Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

43.2K 2.1K 221

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 69
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86

CHAPTER: 05

720 30 2
By FinnLoveVenn

Hindi inaasahan ni Elara na darating ang araw na pandidirihan niya at kasusuklaman si Elijah— ang lalaking nagpapatibok ng puso niya, ang lalaking itinuring niyang mundo at buhay niya.

"May nagawa ba akong mali?" Nasaktan si Elijah sa reaction na binigay ng nobya sa kaniya, first time niyang maramdaman ang rejection mula kay Elara.

Noon kahit na wala siyang gawin ay masaya na si Elara sa piling niya, hindi man siya mag effort o bigyan niya man lang ng simpleng regalo ang nobya ay masaya na ito.

Pero ngayon ay para bang nandidiri sa kaniya si Elara, ramdam niya ang paglayo nito sa kaniya at miske ang wolf niyang si Dexter ay nararamdaman ang paglayo ng loob ni Elara sa kanilang dalawa.

'Anong ginawa mo? Bakit galit sa atin si Elara? Alam niya na ba na nakita na natin ang fated mate natin?' Tanong ni Dexter sa pamamagitan ng mindlink nilang dalawa ni Elijah. 'Wala akong ginawang ikakainis niya, siya pa rin naman ang pipiliin ko kahit nakita ko na ang fated mate ko.' sagot naman ni Elijah pero ramdam ni Dexter na nagsisinungaling na lang sa kaniyang sarili si Elijah.

Nung tumuntong si Elijah sa edad na bente ay nakilala niya si Fiona, hindi niya akalain na ang magiging fated mate niya ay ang step sister ni Elara na chosen mate niya. Alam niya na hindi pa alam ni Fiona na silang dalawa ang fated sa isa't isa dahil hindi pa sumasapit ang 18th birthday nito na gaganapin tatlong buwan simula ngayon.

"Elara, hindi ko alam kung anong nagawa ko pero sorry. Gusto kitang makita ngayon, ilang araw ka na rin may sakit kaya nais kitang dalawin," paliwanag ni Elijah, muli niyang inabot ang kamay ni Elara at hinimas ito. "Magaling ka na ba? Mukhang maayos na ang pakiramdam mo, gusto mo bang pumunta sa glass garden ng pack house?" Panay ang suyo ni Elijah kay Elara pero hindi magawa ni Elara na tignan sa mga mata niya si Elijah.

Puno pa rin siya ng pagtatanong, hindi niya na kumpirma ang totoong dahilan bakit siya iniwan ni Elijah o bakit siya nagawang lokohin ng lalaking ito na mukhang inosente at napakabait sa harap niya. Nais niyang magtanong sa Elijah na nasa haraparan niya ngayon, pero alam ni Elara na hindi kayang sagutin ni Elijah ang mga tanong na ito dahil hindi siya ang Elijah na kilala niya sa hinaharap.

"Wala kang nagawang mali. Pasensya na pero wala ako sa mood para lumabas ngayon, masama pa ang pakiramdam ko kaya kung maaari ay iwan mo na lang muna ako at kailangan ko pa magpahinga," pinilit ni Elara na ngumiti at bigyan ng assurance si Elijah para lubayan na siya nito dahil hindi niya kaya pang magtagal ng isang minuto na kasama niya si Elijah.

"Ganoon ba? Ikaw lang ba mag isa rito? Aalis pa mamaya si Calisto dahil may mission akong binigay sa kaniya para pumunta sa border, sure ka bang kaya mo mag isa? Nasaan sina Fiona?" Tanong ni Elijah at tumingin sa ibang parte ng bahay, hindi niya maiwasan na hanapin si Fiona dahil naamoy niya ang naiwan na amoy ng dalaga na medyo nagpapabaliw sa kaniya.

