Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

43.1K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 30

519 22 3
By FinnLoveVenn



"Anong problema? Bakit ang ingay-ingay mo?" Inis na tanong ni Damian kay Lilian. Namadaling mag ayos si Damian at Elara dahil sa biglaan pagdating ni Lilian, muntikan na silang mahuli ninto sa kanilang ginagawa.

Ito ang problema ni Damian sa pack members niya, lahat sila ay sanay na panatilihin ang paggalaw nila ng tahimik, na para bang nasa gera o misyon pa rin sila. Nadadala nila ang ugali na ito kahit sa loob ng pack house kaya naman minsan ay hindi niya na de-detect ang galaw ng mga members niya lalo na kapag busy siya kay Elara.

"Wala lang, gusto lang kita bisitahin sa opisina mo. Masama ba? Lagi naman kitang ginugulo kapag wala akong magawa," sagot ni Lilian.

Tahimik na nakikinig si Elara sa pinag-uusapan ng dalawa habang nakayuko at nag tatrabaho sa harap ng laptop niya. Gusto niyang kilalanin si Lilian at tignan kung close friend nga lang na ang turingan ng dalawa o mas may hihigit pa.

"Busy ako ngayon, marami kaming papers na kailangan tapusin at aalis din ako bukas," sagot ni Damian kaya nagpintig ang tainga ni Elara.

Hindi niya alam na aalis si Damian at wala itong sinasabi sa kaniya. Hindi niya tulog alam kung nagsisinungaling lang ba ito kay Lilian o gumagawa lang ng alibi.

"Saan ka naman pupunta? Kakauwi ko lang tapos aalis ka naman? Samahan kita, ano bang misyon mo?" Tanong ni Lilian sabay akbay kay Damian.

Pansin ni Elara na touchy si Lilian at mahilig isukbit ang kamay niya sa braso ni Damian. Naiirita tuloy si Elara dahil tingin niya ay sinasadya ito ni Lilian para maramdaman ni Damian ang kalakihan ng dibdib niya.

Di hamak naman na mas malaki ang hinaharap ni Elara pero hindi niya maiwasan na mairita dahil may ibang she-wolf na umaaligid sa Alpha niya.

Ganito pala ang pakiramdam ng magselos, hindi niya naramdaman ang matinding selos na kagaya ninto noong magkasintahan pa sila ni Elijah. Siguro ay dahil iniisip niya na hindi siya nararapat sa posisyon na iyon kaya hinahayaan niya si Elijah sa gagawin ninto, hindi siya naging possessive kay Elijah, at isa pa malaki ang tiwala niya noon kay Elijah na sinira lamang ninto sa isang iglap.

"May kailangan akong puntahan at kausapin, hindi ka pwede sumama dahil private mission iyon," tugon naman ni Damian at napatingin si Elara sa direksyon nila, iniisip ni Elara na kaya siguro hindi sinabi sa kaniya ni Damian ang bagay na iyon dahil private mission iyon na binigay sa kaniya.

"Ganoon ba?" Iyon na lang ang nasagot ni Lilian at bumitaw na sa pagkakayakap sa braso ni Damian.

Tumingin si Lilian sa buong office ni Damian at doon niya lang na pansin si Elara na nakaupo sa sulok at walang imik. Para siyang nakakita ng multo dahil hindi niya man lang na sense ang presence ni Elara sa loob ng kwarto.

"Oh my gosh! Kanina ka pa d'yan!? Hindi kita napansin," sagot ni Lilian at tinuro si Elara na nakatingin lang sa kaniya ng mataray.

Hindi maalis ni Elara ang pagtataray sa mukha niya, hindi niya alam kung bakit, siguro ay ganito na talaga ang expression niya tuwing nakikita niya ang pagmumukha ni Lilian.

"Kailangan ko ba magpapansin sa'yo?" Tanong ni Elara at hindi niya alam bakit gusto niya sagut-sagutin si Lilian kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya.

"Hu? Bakit ganiyan ka makasagot? May problema ka ba sa'kin?" Tanong ni Lilian at nilapitan si Elara pero agad siyang pinigilan ni Damian at hinila siya sa braso.

"Lilian, hindi ko pa nasasabi sa'yo pero siya ang fated mate ko. Siya 'yung tinutukoy ko sa'yo sa call," sagot ni Damian at lalong nagpintig ang tenga ni Elara dahil nalaman niya na magkausap pala sa call ang dalawa.

Hindi niya alam kung gano ka-close si Damian at Lilian, at iyon ang ikinaiirita niha.

"What? Pero bakit ganun, wolfless ba siya?" Tanong ni Lilian at hindi iniisip kung ano ang mararamdaman ni Elara sa mga tanong na iyon.

Tumayo si Elara at naglakad papunta sa harapan ni Lilian, tinignan niya si Lilian mula ulo hanggang paa at inilahad ang kamah niya sa harapan ninto.

