[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 17

13.9K 435 21
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 17

I R I N E

Hindi na muli akong pinansin ni Nisha, nagfocus na lang siya sa pakikinig. At ako naman, nakatingin lang sa lalakeng nakilala ko kahapon.

Pinagmamasdan niya ang bawat isang Tyrong mahahagip ng mga mata niya, arms folded pa. Ang yabang kung tumayo, akala mo siya ang hari rito.

"Ang pangalawang seremonya ay tinatawag na Scission." Naagaw muli ni Rocio ang pansin ko. "Ang Scission ay isang prosesong susukat sa lakas ninyo kung maaari na kayong makapasok sa inyong Guild. Ang Tyro na makakalampas sa Elemental Challenge ay magiging opisyal na miyembro ng Guild ngunit ang hindi papalarin ay tatawagin munang Amateurs bilang mga scholars na wala pang sapat na kaalaman sa kanilang kapangyarihan at kailangan pa ng ekstensibong pag-aaral bago tuluyang maging miyembro."

Napahawak ako sa 'king dibdib at pinagpawisan. Walang nabanggit si Cyndel na ganito.

"Stagers! Simulan na ang Scission!" Sigaw ni Rocio.

Naglakad muli sila sa paligid ng stadium. Ngayon, may sari-sarili na silang pwesto. Sa pagkakapansin ko, nahati ang pwesto nila sa bawat guild.

"Sila ang Stager, Irine. Ang pangalawa sa pinakamalakas dito. Kasunod sila ng Deyon," ani Nisha.

Napatingin ako kay Nisha. "Kung ganoon ay malakas na sila?"

Tumango siya. "Tama, Irine. Mag-iingat ka."

Biglang nagkagulo ang lahat. Nagsimula silang magkumpulan sa pinakagitna ng stadium. Naghawakan kami ng kamay ni Nisha at sumunod din sa kanila.

"Kailangan mong gamitin ang kapangyarihan mo," usal ni Nisha.

Naging hysterical ako. "Nisha, hindi ko pa nagagamit ang kapangyarihan ko."

"Kahit simpleng spell lang naman."

"Nisha, seryoso ako. Wala akong alam na kahit isang spell. Hindi ko pa talaga nailalabas ang kapangyarihan ko."

Tumigil kami at napatitig si Nisha sa akin.

Minsan ko palang nailabas ang kapangyarihan ko, ang masama pa, tulog ako nang mangyari 'yon.

"Paano na Nisha? Anong gagawin ko?" Tumaas ang tensyon nang gumalaw muli ang ibang mga Tyro kaya kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Huminahon ka." Hinawakan niya ang balikat ko.

"Hindi ko alam kung paano sabihin sa 'yo ang lahat pero wala akong ideya kung ano ang kapangyarihan ko at paano ito gamitin."

Napalunok si Nisha. "Ano bang badge ang hawak mo?"

Pinakita ko sa kanya ang badge.

"Parehas tayo!" Sigaw niya. Ngumiti siya at pinakita ang hawak niyang pendant. "Orion ang tawag sa guild natin. Ngayon hintayin muna natin silang mabawasan. Tutulungan kita, Irine. H'wag kang mag-alala."

Huminga ako nang malalim para pakamahin ang sarili ko  Nasa pinakagitna kami ng stadium at ang mga Stager naman ay pumwesto sa gilid ng stadium para palibutan kami.

Biglang may lumitaw na bilog na lining dahilan kung bakit nakulong ang lahat ng mga Tyro sa loob ng malaking bilog na linya. Sinubukan ng isang Tyro ang humakbang sa lining pero tumalsik lang siya patalikod.

"Isa 'yang barrier. Kailangan nating gamitin ang kapangyarihan natin para makalabas. Kung hindi, patuloy lang tayong masasaktan," paliwanag ni Nisha.

Mula sa dulo ng bilog, nagkaroon muli ng lining na nagsisilbing hati ng bawat Stagers sa pwesto nila. Ang stadium ngayon ay nahahati na sa 12 na parte kung saan ang bawat parte ay nakalaan para sa iba't-ibang guild.

"Nahahati na ngayon ang Omphalus Colosseum sa 12 na parte. Ang bawat parte ay may Stager na mag-aabang sa inyo sa pinakadulo. Hindi kayo makakalabas diyan sa Scission Circle hangga't hindi niyo gagamitin ang alam niyong chanting spells. Ngayon, simulan na ang Scission!" Sigaw ni Rocio

"Scissio dividere!" Sumigaw ang mga Stager.

Lumabas ang mga imahe sa taas kung saan sila nakatayo na katulad ng mga patterns na badges. Mga constellations na katulad ng sinabi ni Rocio.

"Irine! Iyon ang pwesto ng guild natin!" Turo niya sa isang pattern na katulad ng sa badge namin.

Hinila ako ni Nisha papunta sa parteng sinasabi niya. Nakipagsisikan ang bawat isa sa 'min para tumapat sa parte kung saan mahahanap ang imaheng pareho ng nasa badge.

"Scissio calumniari!" Sumigaw na naman ang mga Stager. Pero laking gulat ko ng biglang may lumabas na apoy sa part ng guild namin. Pumaikot ang apoy na parang isang ipo-ipo na nagbigay ng mistulang daan mula sa 'min papunta sa dulo.

Napalunok ako. Kahit dumaan ako sa gitna ay siguradong masusunog ako nang buhay.

"Ito ang Elemental Challenge, Irine." Sabi ni Nisha. "Kailangan nating gumawa ng defensive spell o kahit anumang kapangyarihan na alam mo para makalampas at makapunta sa dulo papunta sa Stager ng Guild."

Biglang lumaki ang apoy at pumalibot sa gilid. Pero hindi siya lumalampas sa linyang naghahati sa kabilang pwesto ng stager.

Gano'n din ang nangyari sa ibang parte ng stadium.

Ang katabi ng guild namin ay may mga kidlat at kulog na lumalabas. Sa kabila naman ay malalaking alon ng tubig ang humaharang. Sa ibang guild ay may malakas na hangin na tila ba'y may isang malakas na bagyo.

"Kailangan nating makalabas sa Scission Circle at makalampas sa mga elemental power na binigay ng Stager ng guild natin. Ayun siya!" Tinuro ni Nisha ang isang lalake na nasa dulo ng dadaanan namin pero hindi ko makita ng mukha niya. "Kailangan nating makalapit sa kanya."

Pinagmasdan ko ang apoy sa part ng guild namin. Naalala ko tuloy ang sunog sa ampunan noon. Kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Passus mivati!"

Sumigaw ang isang lalakeng Tyro na nakasuot ng dark red uniform. Lumitaw ang puting usok sa mga kamay niya. Sinunod niyang tinulak ang transparent barrier sa Scission Circle gamit ang kamay at katawan niya. Sumigaw siya at mas idiniin ang pagtulak hanggang sa makalabas siya papunta sa kabilang side.

Hinarap niya ang isang daanan na kung saan kidlat naman ang kakalabanin niya.

Pinagmasdan niya muna ang kidlat kung saan tumatama. Bigla siyang tumakbo at iniiwasan ang kidlat na balak siyang sunugin. Ang bilis niyang gumalaw! Lumiko-liko siya para hindi direktang tumama sa kanya ang mga kidlat.

Nagulat ako nang natamaan ang coat niya ng isang kidlat. Nasira tuloy ito. Pero nagpatuloy parin siya hanggang makarating sa dulo.

"Succedere!" Sumigaw ang Stager nang makapunta sa kanya ang Tyro.

"Passus mivati!"

"Passus mivati!"

"Passus mivati!"

Sunud-sunod na ang mga Tyro na sumubok lumabas sa Scission Circle. Napatingin ako kay Nisha.

"Passus mivati, ang dapat nating icast na spell para makalampas ng circle. Pero hindi basta-bastang pagsabi lamang dahil kinakailangan din natin ng lakas para makalabas. Ang barrier ay hindi biro. Tingnan mo siya," eksplika niya.

Tinuro niya ang isang babae na pilit tinutulak ang barrier papunta sa isang guild kung saan malakas na alon ang Elemental Challenge. Pinagpapawisan na siya at halos umiyak dahil sa pilit niyang pagtulak.

"AHH!"

Napatilapon siya patalikod at wala man lang tumutulong. Tumakbo ako papalapit sa kanya at tinulungan siyang makatayo.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Wag mo akong hawakan!" Pinalo niya ang kamay ko at iniwan ako para pumunta muli sa barrier.

"Passus mivati!" Patuloy niya.

"Hayaan mo na siya, Irine." Hinila ako pabalik ni Nisha.

"Woohoo!" Nakaagaw ng pansin ko ang isang Tyro na mistulang nag-s-surfing sa alon ng tubig. Gamit niya lang ang malalaki niyang mga paa.

"Marami nang magagaling dito kahit Tyro palang. Kaya dapat na kitang turuan para hindi ka mapag-iwanan. Nawawalan na tayo ng oras."

