Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

42.5K 2.1K 220

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 40

412 20 1
By FinnLoveVenn

"Sinasabi mong nahuli mo si Alpha Elijah na may ibang babae, at bukod pa roon si Fiona na fated mate niya?"Hindi makapaniwala si Calisto nang sabihin ni Elara ang side niya. Hindi niya inaasahan na magagwa ito ni Elijah dahil buong akala niya ay matino ang Alpha nila.

"Hindi alam ni Fiona na fated mate niya si Alpha Elijah dahil hindi pa siya eigthteen, nun nung nakaraang buwan lang nila nakumpirma na si Alpha Elijah nga ang fated mate niya, walang kinalaman si Fiona rito, sweetie," paliwanag naman ni Fernanda kaya wala na nagawa pa si Elara para baluktutin ang kwento at mapapanig niya sa kaniya si Calisto.

"Totoo ba ang sinasabi nila Elara? Sabihin mo sa akin," tanong ni Calisto at nais marinig mismo sa bibig ng kaniyang anak ang katotohanan.

"Opo, Dad. Tinatago ni Elijah na fated mate niya si Fiona habang nobyo ko pa siya, kaya ni reject ko siya at nais nang umalis sa pack na 'to, dahil nalaman ko rin na fated ko naman si Damian," sagot ni Elara.

Nagulat si Caliso sa mga nangyayari, para bang pinaglalaruan ng Moon Goddess ang kaniyang anak.

"Bakit sa lahat ng lycan, si Alpha Damian pa?" Tanong ni Calisto sa kaniyang sarili at wala ng nagawa kung hindi iyuko ang ulo niya at hawakan ito ng kaniyang dalawang kamay.

Nasaktan si Elara sa sinabi ng kaniyang ama, alam niyang panget ang imahe ni Damian sa Forestheart pero hindi ito dahilan para husgahan nila ng ganito si Damian.

Nakita na ng dalawang mata ni Elara kung gano kabait is Damian, kung gano ninto kamahal ang pack niya.

"Mabait si Alpha Damian, hindi niya ako magagawang saktan hindi katulad ni Elijah," sagot ni Elara na nagpapintig ng tenga ni Fiona.

Kinakain na naman ng inggit si Fiona dahil alam niyang totoo ang sinasabi ni Elara, kalat na kalat sa social media ang tungkol kay Damian at kung gano ninto kamahal ang fiancée niyang si Elera.

Hindi katulad ni Elijah na patuloy pa ring nakakulong sa nakaraan at minamahal ang babaeng nag reject sa kaniya.

"Pano mo nasisigurado 'yan Elara? Hindi ba't iniwan niya ang sarili niyang pack para maging tau-tauhan ng emperor?" Tanong ni Calisto, hindi niya kayang pumanig sa isang taksil sa sarili nintong pack.

"Hindi naman myung dahilan bakit umalis si Damian sa Forestheart, Dad," sagot ni Elara, tumayo siya sa kinauupuan niya at nilapitan ang kaniyang ama. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Calisto para iparamdam dito na nagsasabi siya ng totoo.

"Maniwala ka sa'kin, Dad. Kilala ko na si Damian atnagsasabi ako ng totoo. Hindi iyon ang dahilan ni Damian kaya siya umalis ng pack na 'to," mariin na paliwanag ni Elara.

"Ano bang pinakain sa'yo si Alpha Damian at naging ganiyan ang pananaw mo Elara? Hindi mo ba nakakalimutan na madalas ka niya awayin noon? Bully ang batang iyon at pinapatulan niya ang mas mahina sa kaniya," nang maalala ni Calisto ang dating ginagawa ni Damian sa anak niya ah mas kumulo ang kaniyang dugo.

Alam niya naman na away bata lang ang mga iyon noon, hindi rin sinasaktan ni Damian si Elara at parati lng talaga itong inaasar. Pero alam niya na ang mga salitang binabato ni Damian noon sa kaniyang anak ay dahilan rin ng mga sugat sa puso ni Elara ngayon.

"Hindi siya ganun Dad..." hindi alam ni Elara pano maipagtatanggol si Damian sa harap ng kaniyang ama dahil puro kalokohan talaga at sakit ng ulo ang ginagawa ninto sa pack nila noon.

"Hindi ka na babalik doon, iyon na ang desisyon ko," sagot ni Calisto at tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

"Teka Sweetie, hindi pwede manatili si Elara rito," sagot naman ni Fernanda. Hindi inaasahan ni Elara ang turn of events pero kung sabagay ay nais naman talaga siyang mawala ni Fernanda sa landas nila.

