Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

43.1K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 27

547 29 4
By FinnLoveVenn

Kanina pa nakatitig si Elijah sa kaniyang phone screen, tinitignan ang mga picture nilang dalawa ni Elara na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabura. Lahat ng memorya ni Elara ay nasa kwarto pa rin ni Elijah, miske ang paborito nintong bulaklak ay nakatanim pa rin sa hardin ng Forestheart pack.

Mag iisang buwan na simula ng umalis si Elara sa Forestheart pero hindi pa rin makalimutan ni Elijah ang mga nangyari sa kanila, hindi niya pa rin matanggap na wala na ang babaeng nais niyang maging luna.

"Alpha Elijah?" Napalingon si Elijah sa pagpasok ni Fiona sa kwarto niya. Pinatay niya ang phone niya at umayos ng upo sa kama. Iritable siya, hindi niya magawang tignan nang matagal si Fiona pero tinatawag ng scent ninto ang wolf niya.

"Bakit hindi ka kumatok?" Tanong ni Elijah, naiinis siya kapag pinapasok ang privacy niya. Naiinis siya dahil hindi pa naman ganap na Luna si Fiona pero kung makaasta ito ay akala mo sa kaniya na lahat ng otoridad para makialam sa lahat ng bagay sa loob ng pack house.

Marami ang nagrereklamo na members ng Forestheart pack dahil sa pangingialam ni Fiona sa mga trabaho at gawain nila, nagkusa rin itong lumipat sa main house kahit hindi pa naman itong opisyal na Luna. At sa ilang linggo na pananatili ni Fiona sa loob ng main house ay ilang omega na ang nagrereklamo sa pananakit na ginagawa ninto.

"Ah, hindi naman na kailangan. Malapit na naman tayo maging isa so ano pang problema?" Tanong ni Fiona sabay upo sa tabi ni Elijah, sumandal siya sa balikat ng Alpha at hinawakan ang isang kamay ninto.

Nararamdaman ni Elijah ang bond nilang dalawa ni Fiona, pero hindi niya mapaliwanag kung bakit 'yung isip niya ay parang nasa ibang lugar, hindi nga lang isip niya— kundi pati puso niya ay wala ngayon sa Forestheart.

"Kailangan ko pa rin ng privacy, tandaan mo Alpha mo pa rin ako. Kailangan ko ng space para mag isip at magtrabaho," sagot ni Elijah sabay alis ng pagkakahawak ng kamay ni Fiona sa kaniya.

Napansin ni Fiona ang pagiging mailap ni Elijah sa kaniya, hindi naman siya manhid para hindi maramdaman 'yung pagiging malayo ng loob sa kaniya ni Elijah.

Samantalang si Fiona ay gustong gusto na kaagad mamarkahan siya ni Elijah, gusto niya na maangkin ang posisyon bilang luna at mahalin ng fated mate niya.

"Sorry about that, masyado na ba akong clingy? Ayaw mo ba na narito ako?" Tanong ni Fiona habang nakasimangot, lumayo siya ng pagkakaupo at binigyan ng space si Elijah.

Nakaramdam naman ng konsensya si Elijah dahil doon, hindi niya naman maitatanggi na napakatibay ng bond nila ni Fiona bilang fated mate. Nahihirapan siyang hindi pansinin si Fiona at nasaskatan siya tuwing nasasaktan ito.

"Sundin mo na lang ang lahat ng rules sa pack house, kahit luna ka ay kailangan mo pa ring galangin ang ibang members ng pack na 'to," sagot ni Elijah at tumango si Fiona.

"About ba 'to sa omega na nasaktan ko last time? Hindi ba't sabi ko naman sa'yo ay pinag-uusapan nila ako kaya nainis ako at nabato sila ng baso, hindi ko na uulitin iyon, nadala lang ako ng emosyon ko dahil binaggit nila ang pangalan ni Elara," nagpaliwanag pa si Fiona pero alam naman ni Elijah ang totoong nangyari.

Lahat ng omega sa loob ng main pack house ay nais niyang palayasin at palitan ng matatandang omega para maiwasan si Elijah sa pambabae ninto. Hindi naman kasi lingid kay Fiona na may iba pa ring kinakasama si Elijah tuwing gabi, hindi ito kuntento sa kaniya at ayaw pa siya markahan ninto kahit ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'yun.