"Oo tama ka wolfless ako, at ako si Elara Celestia Arundel, ang fated mate ni Damian," kampante at matatay na pagpapakilala ni Elara. Hindi maiwasan ni Damian na lalong mahulog pa sa bagogn side ni Elara na ngayon niya lang nalaman, hindi niya alam na kaya pala magtaray ng ganito ni Elara.

Napatingin naman si Lilian sa kamay ni Elara at kinuha ito para makipag-shake hands. "Lilian Carim," maikli niyang pagpapakilala dahil alam niyang binabakuran ni Elara si Damian.

Nakipag shake hands sila sa isa't isa at agad din binawi ni Elara ang kamay niya. Ngumiti siya kay Lilian at bumalik sa kinauupuan niya, nakaramdam naman ng pagkatalo si Lilian at minabuting umalis na lang muna.

"Mauna na ko Alpha Damian, babalik na lang ako kapag may kailangan akong ireport," sagot ni Lilian at tumango naman si Damian bilang sagot.

Muling sumulyap si Lilian sa pwesto ni Elara. Muli, ay hindi niya maramdaman ang presensya ninto pero may kakaiba kay Elara na hindi niya matantya kung ano. Naglakad na lang siya palabas ng pinto at binaliwala iyon.

Hinatid ni Damian si Lilian palabas ng opisina at umalis na rin ito. Habang naglalakad pababa ng hagdan si Lilian ay doon niya lang pinakita ang pagkabwisit niya kay Elara.

Agad nagbago ang demeanor niya, mula sa friendly at bubbly na ugali ay agad itong bumaliktad sa pagiging iritable niya. Hindi niya maitago ang inis niya kay Elara at kung pano siya sagot-sagutin ninto kanina sa harap ni Damian.

Iniisip ni Lilian kung saan nakukuha ni Elara ang tapang niya, kung pano ito nagkaroon ng mukhang ihaharap kahit na wala naman itong maiaambag sa pack nila dahil isa lang itong omega at wolfless pa.

"Anong karapatan niyang magmataas? Eh, wolfless lang naman siya, isang mababang omega," bulong ni Lilian habang iritableng bumababa ng hagdan.

Matagal niya nang alam na may fated mate si Damian at gusto ni Damian na kunin si Elara sa pack na pinang galingan ninto. Akala niya ay hindi ito magagawa ni Damian dahil sa pagkakaalam niya ay mag chosen mate na si Elara.

Sa pagkaka-alam din ni Lilian ay mismong kapatid pa ni Damian ang chosen mate ninto, hindi niya akalain na talagang aagawin pa rin ni Damian sa kaniyang kuya ang fated mate niya.

Kaya laking gulat niya nang makita niyang nasa pack house na nila si Elara at nagtatrabaho pa bilang assistant ni Damian.

Balak ni Lilian na makuha si Damian para sa koneksyon ng mga pamilya nila sa mga Ashford, hindi niya alam na magiging malaking balakid ang isang wolfless na omega sa kaniyang mga plano.

"Hindi ko hahayaan na may umagaw sa Alpha ko," bulong ni Lilian saka niya binago ang expression sa mukha niya nang makasalubong niya na ang iba pang pack members nila sa lobby.

❦❦❦

"May balita ka na ba sa pinapahanap ko sa'yo?" Tanong ni Calisto kay Viggo, isang bampira na tahimik na naninirahan kasama ng mga mortal.

"Wala pa, pero pupunta sa Majiro para hanapin ang pinapahanap mo," sagot naman ni Viggo sabay tingin sa relo niya.

"Anong oras ka luluwas niyan? Nahanap mo na ba ang pamilya ni Emely?" Tanong ni Viggo habang nakaupo sila sa harap ng counter at umiinum ng alak.

Nasa Lumire empire si Calisto ngayon at naghahanap ng mga rogue lycan at werewolf na nang gugulo sa katahimikan ng mga mortal, at kasabay noon ay ang paghahanap niya sa pamilya ng kaniyang yumaong na asawa.

"Hindi pa rin, kailangan kong malaman kung anong dahilan ng pagkakasakit ni Elara, alam kong konektado 'to kay Emely dahil wala naman sa pamilya namin ang may ganitong kondisyon," sagot ni Calisto sabay inum ng kaniyang alak.

Ilang buwan na siya paikot-ikot sa Gazina upang hanapin ang nag iisang kapatid ni Emely, hindi niya alam ang pangalan o itsura ninto pero alam niyang may kapatid pa si Emely dahil dalawa silang nakaligtas mula sa malagim na trahedya na naganap sa mga Lerian, ang angkan ni Emely.

"Buti hindi ka hinahanap ng Alpha mo? Ilang buwan kang hindi umuuwi sa pack niyo hahaha," sagot ni Viggo dahil alam niya na ang mga lycans ay may kailangan sundin na rules at pamamahala hindi katulad nilang mga bampira na malayang gawin ang gusto nila.

"Hindi niya ako papakialaman basta nagagawa ko ang trabaho ko," maikling sagot ni Calisto sabay buntong hininga.