"At bakit naman? May problema ba kung mananatili si Elara dito?" Tanong ni Calisto, rinig nila Fernanda at Fiona ang galit sa boses ni Calisto. Miske si Elara ay nakakaramdam ng kaba sa tono ng pananalita ng kaniyang ama.

"Baka lang magkaroon pa ng labanan sa dalawang pack, hindi mo naman siguro gusto na madamay pa ang marami sa gulong ito," sagot ni Fernanda sa kaniyang chosen mate, hinawakan ni Fernanda ang balikat ni Calisto upang pakalmahin ito.

Hindi maikakaila ni Elara na napahanga siya ni Fernanda sa mga dahilan na binibigay ninto, talagang lahat ay gagawin ni Fernanda para lang malayo si Elara kay Elijah at Fiona.

"Pag-isipan na muna natin ang lahat bago tayo gumawa ng desisyon," dagdag pa ni Fernanda at napag-isip isip ni Calisto na kailangan niya na nga huminahon para makapag-isip siya ng tuwid.

"Mauna na po muna ako sa kwarto ko," pagpapaalam namna ni Elara, hindi niya maatim tignan na nakikinig pa si Calisto kay Fernanda pero sino ba ang hindi mabibilog ng mga salita at pinapakitang pag-aalala ni Fernanda?

Mas kailangan pang galingan ni Elara ang kaniyang pag-arte, kailangan niya makuha ang loob ng kaniyang ama at makaalis sa pack na 'to. Nang makapasok sa loob ng kaniyang dating kwarto ay doon lang na pagtanto ni Elara na wala siyang kahit anong dala-dalang gamit.

Miske ang pera at cellphone niya ay naiwan niya sa Nightraven, nag-aalala siya na baka tumawag si Damian at hindi niya masagot ang mga ito. Baka lalo pa siya magdulot ng gulo sa Nightraven pack at alam niya nag aalala na sa kaniya si Melody at Calix.

"Naiimagine ko na kung anong itusra ni Calix ngayon, for sure stress na 'yun sa lahat ng gulong iniwan naming dalawa ni Damian. Lalo na siguro ang mukha ni Damian kung malaman niyang wala na ako sa Nightraven," hindi mapigilan ni Elara na mapatawa kahit na ang dami niyang problema. Naiisip niya pa lang kasi ang mukha ni Damian at kung pano ito mgwawala ay hindi niya na maiwasan mapangiti.

"Hays, pero sigurado ako hindi agad sasabihin ni Calix sa Alpha niya na wala ako, kasi masisira ang first mission nila sa emperor," dagdag ni Elara saka nilibot ang kaniyang paningin sa dati niyang kwarto.

Puro na ito alikabok, halatang na pabayaan na ng ilang linggo. Akala niya ay kukunin na ni Fiona ang pwesto niya sa bahay na ito pero mukhang hindi naman makukuntento ito sa kung anong mayroon siya ngayon.

Alam ni Elara kung gano kagreedy ang stepsister niya, at kung hindi ito magiging masaya kay Elijah ay ano pa kaya ang kaya ninto gawin para lang maging masaya?

Natawag ng tunog ng motor ang atensyon ni Elara at nakita si Melody na papunta sa direksyon ng bahay nila, sigurado siya na si Melody iyon base sa scent ninto. "Nakakapagtaka, pano kaya tumalas ng ganito ang pang-amoy ko?" Tanong ni Elara sa kaniyang sarili at bumaba na ng bahay nila.

"Elara, saan ka pupunta?" Tanong ni Calisto nang makita niyang bumababa ng hagdana ng anak niya. "Nasa labas po si Melody," sagot naman ni Elara at hindi alam ni Calisto kung pano nalaman ni Elara iyon samantalang hindi niya pa naamoy ang scent ni Melody, pero mayamaya pa kagaya ng sabi ni Elara ay may tumigil na motor sa harap ng kanilang bahay, naka all black si Melody at inalis ang helmet niya.

"Bestie!" Hiyaw ni Melody at agad naman na lumabas si Elara sa bahay nila habang nakasunod sa kaniyang likuran si Calisto. Hindi na inintay ni Melody na pagbuksan siya ng gate ni Elara dahil parang pangalawang bahay niya na rin ito at alam na alam niya kung pano bubuksan ang gate mula sa labas.