"Alam mo Fiona, kailangan mong matutong itago ang totoong ugali mo," bulong ni Elijah sa kaniya, seryoso siyang tinignan ni Elijah at pinagmamasdan kung ano ang gagawin at iniisip niya.

"Anong totoong ugali?" Maang-maangan naman si Fiona sa sagot niya dahil ayaw niyang husgahan siya ni Elijah at malaman ninto ang totoong pakay niya ss pagiging Luna niya.

"Alam kong alam mo na 'yun. Kung gusto mo maging ganap na luna na tinitingala at sinusunod ng lahat, maging mabait at matalino ka," sagot ni Elijah saka tumayo sa pagkakaupo. Nagbuntong hininga si Elijah, iniisip niya kung pagsasabihan niya pa ba si Fiona o hayaan na lang ito sa ngayon.

Pero wala siya sa mood makipag-usap, gusto niya na lang magliwaliw para makalimutan niya ang imahe ni Elara na laging nasa utak niya.

"Maiwan na kita, marami pa akong kailangan gawin," sagot ni Elijah at lumabas na ng kaniyang kwarto at iniwan si Fiona roon na masama ang loob at inis na inis.

"Matapos kong gawin ang lahat para makuha ka, babaliwalain mo ako nang ganito?" Inis na bulong ni Fiona sa kaniyang sarili habang nakatingin nang masama sa pinto kung saan lumabas si Elijah.

❦❦❦

"Bakit parang iniiwasan ako ni Damian ngayon?" Tanong ni Elara habang nanonood sila ng pag eensayo ng mga beta at gamma sa training ground. Tanghali na ngayon at tirik na tirik ang araw pero malamig ang simoy ng hanging dahil sa pinapaligiran sila ng mga puno na nagmimistulang lilim sa bawat pack members na nais manood ng ensayo.

"Baka busy lang," sagot naman ni Melody, tapos na siya sa pagtuturo sa mga pup at ilan pang batang werewolves at lycans sa pack nila. Pahinga na niya ngayon at sinamahan niya si Elara na lunch habang nanonood ng training.

Napatingin ang dalawa kay Calix, nasa gitna siya ng training ground at isa-isa siyang sinusugod ng mga trainees, lahat sila ay nakasuot lamang ng puting shorts at nakatopless habang pawisan at nakikipaglaban kay Calix.

"Busy? Bakit naman noon kahit sobrang busy niya ay nagagawa niya pa rin sirain ang araw ko?" Tanong ni Elara, hindi niya na papansin na hinahanap-hanap niya na ang pangungulit ni Damian sa kaniya sa araw-araw na para bang kapag hindi niya nakita o narinig ang pilyong ngiti at tawa ni Damian ay hindi mabubuo ang araw niya.

"Ewan ko sa inyong dalawa, bakit may nangyari ba na hindi maganda sa inyo para mag-away kayo?" Tanong naman ni Melody pero alam niya naman talaga ang dahilan, alam niyang nahihiya si Damian na harapin si Elara pagtapos ng nangyari sa kanilang dalawa, dahil alam niyang hindi iyon ginusto ni Elara at biglaan ang lahat dahil pareho nilang hindi nakontrol ang kanilang sarili.

"Nakausap ko pa siya kahapon, pero pagtapos ko siyang asarin ay hindi niya na ako pinansin. Tingin mo napikon siya sa akin? O baka naman katulad din siya ng kapatid niya na pagtapos makuha ang gusto niya ay mang iiwan na?" Tanong ni Elara, kumunot naman ang noo ni Melody sa sinabi ng kaibigan, hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugutan ni Elara sa mga salita na iyon, lalo na't alam niya at sinabi sa kaniya ni Damian na pure at first time ni Elara ang nangyari sa pagitan ng dalawa.

So, pano ninto na sabi na katulad ni Damian ang kapatid ninto na si Elijah?

