[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 7

16.9K 510 41
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 7

I R I N E

"Irine, gising na, hija. Irine? Irine?"

Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sa katawan ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa kasu-kasuan ko. Unti-unti akong akong dumilat at si Sister Leyva ang una kong nakita.

"Buti naman at gising ka na," usal niya.

"Sister Leyva..." Nahihirapan ako sa pagsalita, feeling ko ay may nakaipit na bagay sa lalamunan ko. Nakakayanan pero nahihirapan ako. 

Inilibot ko sa paligid ang mga mata ko. Nandito pala kami sa kwarto namin ni Sam.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko kay Sister matapos kong magmasid. Nakaramdam kasi ako ng panghihina. Para bang natulog ako nang mahabang panahon.

Hinawakan ni Sister ang mga kamay ko. "Nakita kang walang malay sa labas ng ampunan, hija. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sayo. May naaalala ka ba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Sister. Pinilit kong alalahanin ang lahat at unti-unti namang naging malinaw ang mga 'yon sa aking alaala.

Ang pananakit ng mata ko, ang pananakit ng katawan na halos ikinamatay ko, ang lalakeng bumubulong sa 'kin, pati na rin si Sam. Bigla akong nakaramdam ng init sa mga mata ko.

"Anong nangyari, hija? Ayos ka lang ba?"

"Sister..." Niyakap ako ni Sister kaya humagulgol muli ako sa iyak. Si Sam, hindi ako makapaniwalang sinabihan niya akong mawala na sa mundo. Bakit? Ano ba ang ginawa ko? Galit ba siya sa 'kin? Bakit niya sinabi 'yon?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Gusto ko siyang makausap.

"Sister..." Kumalas ako sa yakap niya.

Bakas na ang pag-aalala sa muka ni Sister. "Anong problema, hija?"

"Sister, gusto ko po munang kausapin si Sam. Nasaan po siya?"

Natigilan si Sister Leyva at tumitig sa akin. Hinawakan niyang muli ang mga kamay ko at hinaplos ang buhok ko na parang naaawa.

Nagtaka ako sa kinilos ni Sister.

"Hija, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo 'to ngayon."

"Bakit po, Sister? Bakit? May nangyari po ba sa kanya? Nasaan po siya?"

Nagpanic ako. Sa kilos ni Sister parang may nangyaring masama kay Sam. Hindi maaari 'yon. Hindi ko matatanggap kapag may kung anong nangyaring masama na naman sa kanya.

"Anak, huminahon ka." Hinawakan ni Sister ang mga balikat ko. Naghintay ako ng sagot mula sa kanya.

"Nawawala si Sam, hija."

Natigilan ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. "Paano po, Sister? Kailan pa?"

"Nakita ka ni Jessica na walang malay sa labas. Kaninang idinala ka namin dito sa kwarto, napansin naming nakabukas ang cabinet niya. Wala na ang mga gamit ni Sam."

Natulala ako sa sinabi ni Sister. Bakit ako nasa labas? Ang pagkakaalala ko ay nasa dump site ako. At kung ganoon, malaki ang posibilidad na siya nga ang narinig ko kanina.

"Sister, nagsisinungaling lang po kayo diba?" Tumayo ako at naglakad. "Nandito pa po siya. Nandito po ang wheelchair niya." Pilit akong ngumiti at hinanap ang wheelchair ni Sam. Pinilit kong isipin na hindi talaga siya umalis. Hindi niya ako magagawang iwan.

"Tumigil ka na, Irine," usal ni Sister pero hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang cabinet ni Sam pero wala na ngang gamit.

"Irine..."

"Hindi naman ako magagawang iwan ni Sam. Buong buhay namin kami na ang magkasama. Hindi niya ako kayang iwan." Tumawa ako ng mahina.

Binuksan ko ang cabinet ko at nagbabakasakaling inilipat niya lang ang gamit niya pero wala akong nakitang gamit na pagmamay-ari ni Sam.

