Revenge of a Rejected

Από FinnLoveVenn

43.2K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... Περισσότερα

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 43

441 25 5
Από FinnLoveVenn

Mabilis na nagpalit anyo si Alpha Elijah sa kaniyang wolf form. Lumanding ang kaniyang mga paa at kamay sa lupa, nagkalat ang pira-pirasong bahagi ng kaniyang damit na nasira sa pagbabago ng kaniyang katawan.

"Grrrr!" Umalingawngaw ang malakas na ungol ni Alpha Elijah sa buong pack house. Lahat ng members ng Forestheart pack ay namadaling pumunta sa kinaroroonan niya.

"Gusto mo pa talaga mapanood nilang lahat kung pano kita pahiyain?" Tanong ni Damian, nanatili itong nasa human form niya.

Naglakad si Elijah at pinaikutan si Damian, ang wolf form ni Elijah ay sing laki ng isang kotse, kulay brown ang kaniyang malambot na balahibo at kumikinang ang ginto niyang mga mata.

'Bakit hindi mo palabasin si Xavier? Tingin mo ba makakaya mo ko sa lagay mo na 'yan?' Tanong ni Elijah at Dexter sa pamamagitan ng mind link.

"Hah, maliit na bagay, gusto mo patumbahin pa kita gamit ang isang kamay," mayabang naman na sagot ni Damian kaya lalong nagalit at umungol si Dexter sa kaniyang harapan.

Napapitlag si Elara nang marinig niya ang nakakatakot na boses ni Dexter, unang beses niyang marinig ang boses na iyon sa utak niya at tila binabaliw siya ninto dahil sa takot.

"Elara, bakit anak? Anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni Calisto habang hawak ang balikat ni Elara at binalot ito ng kaniyang jacket dahil sira na ang blouse na suot ninto.

"Dad, ang sakit ng ulo, naririnig ko ang boses ni Elijah at ng wolf niya," sagot ni Elara habang nakaluhod at nakayuko, tinatakpan niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang tenga pero hindi pa rin ninto maalis ang ingay at boses ni Elijah sa utak niya.

"Anong sinasabi mo Elara? Naririnig mo sila sa mind link?" Nagtatakang tanong ni Calisto pero bigla silang napalingon sa kanilang ibaba nang makarinig sila nang malakas na paghampas. Nagulat na lang sila nang makita ang malaking crack sa simento habang ang kamao ni Damian ay nakayukom.

Lahat ng mga nakakita sa lakas ni Damian ay natakot, hindi nila alam na kayang gawin ni Damian na basagin ang simentong daan sa isang suntok lamang. Lahat sila ay napaurong, alam nila na hindi sila maaaring makialam sa laban na ito.

"Anong karapatan mong saktan si Elara? Tinangka mo pang pagsamantalahan siya? Dahil ano? dahil alam mong wala siyang laban sa'yo!" Galit na tanong ni Damian, lumalabas na ang pangil niya dahil sa galit at galit na galit na rin ang mga ugat niya sa braso at kamay.

'Unang naging akin si Elara!' Sagot ni Elijah kaya napatawa na lamang si Damian at naglakad papunta sa pwesto ni Elija na unti-unting umuurong ng hakbang.

"Walang magdedesisyon ng bagay na iyan kung hindi si Elara," sagot ni Damian at muling sumugod ng suntok pero agad itong naiwasan ni Elijah at nagtangkang kalmutin ang likuran ni Damian ngunit mabilis din itong nakailag.

Paulit-ulit na nagbabatuhan ng atake ang magkapatid, pero karamihan ng atake ni Elijah ay hindi umaabot kay Damian at karamihan naman ng atake ni Damian ay malakas na napupuruhan si Elijah.

Halos hindi nila masundan ang mga nangyayari, masyadong mabilis ang kilos ni Damian na hirap namang sundan ni Elijah, kahit nasa wolf form na ito ay sobrang laki ng agwat nilang dalawa sa bilis at lakas.

Hindi espesyal si Damian, pareho lang sila ng kinalakihan at ng lakas ni Elijah pero dahil sa araw-araw niyang pagsisikap at pakikipaglaban ay matagal niya nang naiwanan si Elijah sa lakas at bilis. Wala pang kahit anong dalang armas si Damian, at isa na itong advantage para kay Elijah pero hindi alam ni Damian na ganito na pala kahina ang Alpha ng Forestheart.

"Iyan na 'yun? Gusto mong maging Alpha ni Elara habang ganiyan ka kahina?" Tanong ni Damian at napagod na sa kakahabol kay Elijah kaya naman sinunggaban niya na ang leeg ninto at sinalampak sa lupa.

"Tama na ang habulan, napapagod na kong humabol sa duwag na katulad mo," dagdag ni Damian.

Rinig na rinig ni Elara ang malakas na pag-iyak ni Dexter dahil sa sakit, tumatangis ito sa tenga niya pero kasabay nun ay rinig na rinig niya rin ang galit na pag-angil ni Xavier.

Nakakabingi ito para kay Elara, lahat ng bagay sa paligid miske ang paghinga ng mga tao sa paligid niya ay dinig na dinig niya, sabay-sabay niya itong naririnig ng malinaw dahilan para mawalan siya ng malay at bumigay.

"Elara!" Agad na nasalo ni Calisto ang kaniyang anak, dumating na rin si Melody at inalalayan ang best friend niya.

Samantala, walang kaalam-alam si Damian sa nangyayari kay Elara dahil sa matinding pagnanais niyang tapusin na ang buhay ni Elijah.

"Ito ang tatandaan mo, kung hindi mo ko matatalo ay hindi mo rin pwede kunin ang mate ko," pagbabanta ni Damian kay Elijah pero walang masagot sa kaniya si Elijah kundi ang paghihikahos ninto sa paghinga.

"Damian! Itigil mo na 'yan!" Hiyaw ni Deigo, alam niyang kapag hindi niya pa napigilan si Damian ay mawawalan siya ng isang anak.

Bumitaw si Damian sa pagkakahawak sa leeg ni Elijah, hikahos itong huminga at hindi na nakabangon pa.

"Magpasalamat ka at naawa pa ako sa'yo, kapag hiniling sa akin ni Elara na patayin ka ay hindi ako magdadalawang isip," dagdag ni Damian at naglakad na palayo sa kay Elijah na nawalan na ng malay dahil sa lakas ng impact ng mga atake ni Damian sa kaniya.

Nagtamo ng napakaraming sugat si Elijah, bugbog at pasa mula sa malalakas na suntok ni Damian. May ilan buto rin ang nabali sa kaniyang katawan, alam niyang hindi niya na kayang lumaban.

Nang makita naman ni Esmeralda ang kaniyang anak ay agad siyang tumakbo sa tabi ninto. Lumapit din si Diego upang tignan ang kalagayan ng kaniyang anak na nagbibigay kahihiyan sa kaniya ngayon.

"Anong gagawin natin, Diego? Sirang sira na ang pack house at nawalan pa ng malay ang anak mo," nag-aalalang tanong ni Esmeralda, niyakap niya ang kaniyang anak at pinakiramdaman ang hininga ninto.

Laking pasasalamat niya nang maramdaman pa ang paghinga ni Elijah, dahan-dahan nagbago ang katawan ni Elijah pabalik sa kaniyang human form kaya naman agad na tinakpan ni Esmeralda ang hubad na katawan ng kaniyang anak.

"Anong ginawa niyo sa anak ko! Lumayas kayo sa pack na 'to!" Hiyaw ni Esmeralda kay Damian at hindi naman siya binigyan pansin ninto.

Naglakad pabalik ng main house si Damian para sunduin ang fatedmate niya ngunit nakasalubong niya si Calisto na buhay-buhay si Elara na walang malay.

Nang makita niyang walang malay si Elara, parang binuhusan ng malakmig na tubig ang buong katawan ni Damian, kumalat ang lamig at takot sa buo niyang katawan.

"Elara!" Agad na lumapit si Damian sa kaniyang fated mate at nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang pisngi ni Elara.

Napansin naman ni Calisto ang tunay na pag-aalala ni Damian sa kaniyang anak, tunay niyang nakita ang takot sa mga mata ninto, sa isip na mawawala sa kaniya si Elara ay para itong naging mahina, malayo sa Damian na nakita niya na nakikipaglaban kanina.

"Nawalan lang siya ng malay pero maayos naman ang kalagayan niya," sagot ni Calisto kaya nakahinga nang maluwag si Damian at napahawak sa mga tuhod niya na parang natunaw na yelo sa panlalambot. 

"Sumama ka sa bahay, kailangan natin mag-usap ng masinsinan," utos ni Calisto kay Damian at tumango ito saka tahimik na naglakad sa likod ni Calisto.

Habang pabalik ng bahay ay kitang-kita ni Melody ang ginawang gulo ng kaniyang Alpha sa Forestheart, maraming nasiranb mga instraktura malamit sa main house, marami ring natumbang puno at nagpapasalamag na lamang siya dahil walang nadamay na iba sa gulo na ginawa ni Damian.

"Sermon ka kapag nalaman ni Calix lahat ng babayaran natin dahil sa gulo na ginawa mo," bulong ni Melody kay Damian habang naglalakad sila sa likod ni Calisto.

