Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

42.6K 2.1K 220

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 42

435 26 6
By FinnLoveVenn

"Elara, pinapatawag ka ni Alpha Elijah sa opisina niya. Nais mo bang samahan kita?" Tanong ni Calisto habang naghahanda siya ng pagkain ni Elara at Melody, naiwan silang tatlo sa bahay dahil lumipat sa main house si Fiona at Fernanda.

"Mabuti pa nga samahan mo siya tito, kung alam mo lang ang ginawa ng Alpha na 'yan kay Elara," tugon ni Melody sabay subo ng pancakes.

"Hindi na, ako na lang ang makikipag-usap sa kaniya," sagot naman ni Elara dahil ayaw niyang malaman ni Calisto ang ginawa niyang pami-frame up kay Elijah para makipaghiwalay rito.

"Pero pano kung mag gawin siya sa'yo? Wala ako sa tabi mo," sagot ni Calisto, nag aalala siya sa kalagayan ni Elara pagtapos niyang malaman na hindi na safe ang anak niya sa Alpha nila, lalo na't nasira na ang magandang imahe ni Alpha Elijah sa paningin niya.

"Pwede niyo naman ako samahan hanggang main house, kasi kahit magpumilit kayo ay hindi kayo papayagan ni Elijah na sumama sa pag-uusap namin," tugon ni Elara, kilala niya na si Elijah at alam niyang gagamitin ninto ang otoridad niya para makuha ang gusto niya.

"Sige, kung may gawin man sa'yo si Alpha Elijah ay sumigaw ka ng malakas o gumawa ka ng kahit anong ingay at agad kitang pupuntahan," sagot ni Calisto kaya napangiti si Elara at tumango sa kaniyang ama.

"Kumain muna kayo r'yan, may kailangan lang akong tawagan," pagpapaalam ni Calisto at tumango ang dalawa bilang sagot. Naiwan si Elara at Melody sa kusina habang nag uumagahan, panay ang buhos ni Melody ng honey sa pancakes niya.

"Bestie, may pic ako rito nung mga pasa at bugbog mo. Tinabi ko for evidence, gusto mo pakita natin kay tito para magalit siya ky Alpha Elijah and pumayag na siya lumipat sa Nightraven?" Tanong ni Melody, nais niya na rin gumawa ng paraan para makabalik na si Elara sa pack nila dahil alam niya na any moment ay maari nang umuwi ang Alpha nila sa pack house.

"Itabi mo muna r'yan Mel, natatakot ako na baka saktan din nila si Dad kapag pumalag siya sa Alpha. Kilala mo naman siguro ang tatay ko, siya ang war hero ng pack na 'to, palaban siya at wlaang inuurungan kapag alam niyang may na dedehado," paliwanag ni Elara.

"Kung sabagay, kaya nga kinatatakutan din siya ng mga Reed dahil sa lakas niya at reputation sa pack na 'to, malaking kawalan si tito Calisto kung kakalabanin nila ito, mas maraming pack members ang kakampi sa kaniya kung magkataon," sagot ni Melody at tumango naman si Elara.

"So anong balak mo? Three days na ang nakakalipas, kailangan na natin makabalik sa pack house kung ayaw mo magkaroon ng gera rito sa Forestheart," sagot ni Melody kaya napabuntong hininga si Elara.

"Hindi pa kamo gumagana ang number ko, dapat pala nagpalit na ako dahil mukhang blinock ni Elijah ang number ko sa lahat ng contacts ko, hindi na ako nakaka-recieved ng any text message or call," tugon ni Elara kaya lalo siyang nag-aalala na baka isipin ni Damian ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ng kaniyang Alpha.

"Good luck na lang talaga kay Damian, for sure nababaliw na 'yun ngayon," sagot ni Melody.

Patuloy silang kumain at nagplano na rin ng mga sunod na gagawin nilang hakbang, pagtapos ninto ay dumaretsyo na si Elara at Calisto as main house para kausapin si Elijah. "Dad, dito ka na muna," utos ni Elara sa kaniyang ama at wala ng nagawa si Calisto kung hindi sundin ang request ng kaniyang anak.