Humarap ako kay Nisha at tumango. "Gagawin ko ang makakaya ko, Nisha."

Ngumiti siya. "Ice enchanter ka, Irine. Ang isang enchanter ay kinakailangang tawagin at gisingin ang spirit na natutulog sa katawan nila. Sa edad mo, dapat noong 15 years old mo pa natawag ang spirit mo kasabay ng pagbabago ng mga mata mo."

Bigla kong naalala ang 15th birthday ko kung kailan sumakit ang mga mata ko at pagkagising ko ng umaga, nag-iba na siya ng kulay.

"Hindi ko kasi alam ang kapangyarihan ko noon kaya wala akong ginawa," sabi ko sa kanya.

"Ayos lang 'yon, hindi pa naman huli ang lahat. Ngayon tutulungan kitang gisingin ang spirit mo. Pumikit ka."

Bakas sa mukha ni Nisha ang determinasyon para turuan ako. Susundin ko ang lahat ng sasabihin niya.

Pumikit ako.

"Ngayon, tanggalin mo ang anumang bagay na gumugulo sa utak mo. Magfocus ka lang sa tibok ng puso mo."

Naririnig ko ang bawat pagtibok ng puso ko. Kabado ako kaya huminga ako ng malalim para mapabagal ang tibok.

"Hayaan mong tumahimik ang kalooban mo. H'wag mong pakinggan ang anumang ingay, ako lang ang pakinggan mo Irine. Ako lang."

Tinanggal ko sa isipan ko ang ingay na nagmumula sa mga sumisigaw na Tyro.

"Pakiramdaman mo naman ang kanang mata mo. Pilitin mong ilabas ang kapangyarihan niya. Pakiramdaman mo lang siya."

Nagfocus ako sa kanang mata ko hanggang naramdaman ko ang pwersa na galing dito.

"Ngayon, isipin mo na nasa isang madilim na lugar ka. Nandiyan lang sa lugar na 'yan ang spirit mo. Nandiyan, umiilaw, at naghihintay na kunin at tawagin mo."

May biglang sumulpot na isang lumulutang na puting apoy sa isip ko.

"Lumapit ka sa kanya, Irine. Hawakan at hagkan mo."

Unti-unti akong lumapit sa apoy. Pinagmasdan ko lang siya na lumulutang sa harap ko. Itinaas ko na ang kamay ko para abutin ang apoy.

"Passus mivati!"

Bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko. Si Cyndel ba 'yon?

"Irine? Nakuha mo na ba?" Tanong ni Nisha. Pero sumigaw ang narinig ko kanina, doon ko napagtantong si Cyndel nga 'yon.

Sandali, si Cyndel!

Idinilat ko ang mga mata ko.

"Irine naman!" Hindi ko pinansin si Nisha at hinanap si Cyndel sa kumpol ng mga Tyro.

Nakipagsiksikan ako. "Cyndel?"

Nakita ko siya na itinutulak ang barrier sa pwesto ng guild namin. Kung gano'n, kaguild ko siya!

"Cyndel!" Tawag ko ulit.

Ngunit mukhang hindi niya ako naririnig. Itinulak niya ang barrier hanggang nakalabas na siya sa Scission Circle.

Sumigaw siya ng isang spell. Lumabas mula sa lupa ang mga ugat at gumawa ng isang hallway papunta sa dulo. Kaagad siyang tumakbo habang hindi pa natutupok ng apoy ang mga ugat.

"Succedere!" Sigaw ng Stager.

Nakaabot siya sa dulo. Ang galing niya!

"Irine! Hindi mo pa nakukuha ang spirit mo!" Marahas na hinila ni Nisha ang braso ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang naalalang hindi ko pa nga nakukuha ang apoy.

Napatakip ako ng bibig. "Sorry Nisha!"

Bakas sa mukha niya ang pagkayamot. "Paano na 'yan Irine? Wala na tayong oras! Tingnan mo! Kakaunti nalang tayo dito at isang oras nalang ang natitira para matapos ito."

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko. Kung tatantsahin ay nasa 50 nalang kami.

Nagtaka ako. "Matagal ba akong nakapikit kanina?"

Tumango siya. "Oo, isang oras din ang tinatagal ng pagtawag sa spirit. Hindi mo mapapansin dahil pumasok ka sa sarili mong katawan. Wala na tayong oras. Kung tatawagin mo pa ang spirit mo, baka hindi na tayo makaabot."

Halos mapamura ako. Napayuko ako sa sobrang konsensyang nararamdaman ko.

"Sabay nalang tayo..." Tumingala ako. "Halika, sabay tayong pumasok."

