Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

42.7K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 38

418 22 3
By FinnLoveVenn

"Ikaw na muna ng bahala rito Elara, tutulungan ka naman ni Calix kapag may kailangan ka," paalala ni Damian, hindi niya maalis ang tingin niya sa kaniyang luna at sa totoo lang ay nais niya pa ngang isama ito kung hindi lang mapanganib ang kanilang pupuntahan ay hindi siya magdadalawang isip na isama si Elara.

"Wag ka na mag-alala, kaya na ni Calix ang trabaho rito," sagot naman ni Elara habang si Calix naman ay kamot ulo na lang na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Pero— ahhhh ayoko umalis! Kaya mo ba talaga mag-isa rito?" Pang sampung beses na tanong ni Damian, kanina pa siya paulit-ulit na nag-aalala kay Elara at mala-late na sila dahil sa ginagawa niya.

"Pwede ba Alpha Damian? Wala naman mangyayari sa Luna habang wala ka, wala naman tayong kaaway na susugod bigla sa pack house para kunin si Elara habang wala ka," iritableng sagot ni Calix kasi nade-delay na ang gagawin niya dahil sa tagal ng pag-alis ng grupo nila Damian.

"Eh kasi eh," parang bata na ayaw humiwalay sa kaniyang ina si Damina, ayaw niyang bitawan ang kamay ni Elara habang ang buong grupo niya ay kanina pa handa umalis.

"Ano?! Kailan pa tayo aalis!?" Iritableng tanong ni Lilian, kanina pa nag iintay ang chopper na kanilang sasakyan.

"Sige na umalis ka na. Tatlong araw ka lang naman mawawala, magkikita ulit tayo." pagpapakalma ni Elara pero sa totoo lang ay ayaw niya rin naman mawalay kay Damian, hindi niya alam na ganito pala ang bond kapag may mate ka na. Pano pa kaya kapag minarkahan nila at isa't isa? Baka hindi na sila maghiwalay pa.

"Iyon nga eh! Ang tagal ng tatlong araw!" Reklamo ni Damian kaya napabuntong hininga na lamang si Elara at tumingin kay Calix.

"Hilahin niyo na 'yan papasok ng chopper, baka abutin pa ng tatlong oras bago kayo makaalis," sagot ni Elara at bumitaw na sa pagkakahawak sa ka kamay ni Damian.

"Babalik din ako! Ingat ka Elara!" Hiyaw ni Damian at napapailing na lamang si Elara dahil doon.

Pinagmasdan niya na umalis ang Alpha niya ksama ni Lilian at iba pang pack members ng Nightraven. Naiwan sila ni Melody at Calix sa pack na magbabantay rito, pero marami pa rin naman naiwan na gamma at iba pang warrior na member ng pack kaya kampante si Damian na umalis.

"Ayaw ka lang talaga niya iwan," sagot ni Melody habang naglalakad na sila papasok ng main house. 

"Para namang may pupuntahan akong ibang lugar bukod sa pack na 'to," natatawang sagot ni Elara, pero hindi niya maikakaila na naku-kyutan siya kay Damian tuwing umaakto itong clingy sa kaniya.

"Nag-aalala siya na baka may kumuha sa'yo, pero huwag ka mag-alala Luna, halos lahat ng pack members mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda ay marunong makipaglaban, kayang-kaya ka namin protekhan," sagot namna ni Calix.

"Pati mga bata?" Tanong ni Elara at tumango si Melody at Calix.

"Oo, bukod sa education at iba pang lesson sa school, mayroon din silang training pano nila magagamit ng ayos ang lycan power nila at gamitin ito sa pakikipaglaban," sagot ni Melody kaya namangha si Elara. 

Ibang iba talaga ang Nigthraven sa Forestheart.

"Pwede rin ba ako mag training? Para naman alam ko rin protektahan ang sarili ko," sagot ni Elara kaya nagkatinginan si Calix at Melody.

"Hmm.. siguro saka mo na subukan kapag narito na si Alpha Damian, hindi natin alam baka may mangyari sa katawan mo o sa kundisyon mo bestie," sagot ni Melody dahil hindi niya alam ang gagawin kung biglang magkasakit si Elara nang wala ang Alpha nila.

"Isa pa, magiging busy rin tayo kaya mawawalan ka ng oras para sa training na 'yan," komento naman ni Calix, pero ang totoo niyan ay ayaw niya lang mawala ang attention niya sa pagbabantay sa pack. 

