Beautiful Dance

By nininininaaa

4.3M 106K 14.4K

[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 1: If words fail, actions speaks. Vini Sarmiento is a leader of the... More

Beautiful Dance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8 (Re-Upload)
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 28 (Re-Upload)
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Decision
Book Two
ANNOUNCEMENT!
Author's Announcement:

Chapter 8

114K 2.6K 536
By nininininaaa

Chapter 8

Beautiful

"Bella, ano bang ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Rachel ng makitang nandito ako sa karinderya nami't nagt-trabaho.

Nilingon ko naman sya saka nagsalin ng tubig sa baso upang ibigay sa kumakain sa harapan ko bago ko sya sinagot.

"Tinutulungan ko si nanay." simpleng sabi ko habang nakangiti at muli syang nilingon. "May gusto ka bang kainin?" tanong ko sa kanya dahil baka nagugutom sya o kung ano man.

Nalaglag naman ang kanyang panga sa aking ginawang pagsagot sa kanya't pumasok na sya dito sa loob at tinanggal ang nakasuot na apron sa akin.

"Ano bang ginagawa mo, Rachel?" naiilang kong tanong sa kanya nang tinitiklop na nya ang apron na suot-suot ko kanina. "Tutulungan ko pa si nanay dito." dahilan ko't nilingon pa si nanay na nakikipag-usap sa mga kumare nya.

"Bella, sinabi mo sa akin kagabi na tulungan ka sa pag-aayos para sa masquerade ball nyo mamaya tapos makikita kita dito't nagt-trabaho." pangaral nya sa akin. "Baka hindi mo alam kung anong oras na't ilang minuto rin akong nagkakakatok sa bahay nyo tapos nandito ka lang pala."

Tinignan ko naman ang orasan ko't nakita kong maaga-aga pa naman bago ako sunduin ni Ralph.

"Alas-tres palang naman ah?" puna ko. "Meron pa akong tatlong-oras bago umalis. Ang aga pa."

"Bella, ang iba nga'y inaabot ng apat o minsa'y limang oras pa sa pag-aayos ng sarili nila bago pumunta sa mga party kaya wag ka ng magreklamo't kailangan na kitang maayusan." humalukipkip sya't tumingin sa akin ng diretso.

Huminga naman ako ng malalim. "Okay.." sabi ko nalang at hinarap na si nanay. "Uh, nay?" pagtawag ko sa kanyang atensyon dahil may kausap pa sya.

"Ay! Sandali lang." ani nanay sa kanyang kumare't humarap sa akin ng nakangiti at lumingon sa bandang likuran ko. "Oh. Nandito pala si Rachel." puna ni nanay.

"Hi po, Tita." bati ni Rachel at nagmano sa nanay ko.

"Bakit? Aalis ba kayong dalawa?" tanong sa akin ni nanay.

"Eh nay, yung masquerade party kasi para sa aming freshmen, mamaya na gagawin kaya kailangan nya na daw po akong ayusan." pagpapaalam ko kay nanay.

"Ay! Ngayon nga pala 'yon." untag ni nanay na para bang ngayon nya nalang ulit naalala. "Eh bakit sumama ka pa sa akin dito sa karinderya? Dapat ay namahinga ka nalang sa bahay."

"Eh alas-sais pa naman po ako aalis eh. Ayoko naman pong tumanga lang ako sa bahay." sabi ko't ngumuso.

"Minsan talaga'y ang tigas-tigas ng ulo mo." sabi sa akin ni nanay.

"Sinabi nyo pa po, Tita." gatol naman ni Rachel kay nanay.

Natawa naman bahagya si nanay. "Oh sige na't lumarga na kayo." ani nanay at bahagyang lumapit sa akin. "Amoy ulam ka. Maligo ka pag-uwi ah?" bilin sa akin ni nanay.

"Opo." sabi ko't nagmano na kay nanay. "Una na po kami." paalam ko't ganon rin ang ginawa ni Rachel.

Nagdi-padyak na kami pauwi dahil wala na raw kaming oras sa paglalakad sabi ni Rachel kaya nabawasan pa ako ng bente dahil sa pagbabayad sa di-padyak.

"Maligo ka na at parang awa mo na, Bella. Pakibilisan ang pagligo dahil baka kulangin tayo sa oras." utos sa akin ni Rachel nang makarating na kami sa bahay at agad na akong umakyat ng aking kwarto upang gawin ang kanyang utos.

