Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

42.2K 2K 217

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85

CHAPTER: 28

588 40 8
By FinnLoveVenn

Gusto na lamang magreklamo ni Calix dahil hindi niya gusto masali sa gulo na 'to, alam niyang pag-iinitan siya ni Alpha Damian dahil siya ang pinili ni Elara na kanilang Luna.

"Pwede ba mag back out?" Tinatamad na tanong ni Calix, nakasuot na siya ng puting t-shit at may towel na puti na nakasampay sa kaniyang balikat.

"Bakit ka magbaback out? Ugali ba ng isang Nightraven ang umurong sa dwelo?" Tanong ni Damian, hinawakan niya ang kaniyang leeg at binaling ang kaniyang ulo sa magkaibang direksyon, panay ang oag uunag ni Damian at handa na sa laban.

"Alam mo ang petty mo," sagot na lamang ni Calix sabay buntong hininga at ibinaba na ang note book at mga perang kinulekta niya.

"Alam ko," sagot naman ni Damian habang nakangiti, gusto niya lang ipakita kay Elara na matatalo niya si Calix at siya ang pinaka malakas na Alpha sa buong Summergrave.

"Mag start na ang laban," excited na sagot ni Melody at hindi na rin maitago ni Elara ang excitement sa mga mangyayari. Mahigpit siyang napakapit sa railings at pinanood ang labanan.

Tumayo an sa gitna ng training ground si Damian at isa-isa naman pumuwesto pabilog ang mga kakalaban sa kaniya. Ang rules ng palaro ay dapat makuha ng kahit sino sa kanila ang scarf na nakatali sa braso ni Damian sa loob ng limang minuto.

"Lagi niyo 'tong ginagawa 'di? So, sino laging panalo?" Tanong ni Elara at hindi na rin makapag-intay mapanood ang palaro.

"Syempre si Damian, pero one time nanalo si Calix kasi kailangan na kailangan niya ng pera hahaha," sagot ni Melody at lalong na excite si Elara dahil doon, iniisip niya na dodoble rin ang pera na tinaya niya kay Calix.

"Pero isang beses lang 'yun, hindi naman kasi sumasali si Calix sa palaro na 'to, saka kapag walang malaking pera na nakataya ay hindi gagalaw ang beta na 'yan, tamad 'yan eh, ayaw niya ng hassle," sagot ni Melody.

"Buti nanalo siya kay Alpha Damian?" Tanong ni Elara at natawa si Melody dahil doon, naalala niya kasi 'yung katangahan na ginawa ni Calix para makuha 'yung panyo sa braso ni Damian.

Isang epic na moment para sa kanilang lahat iyon, at iyon lang din ang unang beses na natalo si Damian.

"Hindi mo na ko mauutakan ngayon," sagot ni Damian kay Calix at napakamot na lamang ng kaniyang ulo si Calix dahil alam niyang hindi niya na magagawa ulit 'yung ginawa niya noon.

Noong laban kasi nila ay kailangan na kailangan niya ng pera, kaya sumali siya dahil sobrang laki ng perang nakataya sa ulo ng kanilang Alpha noon. Kung makukuha niya iyon ay mabibili niya na ang nais niyang game at makakapunta sa event na gusto niyang puntahan, kaya nagkunwari siyang nabalian ng buto habang naglalaro at nung lalapit na si Damian ay agad niyang sinunggaban ang panyong nakatali sa braso ninto.

Hindi naman siya na eliminate, wala namang rules sa palaro na 'to kaya ginamit niya lang ang utak niya nun kaya siya nanalo, pero kung ibabase lang sa lakas ay wala siyang laban sa kaniyang Alpha, kahit magseryoso pa siya.

"Start na ang game! In three! Two! One!" Malakas na naghiyawan ang mga manonood at isa-isa na nilang sinugod si Damian sa loob ng training ground.

Nagkampi-kampi sila at sabay-sabay na sinugod si Damian. May ilan na nagpalit ng anyo bilang werewolf at may ilan naman na nanatili sa form nila bilang tao. Lahat sila ay inatake ng buong lakas si Damian pero ni isa sa kanila ay walang nakalapit dito.