Nanatili sa looby si Calisto habang si Elara naman ay umakyat sa third floor ng pack house, habang naglalakad siya ay pinagtitinginan siya ng bawat members ng Forestheart pack. Iniisip ng mga ito kung gano kakapal ang mukha ni Elara at nagawa pa ninto tumapak sa pack nila at may mukha pa itong ihaharap sa kanilang lahat pagtapos ng ginawa ni Elara sa kanilang Alpha.

"Elara," napalingon si Elara nang makita niya ang stepmother niya. Lumapit sa kaniya si Fernanda habang dala ninto ang galit na expression sa kaniyang mukha.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba nakuntento na nakabalik ka na sa pack? Gusto mo pa kunin ang Alpha ng stepsister mo?" Tanong ni Fernanda, hindi na ninto tinatago ang tunay nitong ugali sa harap ni Elara.

"Sorry, pero hindi naman ako ang may gusto ninto. Try niyo kaya pigilan ang Alpha niyo dahil nakakaistorbo siya sa masayang buhay ko sa Nightraven," mariin na sagot ni Elara, hindi niya na rin itinago pa ang galit niya sa stepmother niya.

"And fyi, hindi ako ang mang-aagaw dito dear mother. Ang anak mo ang umagaw ng Alpha ko, tandaan niyo, ako ang unang pinili," sagot ni Elara at nilagpasan si Fernanda. Daredaretsyo siya naglakad papunta sa opisina ni Elijah at naiwan doon si Fernanda na galit na galit.

"Tignan na'tin kung makakasagot ka pa sa akin, kapag ako na mismo ang pumutol sa matabil mong dila," bulong ni Fernanda habang nakayukom ang kaniyang mga kamay dahil sa panggigigil at galit.

Huminto si Elara sa tapat ng pinto ng opisina ni Elijah, hindi pa man siya nakakakatok ay pinagbuksan na siya ng pinto ninto. "Elara, kanina pa kita iniintay," sagot ni Elijah.

"Ano bang kailangna mong sabihin?" Direktang tanong ni Elara, ayaw niya na magpasikot-sikot pa. Gusto niya na lang umalis sa loob ng opisina ni Elijah at bumalik na sa Nightraven.

"Maupo ka muna," pag-aaya ni Elijah at ginawa naman ito ni Elara. Hindi napansin ni Elara na ni lock na ni Elijah ang pinto sa likuran niya. Wala siyang kaalam-alam sa binabalak ninto gawin sa kaniya.

"Pwede ba diretsyuhin mo na ako, anong kailangan mo sa akin? Matagal na tayong tapos hindi ba?" Tanong ni Elara, hindi niya kayang tignan ng matagal si Elijah dahil parang babalik ang sikmura niya tuwing nakikita niya ang mukha ninto.

"Bakit mo ko iniwan? Bakit mo ko pinagpalit?" Tanong ni Elijah kaya hindi maiwasan ni Elara na mapatawa sa mga walang kwentang tanong na iyon.

"Ako ba talaga ang unang gumawa ng bagay na iyon? Ako pa talaga ang tinatanong mo ng tanong na 'yan?" Tanong ni Elara, hindi siya makapaniwala na babaliktarin pa siya ni Elijah. Hindi niya hahayaan na ma gaslight siya ng ex niya, dahil alam niya na ang mangyayari at kilala niya na ang tunay na ugali ni Elijah.

"Hindi naman kita iniwan kahit kilala ko na ang fated mate ko, Elara. Ikaw pa rin ang balak kong piliin," sagot ni Elijah, nanatili pa rin itong matigas sa paniniwala niya.

"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo na ako ang pipiliin mo? Alam kong natapakan ko lang 'yang ego mo kaya hindi mo ko mabitaw-bitawan, kasi naunahan kita, naunahan kitang bumitaw sa relasyon nating dalawa," sagot ni Elara.

Napayuko si Elijah, tinatago niya ang inis niya at pagnanais niyang saktan si Elara. Nais niyang idaan sa maayos na usapan ito at nagbabakasakali na makukuha niya pa ang loob ni Elara pero mukhang nabilog na ni Damian ang utak ng chosen mate niya.