Hinila ako ni Nisha at pumunta sa barrier.

"Pwede ba 'to, Nisha?" Tanong ko.

"Hindi ko alam pero hindi naman kita hahayaan dito. Mas mabuti nang subukan natin kaysa tumayo nalang. Sabayan mo ako..one, two, three. Passus mivati"

"Passus mivati!" Sigaw ko rin.

May lumitaw na puting usok sa mga kamay niya pero walang lumabas sa 'kin. Nagform ng kamao ang kamay ko.

"Hayaan mo na. Tulungan mo nalang akong magtulak." Ngumiti siya para palakasin ang loob ko.

Tumapat kami kung saan nakapwesto ang Orion Guild. Pinilit naming itinulak ang barrier. Ang lakas pala talaga ng pwersa nito, para kaming itinutulak pabalik kapag pinipilit namin itong buksan. Siguradong hindi ko makakaya kapag ako lang.

"Tulak lang, Irine!" Sabi ni Nisha bago namin mas nilakasan ang pwersa ng pagtulak.

"Kaya mo pa?" Tanong niya.

"Oo. Kaya pa."

"Sige, lakasan pa natin. Isa, dalawa, tatlo..." Sabay naming itinulak ang barrier at mas nilakasan ang pagbukas nito.

Naramdaman kong unti-unti ngang bumukas ang barrier at may lumitaw na butas. Nagkaroon ako ng pag-asa.

"Malapit na Irine!" Excited niyang sigaw.

"Hindi maaari 'yan!"

"AHHH!"

Tumilapon kami ni Nisha palayo sa barrier. Naramdaman ko ang sakit sa balakang at likod ko dahil sa pagkakabagsak.

"Hindi maaaring magtulungan ang dalawang Tyro! Sumunod kayo sa patakaran!" Sigaw ni Rocio mula sa stage.

"Ayos ka lang?" Tinulungan ako ni Nisha na makatayo.

"Hindi raw pwede..." Nanlumo ako.

"Paano na 'yan? Paano ka na makakalampas?"

"Okay lang ako Nisha. Ikaw nalang ang mauna."

"Pero—"

"Sige na! Ayokong madamay ka pa sa kahinaan ko. Ikaw nalang muna ang mauna. Susunod ako."

"Irine..." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Please. Mas unahin mo ang sarili mo." Tinitigan niya ako pero hindi nagtagal ay tumango siya. "Galingan mo."

"Ikaw din, Irine. Hihintayin kita." Ngumiti siya bago umalis sa tabi ko.

Hindi ko naman hahayaan na dahil sa 'kin ay hindi siya makapasok sa guild. Isa lang akong pabigat sa kanya at hindi ko masisikmurang makita siyang hindi magtagumpay kasama ko.

"Passus mivati!" Lumabas muli sa braso niya ang puting usok. Itinulak niyang muli ang barrier hanggang sa makakaya niya.

Kaya mo 'yan, Nisha.

Mas nilakasan niya pa ang pagtulak hanggang unti-unti siyang makabuo ng butas at tumalon siya para makalabas.

Napangiti ako.

Tumingin muna siya sa 'kin bago nagcast ng spell. May lumabas na isang transparent orb at binuhat siya. Nakapasok siya sa loob ng orb na lumulutang at lumipad papunta sa dulo.

"Succedere!" Sigaw ng Stager.

Nagtagumpay siya. Ngayon, ako naman. Lumapit ako sa barrier at huminga ng malalim. "Kaya mo 'to, Irine."

Tiningnan ko muna ang apoy na pumapalibot sa daan. Kailangan kong makalampas.

"Passus mivati!" Sigaw ko.

Pero wala paring lumabas na usok sa mga kamay ko. Hinayaan ko nalang ito, kaya ko naman sigurong maitulak ang barrier.

Hinawakan ko ang barrier at tinantya muna ito bago itinulak gamit ang buong lakas ko.

Kaya mo 'to, Irine. Kaya mo 'to.

Mas nilakasan ko pa ang pagtulak ngunit naramdaman kong tinutulak din ako ng pwersa papalayo.

"AHH!" Tumilapon ako.

Mas lalong sumakit ang balakang ko pero hindi naging hadlang 'yon para makaupo muli. Tinitigan ko ang barrier na para bang isang pader na gawa sa semento at kailangan kong gibain.

Hindi ako susuko. Kailangan kong makalampas.

Tumayo ako, lumapit muli ako sa barrier at itinulak muli ito. Mas nilakasan ko pa ang pagtulak pero katulad ng kanina tumilapon na naman ako.

Nakaramdam ako ng hapdi sa siko ko. May dugo nang dumadaloy. Padami na ng padami ang mga sugat ko.

"Kaya mo 'yan, Irine!" Sigaw ni Nisha mula sa kabila.

"Irine! Si Cyndel 'to! Kaya mo yan!"

Si Nisha. Pati si Cyndel. Nabuhayan ako ng loob dahil sa mga sigaw nila. Mabilis akong tumayo habang iniinda ang mga sugat ko. Naghihintay sila. Hinihintay nila ako.

"30 minutos!" Sigaw ng hari.

Mahaba pa ang oras. Muli ko na namang itinulak ang barrier. Makakaya ko 'to. Hinihintay nila ako sa loob at hindi ako susuko kailanman.

Nilakasan ko ulit ang pwersa. Kahit wala akong kapangyarihan ngayon, pinipilit ko parin. Kahit mas malakas ang barrier, hindi ako sumusuko. Kahit naaawa na ako sa sarili ko, ginagawa ko parin ang lahat ng makakaya ko.

"AHHH!" Pero tumilapon na naman ako. Hinawakan ko ang braso kong nadaganan sa pagkakatumba. Leche. Nabalian na yata ako.

Sa sobrang sakit, naramdaman ko nalang na may pumatak na sa mga mata ko.

Umiiyak ako.

Bakit ako umiiyak? Bakit?! Hindi na dapat ako umiiyak dahil sa challenge lang na ito. Sa buong buhay ko, wala ito sa kalingkingan ng mga paghihirap ko noon.

Pero bakit parin ako umiiyak?!

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa Scission Circle. Lahat sila ay nakaupo nalang sa lupa at nakayuko katulad ko.

Wala nang Tyro ang sumubok pa na buksan ang barrier. Ang sabi ko kay Nisha, kakayanin ko 'to. Kaya tumayo ako at hinarap muli ang barrier. Hindi na ako matutulad sa mga mahihina at laging sumusuko.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Kaya kong makalabas dito. Kaya ko 'to.

T H I R D   P E R S O N

Humarap si Irine sa barrier pero sa pagkakataong ito, wala na siyang balak na itulak ang harang mula sa Scission Circle.

Umatras siya ng ilang hakbang at tumakbo papunta sa barrier. Binunggo niya ang barrier gamit ang balikat niya pero hindi ito natitinag.

Umatras muli siya at ibinangga ang sarili sa barrier. Ilang ulit niyang ginawa ito pero hanggang ngayon ay hindi parin nabubuksan ang harang para makalabas mula sa circle.

Hindi niya inalintana ang tawanan ng iba dahil sa ginagawa niya. Siya na lamang ang nag-iisang nagpapapumulit na makapasok kahit alam niyang mahina siya at malabong mangyaring makalampas nga siya.

Samantala, nakikita ni Cyndel at Nisha ang nangyayari kay Irine. Hindi sila magkakilala pero pareho silang nag-aalala sa kaibigan.

Nakita nila kung papaano ibinubunggo ng paulit-ulit ni Irine ang katawan sa barrier habang umiiyak. Umiiyak na si Irine dahil sa pagnanais na makapasok. Kahit na pinagtatawanan siya, kahit nasa kanya na ang lahat ng atensyon.

Ito naman ang hinangaan 'niya'. Nakatitig lang siya kay Irine habang ginagawa ang lahat para makapasok kahit nasasaktan niya na ang sarili.

'Espesyal ka nga.' Sabi niya sa sarili at t'yaka ngumiti.

"Finir! Tapos na ang Scission!" Sumigaw ang hari.

Ngunit hindi ito pinansin ni Irine at tumakbo parin siya. Hindi niya alam na wala na pala ang barrier sa scission circle kaya nang tumalon siya sa akala niyang barrier ay napasubsob ang mukha niya sa lupa.

Napatakip ng bibig sina Nisha at Cyndel sa nakita. Pati ang lahat ng tao ay napatigil sa ginawa niya. Sa pagkakataong ito, naawa sila at namangha sa determinasyon ni Irine.

Ang Stager mula sa guild na kinatatayuan nila Cyndel at Nisha ay tumakbo papunta kay Irine. Pinunasan niya ang mukha nito at binuhat.

Hindi na nalalaman ni Irine ang nangyayari dahil nahihilo na siya. Basta ang huli niyang naramdaman ay ang mga malalambot na kamay na humaplos sa mukha niya hanggang sa mawalan na siya ng malay.

~*~

Scission:

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
9.8M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...