"Hija, tama na."

Naglakad-lakad ako sa kwarto baka sakaling may mahanap akong gamit niya.

"Tama na 'yan, Irine. Umalis na siya–"

"HINDI PO SIYA UMALIS!" Sumigaw ako. Napaupo ako sa sahig at umiyak. "Hindi niya ako iiwan! Pangako namin sa isa't-isa na walang iwanan!"

Simula pa noong pagkabata ay kami na ang magkasama. Hinding-hindi kami napaghihiwalay noon at mistulang tunay na magkapatid na kami. Pinangako naming poprotektahan namin ang isa't-isa. Pinangako naming hindi kami mag-iiwanan.

"Tahan na, Irine. Tumahan ka." Niyakap ako ni Sister at hinaplos ang likod ko. Wala akong nagawa kundi yumakap pabalik at umiyak sa mga balikat ni Sister.

'Mamatay ka na!'

'Wala kang kwentang kaibigan, Irine.'

Bakit Sam? Bakit bigla kang nagbago?

~*~

PILIT kong inalala ang nangyari kanina, at kahit anong gawin ko ay sa dump site talaga ang huling pinuntahan ko. Hindi ko naman kayang maglakad dahil sa sakit na naramdaman ko.

Kaya nakapagtatakang natagpuan nila ako sa labas ng ampunan.

Hindi ko rin mawari ang naramdaman ko kanina sa dump site. Akala ko nga ay mamamatay na ako. Naalala ko ring nawalan na ako ng paningin kanina ngunit mabuti nalang ay bumalik muli ngayon.

At ang ang boses na naririnig ko,

'Kilthei..."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Pero bakit siya bumubulong? Ano bang kailangan niya sa 'kin?

Si Sam... Na akala ko ay hindi ako iiwan.

"Ah!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkalito. Ayoko na muling isipin si Sam, dahil sa tuwing iniisip ko siya, gusto kong lumayas sa ampunan at hanapin siya. Naluluha ako tuwing naaalala ko siya.

Sana may nakakita man lang sa 'kin at kay Sam kanina para malaman ko kung totoo bang siya ang kasama ko sa dump site.

'Naririnig ko kung ano ang naririnig ni Erracious.'

Biglang sumagi sa isip ko si Errapel.

Napatayo ako. Alam niya kaya kung ano ang nangyari sa 'min kanina o kung nasaan si Sam? Siguro. Siguro nga. Maaaring may nakapaligid na mga ibon sa 'min at maaaring narinig ni Errapel ang lahat. Kailangan ko siyang kausapin ngayon. Hindi ako matatahimik hanggang sa makasigurado ako.

Desidido na akong umalis sa ampunan at pumunta kay Errapel. Kumuha ako ng ilang damit sa cabinet at ang kaunting ipon ko mula sa aking baon. Kinuha ko na rin ang shades ko para itago ang mata ko at isang flashlight.

Tinali ko muna ang buhok ko bago kunin ang bag at lumabas ng kwarto. Gabi na kaya tulog na ang mga kasama ko sa ampunan. Nakakabingi na nga ang katahimikan sa madilim na hallway na nilalakaran ko.

Sinigurado ko ring hindi malakas ang pagtama ng mga paa ko sa kahoy na sahig.

Nang makalampas sa mga kwarto, doon na ako tumakbo ng mabilis pababa ng hagdan.

Binuksan ko ang flashlight at inilibot ang ilaw sa sala ng ampunan. Huminga ako ng malalim. Mukhang ito ang ang first time na lalayas ako sa ampunan. Wala nang atrasan 'to.

"Irine.."

Napahinto ako sa paglalakad. Inilawan ko kung sino ang tumawag sa akin pero wala kahit anong presensya ng tao sa paligid.

"Irine..."

Nangilabot na ako. Halos inilawan ko na ang buong sala at hinanap ang taong tumatawag sa 'kin. Isang babae. Pero wala akong nakita.

"Halika dito Irine."

Sa isa pang pagkakataon, unti-unti ng nagsink-in sa 'kin kung kaninong boses ang naririnig ko.

"Sam." Bulong ko. Aligaga akong naghanap sa best friend ko sa buong sala. "Sam? Nasaan ka?"

"Irine, halika rito." Narinig ko na naman ang boses niya pero sa pagkakataong ito, sa kwarto kung saan kami nagbuburda nanggagaling ang boses.

Pumunta ako roon at binuksan ang pinto. Wala akong makita kundi ang ilaw mula sa buwan na pumapasok sa bintana. At ang tanging naiilawan lang ay ang sewing machine na ginagamit ni Sam noon.

May napansin akong kakaiba sa ibabaw nito. Lumapit ako sa sewing machine niya at may nakita nga akong isang panyo na karaniwan naming pinagbuburdahan. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

"Aww!" Hindi ko namalayang may karayom pa pala sa likod ng panyo. Nang dahil sa karayom, lumabas ang pulang likido sa daliri ko.

Sinipsip ko nalang ang dugo at tiningnan kong muli ang panyo nang mapansing naburdahan ito.

'Wala kang kwenta, Irine'

Napakagat ako ng labi. Para bang dinudurog ang pagkatao ko sa ginagawa ni Sam.

Handmade. Handmade ang pagkakaburda dahil sa pagkasloppy nito. Alam kong si Sam ang may gawa dahil siya lang ang hindi sanay na magburda gamit ang mga kamay sa 'ming nagtratrabaho.

Inilapag ko sa machine ang panyo. Gusto ko ng kasagutan sa mga nangyayari.

Nakaramdam ako ng malamig na hangin sa leeg ko. Lilingunin ko na sana ang bintana sa likod para tingnan ito pero napatalon ako sa gulat nang may nakita akong anino na nasa harapan ko. Aninong mula sa likod ko at nakatayo na para bang nakatingin sa 'kin.

Lumingon kaagad ako sa bintana ngunit hindi ko na siya naabutan. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Hindi ko na inalintana ang kaba at takot na nararamdaman ko.

"Sino ang nandiyan?" Walang sumagot. Wala din akong makita kundi mga puno lang na galing sa garden, ang buwan at mga bituin na nagbibigay ng liwanag.

"SUNOG! MAY SUNOG!"

Naalarma ako sa sumigaw. Nakarinig na rin ako ng iba pang mga sigaw mula sa taas.

"AHH! MAY SUNOG!"

Napatakbo kaagad ako palabas ng kwarto at kaagad akong napaubo dahil sa bumungad na makapal na usok. Tinakpan ko ang aking ilong bago sinundan kung saan galing ito.

Sa taas ng hagdan. May sunog. Nasusunog ang ampunan!

"Takbo! Lumabas na kayo, dali!" Nakita ko si Ate Jessica na tinutulungan ang mga batang bumaba sa hagdan.

"Ate!" Pagtawag ko ng pansin sa kanya.

"Irine, umalis ka na dito! Tulungan mo ang mga bata na lumabas. Ako na ang bahala sa iba."

"Pero-"

"Gawin mo nalang!" Wala akong nagawa kundi tumakbo. Nilapitan ko ang mga umiiyak na bata na nasa tabi niya.

"Mag-iingat kayo," bilin ni Ate Jessica bago niya ibinigay ang mga bata sa 'kin. Hinawakan ko ang dalawa sa kanila na umiiyak at tumakbo sa pintuan para makalabas.

Tumakbo kami sa kabilang kalye. Kitang-kita ko kung paano lumakas ang apoy at tinutupok ang ampunan.

"Ate, natatakot ako." Hinila ni Lily ang damit ko. Siya ang pinakabata sa ampunan. Umiiyak siya at nanginginig kaya niyakap ko nalang siya at pinatahan.

"Tahan na, Lily."

Habang nakayakap ako sa kanya, pinagmasdan ko ang ampunan. Nasusunog na ito mula sa itaas at habang tumatagal ay lumalakas pa ang apoy. Sigawan na rin ang naririnig ko sa mga taong papalabas ng ampunan.

Nanlulumo ako sa nakikita ko. Ang ampunan na naging tirahan namin. Unti-unti nang nasusunog.

"Yung mga gamit natin, Pao!" Sigaw ni Keith nang makalabas sila.

"Hayaan mo na, Queen. Mas mahalaga ang buhay natin."

Napansin yata ni Keith na nakatingin ako sa kanilang dalawa.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Lumapit siya sa 'kin. "Alam mo? Kasalanan mo to! Ikaw ang may gawa nito hindi ba?! Mangkukulam! Dapat sunugin ka na! Dapat mamatay ka na dahil salot ka! Salot!"

"Tama na!" Hinila ni Paoline si Keith at inilayo sa 'kin.

"Salot ka Irine!" Dinuro niya ako habang umiiyak. 

Nilayo ko ang tingin kay Keith at pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko. Kumalas na rin ako ng yakap kay Lily para pagmasdan ang paligid.

Lahat ng nakaligtas ay umiiyak habang tinitingnan ang ampunan. Nagdadatingan na rin ang mga bumbero at pulis sa lugar. Pati na ang mga taong nagkumpulan para pagtsismisan ang nangyayari ay kasama na rin namin.

Kumpleto na kaming lahat. Si Sister Leyva nakalabas na rin at si Ate Jessica na nakaalalay sa kanya.

"Yung mga gamit natin at ang ampunan, Jessica. Natutupok na ng apoy." Narinig kong sabi ni Sister habang umiiyak.

"Ayos lang po 'yon, Sister. Iniligtas tayo ng Diyos mula sa sunog at 'yon ang mahalaga."

"Tama ka. Pero sana naman ay nakakuha ako ng gamit mula sa aking kapatid bilang alaala."

Natigilan ako. Ang mga gamit ni Sister Martha.

'Ingatan niyo rin ang mga gamit ni Martha. Lalo na ang amulet.'

Naalala ko ang sinabi ni Errapel. Bigla akong tumakbo papunta sa ampunan, hindi na inaalala pa ang mga nagulat sa kinilos ko.

"Irine!"

"Ate Irine!"

"Irine bumalik ka dito!"

Narinig kong sigaw nila. Hindi. Hindi ako pwedeng tumigil dahil importante ang kailangan kong kunin.

Hindi pa masyadong natutupok ng apoy ang left side ng second floor kung saan ang kwarto ni Sister at ang daanan papunta sa attic. Kaya ko pang iligtas ang mga gamit ni Sister Martha.

"Miss! Umalis ka diyan!" Sumigaw sa akin ang isang bumbero. Hinabol niya ako pero mas binilisan ko ang aking pagtakbo.

Isang kahoy ang bumagsak sa likuran ko nang makapasok ako ng pintuan dahilan kung bakit hindi na nakaabot ang bumbero.

Usok na ang nakikita ko sa ground floor na nagmumula sa itaas ng hagdan. Kumuha ako ng isang damit sa bag ko at itinapal sa bibig ko bago tumakbo papunta sa hagdan.

"AHH!" Nalusot ang paa ko sa hagdan na marupok. Kung minamalas ka nga naman!

Hinila ko ang paa ko at agad naman itong natanggal. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa second floor.

Nakita ko ang malaking apoy sa right side. Mainit na sa pwesto ko kaya tumakbo ako papunta sa left side ng second floor.

Napaubo ako. Habang tumatakbo, naramdaman ko sa likod ang lalo pang umiinit na paligid. Nilingon ko ang aking likod at nanlaki ang mga mata ko nang makitang papalapit na nang papalapit ang apoy.

"AHH!" Napasigaw ako.

