Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

41.9K 2K 217

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85

CHAPTER: 34

480 20 3
By FinnLoveVenn

Dumagsa ang napakaraming tao sa harap ng royal palace, sakay ng mga mamahaling sasakyan at galing pa ang ilan sa iba't ibang parte ng Gazina.

Malakas pa rin ang impluwensya ng mga royal sa loob ng Gazina, pinamumunuan pa rin ito ng mga emperor at mga hari, hindi katulad ng ibang bansa sa mundo na malayang mamili ng bago nilang magiging prisidente, sa Gazina ay nanatili ang mga may royal blood na siyang hahawak sa trono.

Binubuo ang Gazina ng seven empire at dalawang kaharian. Ang mga ito ay ang Verine Empire kung saan galing ang karamihan ng mga kalakal at iba pang produksyon, ang Goldton Empire kung saan kumukuha ang lahat ng emperyo ng malakihang porsyento ng pananim katulad ng palay at iba pang grains, ang Ambrosetti Empire na ngayon ay pinamamalakad na ng Goldton Empire, ang Moonvault Empire kung saan hindi sumisikat ang araw at tago ng mga ulap, ang Lumire Empire na mayaman sa history at kaalaman sa buong mundo, and WhitePeak Empire na tirahan ng mga priestess and priest ang lupain na binasbasan ng langit at ang Summergrave Empire na sinasabing libingan daw ng mga dragon at pinamumunuan pa rin ng black dragon hanggang ngayon.

Maraming kwento at mga alamat ang umiikot sa bawat emperyo, ngunit sa makabagong mundo ngayon ay tanging mga libro na lamang ang nagsasaad at magpapatunay ng mga bagay na 'to.

Ngayon ay araw ng medal ceremony kung saan paparangalan ng emperor ang mga tauhan niya na nagpanalo sa Summergrave laban sa mga pirata na nais sakupin ang Summer Sea.

"Sabi nila ay matagal na raw naglilingkod ang mga lahi ng lycans at werewolf sa royal palace, tingin mo totoo 'yun?" Rinig na bulungan ni Elara habanv nakaupo siya sa harapan ng entablado at iniintay ang pagbibigay ng panibagong medal kay Damian upang tumaas ang rango ninto.

"Hahaha, naniniwala ka run? Edi ibig sabihin werewolf si Lieutenant Ashford?" Natatawang tanong nung babae na nasa likod ni Elara, habang maraming tao ang nag iintay at manonood ng ceremony na 'to.

"Malay mo naman, mukha kaya siyang werewolf, if werewolf talaga siga willing ako magpalapa sa kaniya grr," biro ng isa pang babae dahilan para mapataas ang isang kilay ni Elara habang nag iintay.

"Hahaha ako rin, ang gwapo kaya. Kung ganiyang werewolf lang din ang kakagat sa'kin ay go-go ako ah!" Nagtawanan ang tatlong babae sa likuran ni Elara at hindi niya na lang maiwasan na hilutin ang noo niya dahil sa mga ito.

Pansin ni Elara na hindi pa rin nabubura ang paniniwala ng mga mortal sa kagaya nila, pero kung tutuosin naman ay marami rin kasing hindi pa nabuburang pruweba tungkol sa lahi nila kaya naman marami pa rin talagang mga mortal ang naniniwala sa existence nila.

Katulad niya, naniniwala siya na hindi lang mga Lycan ang nabubuhay sa mundong ito, maraminpang kakaibang nilalang bukod sa mga tao at lycans.

"Maganda araw sa inyong lahat," natawag ng right hand man ng emperor ang atensyon nilang lahat, nakasuot ito ng navy blue na yuniporme, mahaba at nakatali ang itim nitong buhok, may diamante na kulay violet sa kaniyang noo na kakulay rin ng kaniyang mga mata. Agaw pansin ang kagwapuhan niya na bumabagay sa moreno niyang balat, at iba ang aura ninto na para bang nakaharap si Elara sa isang nilalang na mas malakas pa sa kahit sinong nakilala niya.

Napalunok si Elara, habang pinapakinggan niya ang sinasabi ng lalaki ay hindi niya maiwasan pagpawisan at kabahan. Iba ang pakiramdam niya sa lalaking iyon at alam niyang hindi lang ito kanang kamay ng emperor.

"The awarding ceremony will now commence," anunsyo ninto at lahat sila ay nagpalakpakan.

Masayang nanood si Elara ng ceremony, sobrang daming mga tao ang dumalo at pinagbubunyi ang araw na 'to. Ngayon lang siya nakadalo sa mga ganitong okasyon kaya naman manghang-mangha siya sa dami ng mga tao at sa kasiyahan na dulot ninto.

Nakatingin si Elara sa stage kung saan nakahalera ang upuan ng matataas na tao sa loob ng empire, isa na roon ay ang mismong emperor, matanda na ito at parang kahit anong minuto ay pwede itong bumagsak sa kaniyang kinauupuan, hindi makita ni Elara ang autoridad sa emperor dahil mas ramdam niya ito sa lalaking nakatayo sa gilid ng trono— ang right hand man.

Napatingin si Elara sa lalaking iyon at nagtama ang tingin nilang dalawa, ngumiti ito sa kaniya kaya kumunot ang noo ni Elara sa pagtataka at mabilis na iniwas ang tingin niya para hanapin si Damian.

Agad niyang nakita si Damian na nakatitig sa kaniya, mukhang nahuli pa siya ninto na nakatingin sa iba. Naniningkit ang mata ni Damian habang nakatingin sa kaniya at para bang hinuhusgahan siya na nanlalalaki siya.

"Ano na naman kayang problema ng lalaking 'yun?" Bulong ni Elara at pinagpatuloy na lang ang panonood.

Habang isa isang tinatawag ang mga pangalan ng bawat member ng royals army, palapit naman ng palapit ang rango ninto kay Damian.

At nang tawagin na ang pangalan ni Damian sa harapan ng entablado at sabitan ng panibagong medalya na dadagdag sa kaniyang koleksyon, lahat ng tao ay nagsigawan at nagbunyi. Pumalakpak ng malakas at masayang nagpapasalamag kay Damian sa pagiging magaling na heneral ninto.

Doon nakita ni Elara kung gano kalayo si Damian sa estado na mayroon siya. Ngayon niya na pagtanto kung sino ba talaga ang Damian na kilala niya, hindi lang siya si Damian na laging niyang kaaway, hindi lang siya si Damian na parating nang-aasar at sinisira ang araw ni Elara.

Kundi siya si Damian na minamahal ng karamihan, hinahangaan at ginagalang ng mga tao sa bayan.

Aminado si Elara na masaya siya sa nakakamit ng fated mate niya, hindi niya maikakaila na sobrang proud siya at masaya ang puso niya— pero may parte rin sa kaniya na nanliliit siya.

Hindi niya maitaas ang ulo niya habang nakatayo at pinapalakpakan ang lalaking hindi niya maabot.

Kanina pa ito tumatakbo sa isipan niya, maaari niya ba talagang gamitin si Damian sa mga plano niya? May karapatan ba siyang tanggapin bilang fated mate niya ang isang Alpha na katulad ni Damian?

Kung hindi siya babagay kay Elijah, ay mas hindi siya babagay kay Damian. Dahil alam niyang wala pa siyang nararating at ito ang pinaghihinaan ng loob niya.

"Inaalay ko ang award na 'to sa fiancée ko, Elara Celestia Arundel." Napaangat ng kaniyang ulo si Elara nang marinig ang pangalan niya. Tumingin siya kay Damian at nakangiti itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang mic.

Lahat ng tao sa ceremony ay nakatingin sa direksyon ni Elara, gulat na gulat sa anunsyong binigay ni Damian sa buong empire.

"Kung wala siya sa isip ko habang nasa labanan ako, siguro ay sumuko na ako. Pero dahil iniisip ko na kailangan kong umuwi sa piling niya, ay sinigurado kong maipapanalo namin ang Summer Sea," dagdag ni Damian habang hindi inaalis ang tingin niya kay Elara.

"Kaya huwag niyong mamaliitin ang fiancée ko, dahil siya ang nagbibigay ng lakas sa heneral niyo," natatawang dagdag ni Damian na kinatawa rin ng iba pang nakikinig.

Nais ni Damian na palakasin ang loob ni Elara, hindi man sabihin ni Elara sa kaniya pero ramdam ni Damian ang bigat ng responsibilidad ng magiging Luna niya.

Hindi naman maiwasan ng mga taong nanonood ang kiligin at matuwa sa bagong love birds ng buong empire. Hindi nila akalain na ang nakakatakot ng lieutenant noon ay isang in love na heneral ngayon.

Bawat babae sa ceremony event ay nabasbasan ng magandang ngiti mula kay Damian, pero bawat isa rin sa kaniya ay na broken hearted nang malaman na engaged na ang heneral nila.

Natapos ang event at isa isang bumaba sa stage ang mga binigyan ng medal, dumaretsyo si Damian sa pwesto ni Elara at binigyan ito ng bouquet ng bulaklak.

"Ako dapat ang magbibigay sa'yo ng ganito," tugon ni Elara habang nakatingin sa magagandang bulaklak ng daisy.

"Hahaha ibang bulaklak na lang ang ibigay mo sa akin," pilyong sagot ni Damian sabay kindat kay Elara kaya napailing na lang si Elara dahil alam niya na kung anong gusto ni Damian.

"Wala bang minuto na hindi green minded 'yang utak mo?" Tanong ni Elara kaya natawa si Damian sabay hawak sa kamay ni Elara.

"Tara na, ililibot pa kita sa buong central city, may night market sa bayan at maraming masasarap na pagkain doon," pag-aaya ni Damian.

Agad na kuminang ang mga maga ni Elara nang marinig iyon, unti-unti niyang nakakalimutan 'yung mga bagay na iniisip niya kanina.