Binalaan kasi siya ni Damian na bantayan maigi ang security ng pack house nila ngayon, dahil kagaya nga ng sabi niya sa report, may iba pang nais at naghahanap ng totoong pinag galingan ni Elara. Hindi nila alam kung sino ang kalaban nila, alam lang nila ay mga bampira ito at hindi nila alam kung ilan o kung gano kalakas mga ito kaya mabuti nang alerto ang buong pack habang wala ang kanilang Alpha.

"Sabagay, tara na at marami pa tayong aayusin," sagot ni Elara at patuloy silang naglakad papasok ng pack house pero agad napatigil si Calix nang maramdaman niya na may papalapit sa main gate na sobrang lakas ang killing intent.

"Sandali," bulong ni calix sa dalawa kaya napatigil din sa paglalakad si Elara at Melody.

"May parating," sagot naman ni Melody dahil miske siya ay ramdam ang pwersa na iyon.

Pero alam ni Calix na hindi ito bampira, bagkos isang malakas na lycan na katulad nila.

"Parang naamoy ko si Dad," komento naman ni Elara at hindi niya alam pano niya nagawa ang bagay na iyon dahil hindi naman ganito kalakas ang senses niya dahil isa siyang wolfless.

"Huh? Si tito Calisto?" Nagtatakang tanong ni Melody at mayamaya lang ay may tatlong member ng pack ang tumatakbo papunta sa direksyon nila.

"Beta, may isang lycan na nang gugulo sa main gate! Hinahanap niya po si Luna Elara," tugon ng isa sa mga ito kaya namadaling nagpunta sina Melody, Elara at Calix sa main gate ng pack house.

Pagpunta roon ay nakita ni Elara ang kumosyon na ginagawa ng kaniyang ama, nagwawala ito at nagpupumilit na papasukin siya sa pack house, ilang pack member ng Nightraven ang sugatan at nakahandusay sa simento habang lima naman sa kanila ang patuloy na pinipigilan si Calisto.

Gulat na gulat si Calix nang makita niya ang damage na nagawa ni Calisto, hindi niya alam kung gano ito kalakas at ang mga magagaling nilang gamma ay nagawa nitong talunin.

"Dad!" Tawag ni Elara kay Calisto at agad na lumingon si Calisto sa direksyon ng kaniyang anak.

"Elara! Anak! Andito na ako para kunin ka!" SAgot ni Calisto at mabilis na lumapit kay Elara pero humarang si Calix at iba pang gamma ng Nightraven. Dahil doon ay muling nag ngitngit sa galit ang mga pangil ni Calisto, halos magbago na rin ang anyo ninto papunta sa kaniyang wolf form dahil sa galit.

"Teka, kilala ko siya. Siya ang tatay ko!" Pag-awat naman ni Elara pero binaliwala ito ni Calix.

"Oo sabihin na natin totoo pero anong pakay niya sa'yo? Kahit hindi ka pa ganap na luna ng pack na 'to, tinuturing ka na naming Luna kaya trabaho naming protektahan ka at panatilihin sa Nightraven dahil iyon ang bilin ng Alpha namin," sagot ni Calix, nanatili siyang kalmado at nag iisip ng susunod na hakbang.

Kakasabi niya lang kanina kay Damian na walang kukuha kay Elara pero mukhang kakainin niya ang mga sinabi niya. 

"Anong luna? Anong pinagsasabi nila, Elara!?" Tanong ni Calisto kaya lalong nagtaka si Elara dahil sa pagkakaalam niya ay nag send na siya ng message  kay Calisto at nagpaliwanag ng nangyari sa kaniya.

"Humanhon kayo, pag-usapan na lang natin ito ng maayos. Kilala namin siya, Calix." Si Melody na ang pumagitan kay Calisto at Calix dahil alam niya naman na isang misunderstanding lang ang nangyayari sa pagitan ng dalawa.

"Dad, magpapaliwanag ako," sagot din ni Elara at pinakalma ni Calisto ang wolf niya, umurong ang mahahaba niyang pangil at mga kuko, nagbago na rin ang kulay ng kaniyang mga mata.

Agad na tumakbo si Elara sa pwesto ng kaniyang ama at niyakap ito, habang si Calix naman ay agad na nagpadala ng medic para sa mga sugatan niyang pack members.

"Mag usap tayo sa looby," sagot ni Calix at tumango si Elara habang hawak ang braso ng kaniyang ama pero hinila siya ni Calisto at hindi na pinapasok pa sa loob ng Nightraven.