"Bilhin ko pa 'tong buong pack house nila. Alam mo ba ginawa ni Elijah kay Elara?" Tanong ni Damian at hindi na naman maiwasan magalit nang maalala niya ang nangyari kay Elara.

"Sinabi na sa akin ni tito Calisto, alam kong galit ka at kung ako ang nasa posisyon mo ay ganyan din ang gagawin ko, pero mukhang magagamit pa ni Elijah laban sa'yo ang mga ginawa mo," sagot ni Melody pero walang pakialam si Damian.

"Gawin niya lahat ng kaya niya para mapatumba ako, wala akong pakialam dahil ako ang unang magpapatumba sa kaniya," inis na sagot ni Damian kaya hindi na nakaimik pa si Melody.

Ang kinakatakot lang ni Melody ay baka gawin pa itong issue ng Forestheart pack, kakahalal lang ni Damian bilang heneral sa buong Summergrave at kung kumalat ang indesente na ito ay malaking kasiraan ito sa image ni Damian.

Lalo na kanina na nakita ni Melody na kumukuha ng mga picture at iba pang ibidensya si Fiona. Madali lang mababaliktad ni Fiona ang ano mang dassbihin niya sa social media, lalo na kung walang tunay na nakakaalam nang nangyari sa loob ng opisina ni Elijah.

❦❦❦

Nakarating sila sa bahay nila Calisto at agad na pinatignan ni Calisto si Elara sa pack doctor. Nakahiga na ito ngayon sa loob ng kaniyang kwarto at nagpapahinga pero hindi pa rin nila alam kung ano ang dahilan ng biglaang pagkahimatay ninto.

"Pwedeng dahil sa mga nangyari ay nawalan siya ng malay," maikling sagot ng doctor at halatang ayaw tignan ang kalagayan ni Elara.

"Pero gising pa siya nung nagsimula ang away ng magkapatid," tanong naman ni Melody dahil ayon kay Calisto ay nakakausap niya pa naman ng ayos si Elra nun.

"Wala akong alam sa kondisyon niya, maaaring dahil na rin sa mahina niyang pangangatawan noon pa, o hindi naman kaya ay umaakto lang siyang nawalan ng malay upang makaiwas sa gulong ginawa niya sa pack na 'to," sagot ng Doctor kaya nagpintig ang tenga nila Melody, Damian at Calisto.

"Anong sabi mo?!" Agad na tumayo sa pagkakaupo niya si Damian pero pinigilan na ito ni Calistod dahil alam niyang mas lalaki pa ang gulo.

"Alpha Damian, mabuti pa at bantayan mo na lang muna si Elara at ako na ang kakausap sa doctor," sagot ni Calisto at tumingin kay Melody upang senyasan ito. Agad naman nakuha ni Melody ang ibig sabihin ni Calisto kaya tumango siya at pinakalma ang kaniyang Alpha.

"Ihahatid ko na kayo sa labas," aya naman ni Calisto sa pack doctor at sumunod ito pababa ng hagdan.

"Totoo bang dahil lang doon kaya nawalan ng malay si Elara?" Tanong ni Calisto kaya napabuntong hininga ang doctor.

"Alam mo Calisto, importante kang member ng pack na 'to at sasabihin ko sa'yo na walang problema sa katawan ng anak mo pero sa ginagawa at pag-uugali niya ay may magkakaroon ka ng malaking problema," sagot ninto at tinalikuran na si Calisto at lumabas ng pinto.

Napayuko si Calisto, hindi niya masabi ang katotohanan sa dinadaing ni Elara bago ito mawalan ng malay. Hindi niya sinabi sa kahit sino na nakakarinig na ng mind link ang kaniyang anak na wolfless at walang kahit anong lycan traits.

Nanginginig ang mga kamay ni Calisto, alam niyang hindi niya na maitatago pa ang totoo, at natatakot siya sa anong maaaring mangyari sa pinaka mamahal kiyang prinsesa.

"Emely, bantayan mo ang anak mo," bulong ni Calisto habang nakayuko at hindi na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mata.


TO BE CONTINUED

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

33.7K 1.6K 46
A girl with no emotion written her face and eyes. Dahil sa likod may mga nakakatagong nakikilabot na nakaraan. That why she change a lot not until sh...
EUTI: Treaty of Peace Από JLBalingit

Ιστορικό φαντασίας

74.3K 2.5K 53
When Euti heard that the princess she's been serving , Princess Astriia is about to be forcefully married to the second prince of their neighboring...
26.4K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
75.5K 3.2K 27
Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with...