Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

66.3K 3.4K 517

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86
CHAPTER: 87
CHAPTER: 88
CHAPTER: 89 [R18]
CHAPTER: 90
CHAPTER: 91
CHAPTER: 92
CHAPTER: 93
CHAPTER: 94
CHAPTER: 95 [R18]
CHAPTER: 96
CHAPTER: 97
CHAPTER: 98
CHAPTER: 99 [R18]
CHAPTER: 100
CHAPTER: 101
CHAPTER: 102
CHAPTER: 103
CHAPTER: 104
CHAPTER: 105
CHAPTER: 106
CHAPTER: 107
CHAPTER: 108
CHAPTER: 109
CHAPTER: 110

CHAPTER: 39

559 26 1
By FinnLoveVenn

"Calix, kamusta sa d'yan? Kamusta si Elara?" Tanong ni Damian, kanina niya pa kasi tinatawag ang cellphone number ni Elara pero hindi ito sumasagot. Break time nila at iba na ang nakatakang mag ikot sa baybayin ng Summer Sea kaya nagkaroon siya nag pagkakataon na kamustahin ang kaniyang luna pero hindi ito sumasagot.

"Ah... busy siya sa pag-aasikaso ng ibang trabaho na naiwan mo," sagot ni Calix. Ayaw niya man magsinungaling ay kailangan niya itong gawin dahil alam niyang uuwi agad si Damian kapag nalaman ninto ang tunay na nangyari kay Elara.

Hindi maaring payagan ni Calix na mangyari iyon lalo na't kakahalal lang ni Damian bilang Heneral at ito ang unang misyon ng pack ngayon buwan. Hindi nila maaaring biguin ang emperor dahil malaking misyon din ito.

"Hindi naman ganon karami ang naiwan kong trabaho d'yan, huwag kamo siya masyadong magpakapagod at sagutin ang tawag ko," utos ni Damian dahil gusto niya na marinig ang boses ng Luna niya.

Ngayon na alam niyang nasa pack house lang si Elara ay nais niya na agad umuwi para makasama ito, pero hindi niya naman maaaring mamadaliin ang trabaho niya at ayaw niya rin masira ang pangalan ng Nigthraven dahil sa pagiging impatient niya.

"Ayaw niya magpaawat eh, wala kang magagawa Alpha Damian," iyon na lang ang sagot ni Calix habang nakatingin kay Melody habnag nagsesenyasan sila sa kung ano ang dapat gawin.

"Osige, tatawag na lang ulit ako," sagot ni Damian at binaba na ang tawag.

Nakahinga nang maluwag si Calix at Melody nang hindi na nangulit pa si Damian, alam nilang dalawa na magiging busy rin ang kanilang Alpha sa mission na ito kaya hinihiling nila na huwag makahalata ito sa mga nangyayari.

"Anong gagawin natin? Pano kung tumawag na naman siya mamaya o bukas? Hindi na natin pwede sabihin sa kaniya na busy pa rin si Luna Elara," tugon ni Calix na hindi na maiwasan hilutin ang sintido ng noo niya dahil sa stress niya sa mga nangyayari.

"Pupunta ako sa Forestheart ngayon, dadalhin ko rin ang mga importanteng gamit ni Elara. Sana lang ay papasukin nila ako," sagot naman ni Melody at tumango na lamang si Calix.

"Gamitin mo na lang ang motorsiklo ko," sagot ni Calix sabay hagis ng susi ng kaniyang motor kay Melody.

"Thanks, update kita sa kung ano ang mangyayari," sagot namna ni Melody at lumabas na ng opisina ni Damian.

❦❦❦

"Hindi siya maaring makapasok sa loob, Calisto. Umalis na siya sa pack na ito at siya ang nagdesisyon ng bagay na iyon kaya hindi namin siiya maaring papasukin," tugon ni Hanes, ang bantay sa main gate ng Forestheart.

"Anak ko siya at gamma ako sa pack na 'to, panong hindi siya maaaring pumasok dito? Nakakalimutan niyo ba kung sino ako?" Tanong ni Calisto habang hindi mapigilan ang umangil sa sarili niyang pack members.

"Alam ko na naiinis ka Calisto, pero ang daming ginawang gulo ni Elara nung wala ka. Kaya hindi ako magtataka kung pinagbabawal na siyang pumasok sa loob ng pack natin," dagdag pa ni Hanes kaya napatingin si Calisto sa kaniyang anak na tahimik na nakayuko sa kaniyang likuran.

Hindi pa nakakausap ni Calisto si Elara, hindi niya pa alam ang buong pangyayari pero alam niyang ayaw na rin ni Elara na bumalik pa sa pack nila.

"Ako na mismo ang tatawag kay Alpha Elijah," tugon ni Calisto at ginamit ang mind link para makausap ang Alpha niya.

Agad naman nakuha ni Elijah ang mensahe at agad na tumayo sa kinauupuan niya, hindi siya makapaniwala na bumalik si Elara sa piling niya.