Kitang kita ni Elara kung gano kabilis gumalaw ng mga Nightraven pero ang mas nagpapamangha sa kaniya ay kung gano kabilis ni Damian na maiwasan ang bawat atake na binabato sa kaniya.

Halos maliyo na nga si Elara dahil hindi niya masundan kung na saan na sila Damian, ang bibilis nilang kumilos at parang nawawala sa kaniyang paningin.

Napansin niya sa gilid si Calix, nakatayo lang ito at nanonood. "Anong ginagawa ni Calix? Bakit hindinsiya gumagalaw sa kinatatayuan niya?" Tanong ni Elara kay Melody.

"Ewan ko rin sa lalaking 'yan, may sariling mundo 'yan minsan," sagot naman ni Melody at panay ang sigaw dahil tumaya siya kay Damian at madodoble ang pera niya kapag nanalo ito.

"Calix! Gumalaw ka d'yan!" Hiyaw ni Elara na kinagulat nilang lahat, hindi nila alam na kaya pala sumigaw ng mahinhin at inosenteng tignan na babaeng katulad ni Elara.

Napatingin tuloy si Damian sa direksyon ni Elara, kumunot ang noo niya at muntikan na siyang mawalan ng balanse dahil sa pagkabigla. Naiinis siya, naiirita siya dahil bakit si Calix ang tinatawag at chini-cheer ni Elara.

"Ah ganon? Si Calix pala ang sinusuportahan mo ah," bulong ni Damian at nakita ng mga gammas at trainee ang pagbabago ng mga mata ni Damian, naging seryoso ito at handa na sumugod sa pwesto kung na saan nakatayo si Calix.

Agad na naramdmaan ni Calix ang killing intent ni Damian kaya mabilis siyang tumakbo paikot ng training ground para iwasan ang Alpha nilang pikon.

'Damian, kumalma ka huwag ka magselos! Beta mo pa rin si Calix!' Komento ni Xavier at pilit na kinakalma si Damian dahil selos na selos na ito sa beta niya.

'Pipilayan ko na talaga siya this time' sagot naman ni Damian sa mapapagitan ng mind link.

"Alpha Damian! Bakit ako ang hinahabol mo! Dapat ikaw ang hahabulin namin!" Hiyaw naman ni Calix, mabilis siyang tumakbo papalayo kay Damian dahil nararamdaman niya ang wolf niya na natatakot sa Alpha nila.

"Ano? May sinasabi ka? Walang narinig!" Sagot ni Damian at parang isip bata na ang bilis magselos at mapikon.

Tawa nang tawa ang nanonood dahil si Calix na lang hinahabol ni Damian, paikot-ikot sila sa training ground. Ang limang minuto na iyon ay parang sampung taon ng buhay ni Calix, hingal na hingal na siya at nais na lang sumuko.

"Kaya mo 'yan Calix!" Sigaw naman ni Elara at walang kaalam-alam na siya ang dahilan ng kaguluhan na 'to.

"Pwede ba, luna Elara! Huwag mo na ko i cheer! Mamatay ako sa ginagawa mo!" Hiyaw ni Calix, na wala na ang composure niya at ang magiging noncholant niya sa kaniyang kilos.

"Ha? Bakit daw," tanong naman ni Elara kay Melody at tawa na lamang ng tawa si Melody dahil ngayon niya lang nakita nagbago ang kinikilos ni Calix.

"Hindi ka makakatakas sa'kin!" Sagot ni Damian at nag isip na lamang ng paraan si Calix dahil alam niyang may dalawang minuto pa at sa dalawang minuto na iyon ay maaaring mabali ang kaniyang buto kung hindi siya mag iisip ng paraan.

Agad siyang lumuhis ng takbo, sinalubong niya si Damian at sinugod ito. Napangiti naman si Damian dahil sa walas ay lalaban na si Calix sa kaniya ng heads on pero nung susunggaban niya na si Calix ay bigla itong nag slide sa kaniyang ilalim at akmang hahawakan ang panto sa kaniyang braso.

Unti na lang ang pagitan ng kamay ni Calix at ang panyong puti kaya agad na inangat ni Damian ang kaniyang braso at hinila ang suot na t-shirt ni Calix.