"Hindi ganoon si Alpha Damian, kung ako sa inyong dalawa ay pag-usapan niyo 'yan, practice na rin sa nalalapit niyong union, kailangan niyo 'yan bilang Alpha at Luna," sagot ni melody dahil mahihirapan talaga silang dalawa kung lagi sila magpapakiramdaman at hindi sinasabi ang mga nararamdaman at problema nila sa isa't isa.

"Siguro mamaya ay kakausapin ko na siya, tutal magsisimula na rin ang training ko bilang secretary niya." Napatingin si Melody kay Elara nang sabihin niya iyon, talagang pursigido ito na makatulong sa pack nila.

Pero hindi maiwasan ni Melody na mag-alala sa bestfriend niya dahil alam niya na may karamdaman ito at madalas na ibilin ni Calisto kay Melody si Elara para bantayan at alagaan ito noon.

"Oo, mag usap kayong dalawa at kailangan mo na rin mamarkahan dahil ayoko masapawan ka ng masama mong step-sister," sagot ni Melody at natawa na lamang si Elara sa galit ni Melody kay Fiona.

"Pero teka nga, sure ka bang kaya mo pang magtrabaho? Hindi ka naman pinipilit ng pack members o ng Alpha ng Nightraven para gawin ang mga trabaho na 'yan. Alam kong gusto mo tumulong at gusto mo magkaroon ng ambag pero kaya mo ba talaga?" sagot ni Melody dahil wala siyang balita sa sakit ni Elara.

Noong mga bata pa kasi sila ay halos araw-araw may sakit si Elara, sa sobrang lala ninto ay napahinto na si Elara sa pag-aaral at umulit ng isa pang taon sa elementary. Pagkakatanda pa nga ni Melody ay grabe ang pagkukumbulsyon ni Elara gabi-gabi na dahilan kung bakit gabi-gabi rin siya nanalangin sa moon goddess para gabayan at pagalingin si Elara.

Pero ngayon ay nakakapagtaka na malakas ito, hindi ito ganong nagkakasakit, miske lagnat o ano mang sakit ng pangangatawan niya.

Kaya nagtataka talaga si Melody sa nangyayari, hindi niya mapaliwanag kung bakit biglang umayos ang lagay ng best friend niya.

"Gusto ko talaga magtrabaho, saka wala naman akong ibang gagawin dito," sagot ni Elara sabay kagat sa sandwich niya, patuloy pa rin silang nanonood ng labanan sa training ground at ngayon lang siya nakakita ng traning na ganito kasaya at kagulo.

Halata na nag e-enjoy ang bawat isa sa training, halata rin ni Elara na iba ang galaw ng mga trainees at gamma sa Nightraven pack kaysa sa Forestheart pack. Parang sanay na sanay na sila sa labanan at matagal ng alam kung pano makipaglabanan.

"Nainum ka pa ba ng gamot mo?" Tanong ni Melody, wala kasi siyang balita sa kalagayan ni Elara ngayon. Napayuko naman si Elara at hindi alam ang isasagot sa best friend niya.

"Hmm... oo," pagsisinungaling ni Elara, hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Melody na ubos na ang mga gamot na pinapaninun sa kaniya ni Calisto o itatago na lang ang bagay na 'yon tutal wala naman nangyayari sa kaniyang masama o pagbabago sa katawan niya.

"Sure ka? Bakit parang inisip mo pa kung umiinum ka pa ba talaga ng gamot mo?" Tanong naman ni Melody kaya iniwas na lamang ni Elara ang kaniyang tingin dahil alam niyang hindi niya maitatago ang bagay na ito sa best friend niya.

"Iniisip ko lang kung meron pa ba ako o wala na, alam mo naman na si Dad lang ang nakakaalam kung saan nakakabili nun," sagot ni Elara, pareho silang napalingon sa training ground nang magsigawan ang lahat ng mga nanonood at iba pang trainees.

"Woah!" Napatayo ang mga nanonood nang makita nilang pumasok sa loob ng training ground si Damian, kakagaling lang ninto sa trabaho at mukhang excited na magbanat ng buto.

"Hahaha, maglalabas ata ng stress si Damian ngayon." Napalingon si Elara sa sinabi ni Melody.

"Nag te-training lang ba siya kapag stress siya?" Tanong ni Elara at umiling si Melody habang hindi inaalis ang tingin niya sa training ground, matagal-tagal niya na rin kasi hindi nakikita si Damian makipag one on one sa mga pack members nila.

"Hindi, araw-araw din nag te-training si Alpha Damian, pero kapag gusto niya maglabas ng stress ay nakikipaglaban siya sa pack members at kapag ginawa niya 'yun ay parang fiesta sa loob ng Nightraven," sagot ni Melody kaya lalong nagtaka si Elara sa kung anong ibig sabihin ng best friend niya.

"Tataya ako! Isang daan zeno kay Alpha Damian!" Hiyaw ni Melody kaya nagulat si Elara dahil isa-isa na nagsisigawan ang mga pack members at tumataya kay Damian at sa iba pang pack members na makakalaban ni Damian.

Parang naging boxing ring ang training ground kung saan tinatayaan nila ang kanilang pambato at kung sino man ang mananalo ay magkakamit ng doubleng pera na tinaya nila.

"Anong nangyayari?" Napatanong na lamang si Elara at tumayo na rin sa kinauupuan niya dahil nagsisimula na dumami ang mga tao para manood sa labanan na magaganap sa training ground. Nakita niya si Calix, may hawak itong notebook at naglilista ng taya ng bawat pack members nila, sobrang gulo pero rinig na rinig ang excitement sa bawat isa.

"Anong nangyayari Mel?" Naguguluhan na tanong ni Elara at natawa na lamang si Melody dahil halatang nawawala na si Elara sa mga kaganapan, ito pa lang ang unang beses makita ni Elara kung gano kagulo ang Nightraven.

"Tumaya ka kahit sino sa mga gamma at trainees na nasa loob ng training ground, kung sino man ang makakuha ng panyo sa braso ni Damian ay siya ang panalo," paliwanag ni Melody habang binibilang ang hawak niyang pera at ready na tumaya sa Alpha niya.

Nagtataka naman si Elara dahil kanina wala naman panyong puti ang nakatali sa malaking bicep ni Damian, naguguluhan siya sa mga nangyayari pero kitang-kita niya kung gano kasaya ang bawat isa, lahat ng mga pack members ay nagtipon-tipon sa training ground at naghihiyawan sa kung sino ang mananalo.

Ngayon niya lang na experience ang ganito kagulo ngunit kasaya na palaro, lumapit pa siya sa railings ng training ground at malapitan pinanood ang paglalaban, nakita niya na bawat isa sa mga gamma at trainees at nakahanda na para sugurin si Damian, habang si Damian naman ay chill lang at nag uunat sa gitna.

"Galingan niyo, medyo stress ako ngayon," sagot ni Damian sabay tingin sa direksyon ni Elara.

Kumunot ang noo ni Elara dahil doon, "ako ba ang dahilan ng stress niya? Kapal naman ng mukha niya," sagot ni Elara sa kaniyang sarili at masamang tinignan si Damian.

"Calix! Sumali ka! Tataya ako sa'yo!" Hiyaw ni Elara dahil badtrip na badtrip siya kay Damian. Napatingin tuloy ang lahat ng manonood kay Calix na tahimik na naglilista at nagbibilang ng pera, napaturo siya sa sarili niya at napatanong— "ako?"

"Oo ikaw!" Sagot naman ni Elara at lalong nagsigawan ang lahat dahil ito pa lamang ang second time na sasali si Calix sa labanan at makikita nila ang labanan ng beta at Alpha nila.

"Pero..." nagtatatlong isip si Calix, tinatamad siya at wala sa mood makipaglaban kasi ayaw niya na mapawisan pa at gusto niya na lang magbilang ng pera.

"Calix, tara rito. Kalabanin mo ako," utos ni Damian habang nagpapatunong ng kaniyang mga daliri sa kamay. Nakaramdam naman si Calix ng kaba, parang ayaw niya na sumali dahil alam niyang pagdidiskitahan siya ng kanilang Alpha dahil kay Elara.

"Hays..."


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

167K 4.9K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
4.7K 517 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...
43.1K 2.1K 88
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
20.2K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...