Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

41.7K 2K 217

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85

CHAPTER: 20

597 24 2
By FinnLoveVenn

"Ano naman kaya ang ibibigay niya sa akin? Resibo ng kahat ng nagastos ko kanina?" Iritableng bulong ni Elara habang naglalakad pababa ng hagdan. Nakasalubong niya sa kusina si Fernanda, nahuli niyan may kausap ito sa phone at nung narinig ninto ang hakbang ni Elara papalapit ay agad itong lumingon at binaba ang tawag.

"Oh sweetie, hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ng Fernanda dahil nakita niyang iyon pa rin ang suot ni Elara na damit, hindi pa 'to nakakapagbihis ng damit pang tulog niya at mukhang may pupuntahan pa.

"May kailangan akong kunin kina Melody, and doon na rin siguro ako matutulog tonight kasi bukas aalis na sila pabalik ng Nightraven pack," sagot ni Elara. Tinignan lang siya maigi ni Fernanda at alam ni Elara na sinusuri siya ninto kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Elara, sweetie. Alam ko na wala si Calisto sa bahay para bantayan at pagsabihan ka, pero bilang stepmom mo, gusto ko lang sabihin na lagi mong iingatan ang sarili mo," sagot ni Fernanda sa pinaka malambing na tono na magagawa niya.

Deep inside ay natatawa naman si Elara dahil sa mga sinabi ni Fernanda sa harapan niya. Kung hindi niya alam ang totoong kulay ng stepmom niya ay baka akalain niyang concern talaga ito sa kaniya, pero ang totoo ay halatang nais ni Fernanda na limitahan ang mga kilos niya.

"Don't worry mom, sasabihin ko naman sayo parati kung saan ako pupunta, si Mel lang naman ang close friend ko rito kaya sinusulit ko na ang bonding naming dalawa," palusot naman ni Elara, buti na lang at nasabihan na ni Damian si Melody na gagamitin nila ang pangalan niya para payagan si Elara na makalabas sa bahay.

"Alam ko rin naman na nagtitiwala ka sa akin sweetie, okay sige, pakisabi na lang kay Melody na ingat sila sa pag-alis tom," sagot ni Fernanda at lumapit kay Elara, hinalikan niya ang noo ng step daughter niya.

"Always take care, okay?" Sagot niya at ngumiti naman si Elara. "Thank you Mom," sagot niya at naglakad na palabas ng pinto.

Pagkasara na pagkasara ni Elara ng pintuan ay pinunasan niya ang halik ni Fernanda sa noo niya at bumalik sa pagiging iritable.

"Ngayon, hindi ikaw ang plastik sa pamilyang 'to." Bulong ni Elara at naglakad na palabas ng gate nila. Daredaretsyo silang naglakad papuntang garden pero agad na napahinto nang makita niya si Fiona sa hindi kalayuan, agad siyang nagtago sa likod ng isang puno at sinundan ng tingin kung saan pupunta ang kapatid niya.

Dahil sa wolfless si Elara, karamihan ng lycan at werewolf sa pack ay hindi maamoy ang scent ni Elara lalo na kung nasa labas ito at malakas ang amoy ng lupa at halaman galing sa gubat. Ang Forestheart pack kasi ay pinaliligiran makakapal na puno at nasa gitna ng gubat sa north part ng Summergrave.

Dahil dito ay hindi na amoy ni Fiona ang faint scent ni Elara, kaya madali siyang nasundan ng tingin ni Elara nang hindi niya namamalayan.

"Saan siya pupunta?" Tanong ni Elara at nakita na dumaretsyo si Fiona papunta sa direksyon kung na saan ang bahay ni Elijah.

Kung hindi niya pa alam ang mangyayari sa hinaharap ay siguro sobrang sakit para sa kaniya makita ang eksena na 'to, pero ngayon na hindi na siya chosen mate ni Elijah, mas masaya siyang mapunta na lang ang ex boyfriend niya sa kaniyang stepsister.

"Sinong tinitignan mo r'yan? Ba't ang tagal mo?" Napabalikwas si Elara nang marinig niya ang boses ni Damian sa likuran niya. Hindi niya man lang naramdaman ito at parang isang anino na nagtatago sa madilim na parte ng kagubatan.

"Ginugulat mo naman ako," inis na bulong ni Elara at natawa naman si Damian.

"Kanina pa ako nasa likod mo, ngayon mo lang ako naramdaman?" Hindi pinansin ni Elara ang tanong ni Damian at naglakad papasok sa mas masukal na parte ng gubat.

"Saan ka pupunta? Nasa kabilang parte ang meeting place natin ah," tawag naman ni Damian sa kaniya dahil mabilis na naglakad si Elara papalayo sa kinatatayuan nila.

"Dalian mo sumunod ka kaagad bago pa may makaramdam na nasa paligid ka, mamaya maamoy ka pa ni Fiona," sagot ni Elara at mabilis naman sumunod ng hakbang si Damian.

"Hindi nila ako maamoy or mararamdaman. Kaya ko kaya itago ang wolf scent ko at presensya ko bilang Alpha," sagot ni Damian at doon na pagtanto ni Elara na kaya siguro hindi niya naramdaman kanina si Damian ay dahil sa bagay na iyon.

"Pano? Wolfless ka rin ba?" Inosenteng tanong naman ni Elara.

"Hindi, na kokontrol ko lang ang wolf ko," sagot ni Damian, naglakad pa sila sa mas malayong parte ng kagubatan at nakapaunta sa tapat ng malaking falls.

Tanaw na tanaw ang maliwanag na buwan at ang langit na punong-puno ng mga bituin, dahil sa malinaw na tubig ay parang nananalamin ang malaking bilig na buwan sa tubig.

"Anong gusto mong sabihin? At ano naman ang ibibigay mo sa 'kin? Sabihin mo na agad at baka hanapin pa ako ni Melody," sagot ni Elara pero nginitian lang siya ni Damian.

"Pano kapag sinabi kong wala naman talaga akong sasabihin at ibibigay sa'yo?" Pilyong tanong ni Damian kaya kumunot ang noo ni Elara sa inis.

"So sinasayang mo lang ang oras ko? Akala ko ibibigay mo na sa akin ang mga resibo ng mga nagastos ko," sagot naman ni Elara, humalukipkip siya at iniwas ang tingin kay Damian dahil hindi niya mapigilan na titigan ang gwapong mukha ng Alpha.

Lalo na ngayon na nasa tapat sila ng malaking buwan, kitang-kita niya kung gaano kagwapo ang mukha ninto kahit na may malaki pa itong pilat sa kanang mata niya ay hindi iyon nakakabawas sa kagwapuhan na taglay niya.

"Hahaha, hindi kita sisingilin sa mga bagay na 'yun. Tutal kailangan mo rin naman maging presentable dahil magiging Luna na kita, luna ng Nightraven pack," sagot ni Damian kaya muling napatingin sa kaniya si Elara na may pagkabigla sa kaniyang mukha.

Hindi makapaniwala si Elara sa kaniyang narinig, nabibingi lang ba siya? O niloloko ng imahinasyon niya? Totoo ba ang narinig niya na galing sa labi ng Alpha na nasa harapan niya.

"Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Elara dahil hindi niya alam kung anong balak ni Damian, hindi niya alam kung ano ang totoong pakay ninto o kung ano ang kapalit ng mga sinabi ni Damian.

"Nakangiti lang ako ngayon pero hindi ako nagbibiro sa mga salitang binitawan ko. Saka hindi ba't ikaw naman talaga ang fated mate ko? Ikaw ang magiging luna ko," sagot ni Damian, walang kapreno-preno niyang diniklara ang bagay na iyon na para bang hindi niya naiisip ang pagiging wolfless ni Elara.

"Mahina ako Damian, omega at wolfless. Anong magagawa ko bilang Luna mo?" Tanong ni Elara dahil buong akala niya ay tutulungan lang siya ni Damian kapalit ng paghihiganti kay Elijah.

"Marami, ikaw ang magbibigay sa 'kin ng tigapagmana ko. Ikaw ang mamumuno sa pack tuwing wala ako, ikaw ang magiging ilaw ng tahanan ko," sagot ni Damian na lalong kinaurong ni Elara ng isang hakbang.

Hindi niya alam kung nauntog ba nang malakas ang ulo ni Damian, kung naalog ba ang utak ninto o talagang nasisiraan na ito ng ulo?

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon, pero kapag narinig mo na rin ang mga reklamo sa pack members mo tungkol sa akin ay matatauhan ka na mali ang pinili mong fated mate. Pwede mo naman akong i reject, nang sa ganun ay mabigyan ka ulit ng Moon Goddess ng fated mate mo," sagot ni Elara.

Ngayon na nakatakas na siya sa pagiging chosen mate ni Elijah at nais niya na lang putulin ang koneksyon niya sa mga Reed. Pagtapos niyang linisan ang bahay niya at mailayo ang kaniyang ama kina Fernanda at Fiona ay balak niya na lang mamuhay ng tahimik kasama ng mga mortal.

"Anong dahilan bakit ayaw mo kong maging fated mate mo?" Tanong ni Damian at napabuntong hininga naman si Elara.

"Ayoko na magkaroon ng kahit anong koneksyon sa mga Reed o kahit sa Forestherat pack," sagot ni Elara.

Humakbang papalapit si Damian kay Elara, pansin ni Damian na hindi siya matignan ninto at mukhang magulo pa ang pag-iisip. Pero nais niyang makuha ang matamis na oo ni Elara at kahit anong mangyari ay siya pa rin ang pipiliin ni Damian na maging fated mate niya.

"Hindi na ako isang Reed, remember? Ako si Damian Raven Ashford ng Nightraven pack. Wala akong koneksyon sa mga Reed at gusto kong pabagsakin ang pamilya na 'yun, isa pa— hindi ba't ikaw ang kailangan na suyuin ako para maging luna ko? Dahil kailangan mo pa ng tulong ko para maghinganti, alam kong hindi ka pa tapos sa mga plano mo," sagot ni Damian sabay hawak sa baba ni Elara.

"Kailangan mo ko Elara, kaya bakit mo ko pinagtatabuyan? Nasaan na 'yung Elara na nakausap ko noong dinner party? Hindi ba't maghihiganti tayong dalawa?" Tanong ni Damian at nagtama ang kanilang mga tingin.

"May utang ka pa sa akin, sabi mo lahat ay gagawin mo kapalit ng tulong ko, kahit katawan mo ay ibabayad mo 'di ba?" Tanong ni Damian at halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ni Elara ngayon.

Kinakabahan siya sa mga titig na binibigay ni Damian sa kaniya, parang bibigay na ang mga tuhod niya dahil sa mga gigintuang mata ni Damian na nakatitig sa pagkatao niya.

Isa pa, naghahalo-halo na rin ang katanungan sa utak niya. Hindi na siya makapag-isip ng ayos kung ano ba talaga ang nais niyang gawin at plano niyang gawin.

"Mamarkahan kita, tatanggapin kita bulang fated mate ko at gagawing Luna ng pinaka malakas na pack sa buong Gazina, ang hinihiling ko lang kapalit at ang pasayahin mo ako araw-araw," sagot ni Damian kay Elara at ngumiti ulit ng pilyo kay Elara.

Lumapit siya sa mukha ni Elara at bumulong, "isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin, pero ikaw ang gusto ko Elara," bulong ni Damian kaya agad siyang naitulak ni Elara papalayo at mabilis na tinakpan ang kaniyang mukha dahil sa sobrang hiya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba?!" Reklamo ni Elara habang nakasilip sa pagitan ng kaniyang mga daliri na nakatakip sa kaniyang mukha.

"Hahaha, nahihibang na nga siguro ako. Kasi gusto kong lagi kang nakikita na napipikon, iyon ang kasiyahan ko kaya galingan mo pa Elara," sagot ni Damian kaya masama siyang tinitigan ni Elara.

"Kailangan mo ko Elara, hindi naman kita sasaktan at hahayaan kita gawin ang gusto mong gawin, gamitin mo ko kung gusto mo kong gamitin, basta kapag may hiniling ako sa'yo ay gagawin mo rin," sagot ni Damian sabay abot ng isang sobre kay Elara.

"Ano 'to?" Tanong ni Elara at nakita ang seal ng Forestheart pack.

"Yung good news ko," sagot ni Damian at binuksan naman ni Elara ang sobre at doon nakita ang kasulatan na pinapayagan na siya ni Alpha Deigo at Elijah na lumipat ng ibang pack.

"Pa-pano mo nakuha 'to?" Tanong ni Elara dahil balak niya pa lang kausapin si Alpha Deigo sa bagay na 'to.

"Secret," maikli na sagot ni Damian habang hindi pa rin makapaniwala si Elara na ganoon niya lang kadali makukuha ang bagay na 'to.

"Ito pa," dagdag ni Damian at inabot ang gamot kay Elara.

"Inumin mo para mawala na kaagad 'yung pananakit ng katawan mo at mga pasa mo," paliwanag niya pero nagdadalawang isip si Elara na kunin ang gamot na iyon.

"Pano ako makakasiguradong hindi lason 'yan?" Tanong niya dahil wala na siyang tiwala pa sa kahit sino, hirap na hirap na si Elara na ibigay ang tiwala niya sa iba at natututo na siya sa mga nangyari sa kaniya kaya maingat na rin siya sa kung ano ang iniinum o kinakain niya.

"Papatunayan ko sa'yo pero huwag kang magagalit sa gagawin ko," sagot ni Damian na pinagtaka naman ni Elara.

Kumunot ang noon ni Elara nang buksan ni Damian ang bote ng gamot at inumin ito, pero ang mas kinagulat niya ay nang hawakan ni Damian ang kaniyang mga pisngi at halikan siya ninto.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat, pareho nilang nalahasan ang napait na gamot na unti-unti niyang nalulunok. Hindi siya makapalag kay Damian dahil sa lakas ninto, pero kung tutuosin ay unti-unti niya rin naman nagugustuhan ang halik na iyon.

Nalunok niya lahat ang mapait na gamot at agad itong napalitan ng matamis na halik galing kay Damian, ramdam na ramdam ni Elara ang paggalaw ng labi at dila ni Damian sa loob ng kaniyang bibig na siyang dahilan kung bakit mas nanghihina ang kaniyang mga tuhod.

Napakapit siya sa damit ni Damian, bumitaw si Damian sa pagkakahawak sa kaniyang mukha at inalalayan siyang tumayo habanv hindi pa rin pinuputol ang mainit at malalim na halik nilang dalawa.

"Hmmmp..." habol hininga na si Elara pero hindi niya rin nais na maputol ang halik na iyon.

Pero napansin ni Damian ang paghihikahos ni Elara sa halik nila at doon niya lang namalayan na sobrang tagal na pala ng halik na binigay niya kay Elara. Hindi niya namamalayan ang kaniyang ginagawa dahil miske siya ay hindi na nais bumitaw sa halik na iyon at tuluyan ng nais angkinin si Elara.

"Haaa—" habol hininga si Elara nang maputol ang halik nila, tumingin siya kay Damian nang masama at natawa naman si Damian.

"Muntikan ka na bang malunod?" Tanong ni Damian habang hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak niya sa bewang at likod ni Elara.

"Oo! Kaya bayad na ko da lahat ng tinulong mo sa akin!" Inis na sagot ni Elara pero tinawanan lang siya ni Damian.

"Anong bayad? Marami ka pang utang at kung gusto mong mabayaran ako ngayon ay pwede mo naman akong halikan hanggang sumapit ang umaga," sagot ni Damian habang hindi nawawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Tsk, makakaganti rin ako sa'yo," sagot ni Elara at muling hinila si Damian sa isa pang halik na lalong kinatawa ni Damian.

Hindi na siya nagreklamo pa bagkos ay masaya na lang kinuha ang kabayaran na binibigay ni Elara ngayon.

Alam naman nila sa isa't isa na pareho nilang gusto ang nangyayari sa pagitan nila.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

26.3K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
136K 4.9K 52
HOURGLASS SERIES #1 If you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life...
7.6K 824 25
I'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was no...
4.6K 516 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...