Naligo na ako't halos hindi ko na maayos ang pagbabanlaw sa sarili ko dahil sa pagmamadali sa akin ni Rachel na panay ang katok sa pintuan ng banyo at sa pagsigaw nya sa akin sa labas.

"Tapos ka na ba?" sigaw na tanong sa akin ni Rachel mula sa labas ng banyo.

"Ito na! Nagsisipilyo nalang ako." sabi ko't mabilis na ginalgal ang ngipin ko gamit ang toothbrush at saka mabilis na dumura't nagmumog.

Sinuot ko na ang pambahay ko munang damit dahil aayusan pa naman ako ni Rachel at baka magusot lang kapag sinuot ko kaagad. Pinaghirapan ko pa namang plantsahin yun kagabi kaya hindi sya pwedeng magusot basta-basta.

"Ano na, Bella?" muling sigaw ni Rachel at mabilis ko ng binuksan ang pintuan.

Inabutan ko syang naka-dikwatro sa may maliit na kama ko't lumingon sa akin saka tumayo ng matapos na akong maligo.

"Hay. Sa wakas at masisimulan ko na rin ang dapat kong gawin." aniya't tumungo na sa tukador ko kung saan ko nilagay ang mga pinahiram sa akin ni Ate Raquel na mga pang make-up.

Tinignan ko naman sya na parang sinusuri ang mga pang make-up at saka sya humarap sa akin.

"Buksan mo yung bag ko. May hair blower dyan. Patuyuin mo buhok mo." muli nyang pag-utos sa akin.

Binuksan ko naman ang kanyang dalang maliit na bag na may lamang hair blower at hair straightener.

Pagkakuha ko ng hair blower ay pumunta ako sa bandang gilid ng kwatro ko kung saan may saksakan at umupo sa lapag upang mapatuyo ko na ang buhok gaya ng sabi nya.

"Gumamit ka kaya ng suklay, Bella." ani Rachel at hinagis malapit sa akin ang suklay ko.

Inabot ko naman ito saka nagpatuloy sa pagpapatuyo ng aking buhok gamit ang suklay.

"Tuyo na!" masaya kong sigaw ng makapag-inat ako nang matapos ako sa pagpapatuyo ng aking buhok.

Tinanggal ko sa saksakan ang blower at saka inayos ang cord nito upang hindi magkabuhol-buhol.

"Oh halika na dito't umupo ka na." aniya't tinapik ang upuan sa harapan ng tukador.

Habang paupo ako'y napansin kong naayos na ni Rachel ang mga gagamitin nyang pang make-up sa akin.

May inilagay syang parang headband sa aking buhok upang hindi daw sumabog sa mukha ko ang aking buhok habang nagma-make-up sya dahil baka mainis lang daw sya't gupitin nya nalang bigla ang buhok ko na ayoko namang mangyari.

Pagkatapos nya akong i-make-up ay nanibago ako sa aking itsura nang makita ko ito sa salamin. Pakiramdam ko'y ibang tao ako habang pinagmamasdan ko ang itsura ko.

"Okay. Beautiful." nakangiting komento ni Rachel nang tignan nya ang repleksyon ko mula sa salamin.

Ngumiti nalang ako ng dahil sa sinabi nya't inisip ko kung talaga bang maganda ako.

"Buhok naman tayo." aniya't pumunta sa kanyang bag upang kunin ang hair straightener.

Hindi ko alam kung paano nya nagagawa 'yon pero ang galing nya dahil gamit ang hair straightener ay nakukulot nya ang gitna hanggang dulo ng aking buhok na para bang natural na itong ganito.

Inayos nya rin ang pagkakaladlad ng aking bangs at isinama sa pagkakahawi ng buhok ko.

"Perfect!" untag nya't pumalakpak pa sa tuwa nang matapos na nya akong ayusan.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

"Wag mong kagatin ang labi mo. Sayang ang lipstick." pagbabawal sa akin ni Rachel at napangiti nalang ako.

Pumunta sya sa may aparador ko't kinuha ang dress na pinahiram sa akin ni Ate Raquel.

"Ito ang susuotin mo diba?" tanong sa akin ni Rachel habang tinitignan ang dress na isusuot ko ngayong gabi.

