Invisible

By michiimichie

13.1K 308 49

what if tanungin ka ng pinakamamahal mo na ganito, "Pwede bang si *insert name ng ibang girl* ka na lang? Can... More

Invisible
INVISIBLE 1: (ALEX)
INVISIBLE 2: (ALEX)
INVISIBLE 3: (ALEX)
INVISIBLE 4: (AINA)
INVISIBLE 5: (AINA)
INVISIBLE 6: (AINA)
INVISIBLE 7: (ALEX)
INVISIBLE 8: (AINA)
INVISIBLE 9: AINA
Invisible 10: AINA
Invisible 11: LEO
Invisible 12: AINA
Invisible 13: ALEX
Invisible 14: ALEX
Invisible 15: ALEX
Invisible 16: AINA
Invisible 17: AINA
Invisible 18: ALEX
Invisible 20: AINA
Invisible 21: AINA
Invisible 22: AINA
Invisible 23: AINA
Invisible: Epilogue

Invisible 19: AINA

236 6 0
By michiimichie

"Good mor—" Hindi ko na naituloy ang pagbati ko kay Alex nang hilahin niya ako. "Why?" nagtataka kong tanong.

"Bilisan natin," walang lingon-likod na sagot niya lang.

"Aina!"

Napalingon ako kay Angel na nasa kwarto pa namin at kumakaway sa akin na parang pinapabalik ako sa room. "Wait lang, Alex." Tinanggal ko ang nakahawak na kamay ni Alex. Nagtataka ako sa pagmamadali niya.

"Sige. Mauna na ako sa dining area, okay? Naaksidente kasi si Son. I need to see her if she's okay," nag-aalala niyang sabi. Hindi mapakali ang mata at panay ang hawak niya sa sarili niyang kamay.

May kumirot sa dibdib ko pagkarinig ko pa lang ng pangalan pero ngumiti lang ako, as usual, at tumango. "Sige."

Tumalikod na siya at nagmamadaling naglakad. Hindi man lang nag-abalang lumingon sa akin.

Napahinga na lang ako nang malalim at mahinang sinuntok-suntok ang dibdib ko para mawala kahit papaano ang pakirot. Hindi na talaga magbabago. Si Son at si Son pa rin talaga. Kahit ano'ng gawin ko ay si Son pa rin. Dapat maawa ako kay Son o makaramdam ng simpatya dahil naaksidente siya pero hindi ko iyon maramdaman, ni ang magulat ay hindi.

"Si Alex?" takang tanong ni Angel habang inaayos ang strap ng dress na suot niya.

"Nauna na. Naaksidente raw si Son kaya nagmamadali siya."

Tiningnan ako nang matiim ni Angel na parang sinusuri.

"Why?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ka nagseselos?" nagtataka niyang tanong at naglakad kaya napasunod na lang ako.

Ngumiti ako nang malungkot. "Nagseselos," amin ko.

Tiningnan ako nang nakangiwi ni Angel. "Hindi halata."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Sanayan lang 'yan. Hindi ko nga alam kung selos pa ba itong nararamdaman ko. Lagi ko na lang kasing nararamdaman kaya parang parte na ito ng buhay ko sa araw-araw."

Tumigil sa paglalakad si Angel at humarap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh?"

"Bawal sa 'yo ang makaramdam ng sobrang kasiyahan at lungkot. Bawal sa 'yo ang sobrang selos. Wala kang nararamdaman ngayong masakit sa dibdib mo?"

Napahinga ako nang malalim at mahinang pinalo-palo ang dibdib ko. Ang galing ko na ring magkunwaring okay kahit literal na naninikip na ang dibdib ko. "Masakit. Naninikip ang dibdib ko pero dahil madalas kong maranasan ay parang part na siya ng pagkatao ko."

Kung malalaman ng iba ang nararamdaman ko ay paniguradong kakawaan nila ako. Kahit sarili ko ay kinakaawaan ko na. How can I let go of myself to him? Gusto ko na na ayaw ko pa.

Bakit ang tanga ko? Gusto ko na lang matawa sa pinaggagagawa ko sa buhay ko.

--

Nang makarating kami sa dining area ay nakita ko si Alex na nakayakap kay Son. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng short ko. Isipin mo Aina, na nag-aalala lang si Son, na magkaibigan lang sila at natural lang na mag-alala, natural lang na yumakap nang mahigpit.

Damn! Masakit kahit pa ano'ng dahilan ang sabihin ko sa sarili ko.

"Okay ka na nga. Nagbibiro ka na e," nakangiting sabi ni Alex, nakahinga nang maluwag at t-in-ap ang likod ni Son.

Alex, kailangan ko rin ng pag-aalala mo. Hindi mo ba nakikita ang kirot sa pekeng ngiti ko? Hindi mo ba nakikita ang luhang nangingilid sa mga mata ko na pilit kong pinipigilang tumulo?

Naiilang naman na napangiwi si Son dahil na rin sa tagal nang pagkakayakap sa kanya ni Alex. "Ang lalim kasi ng pool! Gusto akong kainin ng buhay. Si Brayden na lang sana nilunod niya, hindi rin naman siya marunong maglangoy eh."

Nagtawanan ang grupo maliban sa amin ni Angel na matamang nakatingin sa kanilang magkayakap. Naramdaman kong hinawakan ako ni Angel sa braso at pinisil iyon. "Okay ka pa?"

I mouthed, "Yes." Again, I lied.

Kumalas nang pagkakayakap si Alex kay Son at parang bata ang huling pinatungan ng kamay sa ulo ng nauna.

Again. I took a deep breath to ease the pain in my chest.

"Bray, niloloko ka ni Son oh!" Malakas na sabi ni Landon at humarap kay Brayden.

"Joke lang naman, Bray. Peace," parang batang nag-peace sign si Son kay Brayden.

Sinimangutan ni Brayden ito. "Kung hindi ka lang galing sa pagkalalunod. Kanina pa kita inasar."

"Upo na tayo. Tapos na ang show," mahina na may pagka-sarcastic na bulong sa akin ni Angel.

Dumaan kami likuran ni Son kaya napalingon ito sa amin. "Good morning, Aina, Angel." She smiled genuinely as if nothing happened to her, as if we're close friend.

"Morning," maikli kong bati at binigyan siya ng tipid na ngiti. Si Angel ay iniwasan lang ito.

Nagsimula nang kumain. And for the hundredth time ay nainggit na naman ako kay Son. Buong atensyon kasi ay nasa kanya. Para siyang prinsesa na pinagsisilbihan ng mga tao sa paligid, kasama na si Alex doon na parang any moment ay may mangyayaring masama sa taong mahal nito, kay Son. Si Drew na nga lang ang nag-aasikaso sa akin.

"Dami namang alalay ni Princess Allison, prinsesang-prisesa," mapanuksong sabi ni Brayden. Tumingin siya kay Landon sa tabi niya. "Boyfriend, ako rin, gaya ka sa kanila."

"Ay naku, boyfriend! Palunod ka muna at bibigyan kita ng special treatment!" sagot naman ni Landon at hindi ko maiwasang mapangiti sa biruan nila. Yeah. Nagagawa ko pang ngumiti kahit naninikip na ang dibdib ko.

"Ang sweet niyo talaga!" sabi ni Ikey. "Makapag-girlfriend na nga bukas."

"Bukas pa? Bakit hindi na lang ngayon? Dami sa beach," suggest naman ni Drew at binigyan ako ng juice. "Here. Hangga't wala pa ang girlfriend ko ay ikaw muna ang aasikasuhin mo. Pagpasensyahan mo na lang si Alex. Nag-aalala lang talaga siya kay Son. Alam mo na..."

"Yea. I know. Thank you, Drew," mahina ko ring sabi at binigyan siya ng ngiti.

"Kumakain pa ako, wait ka lang," nakangiting sagot ni Ikey kay Drew.

"Son, bakit ka pala nalunod?" biglang tanong ni Tim kay Son.

Napatingin naman ako kay Angel na nasamid. Inubo siya nang sunod-sunod.

"You okay?" tanong ko at binigyan siya ng tubig. Hinagod ko rin ang likod niya.

Tumango lang siya at ininom ang tubig na binigay ko.

"Nabunggo ako nang papaupo sana ako sa gilid ng pool. Kaya ayon, nauna ang ulo kong bumagsak sa tubig. Tapos ang lalim pa. Hindi man lang masalat ng paa ko ang semento," pagkukwento si Son.

"Nakilala mo ba ang bumunggo sa 'yo?" seryosong tanong ni Alex kay Son. Kapag ako kaya itong nalunod, mag-aalala kaya si Alex sa akin nang katulad ng pag-aalala niya kay Son?

Umiling si Son. "Hindi ko alam. Hindi ko nakita. Natanggal kasi ang salamin ko at ang bilis tumakbo."

"Alam ko na kung sino!" malakas na sabi ni Tim at ngumisi kay Angel.

"Who?" tanong ni Kurt.

Nakatingin kaming lahat kay Tim.