Hindi maitatanggi ni Elijah na kakaiba ang epekto sa kaniya ni Fiona, iba pa rin talaga kapag fated mate mo na ang iyong nakilala. Mas magiging malakas kayong dalawa dahil sa bond at blessing na binigay ng moon goddess, isang bagay na kailangan niya bilang Alpha at hindi maibibigay sa kanila ni Elara.

"Nasa bakasyon pa sila, uuwi sila ngayon weekends," sagot na lamang ni Elara. Ngayon alam niya na ang totoo ay unti-unti niya nang napapansin ang kinikilos ni Elijah, kung noon ay patay malisya siya sa mga hint at iba pang kilos ni Elijah kapag kasama nila si Fiona, ngayon ay malinaw na sa kaniya kung anong dahilan nito.

"Bakit, may kailangan ka ba sa sister ko?" Tanong ni Elara, hinuhuli niya si Elijah sa ibibigay na sagot ninto.

"Ah wala naman, iniisip ko lang na baka wala kang kasama sa bahay. Gusto mo bang samahan at alagaan kita habang wala sila?" Tanong ni Elijah. Ngumiti si Elijah at akmang yayakap sa bewang ng nobya pero agad na umalis sa tabi niya si Elara at inilagay ang pinagkainan niya sa lababo.

"Huwag na, isa kang Alpha at marami kang responsibilidad na kailangan unahin, hindi ba?" Sarkastikong sagot ni Elara habang nakangiti nang malambing. Ito ang madalas ipalusot ni Elijah sa kaniya tuwing nangangailangan siya ng oras para sa kanilang dalawa, ngayon ay ibabalik niya lamang ito sa nobyo.

"Pero pwede naman akong gumawa ng oras para sa nobya ko," pilyong sabi ni Elijah pero hindi na ito uubra pa kay Elara. Alam ni Elara na nais lang siyang matikman ni Elijah, dahil pure pa siya at wala pang sinong he wolf ang nakakahawak sa katawan niya.

At totoo iyon, kaya hindi mabitaw-bitawan ni Elijah si Elara ay dahil alam niyang wife material si Elara. Nais niyang pakasalanan ang isang babaeng inosente at mag aalaga sa kaniya. Pero hindi niya maitatanggi na nais niya rin tikman ang katulad ni Fiona na may thrill at papasayahin siya sa kama.

Kung hindi lang isang omega si Elara ay wala siyang problema na maging chosen mate ito, hindi siya magkakaroon ng mahinang mate, magkakaroon siya ng malakas na Luna na makakasama niya sa pagpapatakbo ng Forestheart pack at magbibigay sa kaniya ng malalakas na pup.

Pero sakitin si Elara, madalas itong nakakulong sa kwarto niya dahil sa kakaibang sakit ninto. Masyado ring conservative si Elara na he finds it boring, gusto niya ng pilyang babae na babaliwin siya at papasayahin siya sa kama.

Hindi rin pasado si Elara sa kaniyang ina, mama's boy si Elijah at gusto niyang magkasundo si Elara at ang kaniyang ina pero dahil nga sa mahinang klase ng she wolf si Elara ay naging dahilan ito para lalong mag disagree ang kaniyang mga magulang na gawin niyang chosen mate si Elara.

Hindi lang talaga mabitaw-bitawan ni Elijah si Elara, tunay na mahal niya ang dalaga at nais niyang matikman ito. Gusto ni Elijah na siya lamang ang aangkin sa pure at inosenteng si Elara.

"Elara, Alpha Elijah," napalingon ang dalawa nang makita si Calisto na nakabihis na at may dalang isang travel bag. Nakahanda na ito sa kaniyang pag-alis na kinalungkot ng kaniyang anak.

Alam ni Elara na kapag umalis ang kaniyang ama ay matatagalan pa ito sa kaniyang pag-uwi, pag nangyari iyon ay wala na naman siyang kakampi sa bahay at paniguradong pagtutulungan ng kaniyang step mom at step sister.