"Kamusta si Elara? Hindi pa rin ba maayos ang kundisyon niya? Mas lumalala ba ang sakit niya o hindi?" Tanong ni Viggo, curious siya sa anak ni Calisto dahil may alam siyang kwento tungkol sa mga angkan ng Lerian pero hindi niya ito sasabihin kay Calisto dahil nais niyang makatiyak muna.

"Nung iniwan ko siya ay nagising siya sa isang masamang panaginip, unang beses ko siyang makita sa ganung kondisyon na akala mo ay nabuhay ulit siya galing sa isang aksidente," muling naalala ni Calisto ang nangyari kay Elara, hanggang ngayon ay tandang-tanda niya pa rin ang gulat at takot sa mga mata ng anak niya.

"Hmmm... na parang totoo ang panaginip niya?" Tanong ni Viggo at napalingon sa kaniya si Calisto dahil iyon ang sinabi ni Elara sa kaniya noon.

"Oo, parang sobrang totoo 'yung panaginip niya na parang nangyari talaga iton sa kaniya. Sinabi niya pa nga na nakunan daw siya at pinatay ng kung sino ang anak niya, pero hindi naman siya buntis at alam kong wala pa rin nangyayari sa kanila ni Alpha Elijah," paliwanag ni Calisto at naguguluhan pa rin sa mga sinabi ni Elara ng araw na iyon.

Tahimik na nagmasid si Viggo sa mga kwento ni Calisto, sa haba ng buhay niya rito sa mundo ay samu't saring kababalaghan at mahika na ang nasaksihan niya. Hindi niya alam kung ano na ang tunay sa hindi, pero marami na rin siyang nasaksihan na kakaibang bagay sa sarili niyang mga mata.

"Bantayan mo maigi ang anak mo, dapat nga ay nasa tabi ka niya dahil ikaw na lang ang pamilya niya," sagot ni Viggo sabay lagok ng alak at baba ng basa sa counter.

"Andoon naman na sina Fernanda at Fiona, alam kong hindi nila pababayaan ang anak ko. May tiwala ako sa kanilang dalawa," sagot ni Calisto at kumpyansa na walang mangyayaring masama sa anak niya dahil bantay ito ng chosen mate niya.

"Nagtataka lang ako, hindi ko matawagan ang number ni Elara o kahit maka-received ng text messages galing sa kaniya. Kaya uuwi na rin ako bukas para malaman kung ano ng balita sa kaniya," sagot ni Calisto.

Hindi pala ninto nakukuha ang ano mang voice message o text na galing kay Elara, wala siyang kaalam-alam na nakarating na si Elara sa Nightraven pack.

"Check mo, hindi ba't hawak din ng Alpha niyo ang bawat phone number ng pack members niyo? Baka naka blocked ka na hahahah," biro ni Viggo at pinagtatawanan ang mahigpit na pamamalakad ng mga werewolves at Lycans, kumpara sa kanilang mga bampira na tanging council lang ang kalaban.

Malayo ang buhay ng mga vampires sa mga werewolves dahil ang mga bampira ah gumagalaw ng mag isa samantalang ang mga werewolves naman ay by pack.

Tanging high council lang ang humahawak sa mga bampira, nagpapanatili ng katahimikan upang hindi maging lantad ang pagkatao nila sa mga mortal.

"Bakit naman nila ako iba-block? Hindi kaya nagtampo na sa akin ang anak ko at hindi niya na ako mahal kasi hindi na ako umuwi?" Parang batang sagot ni Calisto, hindi niya makakayanan kung magtatampo sa kaniya ang mahal niyang anak na si Elara.

"Panigurado, anong klaseng ama ka ba? Iniiwan mo ang anak mo," sagot ni Viggo ay tumayo na sa pagkakaupo. Inilapag niya ang isang piraso ng papel sa harap ni Calisto at bumulong.

"Pagdating mo ng Summergrave ay ibigay mo 'to sa emperor niyo. Maaaring alam niya kung nasaan ang hinahanap mo," bulong ni Viggo at ramdam ni Calisto ang seryosong tono sa boses ni Viggo.

"Mag-iingat ka, tawagan na lang kita kapag may nakuha pa akong impormasyon, sa ngayon ay iyan pa lang ang mayroon ako," sagot ni Vigoo sabay kaway at lakad palayo sa kinauupuan ni Calisto.

Limingon si Calisto para magpaalam sa kaibigan pero para itong bula na naglaho sa dami ng tao sa loob ng bar.

Muling tumingin si Calisto sa hawak niyang papel at nakita ang nakasulat doon. "Emmanuel Lerian," basa niya sa pangalan na nakasulat sa papel at doon niya na pagtanto kung kaninong pangalan ito.

Pangalan ito ng taong magbibigay ng mga kasagutan sa lahat ng katanungan niya tungkol sa kaniyang anak na si Elara.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
75.5K 3.2K 27
Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with...
4.7K 517 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...