Revenge of a Rejected

De FinnLoveVenn

41.9K 2K 217

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... Mai multe

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85

CHAPTER: 51

387 19 2
De FinnLoveVenn

Nakatingin si Elara sa labas ng kaniyang bintana, kitang kita rito ang malawak na sapa sa tabi ng main pack house kung saan nakapwesto ang kwarto niya.

"Kamusta kaya si Dad?" Tanong ni Elara habang nakasalumbaba at iniisip kung ano na ang kalagayan ni Calisto nung bumalik ito sa Forestheart pack.

Iniisip pa rin ni Elara ang mga nangyari sa kanila nung nakaraan, alam niyang naiwasan niya na ang kapalaran niya na ipagbuntis ang anak ni Elijah, kinakabahan lang siya ngayon na baka si Calisto naman ang pagdiskitahan ni Fernanda at Fiona, na baka ang kaniyang ama naman ang lasunin nila.

"Hays, bakit kasi ayaw niya pa pumupat sa Nightraven, kung nabubuhay si Mom ay paniguradong hindi naman ito magtatampo sa kaniya," dagdag ni Elara at tinignan ang cellphone niya kung may reply ba sa kaniya si Melody.

Mag aapat na araw na kasing wala sj Melody sa pack house nila, nagpaalam naman ito na may pupuntahan pero hindi ninto sinabi kung saan. Iniisip tuloy ni Elara na may mission ito na galing din sa emperor o hindi naman kaya ay iba pang kailangan gawin para sa pack.

Tumayo si Elara sa pagkakahiga at kinuha ang balabal niya, tinakip niya ito sa kaniyang dibdib at balikat dahil medyo manipis ang puting night gown na suot niya.

Bumaba siya sa pack house at nagtungo sa lake, tulog na ang mga pack members nila at may ilan lang na nagbabantay sa main entrance kaya malakas ang loob niya na lumabas ng tanging pantulog lang ang suot.

Nagtungo siya sa harap ng lake na pinapalibutan ngga puno ng willow trees, sumasayad na ang mga sanga at dahon ninto sa tubig na mas nagbibigay ng magandang tanawin sa kaniya.

Payapa rin ang kapaligiran, tanging mga insekto lang ang maririnig sa kaniyang paligid at ang kaluskos ang hangin na dumadampi sa mga dahon ng puno.

Umupo siya sa harap ng sapa at nilublob ang kaniyang mga paa, iniisip na hindi niya akalain na magkakaroon siya ng ganitong katahimik na buhay sa loob ng Nightraven pack.

"Akala ko dati, walang ginawa ang pack na 'to kundi manggulo," bulong ni Elara habang nilalaro ang tubig ng kaniyang kamay.

Hindi niya akalain na rito pa siya makakahanap ng kapayapaan, na rito niya pa mararamdaman na magkaroon ng tunah na tahanan. 'Yung tanggap siya bilang member nila at tanggap siya bilang Luna nila.

Napangiti si Elara nang maalala niya ang gabing minarkahan niya si Damian, hindi niya makalimutan ang ngiti ni Damian na hindi mawala sa mga labi ninto, hanggang ngayon nga ay pinagyayabang niya pa rin ang bagay na iyon sa iba, kahit na napaka babaw naman ng bite mark na iniwan ni Elara sa balikat niya.

Agad na palingon si Elara sa kaniyang likuran, ramdam niya na papalapit sa direksyon niya si Damian. Mukhang naramdaman ni Damian na wala si Elara sa kaniyang silid kaya sumunod si Damian para tignan kung nasaan ang luna niya.

Mayamaya pa ay nakita na ni Elara si Damian sa kaniyang paningin, tama ang instinct niya na si Damian nga ang papalapit sa kaniya. Pero hindi maiwasan magtaka ni Elara kung pano niya nagagawa ang bagay na iyon, samantalang noon naman ay sobrang hina ng kaniyang mga senses.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ni Damian sa kaniyang Luna, ngumiti lang si Elara at umiling bilang sagot.

"Hindi, ayos lang naman ako," sagot niya at hindi maalis ang tingin sa gwapong mukha ni Damian. Halatang bagong ligo pa ito dahil basa pa ang buhok at hindi pa nagsusuklay.

"Ang nipis ng damit mo, baka magkasakit ka niyan," sagot ni Damian pedo alam ni Elara na hindi siya magkakasakit sa ganitong kaliit na bagay.

Umupo si Damian sa tabi ni Elara at inayos ang magulong buhok niya, natawa naman si Elara at pinatuyo gamit ng balabal niya ang buhok ni Damian.

"Ikaw kamo ang magkakasakit sa ginagawa mo," sagot ni Elara pero tinawanan lang siya ni Damian. Gustong gusto kasi ni Damian ang pakiramdam ng pag-aalala ni Elara sa kaniya at itong simpleng pagpapatuyo ni Elara sa buhok niya.

"Hindi no, ano ako weak?" Mayabang naman na sagot ni Damian kaya napailing na lang si Elara at masayang tinignan ang fated mate niya.

Ngayon na napagtanto na ni Elara ang namumuong feelings niya para kay Damian, hindi niya na 'to mapigilan pa. Parang tubig sa isang lalagyan na patuloy na umaapaw at hindi niya na mapigilan.

Noon, 'yung pag-ibig niya kay Elijah ay may limit. Hindi siya pwedeng sumobra at hindi rin siya pwedeng magkulang dahil kapag nagawa niya ang isa roon ay maaari siyang iwan ni Elijah.

Pero ngayon kay Damian, hindi niya maramdaman ang bagay na iyon. Pakiramdam niya nga na kung ipapakita at ipaparamdam niya pa kay Damian ang pagmamahal niya ay lalo pa itong matutuwa at lalo siyang hindi papakawalan.

Minsan kinakabahan si Elara dahil sobrang saya niya, na baka pagpikit ng mga mata niya ay panaginip lang pala ang lahat.

"Anong iniisip mo? Bakit nakatulala ka lang sa akin? Don't tell me na po-fall ka na sa'kin ng sobra? Naku, hindi naman sa pinagbabawalan kita pero kapag na fall ka sa akin hindi ka na pwedeng umurong pa ah," birong sagot ni Damian pero imbes na mainis si Elara ay napatawa pa siya rito.

"Hahaha, mukhang na inlove na nga ata ako sa'yo," direktang sagot ni Elara, ayaw niyang magpatalo sa pang-aasar ni Damian sa kaniya. Inaasahan niya na sasagot din ng pang-aasar si Damian kaya niready niya na ang sarili niya pero hindi niya inaasahan ang reaksyon ninto.

Namula ang buong mukha ni Damian sabay iwas ng tingin sa mukha ni Elara, napatakip siya ng kaniyang bibig dahil hindi niya maiwasan ang pagtakas ng malaki niyang ngiti sa labi.

"Woah, kinilig ka ba? Bakit namumula ka? Hahahah," natatawang sagot ni Elara kahit na miske siya ay nahahawa sa hiyang pinapakita ni Damian sa harapan niya.

"Eh kasi, parang nag propose ka na rin sa akin," sagot ni Damian kaya napatayo si Elara sa gulat.

"Anong propose? Sinabi ko lang naman na inlove na ko sayo!" Inis na sagot ni Elara kaya lalong namula ang mukha at tenga ni Damian.

"Tignan mo! Pinagsisigawan mo pang mahal mo ko, ano ba Elara nakakahiya baka marinig nila na patay na patay ka sa akin," pang-aasar ni Damian habang nakatakip ang mga palad niya sa kaniyang mukha.

"Argh! Tikom mo na nga 'yang bibig mo!" Agad na tinakpan ni Elara ang bibig ni Damian pero dahil sa pagmamadali ay na out of balance siya at sumobsob silang dalawa sa damuhan.

Nasa ibabaw si Elara habang si Damian naman ay salo-salo siya, nakahawak si Elara sa bibig ni Damian habang si Damian naman ay hawak ang braso at bewang niya.

Nagkatitigan ang dalawa, tahimik na nahuhulog para sa isa't isa.

Pakiramdam ni Elara ay lalamunin siya ng gintong mga mata ni Damian, mga matang sobrang ganda sa paningin niya at nagbibigay kahinaan sa mga tuhod niya.

Samantalang hindi rin naman mapigilan ni Damian na mahulog sa maganda mga mata ni Elara. Kapag tinitigan mo ito ay para kang nakatingin sa isang malawak na lupain na binabalot ng berdeng tanawin.

"Ang ingay mo kasi," reklamo ni Elara, akmang tatayo na siya sa awkward na position na 'yun pero hinawakan ni Damian ang kaniyang bewang at hindi siya pinakawalan.

"Alam mo Elara, namana mo kay tita Emely ang mga mata mo no? Pero pansin ko na mas nagiging berde siya ngayon," sagot ni Damian dahil hindi niya maalis ang mga tingin niya s amga mata ni Elara.

Pero ang pinagtataka ni Elara ay pano nakilala ni Damian ang kaniyang ina? Oo alam niya naman na iisa lang ang pack nila noon, pero sa dami ng members ninto ay hindi mo na halos makilala ang lahat o matandaan ang pangalan ng bawat isa. At base sa pagtawag ni Damian sa kaniyang ina ng 'tita' ibig sabihin lang ninto ay close sila.

"Kilala mo pala si Mama? Close ba kayo?" Tanong ni Elara, nagtataka siya sa sinabi ni Damian.

"Hahaha, oo close kami ni tita Emely, actually close friend sila ni Mama, kaya medyo tanda ko ang itsura niya," sagot naman ni Damian, binitawan niya na ang bewang ni Elara at umayos na sila ng upo.

"Ow, hindi ko naabutan ang mom mo, sorry," sagot ni Elara dahil sa pagkakatanda niya ay seven years old lang si Damian nang mamatay ang ina ninto, samantalang si Elara naman ay laging nasa hospital nung mga panahon na iyon o hindi kaya ay nakakulong sa kwarto kaya hindi niya madalas makita ang ibang pack members ng Forestheart pack.

"Lagi kaya ako nadaan sa bakuran niyo para magpapansin sa'yo, tapos tuwing hapon talagang dumadayo ako roon para humingi ng bake cookies ni tita Emely," kwento ni Damian na ngayon lang narinig ni Elara, hindi niya maiwasan matawa dahil noon pa man ay hilig na talaga siyang asarin ni Damian.

"Buti di ka inaway ng Mom ko kasi lagi mo kng binubully," sagot ni Elara, hindi maiwasan matawa sa nakaraan nila ng kaniyang Alpha.

Napatingin si Damian sa malawak na lake, doon ay kitang-kita ang malaking buwan na nanalamin sa tubig, "Actually, may binilin sa akin si tita Emely nung nasa hospital na siya. Dumalaw kami nun ni Dad kasi nga malapit na kaibigan siya ni Mom at silang dalawa ang ilan sa original founding members ng Forestheart pack maliban sa mga Reeds," sagot ni Damian.

Natawag ng kwento na ito ang atensyon ni Elara, hindi niya alam ang tungkol dito at wala rin nakukwentong ganito sa kaniya ang ama niyang si Calisto.

"Anong binilin sa'yo ni Mom?" Kinakabahang tanong ni Elara, tuwing pinag-uusapan kasi ang yumao niyang ina ay hindi niya mapigilan ang emosyon niya. Pakiramdam niya ay may nakabara sa kaniyang lalamunan at nagbabadya na ang mga luha niya sa mata.

"Ibinilin niya sa akin na bantayan ka," sagot ni Damian at hinawakan ang kamay ni Elara.

"That time wala pa akong kaalam-alam sa nangyayari, alam kong bully ako sa iyo noon kaya nagtataka rin ako kung bakit sa akin sinabi ni tita iyon pero mukhang nahulaan niyang magiging fated mate tayo at pinapanalangin kita sa moon goddess kaya niya nasabi iyon haha," biro ni Damian dahil alam niyang any moment ay iiyak na ang luna niya.

"Kahit sa huling hininga ay iniisip pa rin ako ni Mom, pero hindi ko man lang siya nakita nung mga oras na 'yun," sagot ni Elara, pinagsisihan niya ang bagay na iyon hanggang ngayon, dahil nung huling hininga ng kaniyang ina ay wala siya sa tabi ninto at nag aagaw buhay rin sa kaniyang kwarto.

"Huwag mo na isipin ang bagay na iyon, sigurado akong alam din ni tita ang pinagdadaanan mo.  Paniguradong hanggang ngayon ay binabantayan ka pa rin niya," sagot naman ni Damian sabay halik sa kamay ni Elara.

"Alam mo ba na para sa akin siya ang tumayo na second mom ko kahit na sobrang saglit lang din namin nagkasama, sa kaniya ako na hingi ng advice tuwing galit na galit na ako sa mga kapatid ko at sa step mom ko hahaha," sagot ni Damian habang naalala ang pagsasabi niya ng sama ng loob kay Emely noon.

"Bata pa lang ako noon at kung wala ang patnubay niya sa akin noon, baka mas naging pariwala ako at sakim ngayon," sagot ni Damian habang iniisip ang malaking utang na loob niya kay Emely at sa mga panenermon at payo ninto.

"Hahaha, hindi ko ma-imagine na nagsusumbong ka kay Mom, ngayon ko lang nalaman 'to," sagot ni Elara, napahawak naman sa kaniyang batok si Damian dahil sa hiya. Sa totoo lang ay ayaw niya na sana itong i-open up pa lalo na't lagi lang din naman siya inaasar ni Emely noon na may gusto siya kay Elara which is totoo naman at napatunayan niya na ngayon.

"Ayaw ko rin ipaalam sa iba, at ayaw din ni tita Emely na may nakakakita na napunta ako sa bahay niyo, kasi magkaaway sila ni Esmeralda noon, si Fernanda naman ang close friend niya," sagot ni Damian kaya kumunot ang noo ni Elara.

"Huh? Close friend ang Mom ko at si Fernanda?" Iritable namang tanong ni Elara dahil ngayon niya lang din ito nalaman.

"Actually, pina background check ko na rin 'yan si Fernanda, ayon sa nalalaman ko ay high school friend sila ng Mom mo, hindi ko lang alam if alam iyon ni Calisto kasi mukhang wala silang pinagsasabihan. Ang hula ko d'yan ay walang kaalam-alam si Calisto sa bagay na 'to," sagot ni Damian kaya nakaramdam ng kaba si Elara.

"Tingin mo inagaw ni Fernanda si Dad kay Mom?" Tanong ni Elara pero may pakiramdma siya na mas may malalim pa itong dahilan.

"Hindi ko alam, pwede naman natin laliman ang imbistigasyon kung ayos lang sa'yo," sagot ni Damian.

"Sige, salamat Da—"

Pareho silang napatingin sa bulsa ni Damian, may tumatawag sa phone niya at mukhang urgent ang tawag na iyon. 

"Galing kay Dad," sagot ni Damian at nagpaalam saglit kay Elara para sagutin ang call. Naiwan si Elara doon habang nakatingin sa repleksyon ng malaking buwan, hindi siya makapaniwala na ngayon niya lang nalaman ang lahat ng ito.

"Anong ginawa mo Fernanda?" Bulong ni Elara at hindi mapigilan iyukom ang kaniyang kamao.


TO BE CONTINUED

Continuă lectura

O să-ți placă și

17.3M 763K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
47.5K 1.7K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
2.5K 131 34
-Happenings Behind The Main Story-