"Saan ka pupunta, Alpha Elijah?" Tanong ni Fiona dahil mukhang masaya ang Alpha niya at namamadaling umalis sa tabi niya. Pero hindi siya sinagot ni Elijah at dare-daretsyo lang lumabas ng silid kaya agad niya itong hinabol at pinigilan na umalis.

"Saan ka pupunta? Wala na ba akong karapatan na tanungin ka?" Inis na tanong ni Fiona sa kaniyang mate pero nang makita niya ang mukha ni Elijah ay mas iritable pa ito sa kaniya.

"Pwede ba bitawan mo ko?" Utos ni Elijah kaya walang nagawa si Fiona kung hindi alisin ang pagkakapit niya sa braso ng kaniyang Alpha.

Dare-daretsyong bumaba ng pack house si Elijah at nagtungo sa main gate kung nasaan si Calisto at Elara. Hindi pa man siya ganoong nakakalapit ay amoy na amoy niya na ang scent ni Elara na kaniyang pinagtaka dahil hindi ito ganoong kalakas noon.

"Elara," tawag ni Elijah nang makita si Elara sa likuran ng Calisto.

Agad na tumingin si Elijah kay Hanes at galit itong kinuwelyuhan. "Bakit hindi mo pinapapasok si Elara! Siya ang chosen mate ko!" Inis na utos ninto kaya kumunot ang noo ni Hanes at gulong gulo sa kaniyanh Alpha, pakiramdam niya ay wala na sa katinuan si Elijah.

"Pero utos po ng inyong ina na huwag ko papasukin si Elara sa pack house, mahigpit niya pa itong pinag-uutos Alpha Elijah," tugon ni Hanes kaya lalong humigpit ang pagkakahawka ni ELijah sa kwelyo ng damit ninto.

"Sino ba ang Alpha mo? Ako na nasa harapan mo o ang ina ko na matagal ng wala sa posisyon bilang Luna?" Galit na tanong ni Elijah at ramdam ni Hanes ang otoridad sa boses ni ELijah kaya tumango ito sa kaniya at walang nagawa kundi sundin ang utos ni Elijah.

"Masusunod, Alpha Elijah," tugon ni Hanes kaya binitawan na ni ELijah ang pagkakahawak sa kaniya at madaling tumakbo si Hanes para buksan ang gate.

Otomatikong bumukas ang malaking gate na humaharang kay Elara at Elijah, agad na naglakad si Elijah papalapit kay Elara pero agad na nagtago si Elara sa likod ng kaniyang ama na si Calisto. Agad napansin ni Calisto ang kakaibang kinikilos ng kaniyang anak at ng Alpha, naguguluhan siya s akung ano ba talaga ang tunay na nagyari sa dalawa.

"Elara, bumalik ka..." sagot ni Elijah, akmang hahawakan niya ang braso ni Elara pero humarang si Calisto sa kaniya.

"Sandali, Alpha Elijah. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Hindi ba't fated mate mo si Fiona? Ano pang nais mo sa anak kong si Elara?" Tanong ni Calisto kaya napatigil si Elijah sa paglapit kay Elara at saktong dating naman ni Fiona, Fernanda at Esmeralda.

"Anong ginagawa ng babaeng iyan sa loob dito?" Galit na tanong ni Esmeralda dahil ayaw na ayaw niyang nakikita ang pagmumukha ni Elara dahil naalala niya ang ginawang pag pe-frame up ninto sa kaniyang anak na si Elijah.

"Calisto, bakit narito si Elara?" Nagtataka naman tanong ni Fernanda pero ang pinagtataka niya lalo ay bakit tila nais pa ni Elijah na papasukin sa pack si Elara, ang babaeng nang reject sa kaniya.

"Dito nabibilang si Elara, member siya ng Forestheart pack at gagawin ko ang lahat para tanggapin niyo lang ulit ang anak ko," sagot ni Calisto kaya pinigilan siya ni Elara.

"Dad, hindi mo na kailangan gawin iyon. Ayoko naman talaga bumalik dito," bulong ni Elara pero rinig na rinig pa rin iyon ni Elijah.

Napayuko si Elijah habang nakayukom ang kaniyang kamao, ngayon na malapit na sa kaniya si Elara ay mas naamoy niya ang scent ninto at ang kinaiinis niya ay hindi lang amoy ni Elara ang naamoy niya kundi ang bumabalot na amoy ng step brother niya na si Damian. Nag ngitngit ang mga ngipin ni Elijah dahil sa galit, dahil ang purity na nais niyang makuha kay Elara ay nakuha ni Damian.

"Parte ka ng Forestheart pack, kahit kailangan mong gustuhin na bumalik rito ay maaari kang bumalik," sagot ni Elijah na kinagulat ni Fiona at ng iba pang nakarinig sa sinabi niya.

Miske si Elara ay hindi inaasahan na sasabihin iyon ni Elijah sa kaniya, buong akala niya kapag bumalik siya rito ay isusuka siya ni Elijah at papalayasin, pero hindi. Bukas loob niyang tinatanggap si Elara pabalik ng kanilang pack.