"Aminado ako na attracted ako kay Fiona, dahil fated mate ko siya. Pero hindi ko mahanap sa kaniya 'yung magmamahal na nahanap ko sa'yo," sagot ni Elijah at kitang kita ni Elara ang pagsisisi sa mga mata ni Elijah.

Nakaramdam ng kirot si Elara sa kaniyang dibdib, bumabalik na naman 'yung sakit ng ginawang panloloko sa kaniya ni Elijah at Fiona. "Pasensya ka na Elijah, pero si Damian na ang Alpha ko at pipiliin ko," sagot ni Elara at tumayo na sa pagkakaupo dahil ayaw niya ng pahabain pa ang usapan na ito, pero bago pa niya maabot ang doorknob ay niyakap siya ni Elijah mula sa kaniyang likuran.

"Ano bang nagustuhan sa lalakig iyon!? Bastardo anak siya, utusan ng emperor at hindi niya maibibigay ang gusto mo. Ako ang makakapagbigay ng mga bagay na iyon, alam ko na ako lang ang kaya mong mahalin Elara," sagot ni Elijah habang mahigpit na yakap si Elara.

Hindi makapalag si Elara dahil sobrang lakas ni Elijah, kinulong siya ninto sa kaniyang mga yakap at ayaw niyang dumikit ang scent ni Elijah sa katawan niya.

"Bitawan mo ko! At sino naman nagdesisyon na ikaw lang pwede kong mahalin?! Binigay ko ang katawan ko kay Damian at hinding hindi mo na ko makukuha mula sa kaniya!" Inis na sagot ni Elara at hindi na napigilan pang magalit kay Elijah dahilan naman para maprovoke niya si Elijah at lalong magalit sa kaniya.

"Kanina pa ko nandidiri sa scent na iniwan sa'yo ni Damian, kaya papalitan ko 'to ng scent ko dahil ako lang ang dapat mag iwan ng marka sa'yo," sagot ni Elijah at pilit na hinalikan ang leeg ni Elara.

"Ah! Bitawan mo ko!" Pumalag si Elara kay Elijah pero masyadong malakas ito para sa isang wolfless na katulad niya. Pinilit ni Elijah ang kaniyang sarili kay Elara, patuloy niya itong hinahalikan at balak markahan ang balikat ni Elara pero nagpupumiglas si Elara.

"Anong magagawa mo sa isang Alpha na kagaya ko? Sumuko ka na lang Elara at maging akin," sagot ni Elijah at hinila si Elara palayo ng pinto, tinapon niya si Elara sa sofa at dinaganan ito.

Kumalat ang takot sa buong katawan ni Elara, alam niyang ipipilit ni Elijah na may mangyari sa kanilang dalawa. "Binabalaan kita Elijah, bitawan mo ko kung hindi—"

"Kung hindi ano? Anong magagawa mo ng isang omega na katulad mo?" Tanong ni Elijah at tinakpan ang bibig ni Elara.

"Alam mo kung saan magaling ang kagaya mong omega?" Tanong ninto at kitang kita ni Elara ang mal demonyong ngiti sa labi ni Elijah, ang lalaking noon ay minamahal niya.

"Ang maging paanakan ng isang Alpha na kagaya ko," sagot ni Elijah at muling hinalikan ang leeg ni Elara.

"Hayaan mo, wala akong pakialam kung bigyan mo ako ng mahihinang anak, kahit wofless pa sila kagaya mo ay tatanggapin ko sila. Basta ikaw ang kanilang ina ay hindi ako magrereklamo," dagdag ni Elijah.

Unti-unting tumulo ang mga luha ni Elara nang maalala niya ang nangyari sa kaniya, kung pano siya nabuntis at naghirap dahil anak ni Elijah ang pinagbubuntis niya. Ayaw niyang maranasan ulit iyon, ayaw niyang maghirap ulit ang kaniyang magiging anak dahil lang si Elijah ang magiging ama ninto.

"Huwag kang umiyak Elara, ayoko pa naman nakikitang umiiyak ang magaganda mong mata," sagot ni Elijah at hinalikan ang mga luha ni Elara.

Wala ng ibang tumatakbo sa isip ni Elara ngayon kundi ang makita is Damian, gusto niyang sumigaw at tawagin ang pangalan ng Alpha niya. Ayaw niyang ibigay ang sarili niya sa iba kundi kay Damian lang.

Binitawan ni Elijah ang bibig ni Elara para halikan ito, hindi niya na mapigilan ang sarili niya sa pagkabaliw kay Elara, pero pagkabitaw na pagkabitaw niya pa lang sa bibig ni Elara ay ibang pangalan na agad ang lumabas sa bibig ninto.

"Damian..." Tawag ni Elara sa pangalan ng kaniyang Alpha habang may luha sa kaniyang mga mata.

"Ha? Hahaha! Si Damian pa rin ang nasa isip mo kahit nasa harapan mo na ako? Pwes, buburahin ko lahat ng nasa utak mo ngayon at sisiguraduhin ko na ako lang ang iisipin mo," tugon ni Elijah at pumuwesto na para alisin ang belt ng pants niya.

Pero bago niya pa magawa iyon ay biglang tumilapon ang pinto at niluwa ninto si Damian, pawis na pawis habang hinahabol ang kaniyang hininga. Nagtama ang tingin ni Damian at Elara, at nang makita ni Damian ang luha sa mga mata ni Elara ay hindi niya na naiwasan pang lamunin ng galit at agad na sinugod si Elijah.

"Anong karapatan mong paiyakin ang Luna ko!" Hiyaw ni Damian at agad na sinunggaban ng suntok si Elijah. Tumilapon sa sahig si Elijah habang hawak ang kaniyang pisngi, nakatawag ng maraming pack members ang eskandalo na nangyayari sa pagitan ng magkapatid.

"Damian!" Hiyaw ni Diego habang kasama niya si Calisto at nang makita ni Calisto ang sinapit ng kaniyang anak ay nagdilim na rin ang kaniyang paningin.

Nakaupo si Elara sa sofa, sira na ang blouse ninto habang umiiyak at nanginginig sa takot. tumatak sa isip ni Damian ang imahe ng luna niya at balak ulit sugurin si Elijah pero bago niya pa ito magawa ay nauna na si Calisto at malakas na sinuntok si Elijah sa kaniyang sikmura.

"Calisto! Huminahon ka!" Hiyaw ni Diego habang hindi alam anong gagawin at kung pano aawatin ang galit na galit na si Calisto at Damian.

'Patayin na natin ang kapatid mo Damian,' utos ni Xavier nang makita niya ang kaniyang luna sa ganoong sitwasyon.

'Palabasin mo ko, at papangasin ko ang leeg ng Alpha na 'yan,' dagdag ninto pero ayaw ni Damian masaksihan ni Elara ang pagkamatay ni Elijah. Ayaw niyang makakita ng dugo ang Luna niya.

'Hindi Xavier, mga kamay ko ang gaganti para kay Elara,' sagot naman ni Damian.

"Animal ka! Anong ginawa mo sa anak ko!" Hiyaw ni Calisto at akmang susuntukin ulit si Elijah pero nakaiwas ito at handa na rin lumaban. Nakatayo sa kaniyang mga paa si Elijah, lumalabas na rin ang mga pangil niya dahil sa galit at panggigigil.

"Sir Calisto, tumabi kayo at alalayan si Elara. Ako na ang magtuturo ng leksyon sa kuya ko," sagot ni Damian, naglakad siya papalapit kay Elijah habang tinataas ang manggas ng yuniporme niya.

"Tingin mo uurungan kita?" Sagot naman ni Elijah.

"Wag ka na magsalita, kung ayaw mong dumugo 'yang bibig mo."

"Kung magpapatayan kayong dalawa, huwag niyo gawin sa loob ng pack house! Malaki ang training ground para maging libingan ng isa sa inyo," inis naman na tugon ni Diego.

"Sige, tutal kawawa naman si Elijah dahil hindi siya makakatakbo sa maliit na kwarto na 'to," sagot ni Damian sabay hila sa kwelyo ng polo ni Elijah at malakas na hinagis palabas ng bintana. Nabasag ang malaking bintana at tumilapon doon si Elijah, mabilis na sinundan ni Damian si Elija sa baba ng pack house na kinagulat nila Elara at iba pang nakakita ng eksena.



TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

47.5K 1.7K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
282K 16.5K 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this stor...
20.2K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...
42.6K 2.1K 88
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...