Revenge of a Rejected

Por FinnLoveVenn

42.8K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... Más

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 07

674 33 5
Por FinnLoveVenn

"Mom, super ganda at elegant ng nabili kong bag, right? Siguradong kaiinggitan na naman nila ako, lalo na ni Elara," pinakita ni Fiona ang black designer bag na nabili niya sa Lumire empire gamit ang pera ni Elara.

"Yes sweetie, bagay 'yan sa mga red dress mo. Gamitin mo sa gaganapin na dinner party sa pack house, sigurado akong pagtitinginan ka ng maraming he wolf, malay mo maagaw mo pa si Alpha Elijah sa kapatid mong si Elara," sagot ni Fernanda sa anak at pareho silang napangiti.

Nakakaramdam ng saya si Fiona tuwing may bagay siyang naaagaw sa stepsister niyang si Elara, iniisip niya pa lang na pati si Elijah makukuha niya ay talaga namang hindi niya maitago ang mga ngiti sa labi niya.

Si Elijah ang pinaka price possession na mayroon si Elara, walang katumbas na ano mang mamahaling gamit o damit ang kagwapuhan at estado ni Elijah sa paningin ni Fiona kaya matagal niya na itong hinahangaan at nais agawin sa step sister niya. Hindi niya lang magawa-gawa dahil nakabakod talaga si Elara sa nobyo nito.

"Tingin mo Mom magugustuhan ako ni Alpha Elijah? Malapit na ako maging 18 at magigising na rin ang wolf ko, sigurado ako na mas malakas ako kay Elara at mas deserving na maging Luna ng pack," sagot ni Fiona habang iniikot ang kaniyang hintuturo sa kaniyang blonde at kulot na buhok.

"Oo naman, nagmana ka sa akin kaya sigurado akong lahat ng gusto mo ay makukuha mo, gamitin mo lang ang maganda mong mukha at ang maganda mong katawan, sigurado ako na wala kang hindi makukuha sa mundong ito," sagot ni Fernanda habang nagmamaneho pauwi sa pack house.

Puno ng mga designer bag, dress at shoes ang likod ng sasakyan nila, lahat iyon ay binili nila gamit ang bank account ni Elara na matagal ng pinag-iipunan ni Calisto. Walang kaalam-alam si Calisto na nakuha na ni Fernanda ang account ng kaniyang anak kahit na ginagamit na rin ng mga ito ang sarili niyang pera.

Madalas wala si Calisto sa bahay nila kaya naman nagagawa lahat ni Fernanda ang gustuhin nilang dalawa ni Fiona, nabibili niya ang lahat ng gusto niya at sinusuot lamang ito kapag wala si Calisto upang itago ang mga luho nilang mag ina.

Pinakikisamahan din niya ng maayos si Elara para madali niya itong mauto, alam niya kasi na kapag nakagawa sila ng mali at sinumbong ito ni Elara ay paniniwalaan pa rin ni Calisto ang tunay niyang anak. Kaya naman matagal ng balak ni Fernanda na alisin ang natatangging hadlang sa mga plano niya.

Pinark ni Fernanda ang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay bitbit-bitbit ang sang katutak na shopping bags, agad niya itong inilagay sa sala at dumaretsyo sa kusina para uminum ng tubig.

"Elara? Sweetie! Nakauwi na kami!" Sigaw niya sa taas ng hagdan at iniisip na baka nakahiga na naman sa kama si Elara dahil sa sakit ninto. Pero pabor ito kay Fernanda, mas gusto niyang hindi makita ang pagmumukha ng step daughter niya.

Kaso agad nawala ang ngiti niya nang makita niyang bumababa ng hagdan si Elara, nakapustura ito at napakaganda, naiirita siya tuwing makikita ang mahaba at itim na buhok ni Elara na bumabagay sa kakaibang kulay berde niyang mga mata— mga matang minana ni Elara kay Emely.

"Welcome back Mom!" Sagot ni Elara sa kaniya at bumeso katulad ng parati niyang ginagawa noon, umakto si Elara na walang kaalam-alam at patuloy na ginagawa ang pagiging inosente niya sa harap ng kaniyang madrasta.

"Oh, buti naman at okay kana? Kamusta ka habang wala kami?" Tanong ni Fernanda at lumapit naman si Elara sa stepsister niyang si Fiona na nasa sala at abala sa pagtitingin ng mga pinang shopping niya.

"Okay naman po, sinamahan ako ni Elijah buong araw habang wala kayo," masayang sagot ni Elara kahit na hindi ito totoo, nagsinungaling siya para makita ang iritableng mukha ni Fiona sabay kuha ng isang shopping bag na pinagtaka ng dalawa.

"Wow, para sa akin ba 'to? Hindi niyo naman kailangan na mag abala kahit na iniwan niyo lang ako sa bahay ay hindi niyo naman kailangan bilhan pa ako ng regalo, pero thank you mom, thank you sis! Nagustuhan ko ng sobra ang bag na 'to, sasabihin ko kay Papa na niregaluhan niyo ako at hindi niyo ako nakalimutan," masayang sagot ni Elara habang hawak ang black designer bag na gusto ni Fiona.

"Ah— sweetie?" Hindi alam ni Fernanda at Fiona kung pano ipapaliwanag kay Elara na binili nila ang lahat ng iyon para sa kanilang sarili.

"Ang ganda rin ng ibang designer bag na binili niyo, magkano ang mga iyan?" Tanong ni Elara habang pikon na pikon si Fiona dahil ayaw na bitawna pa ni Elara ang bag na gusto niya.

"Ah, mu-mura lang ang mga 'yan, second class design lang saka 'yung ilan imitation lang hahaha," palusot ni Fernanda dahil ayaw niyang sabihin ni Elara kay Calisto na bumibili sila ng mga mamahaling bag kaysa pagtuunan ang mas kailangan nilang paggamitan ng pera.

Nagtataka naman si Fiona kung bakit namamakialam si Elara sa mga gamit nila, samantalang noon naman ay wala itong pakialam at tahimik lang na pinapanood sila sa pagbubukas ng mga shopping bags. Naiirita siya at nais kunin ang designer bag na binili niya pero natatakot siya na baka mahuli sila ni Calisto kapag nakwento ito ni Elara.

"Bakit hindi kayo bumili ng original na bag? Okay lang naman sa'kin kahit gamitin niyo ang bank account ko." Muli, inosenteng binitawan ni Elara ang mga salitang iyon at umakto na walang pakialam habang ang mag ina naman ay namamawis na dahil hindi nila alam na alam ni Elara ang ginagawa nilang scheme sa likod niya.

Agad na nahalata ni Elara na tama ang hula niya, wala siyang alam na bank account niya nga ang gamit ng mga ito pambili sa mga luho nila. Pero dahil sa reaction na binibigay nila ay na kumpira niya na ginagamit nga ng mga ito ang pera niya na tinabi pa ng kaniyang tunay na ina at ni Calisto.

"Ahahaha, hi-hindi pwede 'yun Elara, pera 'yun na pinamana sa'yo ng late mother mo at iniipun din ni Calisto. Hawak ko lang ang bank account mo pero hindi ko magagawang galawin ang pera na 'yun," umaktong nag aalinlangan at nahihiya si Fernanda, hindi talaga ito nagpapatalo sa pagiging best actress.

"Alam ko naman Mom, alam ko rin na sinasave 'yun ni Dad incase na may mangyari sa akin. Pero if kailangan mo ng pera ay pwede ka naman humiram sa akin," sagot ni Elara at nilahad ang kamay niya sa harap ni Fernanda, umaakto na may hinihingi rito na pinagtaka naman ni Fernanda.

"A-ano 'yun?" Kumunot ang noo ni Fernanda habang pinananatili ang pekeng ngiti sa kaniyang labi.

"Yung card ko, ako na po magtatago and maghuhulog na rin kasi ako for my own savings," sagot ni Elara at napahawak si Fernanda sa sling bag niya.

"Ah, wa-wala sa'kin ngayon. Nasa kwarto, mamaya kukunin ko at ibibigay ko sa'yo," sagot ni Fernanda at tumango naman si Elara sabay ngiti at taas ng shopping bag para makita ni Fiona ang designer bag na inagaw niya.

"Thank you ulit sa gift, iingatan ko 'to promise," Pang-aasar ni Elara at umakyat na ulit sa kaniyang kwarto, habang naglalakad paakyat ng hagdan ay narinig niyang nagdabog si Fiona sa kanilang sala na lalo niyang kinatuwa.

Hindi niya akalain na ganito lang kadali na asarin si Fiona, kung marunong lang siyang lumaban noon ay hindi niya mararanasan ang pagmamaliit ng mga ito sa kaniya.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad niya sinara ang pinto at binato ang shopping bag sa kaniyang kama, muli niya nakita kung gano kaganda ang bag na nakuha niya.

"Imitation at second class bag ba kamo? Tsk, tingin ko ay nagkakahalaga na ito ng buong sahod ni Dad sa isang buwan bilang gamma. Kapal naman ng mukha nilang gastusin ang perang pinaghirapan ng tatay ko at ang perang iniwan sa akin ni Mama." Lalong kumulo ang dugo ni Elara nang maisip ang mga bagay na iyon, siguro ay marami pang tinatago na baho si Fernanda at Fiona na hindi niya pa nalalaman, at ano na lang ang mangyayari sa kaniyang ama kung tuluyan na siyang namatay at nawala sa landas ng mga bruha na iyon.

Umupo si Elara sa study table niya at sinulat ang mga sunod na plano niya, una na rito ay ang makuha ang savings account niya at ang credit card ni Calisto. Noong wala pa si Fernanda ay siya ang pinaghahawak ni Calisto ng credit card nito at lahat ng finance nila sa bahay, pero dahil sakitin siya at hindi niya magawang intindihin ang mga kailangan sa loob ng bahay ay si Fernanda na ang nagboluntaryo na hawakan ang finance nila.

Malaki ang tiwala niya kay Fernanda noon at tinuturing itong pangalawang ina niya pero ngayon na alam niya na ang tunay na kulay ninto ay hindi niya na hahayaan na muli silang paikutin ni Fernanda sa kaniyang mga palad.

"Ikaw na rin mismo ang nagsabi Fernanda, na huwag ako magtitiwala muli sa kahit kanino," bulong ni Elara at sinara na ang notebook niya saka ito tinago sa kaniyang gamit, patayo na nasa siya sa kaniyang upuan nang may kumatok sa pinto sabay silip ni Fiona.

Nakita niyang agad na lumanding ang tingin ninto sa bag na nasa ibabaw ng kama niya pero agad din itong lumapit sa kaniya at masaya siyang niyakap. "Hi sis! May pasalubong pa ako sa'yo," masayang sabi ni Fiona habang si Elara naman ay pilit na tinatago ang pagkaasiwa niya sa kapatid.

"Binilhan kita ng dark chocolate, alam kong paborito mo 'to." Inabot ni Fiona ang box ng chocolate at halatang cheap ito at hindi man lang binigyan ng second thought kung magugustuhan ba ni Elara o hindi.

"Wow, thank you sis. Mahal na mahal mo talaga ako," plastik na tugon ni Elara at tinabi ang chocolate sa table niya. "Hindi mo ba titikman?" Tanong ni Fiona habang nakangiti nang malambing sa harap ni Elara, pero masama ang kutob niya sa chocolate na 'to. Natatandaan niya noon ay nagkaroon siya nang matinding stomach ache dahil sa uwing chocolate nila Fiona galing sa vacation, kung tama ang pagkakatanda niya ay ito ang chocolate na iyon.

"Gusto ko, pero mamaya ko na kakainin," ngumiti rin si Elara at nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Fiona sa kaniya na mabilis din nitong inalis sa mukha niya.

"Okay, pero nainum mo na ba ang gamot mo? Nakalimutan kong sabihin na pinapabigay ni Dad 'yung bagong brand ng gamot mo, mas effective daw 'to unlike sa isa mong gamot. Binili namin ni Mom on our way home," sagot ni Fiona at inabot kay Elara ang bagong drugs na hula ni Elara ay ang lason na pinapainum nila sa kaniya.

"Okay, inumin ko bukas, kakainum ko lang nung isa eh." Inalis ni Elara ang braso ni Fiona na nakayakap sa balikat niya at tumayo na, kinuha niya ang chocolates at naglagay ng lipstick habang nakaharap sa vanity mirror sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Fiona kahit alam niya naman na kay Elijah lang pupunta ang kapatid niya, wala naman itong ibang kaclose sa loob ng pack nila at madalas din nakakulong sa kwarto dahil sa sakit niya kaya alam niyang ang boyfriend lang nito ang pupuntahan ni Elara.

"Secret," sagot ni Elara na lalong nagpalaki ng curiosity ni Fiona, napansin niya na may kakaiba sa kinikilos ni Elara at hindi 'to nakakatuwa, kanina niya pa nais hilahin ang buhok nito sa inis.

"Hahaha secret? Eh, si Alpha Elijah lang naman ang mapupuntahan mo sa pack na'tin," nakaismid na sagot ni Fiona habang nakacross arm. Nais niyang mapahiya si Elara dahil kanina pa siya pinipikon ninto.

"Hindi ka sure, maraming bisita ngayon ang Forestheart pack dahil bukas na ang family gathering remember? May mga bisita tayo galing sa iba't ibang pack na may connection sa mga Reed," paliwanag ni Elara. Pansin niyang hindi na maitago ni Fiona ang pagkairita sa mukha ninto kaya mas nais niya pang asarin si Fiona, nais niya pang gumanti sa kahit anong paraan na magagawa niya.

"Ay wait, nakalimutan ko itago 'yung bag na regalo niyo sa akin," sagot ni Elara at kinuha 'yung designer bag at itinago ito sa cabinet niya sabay lock at tago ng susi sa bulsa niya.

"Alis na ko, sabihin mo kay Mom babalik ako before dinner," sagot ni Elara at naglakad na palabas ng pinto dala-dala ang chocolate na nilagyan ng drugs ni Fiona.

Nakangiting lumabas ng bahay si Elara at sobrang saya ng pakiramdam niya, hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam ng makaganti kahit sa maliit na bagay, kahit petty man kung titignan ay masaya na siyang makita ang iritableng mukha ni Fiona at ni Fernanda.

Agad siyang nagpunta sa office ni Elijah, nakita niyang hindi ito at nagtatrabaho. Nakaupo lang habang nag scroll sa kaniyang cellphone, halatang naghahanap ng sexy na picture ng mga babae sa social media.

"Hi babe," tawag atensyon ni Elara kasi hindi nito naramdaman ang presensya niya dahil sa wolfless siya.

"Elara?!" Napatayo si Elijah at agad na tinago ang phone siya bulsa niya, halatang may malaswa itong pinapanood sa phone niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Elijah at hindi niya maiwasan na mabighani sa ganda ng nobya. Nakalugay ang straight at mahabang itim na buhok ni Elara na umaabot sa kaniyang bewang, nakasuot ng puting off shoulder fitted blouse at denim flare pants na humuhulma sa maganda niyang balakang at payat na binti.

"Gusto ko lang ibigay sa'yo 'to, pinabibigay ni Fiona. Pasalubong nila galing sa Lumire Empire," sagot ni Elara, malambing siyang ngumiti sa nobyo at humakbang papalapit. Hindi maipaliwanag ni Elijah pero iba ang aura ni Elara ngayon, para siyang inaakit nito kahit na wala naman ibang ginagawa si Elara kung hindi ang ngitian siya.

"Tikman mo, sabi ni Fiona ay magugustuhan mo raw ang chocolate na 'yan." Hindi mawala ang ngiti ni Elara habang iniisip kung gano masisira ang araw ni Elijah kapag kinain niya na ang chocolate na iyon.

TO BE CONTINUED

AN: Hi! If gusto niyo mabasa na ang iba pang chapter na 'to, pwede niyo siyang mabasa sa Novellair and NovelOasis app but naka english translation siya. Will update 2 chapters per day para makahabol sa kayo sa lated chapter.

Please do comment and votes, bigyan niyo rin ako ng feedback about sa story and help me to write this story even better. 

Thank you! God bless!

Seguir leyendo

También te gustarán

137K 4.9K 52
HOURGLASS SERIES #1 If you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life...
4.7K 517 45
May mga bagay na hindi natin kaylan man inisip na mangyayare. Hindi natin namalayan na isang pikit lang natin iba na pala. Pano kung ang isang bagay...
75.5K 3.2K 27
Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with...
26.4K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...