"Tara na pala! Dalian mo," hila ni Elara sa kamay ni Damian pero napatigil silang dalawa nang may tumawag kay Damian sa kanilang likuran.

"Heneral Ashford," napalingon silang dalawa at nakita ni Elara kung sino ang lalaking tumatawag sa Alpha niya, walang iba kung hindi ang right hand man ng emperor.

"Sir Achlys," sagot ni Damian at agad na yumuko rito. Nagtaka si Elara kung bakit nagbibigay galang si Damian kung isa na siyang heneral at ang lalaki sa kanilang harapan ay kanang kamay lamang ng emperor.

Mas mataas pa rin ang ranggo ni Damian kung pagbabasihan ang ranking sa military, depende na lang kung hindi talaga tunay na right hand man ang estado ng lalaki sa harapan nila.

"Ginulat mo silang lahat sa announcement mo about sa engagement niyo ni Ms. Elara," sagot ni Achlys at patuloy lang nakangiti sa kanila.

"Sila lang ang nagulat pero hindi ikaw," tugon naman ni Damian kaya natawa si Achlys.

"Siya rin ba 'yung kinukwento mo?" Tanong ninto at tumango naman si Damian bilang sagot habang gulong gulo si Elara sa mga nangyayari.

"Pwede bang mahawakan ang kamay mo, Ms. Elara?" Pagpapaalam ni Achlys, tumingin muna si Elara kay Damian upang alamin kung mapagkakatiwalaan niya ba ang lalaki at tumango naman si Damian bilang sagot.

Inabot ni Elara ang kamay niya kay Achlys at hinawakan naman ito ni Achlys saka tahimik na pinakiramdaman ang wolf ni Elara.

"Ano? Ano sa tingin mo?" Tanong ni Damian kay Achlys saka binitawan ni Achlys ang kamay ni Elara at muling ngumiti.

"Kapag sinabi ko mawawalan na ng thrill, ikaw na humahanap ng sagot pero advice ko lang na huwag kayong magpakampante," sagot ni Achlys kay Damian at nakita ni Elara na nagbago ang reaction sa mukha ni Damian pagtapos niyang marinig ang bagay na iyon.

"Mauna na ako, mag iingat kayong dalawa ang nice meeting you Ms. Elara," sagot ni Achlys at nagpaalam na sa dalawa.

Tumingin si Elara kay Damian, halata sa mukha ninto na malalim ang kaniyang iniisip at nanatiling tahimik. Alam ni Elara may kakaiba kay Achlys at may nakita rin itong kakaiba sa kaniya.

"Damian," tawag ni Elara kay Damian at hinawakan muli ang kamay ng kaniyang Alpha.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Elara at kahit marami pa siyang bagay na nais tanungin kay Damian ay isinang tabi niya na muna ang mga 'to.

"Pasensya na, wala 'to. Tara pumunta na tayo sa bayan," sagot ni Damian.

Alam ni Elara na kung ano man 'yung usapan ni Damian at ni Achlys ay tungkol 'to sa kaniya at sa pagiging wolfless niya. Siguro ay naghahanap ng paraan o sagot si Damian at si Achlys ang makakatulong sa kaniya.

Ngunit base pa lang sa reaction ni Damian ngayon, alam ni Elara na hindi maganda ang kinalabasan ninto.

Naramdaman ni Elara na mas humigpit ang hawak ni Damian sa kaniyang kamay, napangiti siya nang mapait dahil alam niyang handa si Damian na protektahan siya pero siya? Anong maibibigay niya?

"Pagod ka na ba? Kaya mo pa ba pumunta sa bayan?" Tanong ni Damian.

"Oo naman, wag mo kong alalahanin," sagot ni Elara habang naglalakad sila palabas ng royal palace.

Pansin ni Damian na maraming nakatingin sa kanila ngayon lalo na kay Elara, samantalang si Elara naman ay walang kaalam-alam na pinagmamasdan na siya ng bawat lalaking makakasalubong nila dahil abala ito sa paggala ng kaniyang paningin sa hardin ng royal palace.

"Pero bago tayo pumunta ng bayan, magpalit muna tayo ng damit," dagdag ni Damian.

"Hindi ka na a-attend ng after party?" Tanong ni Elara dahil buong akala niya ay babalik pa sila sa royal palace para sa after party mamayang gabi.

"Hindi na, mas masaya sa night market," sagot naman ni Damian dahil alam niya na mas mag ee-enioy si Elara doon, lalo na ngayon na kumikinang na naman ang mga mata ninto dahil sa excitement.

"Edi wag na tayo magpalit ng damit, dumiretsyo na tayo sa night market!"


TO BE CONTINUED

AN: Skip the next chapter if you're below 18. R18 chapter ahead!

Continue Reading

You'll Also Like

136K 4.9K 52
HOURGLASS SERIES #1 If you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life...
41.9K 2K 87
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
2.2K 155 39
Drifted Series #1 If you were given a chance to drift through time, for what reason will you use it? A famous actress named Aglaea, famously known as...
7.6K 824 25
I'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was no...