"Buti pinapasok ka nila," salubong ni Elara at niyakap nang mahigpit si Melody.

"Well, helllo? Lagi akong pabalik-balik dito kahit noon pa, subukan lang nila akong i-ban sa Forestheart pa lalabas ko lahat ng baho ng pack members ninto," biro ni Melody at natatawang tinapik tapik ang likod ni Elara.

Hindi maitatago ang pag-aalala ni Melody sa best friend niya, alam niya kung gano nakakatakot ang magiging trato ng pack member ng Forestheart kay Elara. Pagtapos ng eksena na ginawa nito ay mas nag iinit na ang dugo nila sa best friend niya.

"Melody, pasensya na sa gulong ginawa ko kanina sa pack niyo," sagot naman ni Calisto habang nakatayo sa likod nilang dalawa.

"No worries po tito, alam ko naman na gulantang lang kayo. Pwede ko po ba makausap si Elara saglit? Ang ibibigay ko lang sa kaniya 'yung mga importanteng gamit niya," sagot ni Melody at tumango naman si Calisto.

"Oo, pero sa loob kayo ng bahay mag-usap," dagdag ni Calisto dahil iniisip niya na baka nagbabalak ang dalawa na tumakas at bumalik sa Nightraven.

"Okay tito," sagot ni Melody at ayaw niya na gumawa ng anumang ikadadagdag ng galit ni Calisto, nais niyang ipakita kay Calisto na ginagalang nila ang desisyon niya at nais itong pag-usapan nang maayos.

Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay at nakasalubong ni Elara at Melody si Fiona na palabas at pabalik na sa main house. Tinignan ni Fiona si Melody mula ulo hanggang paa sabay irap ninto kaya pilit na pinipigilan ni Melody ang kaniyang sarili na hilahin ang buhok ng stepsister ng best friend niya.

"Bestie, pigilan mo ako. Nangangati na 'yung kamay kong saktan 'yang babae na 'yan," bulong ni Melody kaya tinulak na langsiya ni Elara papuntang taas para makaiwas sa paglaki ng gulo.

"Hindi pa pwede ngayon, nasa pugad niya tayo at kung gagawa tayo ng eksena rito ay talo ang matatalo," bulong ni Elara. Nagtitimpi ng galit si Melody at pumasok na lamang sa loob ng kwarto ni Elara at inabot ang mga gamit ninto.

Agad na kinuha ni Elara ang cell phone niya sa loob ng bag na inabot ni Melody, pagbukas niya ng screen ay agad na bumungad sa kaniya ang sandamakmak na missed calls galing kay Damian.

"Hala naka seventy two missed calls siya," sagot ni Elara.

"Hindi nga namin alam ni Calix pano namin sasabihin sa kaniya na wala ka sa pack house, baka magwala iyon at umuwi agad," sagot namna ni Melody, malaking gulo talaga ang mangayayari kung magkataon.

"Pano kaya ito? Anong gagawin ko? Ayaw ako paalisin ni Dad at ito naman si Elijah ay tinggap pa ulit ako sa pack," paliwanag ni Elara at nasuklay niya na lang ang kaniyang buhok gamit ng kaniyang mga daliri, hindi niya alam kung ano ang sunod niyang hakbang, hindi niya kasi inaasahan ang bagay na ito.

"What? Tinggap ka ni Elijah? Seryoso ba 'yan?" Tanong naman ni Melody at tumango si Elara bilang sagot.

"Oo, nagtataka nga rin ako. Kung nakita mo lang ang mukha ni Fiona kanina ay matatawa ka at maawa sa kaniya, dahil ang fated mate niya ay pumapanig sa amin ni Dad kanina," kwento ni Elara at hindi makapaniwala si Melody sa kaniuang mga narinig.

"Oh my gosh, siguro nga tama ang desisyon namin ni Calix na mag stay na lang din muna ako dito para samahan ka. Feeling ko may binabalak na naman 'yang rejected mate mo para matali ka at hindi maging masaya, sorry siya pero desidido na si Alpha Damian na kunin ka," komento naman ni Melody.

"Pakiramdam ko rin, mas kailangan ko mag-ingat," sagot ni Elara dahil kung tama ang pagkakatanda niya, ang buwan na ito ang eksaktong buwan na may nangyari sa kanila ni Elijah na dahilan ng pagdadalang tao niya.


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...
42.5K 2.1K 88
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
359K 6.5K 80
Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination...
4.7K 516 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...