"Sabi ko naman sa'yo, kapag nakikipaglaban mas mabuting wala kang suot na kahit ano," sagot ni Damian kay Calix habang hawak ninto ang kaniyang damit.

"Hays," buntong hininga ni Calix, akala niya ay malulusutan niya ang kanilang Alpha pero nahuli na siya ninto.

Malakas na tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang limang minuto ng palaro. Lahat ng tumaya kay Alpha Damian ay sobrang saya dahil doble na ang pera nila, isa na doon si Melody na tuwang tuwa dahil 'yung isang daang zeno niya ay naging dalawa.

"Aw talo ako," sagot naman ni Elara pero kahit ganoon ay masaya siya makitang tumatawa ng malakas si Damian kasama sina Calix at iba pang mga gamma at members ng Nightraven pack.

Kitang kita ni Elara kung gaano kamahal ng pack members ang kanilang Alpha Damian, mula sa mga batang tumitingala at hinahangaan siya, hanggang sa mga matatanda na sumusunod at ginagalang siya.

Lahat iyon ay kitang kita ni Elara sa mga mukha ng bawat pack members. Hindi niya tuloy maiwasan na mapangiti, pakiramdam niya ay gusto niya na lang manatili sa pack na 'to at huwag na umalis.

Lalo na ngayon na hindi niya ramdam na kakaiba siya at parte na talaga siya ng pack na 'to.

"Damian!" Napalingon si Elara sa isang babae na mukhang kararating lang, agad siyang tumakbo sa loob ng training ground at tumalon para yakapin si Damian.

"Lilian! Nakabalik ka na pala?" Tanong ni Damian habang tumatawa at hindi iniisip ang pagkakayakap ni Lilian sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Elara, nakaramdam siya ng kung ano sa dibdib niya na para bang namumuong galit na gustong utusan ang mga kamay niya para hilahin ang buhok ng babaeng nakayakap sa braso ng Alpha niya.

"Sino ang babaeng 'yun?" Tanong ni Elara kay Melody habang hindi inaalis ang tingin niya sa braso ni Lilian na nakapulupot sa braso ni Damian.

"Ah, si Lilian.  Close friend ni Alpha Damian," sagot ni Melody pero sa katotohanan niyan ay mas marami pa siyang gustong sabihin kay Elara tungkol kay Lilian, pero pakiramdam niya ay hindi ito ang tamang oras para gawin iyon.

"Close friend?" Tanong naman ni Elara habang nakatitig pa ri kay Lilian.

Maikli ang brown na buhok ni Lilian na hindi sasayad sa kaniyang balikat, may kulay chesnut din itong mga mata at morenang kulay ng balat. Maganda ang hubog ng katawan at may katangkaran, kung titignan nga sila ni Damian ngayon ay bagay ang height nila sa isa't isa kumpara kay Elara na may kaliitan.

"Tara nga rito," hila naman ni Melody kay Elara dahil sa hindi niya malaman na dahilan ay nararamdaman niya ang killing intent mula kay Elara na malabo naman mangyari dahil wolfless ito.

"Saan naman tayo pupunta? Gusto ko pang makilala 'yang 'Lilian' na 'yan," sarkasitkong sagot ni Elara habang ene-emphasizes ang pangalan ni Lilian.

"Tara rito at ipapakilala ko sa'yo, itago mo muna 'yang selos sa mukha mo," sagot naman ni Melody at napapailing dahil parehong selosa at seloso si Elada at Damian sa isa't isa.

"Ha? Ako magseselos? Kanino? Kay Damian?" Iritableng tanong ni Elara kaya tinakpan na lamang ni Melody ang bunganga ng best friend niya dahil baka ano pa ang masabi ninto at may makarinig pang iba.

Hinila niya papalayo ng training ground si Elara at hindi na ito makapalag, nagtungo ang dalawa sa pack village kung saan may mga restaurant at iba pang lugar na maaaring tambayan.

"Two ice coffee," umorder si Melody ng kape habang nakaupo sila sa tabi ng bintana at pilit na pinapakalma si Elara.

