Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

42.9K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 09

692 30 1
By FinnLoveVenn

Hindi mawala ang mga ngiti ni Damian sa kaniyang labi habang nakatingin kay Elara, ilang taon niyang hindi nakikita ang dalaga at ngayon na nakausap niya na ito ay alam niya na si Elara ang fated mate niya.

Humahalo sa malamig na hangin ang mabulaklak na amoy na nang gagaling kay Elara, parang pinalilibutan ng mga fresh flowers si Damian dahil sa amoy na ito, tinatawag siya ng katawan ni Elara kaya nais niyang humakbang papalapit sa dalaga.

'Damian, tandaan mo chosen mate pa rin siya ng kapatid mong si Alpha Elijah,' komento ni Xavier ang wolf ni Damian. Napahinto sa paglalakad si Damian at napangiti pa lalo, alam niya ang bagay na iyon at iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang lapitan si Elara noon, pero ngayon ay mas nangingibabaw ang galit ni Elara kay Elijah, at kung ano man ang dahilan nun ay mas pabor siya sa bagay na iyon.

'Hindi naman masama kung kausapi at lapitan ko siya, tutal akin naman talaga siya in the first place, hindi kay Elijah,' sagot ni Damian sa pamamagitan ng mind link at wala ng naging komento si Xavier dahil tama naman ang sinabi ni Damian.

Sila ang tunay na nagmamay-ari kay Elara at hindi si Elijiah, sila ang fated mate ni Elara at hindi si Elijah.

"Kamusta Elara?" Tanong ni Damian at sumandal sa puno na kanina ay sinisipa ni Elara dahil sa kaniyang galit. Naka cross ang arms ni Damian sa kaniyang malapad na dibdib habang nakasandal ang kaniyang balikat sa puno at nakatitig kay Elara.

Nakasuot ng navy blue formal shirt at black denim pants si Damian, bumabakat ang malaking katawan niya sa shirt na iyon na nakabukas ang unang tatlong butones.

Napaiwas ng tingin si Elara dahil alam niyang pinaglalaruan lang siya ni Damian, mahilig itong mang asar at kasiyahan nitong makita ang naiinis niyang mukha.

"Mukha bang mabuti ang kalagayan ko sa paningin mo?" Sarkastikong tanong ni Elara at umiwas ng tingin kay Damian dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ang mga ngiti ng binata ay nagpapahina sa mga tuhod niya, ang scent pa lang nito ay nagdudulot na ng pagtaas ng temperature ng kaniyang buong katawan.

Parang gusto niyang mahulog sa mga bisig ni Damian, gusto niyang yakapin at ibaon ang kaniyang mukha sa malapad na dibdib ng binata. Hindi niya alam pero kanina niya pa nais tikman ang lalaking nasa kaniyang harapan.

Siguro nga ay ganito ang dapat niyang maramdaman kapag nakita at nakilala niya na ang fated mate niya, nung una kasi silang magkita ay pinagbubuntis niya pa ang anak nila ni Elijah kaya nakakayanan niya pang kontrolin ang mapang-akit na scent ni Damian dahil sa connection na mayroon sila ni Elijah.

"Hahaha, mataray ka pa rin talaga no? Bakit kaya sa akin mo lang pinapakita iyang sungay mo?" Tanong ni Damian sabay lean sa mukha ni Elara na kinagulat ninto.

Hindi nakagalaw si Elara, para siyang na istatuwa dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Kahit hindi pa gising ang wolf niya ay nararamdaman niya ang saya nito na makita ang kaniyang fated mate.

Ganito pala ang pakiramdam na makita at makausap ang fated mate mo, parang ikaw ang pinaka masayang nilalang sa buong mundo kung saan alam mong magiging masaya ka sa piling niya.

Pero hindi ito ang nais na mangyari ni Elara sa ngayon, marami pa siyang kailangan intindihin at hindi niya hahayaan na maging tanga ulit siya na nagpapadala sa kaniyang mga nararamdaman.

"Dahil demonyo ka rin!" Pilit na nilabanan ni Elara ang temptation na binibigay ng fated mate niya. Ngayon alam niya na kung bakit nahulog si Elijah kay Fiona kahit na may chosen mate pa siya, dahil ito sa pakiramdam na tanging mararamdaman mo lamang sa fated mate mo.

"Hahaha ako demonyo? Matagal na, pero at least hindi ko tinatago, hindi katulad mo na nagpapanggap na isang anghel," sagot ni Damian sabay diretsyo ng tayo.

Pilit na pinipigilan ni Elara na sagutin at galitin si Damian dahil alam niyang kakailanganin niya ng tulong ninto. Kahit na sobrang hirap at matatapakan ang kaniyang pride ay kailangan niyang makuha ang tiwala ni Damian upang matanggap siya sa Nightraven pack kahit pansamantala lamang.

"Hindi ako nagpapanggap, naubos lang talaga ang pasensya ko sa kanila kaya tinutubuan na ko ng sungay," sagot ni Elara at tumalikod kay Damian, muli niyang naalala ang problema na kinahaharap niya.

