Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

42.7K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 16

612 24 3
By FinnLoveVenn

Sa loob ng pack house ay may inilaan na mga kwarto para sa mga ceremony at iba pang parte ng kagawaran na bumubuo sa Forestheart pack. Ngayon ang kwarto na puno ng mga lycan at werewolf ay ang rejection ceremony hall kung saan gaganapin ang mga rejection request sa loob ng pack. Isa sa listahan ay ang rejection request ni Elara, hindi na sana sila aabot sa ganitong ceremony kung tinggap lang ni Elijah ang gusto niya.

Kapag ang dalawang lycan o werewolf ay nais na maghiwalay o hindi naman kaya ay putulin ang bond na namamagitan sa kanila ay kailangan tanggapin ng both parties ang rejection na iyon, kapag hindi sumangayon ang isa sa kanila ay dito na nila maaring idaan ang rejection request na titignan ng council sa loob ng isang pack.

'Nasaan na si Elara? Wag mong sabihin na umurong na siya sa request niya?' Tanong ni Fernanda sa kaniyang anak na si Fiona sa pamamagitan ng mind link.

'Hindi ko alam, umuwi tayo kahapon sa bahay wala siya 'di ba? Pero nagpaalam naman siya na matutulog siya sa best friend niyang si Melody,' sagot naman ni Fiona habang palingat-lingat at hinahanap ang stepsister niya na miske anino ay wala pa sa ceremony hall.

Nakaupo ang mag ina sa harap ng council at nais nilang mapanood nang malapitan ang pagkakamaling gagawin ni Elara sa buong buhay niya. Iniisip ni Fiona na si Alpha Elijah na nga lang ang magandang nangyari sa buhay ni Elara ay papakawalan niya pa ito, kung hindi ba naman ito tanga at binitawan pa ang pinaka importante sa kaniya.

Pero pabor ang bagay na ito sa kaniya dahil nais ni Fiona na makuha si Alpha Elijah sa kahit anong paraan na makakaya niya. Paniguradong wala ng makakapigil sa kaniya kung papakawalan na ni Elara ang Alpha.

"Asan na ba si Elara," muling banggit ni Fernanda hindi dahil sa nag-aalala siya kay Elara, kundi hindi na siya makapag-intay na masaksihan ang rejection ng dalawa. Alam niya na kung makukuha ng anak niyang si Fiona ang nobyo ni Elara ay mas magiging mataas pa ang tingin ng lahat sa kanila, mas magiging malakas ang koneksyon nila sa kapangyarihan ng mga Reed.

"Mag-uumpisa na ang rejection ceremony, ang dalawang nag nanais ng seremonya na ito ay lumapit sa aming harapan," anunsyo ng isang gamma na nasa tabi ng tatlong elder wolf at ng dating Alpha na si Diego.

Tumayo si Elijah sa kaniyang kinauupuan at pumunta sa taas ng entalado kung saan makikita ng lahat ang rejection na gagawin ng dalawang kampo, nakatingin ang lahat sa kanilang Alpha at takang-taka pa rin sa nangyayari sa magkasintahan.

Apat na taon na magkarelasyon sina Elijah at Elara kaya naman malaking balita ito para sa lahat ng members ng Forestheart pack, hindi lang sa kanilang pack, pati na rin sa nakakakilala kay Elijah at sa mahina at wolfless na si Elara.

"Nasaan na si Elara?" Tanong ng mga saksi sa ceremony.

"Baka hindi niya na gustong matuloy ang rejection ceremony? Natauhan na ata sa mga pinagsasabi niya noong dinner party." Puno ng mga usap-usapan ang loob ng rejection hall at lahat sila ay pinagtatawanan si Elara dahil sa mga ginawa at sinabi ninto nung mga nakaraang gabi.

Tingin nila kay Elara ay isang tanga na nagsasayang ng biyayang hindi niya naman deserve. Para siyang nagtapon ng ginto kung papakawalan niya pa si Elijah na tinitingala nilang lahat.

"May ten minutes pa bago mag start ang ceremony, maaari pa natin intayin ang chosen mate mo, Alpha Elijah," bulong ng gamma at tumango naman si Elijah habang tahimik na nag-iintay.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa sa kaniya nina Elara at Damian kagabi, sobrang sama ng kaniyang loob sa nobya pero hindi niya magawang awayin si Elara dahil mas lalo itong lalayo sa kaniya. Naniniwala kasi si Elijah na may malaki siyang nagawa na nagtrigger sa pagbabago ng ugali ni Elara, kilala niya ang nobya at alam niyang hindi siya matitiis ninto.

Pero ang hindi alam ni Elijah ay lahat ng nangyari ay parte na talaga ng plano ni Elara para maputol ang koneksyon nilang dalawa. Wala siyang kaalam-alam na hinding hindi niya na mababawi pa ang tiwala ni Elara.

"Isang minuto bago mag simula ang rejection ceremony," anunsyo ng gamma at lahat ng tao sa loob ng rejection hall ay hinahanap si Elara, hanggang sa maamoy nila ang faint na amoy ni Elara.

Napalingon silang lahat sa pagbukas ng pinto sa kanilang likuran, pumasok si Elara sa loob ng silid habang nakasuot ng isang white dress, ang kaniyang braso't balikat ay natatakpan ng puti belo na para bang babaeng ikakasal at naglalakad sa aisle papuntang altar.

Napatayo si Elijah nang makita si Elara, nakayuko ito at hindi pinapakita ang kaniyang mukha sa lahat. Natatakpan din ng puting belo ang kaniyang ulo kaya lahat sila ay hindi makita ang emosyon na nasa mukha ni Elara.

Lalong nadurog ang puso ni Elijah nang makita niya si Elara na dumalo pa rin sa rejection ceremony, kanina niya pa hinihiling na sana ay hindi ito tumuloy at kalimutan na lang ang lahat ng mga nangyari, pero ngayon ay pinagmamasdan niyang maglakad ang nobya niya na para bang ikakasal silang dalawa pero ang katotohanan ay maghihiwalay na sila.

Napayukom ni ELijah ang kaniyang kamao, alam niyang mahal niya si Elara ngunit masyado siyang naging greedy na nagdulot ng lahat ng ito. Si Elara lang ang tanging she wolf na nakikita niyang papakasalanan niya kaya gagawin niya ang lahat para hindi mawala sa kanya ang nobya.

"Pasensya na po at nahirapan akong humarap sa inyong lahat ngayong araw," sagot ni Elara habang hawak ang braso niya, napansin ng gamma ang matamlay na kilos ni Elara.

"Sakto lang ang dating mo, simulan na natin ang rejection ceremony," sagot ng gamma na parte ng council. Tumahimik ang lahat sa loob ng hall nang marinig nila ang pag-anunsyo.

"Nais naming malaman kung sino ang nais makipaghiwalay sa inyong dalawa."

Nakatingin ang lahat sa kanilang dalawa, patuloy na nakayuko si Elara at tinatago ang kaniyang mukha saka niya tinaas ang kaniyang kamay. "Ako po ang may nais ng rejection," sagot ni Elara at nagsimula na naman umugong ang mga bulungan sa loob ng rejection hall.

"Anong dahilan?"

"Hindi ko na po siya mahal at nais ko ng putulin ang pangako niya na maging chosen mate," sagot ni Elara na lalong nagpalakas ng usap-usapan sa loob ng hall.

Napatakip si Fiona ng ganiyang bibig, hindi dahil sa gulat kundi para matakpan niya ang saya sa kaniyang labi. Pinagtatawanan niya si Elara dahil sa mga pinagsasabi ninto at sa wakas ay mawawala na ang hadlang sa mga plano niya.

"Elara," tawag naman ni Elijah sa kaniyang chosen mate at nakita niyang tumingin sa kaniya si Elara pero patuloy na nakayuko at hindi pinapakita ang kaniyang mukha.

"Alpha Elijah, bakit hindi mo tinanggap ang kaniyang rejection?"

"Dahil mahal ko pa siya," diretsyong sagot ni Elijah at lahat ng mga nanonood ay hindi maiwasan na lalong humanga kay Elijah at kainisan naman si Elara dahil sa kaniyang sinasayang.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Elara pagtapos marinig ang binitawan na salita ni Elijah. Nais nang bumaliktad ng kaniyang sikmura sa mga salitang binibitawan ni Elijah sa kaniyang harapan. 

Pano siya mamahalin ng lalaking kaya siyang lokohin?

"Elara Celestia Arundel, hindi na ba maayos ang koneksyon niyong dalawa ni Alpha Elijah? Kailangan mo magbigay ng matibay na proof upang maputol ang koneksyon niyong dalawa."

Napaka unfair ng council sa loob ng Forestheart pack at alam ito ni Elara, dahil lang sinabi ni Elijah na mahal niya pa rin si Elara ay maniniwala na agad ang mga ito kahit na walang proof na pinapakita ang Alpha nila, samantalang siya ay kailangan pang ibuwis ang buhay niya para lang mapatunayan na ayaw niya na at gusto niya na makipaghiwalay.

Hindi pa siya minamarkahan ni Elijah bilang chosen mate niya, wala pa silang matibay na bond bilang mga lycans pero ganito na kaagad ang paghihigpit nila.

Wala talagang karapatan magdesisyon ang mga omega sa pack na katulad ng Forestheart pack na nakabase lamang sa lakas at rango.

"Niloko niya ako, may pagtingin siya sa stepsister ko." Sagot ni Elara, binato niya na ang unang bomba na dala niya at hindi niya alam kung ano ang magiging outcome ng isang iyon.

"Ano? Si Alpha Elijah? Sa stepsister ni Elara? Kay Fiona?" Umugong na naman ang bulong-bulungan sa loob ng rejection hall.

"Elara! Ano bang pinagsasabi mo!" Inis na tanong ni Elijah dahil hindi niya alam na makakaya ni Elara na ilaglag siya sa harap ng lahat.

"Totoo naman ah, hindi ba't tuwing napunta ka sa bahay namin ay ang scent ni Fiona ang nagpapabaliw sa'yo?" Tanong ni Elara, alam niyang iyon ang nararamdaman ni Elijah tuwing nakikita niya ang fated mate niya.

"Dahil siya ang fated mate mo, tama?" Mariin na tanong ni Elara na lalong kinagulat ng mga nanonood lalo na si Fiona na hindi inaasahan ang nangyayari.

"Elara!" Hiyaw ni Elijah. Hindi na alam ni Elijah kung pano niya pipigilan ang bibig ni Elara sa paglalabas ng katotohanan.

"Totoo ba ang sinabi ni Elara, Alpha Elijah?" Tanong ng council at napatingin si Elijah kay Fiona na nakatitig sa kaniya, agad siyang umilag ng tingin kay FIona at tumango bilang sagot sa council. 

Pero bakit ganoon? Hindi niya pa rin kayang bitawan si Elara kahit na kaharap niya na ang fated mate niya? Dahil ba sa pride niya? O dahil sa si Elara lang ang nakikita niyang tunay na magmamahal sa kaniya kahit na hindi sila para sa isa't isa? Ang idea na iyon ang pumipigil sa kaniya para palayain si Elara dahil alam niyang hindi na siya makakahanap pa ng katulad ni Elara.

"Totoo iyon. Fated mate ko si Fiona pero hindi niya pa alam dahil hindi pa siya ganap na she wolf. Pero wala akong balak na bitawan ang chosen mate ko," sagot ni Elijah na nagpabaliktad sa mga tinatago na ngiti ni Fiona sa kaniyang labi.

Akala ni Fiona ay sa wakas makukuha niya na si Alpha Elijah dahil sa rejection ceremony at dahhil siya ang fated mate ni Elijah, pero bakit hindi mawala wala sa landas niya si Elara?

Samantalang punong-puno na si Elara sa mga sinasabi ni Elijah, hindi niya alam kung saan nakukuha ni Elijah ang kakapalan ng mukha ninto.

"Anong karapatan mo mag desisyon sa bagay na 'to? Hindi lang ikaw ang nasa relationship na 'to! Kailangan mong kunin ang opinion ko!" Inis na sagot ni Elara, inangat niya ang kaniyang ulo at inalis ang belo na tumatakip sa kaniyang mukha at balikat.

Nang makita nila ang balat ni Elara ay napasinghap ang mga nanonood, kitang-kita nila ang mga bagong pasa at sugat sa mukha, balita at braso ni Elara. Nangingitim ang mga ito at karamihan ay kulay violet na, miske ang kanang mata ni Elara ay bloodshot.

"Hindi pa ba sapat na dahilan ang lahat ng pananakit niya sa'kin para pumayag kayong  makawala ako sa relasyon na 'to?!" Galit na tanong ni Elara sa council at agad na sumagot si Elijah.

"Hindi ako ang may kagagawan niyan! Elara ano bang pinagsasabi mo!" Pagdepensa ni Elijah sa akusasyon na binigay ni Elara, dahil halos lahat ng pack members niya ay nakatingin na sa kaniya ng may pagtataka at takot.

"Tingin mo ba kaya kong gawin 'to sa sarili ko lalo na't alam kong wolfless ako at walang kakayahan na maghilum katulad ng kakayahan na mayroon kayo? Sinaktan mo ako dahil gusto ko makipaghiwalay sa'yo, umalis ako sa bahay kagabi kasi tumakas ako sa'yo, alam kong pupuntahan mo pa rin ako sa bahay." Sagot ni Elara sabay tingin kay Fiona at Fernanda, alam niyang gusto ng dalawa ang nangyayari kaya kakampihan siya ng mga 'to.

"Kahit tanungin niyo pa ang stepmom at stepsister ko, umuwi sila kanina na wala ako sa bahay dahil na kala Melody ako kagabi at umiiyak." Dagdag ni Elara at tumingin naman ang council kina Fernanda at Fiona.

"Totoo ba ang sinasabi ni Elara?"

Dahil sa pagkataranta at pagkabigla sa mga nangyayari ay agad na tumango si Fernanda at Fiona. "Ye-yes, wala si Elara sa bahay nung umuwi kami kaninang umaga at nag message din siya na makikitulog muna siya kay Melody," sagot naman ni Fernanda, kahit naguguluhan ay alam niyang pabor ang nangyayari sa kaniya.

"Anong pinagsasabi niyo?! Nahuli ko pa ng si Alpha Damian at Elara sa kwarto niya! Sila ang may ginagawang katarantaduhan sa likod ko! Saka hindi ko kayang saktan si Elara," sagot ni Elijah, naawa siya sa kondisyon ni Elara pero mas nangingibabaw ang galit niya dahil pini-frame up siya ninto.

"Totoo ba ang akusasyon na sinabi ni Alpha Elijah, Alpha Damian?" 

Lahat ng mata ay lumingon kay Damian, tahimik siyang nakatayo sa gilid ng kwarto habang kasama si Francis at nanonood sa rejection ceremony. 

"Pumunta ako roon para sunduin si Elara, pinapasundo siya sa akin ni Melody dahil nga natatakot silang dalawa na baka saktan ulit ni Elijah si Elara," sagot ni Damian at hati ang opinyon ng mga tao sa loob ng hall.

Nang makita nila si Damian ay parang nagduda sila, mas kakampihan pa rin nila si Elijah kumpara kay Damian na sakit sa ulo ng Forestheart pack. Kung papapiliin sila ay ang Alpha pa rin nila ang paniniwalaan nila dahil kilala bilang black sheep si Damian at wala itong dinudulot na maganda sa pack nila at sa mga Reed.

"Ahahaha, hindi kayo naniniwala kasi sa akin nang galing no? Pero maniwala kayo sa sasabihin ko ngayon," sagot ni Damian at naglakad papalapit sa stage kung nasaan sina Elara at Elijah.

"Maniwala kayo na kaya ako pumunta para sunduin si Elara sa bahay nila, ay dahil may gusto ko siya at totoo ang sinabi ng kuya ko na may katarantaduhan akong ginagawa sa likod niya dahil plano ko talagang agawin ang chosen mate niya."

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

47.5K 1.7K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
4.7K 517 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...
5.9K 1.7K 45
"Isa ka lamang perpektong kuwento na isinulat ko, hindi ko lubos aakalaing isasabuhay ka ng mga marka ng tinta ko." Paano nga ba kung ang mga imahina...
2.5K 131 34
-Happenings Behind The Main Story-