"So sino nga 'yung Lilian na 'yun?"

"Shh— hinaan mo nga boses mo," sagot naman sa kaniya ni Melody dahil ayaw niyang mapahamak si Elara dahil kilala at maraming pack members ang nagmamahal kay Lilian.

"Okay-okay, so pwede ba magkwento ka na?" Tanong ni Elara sabay buntong hininga naman ni Melody.

"So ito na nga, lagyan natin siya ng code name bago ako magkwento para walang nakakaalam na siya ang pinag-uusapan natin," sagot ni Melody at tumango naman si Elara.

"Itago natin siya sa pangalan Lily," sagot ni Melody at muling tumango si Elara.

"So si Lily is anak ng family friend ni D, so basically magkababata rin sila sa mother side ni D and nung nag form ng pack si D ay umanib si Lily dito, and akala ng karamihan ay si Lily na ang magiging chosen mate ni D kasi nga very close sila sa isa't isa, and gusto rin siya ng mga elders at iba pang pack members para maging luna," kwento ni Melody at lalong sumimangot si Elara nang marinig ang bagay na iyon.

"Two ice coffee." Binaba ng waiter ang inumin nila sa ibabaw ng mesa at agad itong kinuha ni Elara sabay higop sa straw ninto.

"Chill ka lang best friend, ikaw naman ang fated mate wag ka masyadong magselos," sagot ni Melody at hindi niya alam kung tatawanan niya ba si Elera dahil sa pagseselos ninto o dadamayan ito sa inis niya kay Lilian.

Pero hindi maitatanggi ni Melody na mabait talaga si Lilian dahil miske siya ay malapit ang loob kay Lilian. Pero syempre mas pipiliin niya si Elara at alam niya naman na kaya nagseselos si Elara ay dahil sa bond nilang dalawa ni Damian.

"Kung may gusto na pala sila maging Luna, eh bakit pa ako pinapunta rito? Edi sana pinush niya na maging chosen mate si Lily at hindi na ko ginulo sa plano ko," sagot ni Elara at natawa na lang si Melody dahil nagseselos talaga ito.

"Ano pang laban ni Lily eh ikaw ang fated mate?" Tanong ni Melody kaya natahimik si Elara.

Totoo, wala talagang laban ang chosen mate sa isang fated mate at iyon ang nangyari sa kaniya noon kay Elijah.

"Ow shit, na offend ba kita? Sorry, girl pero I didn't meant too naman, like hindi ko naisip 'yung that way," sagot ni Melody. Ngumiti na lang si Elea at umiling.

"Alam ko naman. Isa pa, alam ko ang worth ko at ako mismo ang umalis sa sitwasyon na 'yun," sagot ni Elara pero deep inside ay alam niyang tanga siya noon. Na kung hindi siya bibigyan ng second chance ay hindi niya papahalagahan ang sarili niya at mananatiling tanga sa pag-ibig niya kay Elijah.

"Hindi na ko tanga, ayoko na maging tanga kaya kung anong akin ay mananatiling akin," sagot ni Elara sabay higop ulit ng ice coffee niya.

Napangiti na lanang si Melody, alam niyang sobrang laki ng pinagbago ng best friend niya at proud siya sa pagbabago na iyon.

"Go bestie, andito lang ako! And don't worry alam ko rin naman na patay na patay sa'yo si Alpha Damian, kaha akitin mo na siya lalo para maging luna ka na."

Muli, bumulong na naman si Melody na parang demonyo sa tenga ng best friend niyang si Elara


TO BE CONTINUED

AN: Hello guys, wait ko lang magkaroon 10 votes and 10 comments bago ako mag-update, papahinga lang ako hehehe. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 155 39
Drifted Series #1 If you were given a chance to drift through time, for what reason will you use it? A famous actress named Aglaea, famously known as...
FATED ✔ By AyEmMaylin

General Fiction

2.7K 188 42
Ford Sibling's Series No. 3 From the moment Lyanna laid her eyes on Him, He seemed so familiar. It's as if they were sharing a very strong soul conne...
75.4K 3.2K 27
Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with...
359K 6.5K 80
Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination...