Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

41K 2K 217

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84

CHAPTER: 49

411 22 1
By FinnLoveVenn

Nakaupo si Elara sa tabi ni Damian, binabantayan niya ang kaniyang Alpha simula pa lang kaninang umaga hanggang ngayon na palubog na ang araw.

Isang araw na naman ang lumipas, pero hindi pa rin nagkakamalay si Damian. Tinignan na rin siya ng pack doctor nila ngunit wala naman napansin na kakaiba ang doctor sa katawan ni Damian bukod sa pagkakaroon ninto ng mataas na lagnat na ngayon ay unti-unti na rin bumababa.

"Elara," agad na napalingon si Elara nang marinig niya ang boses ng Alpha niya. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang kamay ni Damian.

"Salamat at gising ka na," sagot ni Elara. Kinakabahan siya na baka hindi na magising pa si Damian at mawalan na naman siya ng taong minamahal.

Oo, aminado na siya para sa nararamdaman niya kay Damian, lalo na kanina nung makita niya ang pagkawalang malay ninto, pakiramdam niya ay guguho ang buong mundo niya at doon niya napagtanto kung gano kaimportante si Damian sa kaniya at kung gano siya masasaktan kapag nawala ito.

"Anong nangyari sa akin?" Tanong ni Damian at akmang tatayo na pero agad siyang pinigilan ni Elara dahil may sinat pa ito.

"Nawalan ka ng malay kaninang umaga," sagot ni Elara, kinuha niya ang puting towel sa palanggana at piniga ito saka ipinatong sa noo ni Damian.

"May kaunting lagnat ka pa kaya huwag ka muna gumalaw, magpahinga ka muna rito at iyon din ang sabi sayo ng doctor," sagot ni Elara saka hinawakan ang pisngi ni Damian.

"First time ko magkalagnat, hindi ako nagkakasakit sa tanang buhay ko," dagdag ni Damian dahil miske siya ay nagtataka bakit siya nawalan ng malay at nagkalagnat ngayon.

"Baka nasobrahan ka sa trabaho nitong mga nakaraang linggo, mabuti pa na magpahinga ka na muna dyan," sagot ni Elara dahil iyon lang din ang sinabing dahilan sa kaniya ng pack doctor nila.

"Pinagod mo kasi ako kagabi," sagot ni Damian, nagawa pa ninto magbiro kahit na halatang masama ang pakiramdam.

"Kung alam ko lang na magkakaganiyan ka, edi hindi na natin uulitin 'yun," sagot ni Elara kaya agad na napaupo si Damian at umiling.

"No! Magaling na ako, hindi ako basta-basta na papagod sa sex no," reklamo naman ni Damian, binibiro niya lang naman si Elara pero kung dahil sa biro na iyon ay mapapahamak ang sex life niya ay magsosorry na kaagad siya hanggang maaga.

"Hahaha, wag ka na makulit. Magpahinga ka na lang d'yan ulit at tatawagin ko na ang doctor para matignan na 'yang kalagayan mo," sagot ni Elara, inalalayan niyang mahiga ulit si Damian.

"Sandali lang ah," sagot ni Elara at tumango naman si Damian. Lumabas na ng kwarto si Elara at hinanap si Calix, agad niyang nakita si Calix sa lobby na may kausap na ibang pack members.

Bumaba ng hagdan si Elara at agad na napalingon si Calix kay Elara. "Luna, kamusta si Alpha Damian?" Tanong ni Calix at agad na ngumiti si Elara.

"Gising na siya, kailangan ko ang pack doctor natin para tignan ang kalagayan niya ngayon," utos naman ki Elara kaya agad tumango si Calix.

"Okay, papatawag ko na agad siya," sagot ni Calix at nagpaalam na sa mga kausap niya.

Bumalik sila sa kwarto ni Damian at mayamaya lang ay dumating na rin ang pack doctor para tignan ang kalagayan ng kanilang Alpha.

"Sa ngayon, wala naman na akong nakikitang ano mang problema, pero kailangan pa rin natin siya mamonitor para makita kung may magiging mga pagbabago," paliwanag ng pack doctor kaya nakahinga na nang maluwag si Elara at Calix.

"Pwede na akong bumalik sa trabaho bukas?" Tanong ni Damian at tumango naman ang doctor.

"Depende kung paper works lang ang trabaho mo, Alpha Damian. Pero payo ko sayo na huwag ka muna kumuha ng ano mang mission na papagod sayo ng todo," sagot ng doctor.

"Okay Doc," sagot naman ni Damian. Binigyan siya ng ilang reseta ng gamot saka ito nagpaalam at umalis na.

"Kami na nila Lilian ang haharap sa mga mission na nakapending sa'yo, at si Luna Elara naman ang gagawa ng ilan sa mga paper works mo." Sagot ni Calix, tumaas ang kilay ni Damian dahil doon.

"Bakit mo naman bibigyan ng maraming trabaho ang Luna ko?" Tanong ni Damian kaya natawa si Elara.

"Para naman ako 'yung may kasalanan kaya mahihirapan si Luna Elara, kung dalian mo kaya at magpagaling ka na para wala ng gagawa ng trabaho mo," reklamo ni Calix dahil siya itong mahihirapan at sasalo ng mahihirap na mission ni Damian.

"Tama si Calix, kaya magpagaling ka na agad d'yan, at wag ka mag alala, magtatanong naman ako sayo ng mga bagay-bagay bago ko ipasa 'yung mga papeles mo," paliwanag ni Elara.

Alam ni Damian na maasahan niya si Calix at ang kaniyang Luna. Ayaw niya lang talaga ibigay ang trabaho niya sa mga ito dahil ayaw niya maging pabigat lalo na't siya dapat ang nag aalaga at nagbabantay sa kanila.

"Magpahinga ka lang d'yan, alam ko naman na ayaw mong nakakaistobor ka sa iba o may ibang gagawa ng trabaho mo. Pero para magawa mo iyon ay kailangan mo magpagaling ng tuluyan, magpahinga ka for three days para sure tayong walang problema sa katawan mo at makabawi ka ng pahinga," paliwanag ni Elara, inayos niya ang kumot ni Damian at pinahiga ito ng ayos.

"Tama si Luna Elara, kami na muna ang bahala rito at wag ka mag-alala may iba pang gagawa ng mga maiiwan mong trabaho," sagot ni Calix, ang nais niyang ipahiwatig ay ang mission niya sa paghahanap sa angkan ni Elara, alam ni Calix na iniisip ni Damian na mauudlot ang misyon na iyon dahil si Calix ang papalit sa mga mission na pinapagawa ng Emperor ky Damian.

"Salamat, aasahan ko na muna kayo sa mga trabaho na 'yan in three days," sagot ni Damian kaya napangiti si Calix at Elara.

❦❦❦

Naging abala si Elara sa pag-aasikaso sa buong pack at the same time sa pag-aalaga kay Damian. Dinala niya ang mga trabaho niya sa kwarto ni Damian para habang nagtatrabaho siya ay nababantayan niya rin ang kaniyang Alpha.

Nais sana ni Damian na alagaan na lang siya ni Marie para hindi na maabala pa ang trabaho ni Elara pero si Elara ang nag insist na siha na ang bahala kay Damian.

Nais niya rin kasing makita na maayos na ang Alpha niya, kada minuto kasi na hindi niya nakikita si Damian ay nag ooverthink din siya kaya para makampante siya habang nagtatrabaho ay sa kwarto na lamang siya ni Damian nagtrabaho.

"Gusto mo tulungan kita? Okay na naman ako," sagot ni Damian, wala na siyang lagnat at ngayon na pangalawang araw niya nang nagpapahinga, doon niya na papansin na parang mas lumakas pa nga ang pangangatawan niya at sobrang gaan na ng pakiramdam niya.

"Huwag na, kaya ko naman 'to saka madali lang naman. Naturo na rin sa akin ni Calix ang ilan dito kaya don't worry kaya ko 'to," sagot ni Elara kay Damian habang hindi inaalis ang tingin niya sa kaniyang laptop screen.

Napasimangot naman si Damian, bored na bored na siya at gusto niya na kumilos. Hindi niya alam na ganito pala nakakatamad ang pagpapahinga, wala siyang magawa at buong maghapon na lang siyang nakahilata sa kama.

Ang magandang bagay lang sa pagpapahinga niya ay lagi niya nakikita si Elara at inaalagaan siya ninto.

"Tinatamad na ako, wala na akong exercise or traning, gusto ko tumakbo," sagot ni Damian dahil ilang araw na rin siyang hindi nakakapagpapawis.

"Magtiis ka muna d'yan, isang araw na lang naman at pwede mo na ulit magawa ang mga gusto mo," sagot ni Elara sakay pinto ng enter button sa keyboard. Tapos na siya sa mga trabaho niya, pwde niya na ulit lambingin ang Alpha niya.

Napangiti si Damian dahil nakita niyang papalapit si Elera sa pwesto niya. Sa wakas ay cuddle time niya na, ang paborito niyang oras sa buong araw.

"Wala ka na ring lagnat, siguro nga pwede ka na umalis ng kama bukas," sagot ni Elara habang hipo-hipo ang noo ni Damian.

"Siguro ang pinaka mamimiss ko ngayon na pawala na ang sakit ko, itong cuddle time na binibigay mo sa akin," sagot ni Damian sabay hila sa bewang ni Elara kaya napaupo ito sa kama.

"Hahaha, hindi naman na mawawala ang cuddle time natin eh. Siguro kapag nasa mission ka lang at hindi mo ako kasama," sagot ni Elara kaya napanguso si Damian saka niya sinubsob ang kaniyang ulo sa balikat ni Elara.

"Gusto na rin kita mamarkahan," sagot ni Damian kaya napangiti si Elara.

"Bakit kasi hindi mo pa ko markahan?" Tanong ni Elara kahit alam niya naman na may dahilan si Damian para sa bagay na iyon.

"Marami pa kasi akong kailangan iconsider, ayokong mapahamak ka," tugon ni Damian kaya napaisip din si Elara.

"Alam mo nung bumagsak ka at nawalan ka ng malay, akala ko dahil 'yun sa mark na binigay ko sa'yo, akala ko sinumpa na talaga ako kaya ka nagkaganun. Buti na lang sabi ng doctor ay wala raw koneksyon ang pagkakasakit mo sa pagmark ko sa'yo as fated mate ko," tugon ni Elara dahil totoong kinabahan siya sa nangyari kay Damian.

"Hindi ka sinumpa Elara, huwag mong isipin ang bagay na 'yan. Isa pa, pakiramdam ko nga mas lumakas pa ako nung minarkahan mo ako," sagot ni Damian na siya naman pinagtaka ni Elara.

"Pano nangyari 'yun eh wolfless ako?" Tanong ni Elara, alam niyang hindi siya makakapagbigay ng lakas kay Damian dahil sa wala naman siyang wolf na maaaring makapagbigay ng lakas kay Damian.

Pero alam ni Damian na hindi naman talaga wolfless ang luna niya. Kung tutuosin ay mas malakas pa nga si Elara sa kaniya at kaya nila pinipigilan na makalabas ang wolf ni Elara ay dahil baka hindi nila makontrol ang kapangyarihan ninto.

"Malay ko, basta alam ko at ramdam na ramdam ko na mas lumakas ako," tugon ni Damian. Napatingin siya sa mga palad niya, pakiramdam niya ay dunadaloy sa mga ito ang matinding lakas.

Iniisip niya rin kaya siguro siya nawalan ng malay at nilagnat ay dahil sa nabigla ang kaniyang katawan sa lakas na nakuha niya galing sa fated mate niya. Hindi ito na detect ng pack doctor nila dahil wala naman ibang pagbabago sa katawan niya, pero sigurado siya na kapag nakipaglaban siya ay mas malakas na ang kapangyarihan niya kaysa noon.

"Gusto ko na magtraning para masubukan ko 'to," sagot ni Damian.

Habang si Elara naman ay naguguluhan sa mga sinasabi ni Damian. Nagtataka siya sa kung pano siya makakapagbigay ng lakas kung siya mismo ay walang lakas na pinapakita.

"Tama na 'yang kakaisip, magpahinga ka na muna at bukas ka na lang magtraining," sagot ni Elara kay Damian.

"Okay, pero pahinga muna ng kiss," sagot niya kay Elara kaya namula na naman ang pisngi ni Elara sa hiya.

"Tsk, hindi ka talaga paawat no?" Iyon na lang ang nasagot niya at hinalikan ang Alpha niya.

Hindi na siya nagreklamo, nais niya rin naman matikman ang matamis na halik ni Damian.


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

26.3K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
2.2K 155 39
Drifted Series #1 If you were given a chance to drift through time, for what reason will you use it? A famous actress named Aglaea, famously known as...
165K 4.8K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
136K 4.8K 52
HOURGLASS SERIES #1 If you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life...