"Kailangan mo ba talagang umalis Dad?" Humawak si Elara sa braso ng kaniyang ama at ayaw itong paalisin, hindi niya kakayanin na tumira sa bahay na ito kasama ang dalawang ahas na pumatay sa kaniya.

"Hindi ba pwedeng ibang gamma na lamang ang ipadala mo sa border, Alpha Elijah?" Sinubukan ni Elara na magmukhang kawawa sa harap ng nobyo pero si Calisto mismo ang may kagustuhan na umalis at maghanap ng sagot sa sakit ni Elara.

"Sweetheart, kailangan kong gawin ang gampanin ko bilang gamma ng Forestheart pack at bilang ama mo. Trabaho ko ito at kailangan ko rin hanapan ng solusyon 'yang sakit na nagpapahirap sa'yo, kaya dito ka muna sa bahay at uuwi na rin naman sina Fernanda at Fiona, ibinilin na muna kita kay Melody habang wala ako at hindi pa nakakauwi ang Mom at sister mo," paliwanag ni Calisto sa kaniyang anak kahit naninibago sa pagpigil sa kaniya ni Elara sa kaniyang pag-alis.

Ngayon lang siya pinigilan ni Elara sa kaniyang misyon, noon ay halata sa mukha ng kaniyang anak na ayaw siya nito paalisin ngunit hindi ito nagsasalita o pumipigil sa kaniyang pag-alis, kaya nagtataka siya sa mga kinikilos nito ngayon araw, na nagsimula sa masamang gising nito kanina.

"Pasensya na Elara, ang ama mo lang ang may kakayahan na hanapin ang mga rogue sa ngayon dahil may iba pang trabaho ang ilan sa mga gamma ko, wala pa sa pack house si kuya at hindi naman maasahan ang magaling kong kapatid na si Damian sa trabaho na 'to," reklamo ni Elijah na halatang naiinis sa bunso niyang kapatid na si Damian.

Muli tuloy naalala ni Elara si Damian at ang pag amin nito sa kaniya na siya ang fated mate niya, na sila ang para sa isa't isa na biyaya galing sa moon goddess. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Elara sa balita na yun.

"Babalik kaagad ako, tatawag din ako sa'yo tuwing may pagkakataon kaya huwag ka na malungkot anak ko," sagot ni Calisto at wala nang nagawa pa si Elara kung hindi tumango at magpaalam sa kaniyang ama.

Si Calisto na lamang ang natitirang kakampi ni Elara at ngayon ay umalis pa ito sa tabi niya, hindi niya alam pano niya haharapin ang mga problema na kakaharapin niya lalo na kapag bumalik na ang step mom at step sister niya.

Nakatayo si Elara sa harap ng pinto habang tinitignan ang pagaalis ng sasakyan ni Calisto, inakbayan siya ni Elijah at bumulong sa kaniyang tenga, "tayong dalawa na lang dito sa bahay, anog gusto mong gawin?" Gamit ang malamig ngunit husky at malalim na boses niya ay sineduce niya si Elara. Gusto na talaga makapuntos ni Elijah kay Elara at tandang tanda ni Elara ang mga panahon na 'to na madalas siyang ipressure ni Elijah na may mangyari sa kanila.

Bumalik tuloy sa kaniyang alaala ang madalas na pamimilit ni Elijah tuwing sila lamang dalawa, kahit gusto niya pang isave ang kaniyang sarili at katawan para sa kasal ay napilit pa rin siya ni Elijah na gawin ang bagay na iyon na nagdulot sa kanilang anak, na hindi naman nais panindigan ni Elijah.

"Gusto kong magpahinga, pwede ba umuwi kana?" Hindi na maitago ni Elara ang pandidiri at inis niya kay Elijah lalo na ngayon na napagtatanto niya kung gano siya katanga para mahulog sa lalaking dinaig pa ang basura.