"Anong pinagsasabi o Elija! Nahihibang ka na ba?! Ni reject ka na ng omega na iyan! Ano bang nangyayari sa'yo!" Hiyaw ni Esmeralda, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa anak niya at kung bakit ito nahihibang sa isang wolfless na omega.

"Elara, narinig mo ang sinabi ni Alpha Elijah. Maari ka pangbumalik sa pack," tugon ni Calisto pero buo na ang loob ni Elara na hinding hindi na siya babalik pa sa pack na ito. Ang dami niyang pinagdaanan para lang makalayo kina Elijah, Fiona at Fernanda tapos ngayon ay babalik lang siya rito?

"Dad—" 

"Calisto, Elara. Mabuti pa pumasok muna kayo at pag-usapan natin ang mga nangyari sa bahay," sagot ni Fernanda. Napatingin si Elara sa stepmother niya at hindi niya alam kung ano ang binabalak ninto.

"Mabuti pa nga na mag-usap muna kayo, papasukin niya si Elara at walang kahit sinong maaaring kumanti sa kaniya. Utos ito ng Alpha!" Sagot ni Elijah at tumalikod na para hayaan si Elara na pumasok sa pack niya.

Gulong gulo si Elara sa kinikilos ni Fernanda at lalo na ni Elijah, pero pansin niya na hindi ito nagugustuhan ni Fiona at ni Esmeralda, masama itong nakatingin sa kaniya at inis na inis sa pagbabalik niya.

"Tara na Elara, ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng nangyari, nais ko rin ipaliwanag sa'yo kung bakit hindi kita nais mapunta sa ibang pack," sagot ni Calisto at wala nang nagawa si Elara kung hindi sumunod na lamang sa kagustuha ng kaniyang ama.

Tahimik siyang pumasok sa loob ng Forestheart at lahat ng mga pack members na nakakakita sa kaniya ay masama siyang tinitignan at pinagbubulungan. Sa mga tingin pa lamang na binibigay sa kaniya ay alam niya nang hinuhusgahan siya ng mga ito at pinag-iisipan ng masama, pero buo na ang loob ni Elara na maging matapang kaya naman nilakasan niya ang kaniyang loob ay taas noong naglakad papasok ng Forestheart.

"Kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan, siguro ay ginayuma niya ang Alpha kaya niya napapaikot sa mga kamay niya."

"Nakita mo ba ang ginawa ni Alpha Elijah kay sir Hanes? Tingin ko ay mahal talaga ni Alpha Elijah si Elara at hindi si Luna Fiona," bulong-bulungan ng mga pack members habang naglalakad papasok ng village sila Elara.

Napatingin siya sa direksyon ni Fiona, alam niyang mas rinig niya ang mga usapan na iyon kaysa sa kaniya. Hindi niya maiwasan mapangiti nang makita kung gano binabalot ng inis ang mukha ng stepsister niya. Naisip ni Elara na mukhang hindi naman masama na manatili siya saglit sa Forestheart para inisin pa si Fiona dahil tuwing makikita niya ang ganoong reaction ng step sister niya ay talaga namang natutuwa siya.

Nakarating na sila sa harap ng bahay, nang makita ni Elara ang dating tinitirahan niya ay nakaramdam siya ng lungkot. Isang buwan na rin siyang wala sa pack na ito at kahit nasanay na siya sa Nightraven, hindi niya pa rin makakalimutan kung saan siya lumaki.

"Sabihan niyo ako kung kailangan niyo ko rito, maayos akong makikipag usap, Calisto," tugon ni Elijah at tumango lang si Calisto sa kaniya. Sumulyap si Elijah kay Elara at nakatingin lang sa kaniya nang diretsyo si Elara at hindi nagpapatinag sa mga tingin niya.

"Mauna na ako," pagpapaalam ni Elijah dahil hindi niya na kayang makatagal sa mga titig na binibbigay sa kaniya ni Elara, may halo itong galit at tila walang pagsisisi sa lahat ng kaniyang ginawa. Sinasadya ni Elara na gawin iyon para iparamdam kay Elijah na hindi niya gustong bumalik sa pack na 'to.

Pumasok na silang apat sa loob ng bahay, unang pumasok si Calisto at nadatnan niya ang bahay niya na hindi nalilinis, puno ng alikabok at agiw dahil mukhang ilang araw na rin walang nakatira rito.

"Pasensya na dear, hindi ko na naayos ang bahay dahil sa main house na kami nakatira," sagot ni Fernanda at hinayaan na lamang ni Calisto ang bagay na ito.

"Ngayon na narito na tayo, pwede bang pakipaliwanag niyo sa akin kung ano ang nangyayari rito?"


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 53K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
864K 28.3K 19
"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboratio...
163K 4.7K 68
[Eng/Fil] They say everybody needs a second chance. No matter how mean you are. Though for some people, they find that second chance a little late. _...
460K 10.8K 46
-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang...