[HOLD] Enchanted: The Accurse...

بواسطة tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 13

14.9K 474 89
بواسطة tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 13

I R I N E

Papunta na kaming Aragon Market at ang sabi ni Cyndel at Eoin ay maglalakad nalang kami dahil nasa Northeast lang naman daw matatapuan 'yon. Kasama namin ang kawal ng palasyo para magbantay sa 'min, utos na rin ni King Caledon.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Sa sobrang nakakagulat ay halos hindi na ako makatulog.

"Irine?" Nilingon ko si Eoin na nagsalita.

"Eoin? Paano ka nakapasok?" Ang pagkakaalam ko ay hindi ako nakarinig ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Nagkibit balikat nalang siya at sumandal sa pader, arms folded. Tinitigan niya ako na parang may importante siyang sasabihin ngunit nagdadalawang isip siya.

Napansin kong iba na ang suot niya. Nakawhite siya ng damit at pantalon. Mukhang galing sa paghiga sa kama dahil ang messy ng buhok niya. Hindi ganoon ka tingkad ang kulay ng buhok niya ng katulad kay Cyndel at King Caledon.

Kaya nga nagtataka rin ako.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Pwedeng humingi ng pabor?" Pansin ko sa boses niya ang pagkalungkot at pagkaseryoso.

"Okay lang naman. Anong pabor?"

Ilang segundo din kaming nagkatitigan. Bumuntong hininga siya at naglakad papunta sa direksyon ko. Nang nakalapit siya ay nagpatuloy parin siya sa paglalakad kaya napaatras ako

"Ah? Eoin?" Huminto siya sa 'king harap at halos ilang pulgada nalang ang pagitan naming dalawa.

Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko. Nararamdaman ko ang init ng boses niyang humihinga sa balat ko.

"Irine..."

"Eoin—"

"Payakap."

Niyakap niya ako at hinila pataas. Tumungkod tuloy ako at hindi makagalaw nang dahil sa pwesto namin.

"Alagaan mo si Cyndel sa camp," bulong niya sa 'kin.

"Okay—pero pwedeng kumalas ka muna? Hindi ako makahinga." Naramdaman kong lumuwag ang yakap niya at kumalas sa pagkayakap sa 'kin.

Umupo siya sa kama ko at tinapik ang kama sa tabi niya na parang inaaya niya akong umupo. Nag-alinlangan ako. Nasa iisang kwarto lang kaya kami at lalake siya.

Awkward.

Nakatitig lang siya sa 'kin habang naghihintay. Kaya naman huminga ako nang malalim at umupo sa tabi niya.

"Ano ba kasing problema?" Tanong ko.

Kani-kanina lang ang mapang-asar siya kaya nakakapanibagong makita siyang ganito kaseryosong nakikipag-usap sa 'kin.

"Mahal ko si Cyndel." Panimula niya.

"Malamang."

"Hindi bilang kapatid."

Kumunot ang noo ko.

"Ha?"

"Mahal ko siya...hindi bilang kapatid."

Parang nagbilang muna ako ng tatlong segundo hanggang mapagtanto ang sinabi niya.

"Hindi bilang kapatid?" Kaagad akong napatayo at tinuro siya. "Pwede ba ang incest dito?!"

Natawa siya nang bahagya at napailing nalang sa reaksyon ko.

"Pakinggan mo nga muna ako." Hinila niya ako hanggang sa mapaupo ulit ako sa tabi niya.

"Hindi ko siya tunay na kapatid." Panimula niya. "Inampon ako ni King Caledon nang malaman niyang babae ang magiging anak niya kay Queen Rhine—ang reyna ng mga elves. Sa kanya rin ipinangalan ang Rhine falls..."

Tumango ako. Kaya pala. Pero nasaan si Queen Rhine? Hindi namin siya nakasama kanina sa hapag-kainan.

"Namatay si Queen Rhine nang maipanganak si Cyndel. Mahal na mahal ni King Caledon si Queen Rhine kaya ayaw niyang mag-asawang muli. Pero kinakailangan ng papalit kay King Caledon kapag nawala na siya at ang problema ay babae si Cyndel. Ayon kasi sa kinagawian, kailangang lalaki rin ang papalit sa hari at dapat ay kadugo nila. Magkaibigang matalik si ama at King Caledon, kaya nang namatay si ama, napagpasiyahan ni King Caledon na ampunin ako. Pinalabas niya na kadugo niya ako at kapatid ni Cyndel. Inampon ako para maging susunod na hari."

Halos hindi ako makapagsalita. Bakas sa mukha ni Eoin na hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.

"Kung hindi lang talaga sa utang na loob, baka itinakas ko na si Cyndel at sabihing mahal ko siya. Pero hindi pwede, kailangan kong tumupad sa pangako na magiging hari ako. At babalewalain nalang ang nararamdaman ko kay Cyndel."

Nalungkot ako para kay Eoin. Kaya pala naiiba ang buhok niya sa hari at Cyndel dahil hindi nga sila magkadugo. At buong buhay niya pala ay tinitiis niya na h'wag aminin kay Cyndel ang lahat.

"Mahal na mahal ko siya. Pati sariling buhay ko, ibibigay ko sa kanya." Ngumiti si Eoin pero pansin ko ang pagkapait nito.

"Kaya gusto kong hilingin sa 'yong protektahan mo si Cyndel sa camp, Irine." Dugtong niya.

"Baka nga mas malakas pa si Cyndel sa 'kin, Eoin."

Siguradong mas maraming alam si Cyndel tungkol sa kakayahan niya kumpara sa 'king walang kamalay-malay kung ano nga ba ang kapangyarihan ko.

"Malakas ka, Irine." Tumingin siya sa 'kin. "Natitiyak ko 'yon. Ang kailangan mo lang ay ang mag-aral nang mabuti at seryosohin ang trainings. At isa kang Ice Enchanter na isa sa pinakamalakas na genus sa Amaryllis."

"Pero bakit hindi nalang ikaw ang magprotekta sa kanya sa loob ng Camp? Diba ay magkasama naman tayong papasok–"

"Hindi pwede," pagputol niya sa 'kin. "Natapos ko na ang isang taon na mandatory training ko sa loob ng camp. Gustuhin ko mang manatili doon ay hindi parin pwede dahil malapit na ang termino ko bilang hari."

Hinawakan ni Eoin ang kamay ko. "Pinagkakatiwalaan kita, Irine. Mag-ingat kayong dalawa."

PUMAYAG ako sa gusto ni Eoin bilang bayad na rin sa mga tulong nila sa 'kin. Hindi pala alam ni Cyndel na hindi sila tunay na magkapatid kaya walang malisya ang lahat para sa kanya.

Pero para kay Eoin…

Malamang tuwang-tuwa si Eoin dahil lagi niya palang kasama si Cyndel tuwing naliligo siya sa Rhine falls.

Mukhang matinong elf naman si Eoin at mataas din ang respeto niya kay Cyndel kaya sa tingin ko ay hindi tamang pag-isipan ko siya ng masama. Kahit na mapang-asar lang talaga.

"Nandito na tayo," sabi ni Eoin.

"Sa wakas!" Sumigaw si Cyndel at hinila ako sa harap ng isang malaking arko na para bang entrance ng isang lugar. Nakasulat din sa taas nito ang hindi ko maintindihang mga salita kaya nagtanong ako kay Cyndel.

"Ano nakasulat?" Bulong ko sa kanya.

"Aragon Market, Irine. Ang pinakasikat at malawak na market sa buong Amaryllis."

Oh.

Napansin kong may mga iba't-ibang genus ring pumapasok sa market. May mga katulad kong nasa anyong tao na nakasuot pa nga ng pangkaraniwang damit sa kabilang dimension.

Ang iba naman ay mga kauri ni Cyndel—mga elves. Napansin ko ang isang naglalakad na lalaki na mas maliit kaysa sa iba. Nasa kalahati lang siya ng katawan ni Eoin ngunit may pointed ears din siya pero malalaki ang mga paa.

Napansin yata ni Cyndel na nakatingin ako sa lalake kaya bigla niya akong hinila.

"Bakit?" Tanong ko.

"H'wag mong tititigan ang mga nilalang dito. Mag-iingat ka. Maari ka nilang linlangin at maari rin silang magalit dahil aakalain nilang may masama kang binabalak dahil pinagmamasdan mo sila."

Naalarma ako. Kailangan ko talagang mag-ingat habang natututo ako sa mga bagong nakikita ko. At ang mga akala kong normal na pwedeng gawin ay hindi pala maaari sa dimension na 'to.

"Dwarf ang nakita mo kanina." Tumabi sa 'kin si Eoin. "May mga pagkakahalintulad sa mga elves pero mas maliit parin sila."

"Eoin. Hinaan mo nga 'yang boses mo." Pagbawal ni Cyndel.

Nagkibit-balikat si Eoin at naunang naglakad na parang walang pakealam kung may makarinig nga sa kanya.

"Diba parehas lang naman ang dwarf sa elf?" Tanong ko kay Cyndel.

"Hindi, ano ka ba. May pagkakahawig lang kami pero magkaiba parin ang lahi namin."

Oh. Okay.

Pumasok kami sa arko at bumungad sa 'min ang alleys na dinadaanan ng mga genus. Sa kaliwa ay magkakahilerang buildings o shops at sa kanan ko naman ay mga stalls o maliliit na tindahan lang.

Habang naglalakad, pinagmasdan ko lang ang tipikal na pamilihan pero hindi pangkaraniwang mga bagay ang binibili. Mukhang normal na dito ang pagbenta ng mga armas dahil nakadaan kami sa ilang mga shops na nagbebenta ng mga weapons.

"@%#&#-#&#"

Kumunot ang noo ko. Ano 'yon? Hinanap ko kung saan galing ang tunog pero wala akong nakitang kahit ano sa tabi ko.

"@#%#-#&@."

"Mag-iingat ka Irine!"

Napahinto ako.

"Bakit? Bakit?!" Nilingon ko si Cyndel. "May ginawa ba akong masama?"

Tumawa si Eoin. "Irine! Siya ang naririnig mo."

Tumingin ako sa tinuro ni Eoin sa harap ko. Tinitigan ko ang maliliit na nilalang na lumilipad sa harap ko at nakangiti sa 'kin.

Isang fairy? Wait! Si–

"Tinkerbell!" Sigaw ko.

Muntikan nang mahulog ang maliit na boteng hawak niya dahil sa pagkagulat. Oops.

"Irine," tawag sa 'kin ni Cyndel na natatawa na. "Hindi siya si Tinkerbell."

Tuluyan nang natawa si Cyndel. Halos humahawak na nga siya sa 'kin para sa suporta kung sakaling mapatumba siya sa kakatawa.

Hindi nga ba siya si Tink? Kamukha niya kasi.

Napansin kong kinausap ni Eoin ang fairy hanggang sa lumipad ulit ito isang shop na puno ng mga bote ng pabango.

Kaagad akong napangiti nang marealize kong nakakita ako ng totoong fairy na akala ko'y hindi totoo!

"Sarah daw ang pangalan niya, Irine. Hindi Tinkerbell." Ani Eoin. "Magpatuloy nalang tayo."

Tumalikod siya at nagsimula na naman maglakad kaya sumunod kaming dalawa ni Cyndel.

"Hindi niya kasi kilala si Tinkerbell." Natatawang bulong ni Cyndel bago kami nagpatuloy maglakad.

"Pero bakit kilala mo?" Tanong ko.

"Sabihin nalang natin na curious din ako sa mundo ng mga tao kaya marami akong alam." Kumindat siya.

Hindi na ako nagtaka kung anu-ano ang pinag-aaralan niya. Napansin ko dati pa na adventurous si Cyndel kaya hindi na ako magugulat kung minsan ay binalak niyang pumunta sa kabilang dimension.

Nag-usap kami ni Cyndel tungkol sa Aragon Market. Ito ang sentro kung saan mabibili ang halos lahat ng bagay. Potions, gadgets, damit, at iba pang kailangan para mabuhay sa Amaryllis. Hindi na ako nagulat dahil sari-saring mga bagay ang nakita kong binebenta sa bawat shops o stalls na nadaanan namin.

"Nandito na tayo!" Bigla akong hinila ni Cyndel sa isang maliit at square na building. Gawa 'to sa metal at para bang isang warehouse. Naiintindihan ko na ang nakasulat sa karatula at binasa ko ito.

"Amaryllis Storehouse."

~*~

The original photo above is actually a cafe called R Art of Coffee in Japan.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.5M 62.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
304K 22.7K 36
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
16.7K 602 56
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...