"Hindi Elara, wala tayong pag-uusapan sa pack na 'to. Kailangan natin bumalik sa Forestheart pack kung nasaan si Emely," mariin na sagot ni Calisto, ramdam ni Elara kung gano kaseryoso ang tono ng boses ng kaniyang ama at sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang nakita na nagkakaganito ang kaniyang ama.

"Pero... Dad," sagot ni Elara pero nanatiling matigas ang loob ni Calisto at tinignan lamang siya.

"Tara na," sagot ni Calisto at hinila si Elara papunta sa motor niya.

"Teka! Hindi mo pwede kunin ang luna namin!" Hiyaw ni Calix pero humarap sa kaniya si Elara at umiling, sinesenyasan siya na tumigil na dahil alam ni Elara na mas lalaki pa ang gulo.

"Tama na Calix, si Elara na mismo ang kakausap sa kaniyang ama, babalik din siya rito panigurado," sagot ni Melody pero ang concern ni Calix ay baka may ibang mangyari kay Elara habang wala ito sa loob ng Nigthraven pack.

Pero wala nang nagawa si Calix kundi magtiwala na lamang kay Elara, pinagmasdan nila si Elara na sumakay sa motor at nawala na sa kanilang paningin.

Habang nasa byahe naman ay walang imik si Calisto, hindi niya kinakausap si Elara hanggang hindi sila nakakabalik sa Forestheart pack. Pero ayaw na bumalik ni Elara doon, hindi niya alam kung anong kahihiyan ang aabutin niya sa mga members ng Forestheart kung babalik pa siya doon pagtapos ng mga nangyari.

"Alam kong galit ka kay Elijah at Fiona, pero hindi ito sagot para iwan mo ang pack natin na mahal na mahal ng iyong ina," sagot ni Calisto sa kaniyang anak, patuloy siyang nakatitig sa daan pababa ng burol papunta sa kabilang bundok kung nasaan ang Forestheart.

"Pero Dad, hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari. Hindi mo alam kung pano nila ako tratuhin doon," sagot ni Elara, nakayuko habang nakakapit sa balikat ng kaniyang ama.

"Alam ko, kaya nga gusto ko patunayan sa kanila na nararapat ka sa pack na 'yun," sagot naman ni Calisto pero hindi niya maitatanggi kung gano siya nasaktan nang malaman niya kung ano ang nangyari kay Elara at Elijah.

"Pero ayoko na doon Dad, ayoko na makita ang pagmumukha ni Elijah at Fiona," sagot ni Elara, nais niya nang umiyak at magsumbong sa kaniyang ama pero pinipigilan niya.

"Pero doon nakalibing ang iyong ina," sagot ni Calisto sabay hinto sa pagmamaneho. Tumigil sila sa gilid ng daan, sa tapat ng malawak ng ilog na nagdudugtong sa Border at central city.

Ramdam ni Elara ang lungkto ng kaniyang ama, hindi niya maikakaila na basta-basta na lang siya nagdesisyon ng hindi man lang iniisip ang mararamdaman ng kaniyang ama.

"Andoon lahat ng memorya niya, Elara. Doon ka sinilang, doon ka lumaki, doon ko kayo pinanood ni Emely na maging masaya, lahat ng memorya niyong dalawa ay andoon sa pack na iyon, sa bahay natin," sagot ni Calisto at hindi maiwasan maging emosyonal dahil bumabalik na naman sa kaniya ang sakit nung panahon ng pagkamatay ni Emely.

Hindi niya maikakaila na nung namatay si Emely ay parang tumigil na ang oras para sa kaniya at nakalimutan na pano mabuhay. Hindi niya alam ang gagawin niya at si natatakot  si Calisto na baka lumaki ng mag isa si Elara kaya nung nakilala niya si Fernanda ay naisip niya na maari pang bigyan ng maayos na buhay ang anak niya, na kaya pang maging normal ang pamilya nila at may gagabay kay Elara sa paglaki ninto ng hindi siya malulungkot dahil may stepmother at stepsister siya.

Pero hindi alam ni Calisto na mali pala ang desisyon na ginawa niya, na si Fernanda at Fiona pala ang sisira sa buhay ng anak niya.


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 517 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...
5.9K 1.7K 45
"Isa ka lamang perpektong kuwento na isinulat ko, hindi ko lubos aakalaing isasabuhay ka ng mga marka ng tinta ko." Paano nga ba kung ang mga imahina...
282K 16.5K 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this stor...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...