Alam niyang hindi magiging madali ang gaganapin na rejection ceremony dahil ayaw siyang pakawalan ni Elijah. Talagang inuubos ni Elijah ang pasensya niya at pinipilit pa siyang mas maging masama dahil sa mga desisyon ninto.

"Hahahaha, nakita ko ang lahat ng nangyari kanina." Sagot ni Damian kaya muling napatingin si Elara sa kaniya, muling nagtama ang kanilang mga paningin at ito na naman ang pakiramdam niya kanina, hinihila siya papalapit kay Damian.

"Nakakatawa ka, tingin mo ganun-ganun ka na lang hahayaan ni Elijah na makawala sa kaniya? Lalo na't hindi niya pa rin nakukuha ang gusto niya sa'yo," kumento ni Damian na kinakunot ng noo ni Elara.

"Makuha ang alin? Omega lang ako at ano pang maibibigay ko sa kaniya bukod sa pagmamahal ko?" Tanong ni Elara na malapit na maging emotional dahil sa frustration na binibigay sa kaniya ni Elijah at Damian.

"Ang katawan mo, hindi ba't pure ka pa? Hindi ka pa namamarkahan ng kahit sino at hanggat hindi niya nakukuha ang katawan mo at hindi ka niya napag-sasawaan ay hindi ka niya papakawalan," paliwanag ni Damian, patuloy pa rin itong nakatitig sa mga berde mata ni Elara.

"Kilala ko si Elijah, kapatid ko siya at hindi siya naiiba kay Alpha Diego o kay Francis," dagdag pa ni Damian.

Alam ito ni Elara pero nagbubulagbulagan lang siya noon dahil sa mahal niya talaga si Elijah noon. Pero ngayon na alam niya na ang mga mangyayari ay malinaw na ang lahat sa kaniya.

Kung noon, si Damian ang hindi niya pinaniniwalaan, ngayon ay alam niyang totoo ang sinasabi ninto.

Naisip niya tuloy lahat ng panghuhusga na ginawa niya kay Damian noon, dahil lang sa black sheep ng pamilyang Reed si Damian ay hinusgahan niya na rin ito.

"Oh bakit? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" Nagtataka si Damian dahil nararamdaman niyang kumalma na si Elara at nakatingin sa kaniya nang malungkot na tila ba naawa sa kaniya.

"Sorry kung hinusgahan agad kita," sagot ni Elara na lalong nagpakunot sa noo ni Damian.

"Pinagsasabi mo?" Inis na tanong ni Damian dahil ayaw niyang kinaawaan siya, iniisip niya na si Elara pa ang maawa sa kaniya eh mas nakakaawa ang sigwasyon nito sa kaniya ngayon.

"Wala, gusto ko lang mag sorry. Bakit ba masama ba?" Inis na tanong ni Elara at hindi maiwasan matawa ni Damian dahil ang bilis magpalit ng mood ninto.

Parang kanina lang ay naawa si Elara sa kaniya tapos ngayon ay aawayin na naman siya ninto.

"Hahahaha!" Malakas na tumawa si Damian na kinagulat ni Elara, ngayon niya lang nakita si Damian na tumatawa ng ganito kalakas.

Ang matalas na mga mata ni Damian ay nakapikit at nakatawa, habang humahagalpak ng tawa si Damian ay hawak ang kaniyang tiyan.

"May sapak ka ba? Hahahah! Ang bilis mo magpalit ng mood," sagot ni Damian at habang nakangiti si Elara sa kaniya.

Napansin ni Damian ang malambing na ngiti ni Elara, dahilan para mahiya siya at tumigil sa kakatawa.

"Tsk, anong nginingiti-ngiti mo ngayon? Alam mo hindi ko na alam sa'yo," sagot ni Damian sabay hawak sa kaniyang batok at iwas ng tingin kay Elara. Hindi niya kasi maitago ang hiya tuwing nginingitian siya ni Elara, ito ang matagal niya nang kahinaan kaya naman madalas niyang awayin si Elara kaysa makita niya ang mga malalambing na ngiti ninto na nagpapahina sa kaniya.

Samantala ngayon lang nakita ni Elara ang ganitong side ni Damian, noon kasi ay nagdidilim na kaagad ang pangingin niya tuwing nakikita niyang papalapit sa kaniya ang lalaking ito, pero ngayon na nakausap niya ang Alpha ay medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam sa hindi niya malaman na dahilan.

Naisip niya tuloy ang payo sa kaniya ni Melody, kung tutuusin ay maaari silang maging magkakampi ni Damian dahil iisa lang ang kanilang kalaban, alam niya kung gano kagalit si Damian sa pamilyang Reed kaya maaari niya rin itong  gawing kakampi sa kaniyang mga plano.

"Alpha Damian." Tumingin si Damian kay Elara at nakita niya ang nagbabagang determinasyon sa mga mata ninto, determinasyon na ngayon niya lang nakita sa mahina at inosenteng si Elara.

"Gusto mo ba maging kakampi ko?" Tanong ni Elara habang iniintay na pagtawanan siya ni Damian sa proposal na kaniyang binigay. Imbes na rejection ang itanong niya kay Damian ay ito ang una niyang sinabi, dahil may parte sa kaniya na nais niyang bigyan ng tyansa ang koneksyon nilang dalawa.

"Anong makukuha kong kapalit bilang kakampi mo?" Tanong ni Damian sa seryosong tono ng kaniyang boses na hindi inaasahan ni Elara. Buong akala niya ay pagtatawanan na siya ni Damian o hindi kaya ay aasarin na naman siya ngunit hindi ito ang ginawa ng binata kundi maayos siyang sinagot nito at handa siyang tulungan.

"Kahit anong gusto mo, kahit ang katawan ko pa ay handa kong ibigay sa'yo, basta makaalis lang ako sa Forestheart pack at makaganti sa mga nagmaliit sa akin." Ito ang nais gawin ni Elara, at ang paghihiganti na iyon ay gagawin niya kahit na ano pang maging kapalit ninto, kahit na makipagkasundo pa siya sa mortal niyang kaaway ay gagawin niya.

"Hah, kahit na angkinin ko pa ang katawan mo ngayon?" Tanong ni Damian at sinusubukan lamang kung seryoso ba si Elara dahil kilala niya ito, alam niyang conservative si Elara at may prinsipyo sa buhay.

"Hindi ko maibibigay sa'yo ang katawan ko hanggat hindi ko nagagawa ang paghihiganti ko," seryosong sagot ni Elara habang humahakbang papalapit kay Damian. Mabilis niyang hinila ang color ng shirt ni Damian at hinila ito papalapit sa kaniyang mukha.

"Pero kaya kong patunayan sa'yo na seryoso ako sa contract," bulong ni Elara sa tenga ni Damian sabay halik sa labi ninto.

Nanlaki ang mga mata ni Damian nang lumapat ang malambot na labi ni Elara sa kaniya, ngunit nararamdaman niya kung gano kinakabahan si Elara dahil sa panginginig ng mga kamay ninto at sa mariin na pagpikit ng mga mata ninto sa harapan niya.

Napangiti siya at bumitaw sa halik, ngumiti siya kay Elara ng pilyo at pinat ang ulo ni Elara.

"Hahaha, next time kung hahalikan mo ko pwede galingan mo naman? Ramdam kong kinakabahan ka eh, isang kang omega, hindi isang rabbit na nasa harapan ng isang rabid wolf," sagot ni Damian saka naglakad papalayo kay Elara.

Naiwan speechless si Elara habang pinagmamasdan niya ang paglalakad palayo ni Damian, hindi niya maipaliwanag pero pakiramdam niya ay iniingatan siya ni Damian, ang sweet ng pakiramdam niya sa ginawang paghimas ni Damian sa ulo niya.

Napahawak si Elara sa kaniyang labi, alam niyang sobrang bilis lang ng halik na iyon at pinilit niya lang ang kaniyang sarili sa bagay na iyon pero hindi niya maipaliwanag kung bakit parang she wants more.

"Ganito pa ba ang pakiramdam ng makilala mo na ang fated mate mo?" Tanong ni Elara sa kaniyang sarili, ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at ang mainit niyang mga pisngi.

"Elara! Sorry ngayon lang kita na sundan—" Napahinto si Melody nang makita niya si Elara na nakatayo at tila nasa cloud nine. Amoy na amoy niya rin sa paligid ang amoy ng kaniyang Alpha.

"Elara? Anong nangyari?" Tanong ni Melody at doon lang nabalik sa kaniyang sarili si Elara matapos niyang marinig ang boses ni Melody sa tabi niya.

"Ah, wa-wala naman Mel," palusot ni Elara ngunit hindi niya maitago ang namumula niyang mga pisngi mula sa bestfriend niya.

"Hmmm... wala ba talaga?" Tanong ni Melody ngunit hindi na siya nang himasok pa dahil halata naman na ayaw ni Elara na sabihin sa kaniya ang mga nangyari dahil sa hiya.

"Tara na nga, marami akong ikukwento sa'yo dalian natin," sagot ni Melody at agad naman sumama sa kaniya si Elara na patuloy na naglalakbay ang isip dahil sa halik na nangyari sa kanila ni Damian.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

FATED ✔ By AyEmMaylin

General Fiction

2.7K 188 42
Ford Sibling's Series No. 3 From the moment Lyanna laid her eyes on Him, He seemed so familiar. It's as if they were sharing a very strong soul conne...
5.9K 1.7K 45
"Isa ka lamang perpektong kuwento na isinulat ko, hindi ko lubos aakalaing isasabuhay ka ng mga marka ng tinta ko." Paano nga ba kung ang mga imahina...
74.3K 2.5K 53
When Euti heard that the princess she's been serving , Princess Astriia is about to be forcefully married to the second prince of their neighboring...
75.5K 3.2K 27
Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with...