"Si Angel!"

Napadako naman ang paningin ko kay Angel. Natigilan siya at nanginginig ang kamay na ipinatong sa lap. Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil kinabahan ako.

Biglang tumawa nang malakas si Tim "Nagbibiro lang naman ako. Tingnan niyo si Angel, namumutla."

"Puro ka talaga kalokohan Tim," napapailing na sabi ni Drew at pinagpatuloy na ang pagkain.

"May gusto kasi si Angel kay Mitch. Baka nga siya," nakabungisngis na sabi pa ni Tim. Si Mitch ay si Kurt na boyfriend ni Son.

"It's not funny, Tim," mataray na sabi ni Angel pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay niya na pilit pinapakalma sa ilalim ng table.

"Oo nga, Tim. Hindi 'yan ginagawang biro," segunda naman ni Son. She's too innocent for ghad damn sake!

Hinawakan ko ang kamay ni Angel at pinisil. Napatingin siya sa akin at nginitian ko siya. "Katabi ko sa higaan si Angel at sabay lang kaming nagising."

Napangiti si Angel at tumingin sa grupo. "At saka, ano namang mapapala ko kung lulunirin ko 'yang babaeng 'yan? As if naman na kapag namatay 'yan ay automatic na magugustuhan ako ni Kurt."

"Angel!" warning ni Kurt kay Angel.

"Fine!" nakataas ang dalawang kamay ni Angel na parang sumusuko. Para siyang maamong tupa kapag si Kurt na ang sumuway sa kanya. "I'm full." Nakasimangot siyang tumayo at umalis sa hapag kainan. Sinundan ko naman siya agad para makausap ng private.

--

Nasa room na ulit kami ni Angel. Pumipili siya ng maisusuot sa beach. Pinipilit abalahin ang sarili.

"Angel..." mahinang tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa aking nakaupo lang sa gilid ng bed. "Hmn?" tanong niya at binawi na agad ang pagkakatingin sa akin. Nag-focus na siya pamimili ng swimsuit.

"Angel, may itatanong ako."

"Ano'ng mas maganda? 'Etong black?" Humarap siya ulit sa akin at pinakita ang black swimsuit. "O itong white?" Pinakita naman niya ang white.

"Ikaw ba?" mahina ko pa ring tanong.

"Maybe this black, right?" nakangiti niya pang sabi. Iniiwasan ang mga tanong ko.

Tumapat siya sa isang full length mirror. Umakto siya na parang sinusukat ang two piece. "I'm so beautiful," puri niya sa sarili.

"So, it is you." I said with a fact.

Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa salamin.

"Why did you do that? You almost killed her!" halos may diin kong sabi.

Nabitawan niya ang hawak na two piece.

"Angel!" tawag ko sa pangalan niya nang hindi pa rin siya sumagot.

Pinulot niya ang two piece na nahulog at humarap sa akin. "Kasalanan ko bang hindi siya marunong maglangoy?"

Napahilamos ako dahil sa sagot niya. "That's not the point! God damn it, I know you don't like her pero 'wag namang gano'n."

"Ganyan ba ang tingin mo sa 'kin? Ang papatay ng tao?"

"That's why I'm asking you, Angel. Alam mo naman ikaw ang kauna-unahang taong papaniwalaan ko, 'di ba?"

Lumapit siya sa kama at naupo sa tabi ko. Huminga siya nang maraming beses. "Yea. You're right. I did it. Pero hindi ko naman alam na hindi siya marunong maglangoy. Akala ko marunong siya kaya nga tumakbo na ako agad pagkatulak ko sa kanya. I didn't know na nalulunod na pala siya. Kaya nga pangiti-ngiti pa akong bumalik sa kwarto at nakatulog pa. Nagulat na lang ako nang malaman ko na nalunod siya."

Nakahinga ako nang maluwag. At least alam niya na mali ang ginawa, na hindi naman niya intensyong lunurin si Son. Niyakap ko siya. "Don't worry, I'll keep this as a secret."

"Thank you for believing me. Hindi ako makapagsabi ng totoo dahil alam kong lahat sila ay magagalit pero hindi ko talaga alam na hindi siya marunong lumangoy! I swear!"

Kumalas ako ng yakap. "I know, I know."

"Don't tell them especially to Kurt, hu?"

"Why don't you give up on him?" Isang tanong na dapat ay tinataning ko rin sa sarili ko. Why don't I give up on Alex?

"Ayoko," nakasimangot niyang sagot agad.

'Ayoko rin,' sagot ko rin.


--to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
571K 20.9K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...