hininga.

"Anong problema? Masyado bang maraming trabaho?" Tanong ni Elara pero ang pinoproblema ni Damian ay ang pagdating ng kaniyang ama at ang mabilis na pagbabago ng kakayahan ni Elara.

"Wala, actually tapos na ako at wala ka ng gagawing trabaho ngayon," sagot naman ni Damian.

"Bakit ka nakasimangot?" Tanong ni Elara, gusto niya sana lambingin si Damian pero pinapangunahan siya ng hiya.

"Kasi nga pupunta dito si Alpha Diego, ba't ba hindi na lang pumirme ang matandang iton sa pack house niya?" Inis na tanong ni Damian kaya hindi maiwasan matawa ni Elara.

"Baka gusto ka lang makita," sagot naman ni Elara pero alam ni Damian na si Elara talaga ang gusto ninto makita.

Hindi pa nasasabi ni Damian kay Elara ang mga pumutok na issue at umaaligid sa pangalan ng Nightraven, ganoon na rin ang kalagayan ni Elijah ngayon at ang tunay na nangyayari sa katawan ni Elara.

Ang dami niyang sikreto pero ginagawa niya lang naman ito para protektahan ang Luna niya dahil ayaw niya na itong mag overthink pa.

"Hahaha, patawa ka talaga. Ilang taon na ako dito sa Nightraven ngayon niya lang naisipan dalawin ako?" Sarkastikong sagot ni Damian at naglakad papalapit kay Elara.

Napatingin naman si Elara, "Ano?" Maikli nitong tanong habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Nainum ka pa ba ng gamot mo? Nagbilin sa akin si tito Calisto tungkol sa gamot mo," tanong ni Damian, nais niya lang makasigurado na nakokontrol pa rin nila ang wolf ni Elara.

"Dalawang linggo na ako hindi umiinum, iniisip ko kasi galing sa bahay ang gamot na 'yun," paliwanag naman ni Elara kaya nagtaka si Damian.

"Oh ano naman problema kung galing sa bahay niyo ang gamot na 'yun?" Tanong ni Damian dahil mukhang nag aalinlangan si Elara sabihin ang dahilan sa kaniya.

"Hmm.. hindi naman sa wala akong tiwala kay Dad or sa binigay niyang gamot sa akin. May trust issue lang talaga ako kapag galing sa bahay namin ang ano mang pagkain o gamot na iinumin at kakainin ko," paliwanag ni Elara kaya nagtaka na si Damian.

"Bakit? Nilason ka na ba ni Fernanda at Fiona?" Tanong ni Damian dahil ito lang ang sagot sa kung bakit mailap si Elara kumain ng pagkain na hindi niya nakita kung pano ginawa.

Noong una punta ni Elara sa Nightraven, madalang itong kumain at mas pipiliin pa ninto umorder sa labas kaysa kumain ng pagkain na galing sa kitchen ng pack house, ngayon alam niya na. May trauma si Elara dahil sa panlalason na ginagawa sa kaniya ng step-mom at step-sister niya.

"Madalas lagyan ni Fiona ng kung anu-ano ang pagkain ko. Mga gamot na pwedeng sumakit ang tyan ko at iba pa, tapos nitong taon ko lang nalaman na pinapalitan nila 'yung laman ng medicine bottle ko. Siguro iyon 'yung dahilan bakit grabe rin 'yung sakit ko na mas triple pa sa sakit na nararanasan ko noon," paliwanag ni Elara, hindi niya na sana sasabihin pa kay Damian ang tungkol dito pero hindi niya alam kung bakit nagiging komportable na siya mag share ng mga problema niya sa kaniyang Alpha.

"Intayin mo ako rito," sagot ni Damian kaya agad siyang pinigilan ni Elara, alam niyang gagawa na naman ng gulo si Damian sa Forestheart.

"Huwag na, alam kong galit ka pero hindi sa ganitong paraan tayo gaganti," sagot ni Elara, dahil kahit gustong gusto niya na saktan si Fernanda at Fiona, hindi ito ang paraan na nakikita niya.

"Natitiis mong tumira sa bahay na 'yun? Kasama ang mga ahas na 'yun?" Inis na tanong ni Damian, ngayon alam niya na kung bakit ganito ang inaakto ni Elara.

"Wala pa akong kaalam-alam noon, kaya nga gusto ko gumanti ngayon. Isa pa, hindi ko makalimutan 'yung sinabi mo sa akon kagabi, pakiramdam ko ay may kinalaman si Fernanda sa nangyari sa pamilya ko at sa aking ina," sagot ni Elara dahil malakas ang kutob niya na may ginawa si Fernanda para makuha ang kaniyang ama na si Calisto.

"Hayaan mo at inutusan ko na rin si Calix para mag background check sa kanila, hindi natin hahahaan na may mangyari din kay Calisto," sagot ni Damian kaya napangiti si Elara at niyakap ang kaniyang Alpha.

"Thank you dahil kinakampihan mo ako," sagot ni Elara, hinawakan naman ni Damian ang magandang mukha ng kaniyang Luna.

"Sino pa ba ang magiging kakampi natin kundi ang isa't isa, andito lang ako at kapag kailangan mo ng kahit anong tulong huwag ka mahihiyang magsabi sa akin," dagdag ni Damian at tumango naman si Elara.

"Mamayang tanghali darating si Dad, sa gabi naman may celebration sa kakatapos lang na mission ng grupo nila Lilian, magiging abala tayong dalawa kaya huwag ka masyadong magpakapagod," dagdag ni Damian, malayo ang sinasabi ninto sa kinikilos ng kaniyang kamay.

"Huwag ako magpapakapagod? Eh bakit nararamdaman ko 'yang kamay mo sa hindi dapat na pwesto ha?" Gusto magtarat ni Elara pero hindi niya mapigilan matawa dahil hindi talaga pumipirme ang kamay ni Damian tuwing hahawakan siya ninto.

"Ah, sorry hindi ko sinasadya. Nagkukusa talaga 'yang kamay ko tuwing mahahawakan ko ang katawan mo eh," pilyong sagot ni Damian sabay halik sa pisngi ni Elara.

"Hahaha, pano kaya kung hindi kita payagan na hawakan ako hanggat hindi mo ako namamarkahan?" Tanong naman ni Elara. Gusto niya lang subukin kung ano ang magiging reaksyon ni Damian, hindi niya akalain na sisimangot agad ito at parang nakakaawang tuta na iniwan ng kaniyang ina.

"Huwag ka naman ganiyan, baka magmukmok na lang ako rito sa opisina ko at hindi na lumabas," sagot ni Damian kaya lalong natawa si Elara.

"Kailan mo ba kasi ako mamarkahan? Gusto ko na maging opisyal na luna mo at fated mate mo," sagot ni Elara kahit na iniintindi niya naman ang dahilan ni Damian. Hindi niya alam kung ano ang iniintay o iniisip ninto, hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi pa siya mamarkahan ng kaniyang Alpha, pero inintindi niya na lamang ito.

"Alam ko naiinip ka na, s'yempre sino ba naman makakapag-intay na markahan ko di ba? Like hello, ako 'to si Damian Ashford na Alpha ng Nightraven, alam kong atat na atat ka nang markahan ko," pagmamayabang ni Damian dahilan para lalong kumunot ang noo ni Elara.

Hindi siya makapaniwala sa kayabangan na pinapakita ni Damian, kung pwede niya lang itong suntukin sa tyan ay ginawa niya na, pero may parte pa rin sa kaniya na kinikilig at hindi maiwasan matawa tuwing ganito ang pinapakita ng Alpha niya.

"Bahala ka d'yan, mukhang kaya mo na naman mahalin ang sarili mo. Maiwan na kita at tutulong na lang ako sa paghahanda sa after party," sagot ni Elara kaya agd siyang hinabol ni Damian at sinara ang pinto.

"Huwag! Dito ka lang, stress ako ngayon, pwede bang cuddle muna?" Parang batang humihingi ng candy si Damian sa mga mata ni Elara, pero wala naman siyang magawa dahil ito ang kahinaan ni Elara pagdating kay Damian.

"Alam mo sobrang init ngayon pero sige, kung gusto mo come here," aya ni Elara habang nakabukas ang mga bisig niya para salubungin ang mahigpit na yakap ni Damian.

Agad na yumakap si Damian at nagulat na lamang si Elara nang buhatin siya ninto papunta sa couch. Umupo si Damian habang nakakandong naman sa binti niya si Elara, tinukod ni Damian ang kaniyang baba sa balikat ni Elara at pinikit lamang ang kaniyang mga mata.

"Sana araw-araw natin magawa 'to," bulong. ni Damian, ang mainit nintong hininga ay tumatama sa balat ni Elara dahilan para lalo pa mag init ang pakiramdam ni Elara kasabay ng mainit na panahon sa Summergrave.

"Bakit naman hindi, pwede naman natin 'to gawin araw-araw," sagot ni Elara at nagtataka sa inaakto ni Damian.

Hindi naman masabi ni Damian na maaaring dumating ang araw na baka maglayo sila ng landas  panandalian dahil sa trabaho na binibigay sa kaniya ng Emperor, maraming what ifs ang tumatakbo sa isip ni Damian lalo na't siya ang nakakaalam ng lahat ng mga maaaring mangyari.

"Malay mo magsawa ka sa akin," iyon na lamang ang nasabi niya kay Elara kahit ayaw niya isipin ang bagay na iyon.

"Edi markahan mo na ako para hindi na ako malayo sa'yo," natatawang sagot ni Elara dahil paulit-ulit niyang pinipilit na makuha ang mark ni Damian.

"Miske ako hindi na makapag-intay na markahan ka, sa ngayon ito na muna ang maibibigay ko sa'yo," sagot ni Damian at hinalikan ang balikat ni Elara.



TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

136K 4.9K 52
HOURGLASS SERIES #1 If you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life...
26.3K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
47.5K 1.7K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
20.2K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...