Ngayon alam niya nang pinaikot lang siya ni Elijah at nais siyang manipulahin na itago ang kanilang anak dahil sa hindi talaga para mailayo sila sa ano mang kapahamakan, kundi dahil sa hindi pa nito kaya ang responsibilidad bilang maging ama at si Fiona talaga ang pinili niya bilang Luna.

"Tsk, alam mo kanina mo pa sinasagad ang pasensya ko," galit na sagot ni Elijah pero hindi siya pinansin ni Elara at naglakad papasok ng bahay ngunit mabilis na hinila ni Elijah ang braso ni Elara dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at muntikan na bumagsak sa simento, buti na lang at nabalanse niya pa ang kaniyang sarili bago mangyari ito.

"Tinalikuran mo ba ako? Ako na Alpha mo?" Humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa wirst ni Elara dahil para mapaimpit ito sa sakit.

"Ano ba Elijah, nasasaktan ako! Bitawan mo ko!" Reklamo ni Elara ngunit umiling si Elijah at lumapit sa kaniya, hinawakan ni Elijah ang mukha ni Elara at hinarap ito sa kaniya.

"Oo nobyo mo ako, pero parang nakakalimutan mong Alpha mo rin ako." May halong pagbabanta at autoridad ang boses ni Elijah, kanina pa inuubos ni Elara ang pasensya niya. Pinapakitaan niya ng maganda si Elara dahil madaling utuin ang nobya at mabait ito parati sa kaniya, hindi ito sumasagot at sunod-sunuran niya, pero ngayon ay napundi na siya sa pinapakita ni Elara.

"Gusto ko ng pakipot na babae, iyong hard to get. Pero Elara, alamin mo muna ang posisyon mo bago mo ko pahirapan ng ganito, omega ka lang at Alpha mo ako." Ang mga gintong mata ni Elijah ay matalas na nakatingin sa mga mata ni Elara at ramdam ni Elara ang galit at inis mula sa mga matang iyon.

Ngayon niya lang nakita ang side na ito ni Elijah, sa apat na taon na magkasama silang dalawa ay ngayon lang siya trinato ng ganito ng nobyo at mukhang ito talaga ang tunay na ugali nito na hindi niya pa nakikita.

"Tsk, nawalan na ako ng gana." Binitawan ni Elijah ang mukha ni Elara at tinalikuran ito sabay lakad papalayo. Halos manginig ang tuhod ni Elara dahil sa panlalambot, hindi dahil sa takot kundi dahil sa lungkot.

Masyado pang sariwa ang lahat para sa kaniya, para siyang sinampal ng katotohanan na ang lalaking minahal niya ay isa lamang ilusyon at panaginip niya. Ngayon ay natauhan na siya, nais niya man sumigaw at lumaban ay hindi niya pa magawa dahil sariwa pa lahat ng sakit at sugat na dinulot ng panloloko ni Elijah sa kaniya.

Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa, lahat ng mga pangako at mga matatamis na salita galing kay ELijah ay unti-unting nawala. Gumuho ang mundo ni Elara na binuo niya kasama ang apat na taong nobyo na pinakamamahal niya.

Ito na rin ang huling araw na aasa at maniniwala siya kay Elijah, dahil simula ngayon ay natauhan na siya at alam na kung sino talaga ang kalaban niya.

Muli siyang napahawak sa kaniyang tiyan, iniisip na mabuti pa ngang kinuha na ng moon goddess ang anak nila ni Elijah kaysa mabuhay ito ng walang ama at maghirap dahil nanalaytay ang dugo ng mga Reed sa kaniya.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

75.5K 3.2K 27
Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with...
33.7K 1.6K 46
A girl with no emotion written her face and eyes. Dahil sa likod may mga nakakatagong nakikilabot na nakaraan. That why she change a lot not until sh...
2.3K 155 39
Drifted Series #1 If you were given a chance to drift through time, for what reason will you use it? A famous actress named Aglaea, famously known as...
17.3M 764K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...