Tumango naman ako't tumayo na upang lapitan sya't kunin na ang damit upang makapagbihis na ako.

"Bihis lang ako." sabi ko ng makuha ko na ang dress mula sa kanyang mga kamay.

"Aba dapat lang dahil mag-aalas-sais na." natatawa nya sabi sa akin at bahagya pa akong tinulak papunta sa banyo.

Mabilis ko lang itong isinuot at buti nalang ay di-zipper ang likod nito hindi katulad ng ibang dress na nakikita ko dati sa Divisoria na di-tali pa't pampatagal ng oras.

"Bella, tumatawag na si Ralph." biglang sigaw ni Rachel at nagmadali naman ako sa pagsikop ng pinaghubaran ko saka nilagay sa labahan bago lumabas ng banyo.

Inabot sa akin ni Rachel ang cellphone at agad ko itong ni-swipe saka itinapat sa tenga ko upang marinig ang boses ni Ralph.

"Hello?" pambungad kong sagot sa kanyang tawag.

"I'm on my way. I'll be there in five." sabi nito sa akin.

"Okay. Hihintayin nalang kita dito sa loob ng bahay. Bukas naman yung gate dito sa compound." sabi ko sa kanya.

"See you, beautiful." paalam nya't pinatay na ang tawag.

Siguro'y galing na sya sa bahay nila dahil five minutes lang ang sinabi nyang oras ng kanyang pagpunta sa amin.

"Rachel, thank you ah." nakangiting sabi ko kay Rachel nung pababa na kami sala.

"Jusko naman, Bella. Parang hindi naman tayo magbestfriend." natatawa nyang sabi sa akin at saka inipit sa aking tenga ang ilang hibla ng buhok ko.

Ngumiti naman ako't yumakap sa kanya. "Basta thank you talaga."

Napabitaw naman ako kay Rachel ng may marinig akong tumikhim at nakita kong nakatayo sa may pintuan namin si Ralph.

"Ralph!" masayang bati ko sa kanya at pumunta sa kanyang tabi.

"You look so beautiful tonight." nakangiting sabi nya sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

"Nambola ka pa." nakangising sabi ko sa kanya.

"Kailan pa kita binola?" natatawa nyang tanong sa akin.

"Kani-kanina lang, Ralph." pabalang kong sabi sa kanya.

"No, I didnt." aniya. "I was telling the truth earlier." ngisi nya sa akin.

"Ewan ko sayo." sabi ko nalang dahil naramdaman ko nanaman ang pag-init ng aking pisngi.

Napatingin naman ako kay Rachel na papalapit na sa aming dalawa ni Ralph.

"Uhm, Una na ako, Bella. Kailangan nyo na atang umalis." nakangiting paalam sa akin ni Rachel saka sya tumingin kay Ralph. "Alagaan mo si Bella ah?" paalala nya kay Ralph.

"Uh.. Of course, I will." sabi nalang ni Ralph na mukhang naninibago pa sa turing sa kanya ni Rachel.

Ngumiti naman si Rachel at muling nagpaalam sa akin saka lumabas upang pumunta na sa bahay nila sa kabila.

"Rachel's acting... weird." puna ni Ralph nang makasakay na kami sa kanyang kotse.

"Pano mo naman nasabi?" medyo nakakunot-noong tanong ko sa kanya at sinimulan na nyang paandarin ang kanyang kotse.

"I dont know." umiling-iling sya na para bang hindi nya rin maintindihan ang sarili nyang sinasabi. "She seems different." sabi nalang nya.

Tumango-tango nalang ako't wala naman akong naisip na pagbabago kay Rachel kundi ang pakikitungo nya lang kay Ralph na kung dati'y kikiligin sya twing nakikita nyo ito o hahabul-habulin nya pero kanina'y parang wala lang sa kanya na nasa harapan na nya si Ralph.

"But dont get me wrong, Bella." ani Ralph at saka sya sumulyap ng tingin sa akin. "Naninibago lang talaga ako. She's just not the Rachel that I know."

"Alam ko. Naiintindihan ko naman." ngiti ko sa kanya. "Alam kong sanay ka sa Rachel na halos mahimatay at mangisay sa kilig twing nakikita ka at ang Rachel na para bang handang pumatay twing nakikita nya tayong magkasama." tumawa pa ako habang sinasabi ko 'yan para hindi masyadong awkward ang pag-uusap.

"Hmm. Maybe. Baka nga ganon." sabi nalang nya't ngumiti na rin sa akin.

Ngumiti nalang ako't hindi na sumagot nang maramdaman ko na ang kaba ko dahil sa party mamaya.

"You seem so nervous." puna ni Ralph at hinawakan ang aking kamay gamit ang libre nyang kamay na hindi nakahawak sa manibela.

Pinisil-pisil nya ito at alam kong ramdam nya ang panlalamig ng aking kamay dahil bigla nya itong tinapat sa kanya labi't hinipan saka mabilis na hinalikan.

Napangiti naman ako sa kanyang ginawa't tumingin naman sya akin at bumilis bigla ang tibok ng aking puso ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"I love you, Bella." namamaos nyang sabi't ngumiti ulit saka binitawan ang aking kamay upang makapagdrive sya ng maayos.

Hinawakan ko naman ang aking kamay na kanyang hawak-hawak kanina't hinimas-himas ito ng marahan.

"Nandito na tayo." aniya't huminto sa Midas Hotel kung saan gaganapin ang party.

Dapat nga'y sa campus lang daw ito gaganapin pero dahil daw maraming nagdonate ay dito na ginawa lalo na't nagprisinta rin daw ang ibang estudyante na sa hotel nalang gawin. Masyadong mayayaman ang mga ka-department ko.

"Kinakabahan ako." sabi ko kay Ralph nang maihinto na nya ng maayos ang kanyang sasakyan.

"Why would you be nervous?" tanong nya sa akin.

"Ngayon palang kasi ako makakapunta sa ganito eh. Alam mo namang walang kwenta ang social life ko." pagdadahilan ko kay Ralph.

"Listen, Bella." aniya't kinuha ang dalawang kamay ko saka mahigpit itong hinawakan. "You dont have to be nervous. You're so beautiful, smart and... you should be confident about yourself. Nasayo na ang lahat so why would you be nervous just because you're insecure with the others."

Hindi ko alam kung paano nya naungkat ang insecurities na nararamdaman ko sa mga kaklase kong ibang-iba sa akin.

"They may be rich but they're not like you." ngiti nya sa akin at saka hinawakan ang aking pisngi. "Now go there and show them Arabella Francisco that I love."

Tumango naman ako't ngumiti sa kanyang sinabi at napapikit ako ng marahan nyang hinalikan ang aking noo.

"I'll be around this place. Just text me when it's done." paalala nya sa akin bago ako lumabas ng kanyang sasakyan.

"I will. Salamat." ngiti ko sa kanya't sinarado na ang pinto saka hinarap ang matayog na hotel na nasa aking harapan.

Huminga ako ng malalim at halos malukot ko na ang invitation na hawak-hawak ko na susi upang makapasok ako sa loob ng hall.

Late na ako ng ten minutes pero alam kong okay lang naman dahil basta umattend ka'y okay na 'yon.

"Right your name, block and course." sabi sa akin ng president ng department namin.

Ngumiti naman ako sa kanya't sinunod ang gusto nyang mangyari saka pinakita ang akong invitation na kanyang tinatakan bago binalik sa akin.

Nilagay ko na ito sa dala-dala kong side purse na bigay rin sa akin ni Ate Raquel upang wala na akong hawak-hawak.

Nginitian ko ang nagbukas sa akin ng pintuan at bumungad sa akin ang naka-dim na lights na natatabunan rin ng iba't ibang kulay ng ilaw na paikot-ikot sa loob ng hall at ang mga taong nagsasayawan. May mga ibang kumakain at nag-uusap.

Nilingon ko ang buong paligid habang pinapakinggan ang umaalingawngaw na kanta ng One Direction na Back For You at nakita ko ang mga lalaking naka maskara.

Oo nga pala't kaming mga babae lang ang hindi naka-maskara samantalang ang mga lalaki'y kailangang magsuot nito.

Tinignan ko naman ang aking suot na white cocktail dress dahil lahat sila'y dark colors ang suot na dress at pati na rin ang kalalakiha'y dark colors rin ang suot na longsleeves, polo at kung anu-ano pa samantalang ako'y puting-puti.

Nakayuko akong pumunta sa may isang sulok ng hall at kumuha ng cupcake na nakita kong nakahain kasama ng iba pang mga desserts.

"Hello."

Lumingon ako sa babaeng tumawag sa aking atensyon na naka-yellow na dress na kasinghaba ng sa akin.

"Uhm.. Hello." nahihiya kong bati sa kanya.

"Mukhang tayo lang ata ang nagniningning ngayong gabi dahil sa kulay ng suot natin." natatawa nyang sabi sa akin.

Bahagya naman akong natawa sa kanyang sinabi. "Tayo lang ba talaga ang light colors ang suot?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya. "Oo. Akala ko nga ako lang mag-isa eh. Buti nalang at nakita kita."

Ngumiti naman ako't inilahad ang aking kamay. "Ako nga pala si Arabella Francisco pero Bella nalang ang itawag mo sa akin." pakilala ko sa kanya.

Binaba nya naman ang iniinom nya sa table na katapat namin at saka nakipagkamay sa akin.

"Hailey Sy." pakilala nya sa akin. "But you can call me Ley or kung may maisip ka pang pwedeng itawag sa akin, much better."

"Hmm. Sige pero Ley nalang muna ang tatawag ko sayo." nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumango naman sya't umupo kami sa vacant seats na marami naman dahil halos lahat ay nagsasayawan sa dance floor. Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay-buhay namin at ngayong college.

"Sayang at hindi kita ka-block." nanghihinayang nyang sabi. "I think we can be bestfriends lalo na kung magka-block tayo. Wala kasi akong friends eh. I'm sort of a loner."

"Ganon rin naman ako. Lagi lang din ako mag-isa." pag-amin ko sa kanya.

"Sana magka-block na tayo next sem. Magiging masaya yon!" masaya nyang sabi.

"Sana nga." at marahan akong ngumiti saka uminom ng juice na nasa aking harapan.

Magsasalita pa sana ulit si Ley ng biglang may umakyat sa stage at nagsound check sa microphone.

"Soundcheck. 1, 2, 3." sabi nito't pinukpok pa ng tatlong beses ang microphone bago humarap sa aming lahat. "Good evening, freshmen." bati nito sa amin. "The time has now come." he stated.

Lumapit naman sa akin si Ley at may binulong. "Ito na ata yung special event." hula nya.

Tinignan ko naman sya't nakita kong seryoso syang nakatingin sa may stage kaya lumingon nalang din ako doon at nakinig sa sasabihin nitong lalaking nasa stage.

"Guys, as in guys only." ani nito. "I'm now giving you one minute to find the girl you want to dance with. One minute only." mariin nyang sabi. "Time starts now!"

Parang nagkagulo sa loob ng hall nang magsimulang maghanap ang mga lalaki't lilingunin ko na sana si Ley nang makita kong kinakausap na ito ng isang lalaking may silver na maskara.

Huminga naman ako't binalak na pumunta nalang sa restroom dahil wala namang magbabalak na mag-aya sa akin nang may biglang humarang sa akin na naka-gold na maskara't nakangiti ng todo.

"Hi." bati nya sakin saka kinamot ang kanyang batok. "Can I ask you to--"

"No." nagulat ako ng biglang may humapit sa aking bewang.

Napa-angat ako ng tingin dito't nakita kong naka-suot ito ng black na masakarang hindi sakop ang kanyang buong mukha kundi ang kanyang mga mata lang.

"Just find another girl. I saw her first. Nauna ka lang lumapit." sunod-sunod na sabi nito sa lalaking naka-gold na masakara.

Napailing nalang ang lalaki't umalis na sa aking harapan.

Dumulas naman ang kamay nitong lalaking nakahawak sa aking bewang papunta sa aking kamay.

"Hindi pasmado ang kamay mo." rinig kong bulong nya bago nya ito hinawakan ng mahigpit at dinala ako papunta sa gitna ng dance floor.

"5, 4, 3, 2, 1!" countdown ng lalaking kaninang nagsalita sa stage at namatay ang iba't ibang kulay ng ilaw na tanging kulay puti nalang ang natira na umiikot rin sa madilim na hall kasabay ang pagtunog ng isang pamilyar na kanta.

I think I want you more than want
You know I need you more than need
I wanna hold you more than hold
When you stood in front of me

Nilagay ng lalaking naka-itim na maskara ang aking kamay na kanyang hawak-hawak sa kanyang balikat bago hinawakan pa ang aking isang kamay.

"Just follow my lead." bulong nya sa akin na halos magsitaasan ang aking balihibo nang marinig ko ng maayos ang kanyang namamaos na boses as he began to sway.

Well, I've seen you in jeans with no make-up on
And I stood there in owe as your date for the prom
I'm blessed as a man to have seen you in white
But I've never seen anything quite like you tonight

Nang magsimula na ang pangalawang verse ay nagulat ako sa kanyang ikinilos na galaw na buti nalang at agad kong nasundan.

I'm not good at dancing slow dance pero marunong akong mag-waltz nang dahil sa subject na P.E. namin nung highschool pa ako.

Inikot nya ako't bahagyang ni-bend ang aking katawan saka inikot akong muli nang bigla nya akong yakapin pagkatapos nun.

"You're beautiful dancer.." he huskily said saka sya ngumiti sa akin. "Shall we continue this beautiful dance?" tanong nya sa akin.

Tumango naman ako't kinagat ang aking ibabang labi sa hiya habang tinitignan ang kanyang matang medyo natatakpan ng maskara.

Huminga sya ng malalim at muli akong sinayaw na sinusundan ko lang ang bawat galaw ng kanyang paa.

Kung titignan kami panigurado ngayon ay parang napaghandaan at napagpractice-an namin ang ginagawa naming pagsayaw ngayon ngunit hindi.

No I've never seen anything quite like you tonight...

Dahan-dahan nya akong inikot kasabay ng pagtapos ng kanta at isinandal nya ang kanyang noo sa akin habang hinahabol ang aming paghinga.

"Guys, it's time to remove your mask!" utos nung emcee't idinilat ko ang aking mga mata't bahagyang lumayo sa kasayaw ko upang makita ko ang kanyang mukha.

Hahawakan ko na sana ang kanyang maskara upang ako mismo ang magtanggal ngunit hinakawan nya ang aking kamay at hindi ko alam kung bakit halos magwala na ang puso ko sa pagtibok ng dahil sa simpleng paghawak na 'yon.

Binitawan nya ang aking kamay at sya mismo ang nagtanggal ng kanyang maskara.

"V-Vini.." nauutal kong pagsambit ng kanyang pangalan ng matanggal nya ang maskarang suot.

"Bella." simpleng pagsambit nya sa aking pangalan at tinignan nya lang ako ng diretso sa aking mga mata.

"I-I've got to go." umiwas ako ng tingin sa kanya't akmang tatalikod ng bigla nya akong hinila pabalik sa kanya't mahigpit na niyakap.

"I wont let another oppurtunity pass, Bella." rinig kong sabi nya.

"V-Vini, ano ba?" nauutal kong pagreklamo.

Gusto kong makalayo sa kanya pero hindi ko magawa sa higpit ng kanyang yakap sa akin na para bang ayaw na nya akong pakawalan.

Nagseselos sa kanya si Ralph at kailangan ko syang layuan dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kung magiging malapit pa kami.

"Bella, I love you." he stated at napatigil ako sa pagkakawala sa kanya't bumagsak ang aking mga balikat. "Can you hear me?" bulong nya. "I love you and it's making me crazy."

Kinagat ko ang aking ibabang labi't hindi ko alam kung bakit biglang namuo ang luha sa aking mga mata nang marinig ko ang kanyang binitawang mga salita.

Umiling naman ako't itinulak ko sya papalayo sa akin na halatang nagulat sya sa aking ginawa.

"I-I'm sorry, Vini.." nauutal kong sabi. "Pero hindi pwede eh." umiling ako ulit at tumakbo na palabas ng hall.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 53.4K 40
Regret, guilt and fear are embracing her soul. Throughout the years that has passed, Linette Afia is still chained to the past of the unforgettable t...
Wretched Choices By Nina

General Fiction

1.8M 63K 43
Keiandra Ariolla is tired of being played on and getting hurt. She swears to her wounded heart that she's gonna get her revenge even if it'll be the...
15.7K 351 122
Chat Novel #5 Serafina Beatrice Evalingesta have a long time crush to a handsome man named Dexter Leoxx Gonmaza. She became a stalker just to know a...
8K 541 61
Esperance Series 2 | An Epistolary Naranasan mo na bang mag-paubaya ng taong mahal mo? Lalo na't kung alam mong hindi siya liligaya sa piling mo. Per...