Binilisan ko pa ang pagtakbo nang maramdaman kong napapaso na ang balat ko sa pagtaas ng temperatura.

"Ōkeanos wefan!" Isang sigaw ang nag-echo sa hallway na tinatakbuhan ko.

Napatigil ako at lumingon sa likod. Isang malaking alon na ng tubig ang lumulusob sa apoy na kumakalat sa second floor.

Nagulat ako sa pamilyar na taong nasa harapan ko. "Errapel!"

Si Errapel na may hawak na isang wand habang nasa batang anyo niya. Isa ba siyang wizard?

"Tumakbo ka na, Irine! Kunin mo ang amulet!"

Tumingin si Errapel sa 'kin at itinapat ang wand sa direksyon ko.

Kaagad akong hindi makagalaw at maramdamang gumaan ang aking pakiramdam. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat habang pinagmamasdan ang mga paa kong humihiwalay sa sahig.

"Kunin mo ang amulet, pumunta ka sa attic, at tumakas ka, Irine," usal niya.

"Errapel–"

"Ngayon na!"

"Errapel!" Sumigaw ako nang kusang gumalaw ang katawan ko at lumipad papalayo sa kanya. Pinagmasdan ko lang si Errapel lumalayo sa paningin ko.

"Mag-iingat ka!" Sigaw ko.

Tumango si Errapel. Huminto ako sa isang kwarto at unti-unting nakababa hanggang sa maramdaman kong nakaapak na muli ako sa sahig.

Nandito na nga ako sa tapat ng kwarto ni Sister Martha. Sinulyapan ko muna si Errapel na ngayon ay nagbibigkas ng spell para mapatay ang apoy bago pumasok sa loob ng kwarto.

"Ang kahon," bulong ko sa sarili. Mabilis akong lumuhod para kunin ang kahon sa ilalim ng kama. Nakita ko ito at kaagad kong kinuha.

"Akin na ang hawak mo."

Natigilan ako. Isang malamig na boses ang narinig ko sa kwartong pinasok ko. Tumayo kaagad ako at nakita nga kung sino ang nagsalita.

"Akin na 'yan..." Nangilabot ako sa lalim ng boses niya at hindi nakapagsalita.

Nakasuot siya ng makapal na itim na cloak at may hood na tinatakman ang kabuuan niyang mukha.

Para siyang si kamatayan. Tumaas ang balahibo ko sa batok.

Nanuyot ang lalamunan ko sa presensyang dala niya. Pero isa lang ang nararamdaman ko, hindi ako ligtas sa tabi niya.

Napansin niya yatang hinahakbang ko na ang isa kong paa kaya inunahan niya akong gumalaw at tumakbo sa direksyon ko.

Tinakpan ko ang mukha ko. "H'wag kang lalapit!"

"Unda staceosa!"

Mabilis kong tiningnan ang nangyayari matapos ang pagsigaw ng pamilyar na boses.

"Umalis ka na dito, Irine! Pumunta ka sa taas!" Sigaw ni Errapel habang nasa pader na siya at sinasakal ng braso niya ang nakacloak na nilalang.

"Irine!" Nagulat ako sa sigaw niya. "Pumunta ka sa attic!"

Tatakbo na sana ako pero kaagad na tumigil dahil itinulak si Errapel ng nakacloak. Tumumba siya at tumama ang braso niya sa table.

Itinaas ng nakacloak ang kamay niya, unti-unting umilaw ang palad niya hanggang sa may mamuong bagay. Bolang apoy. Akala ko ay kay Errapel niya itatapat pero bigla siyang tumingin sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Takbo!" Sigaw ni Errapel.

Nakita kong ibabato ng nakacloak ang bolang apoy kaya mabilis akong tumakbo palabas ng pinto at tumalon.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko kasabay ng aking pagkadapa sa sahig. Dumaing ako nang maramdaman ang impact sa tiyan ko. Lumingon ako sa likod at nakita kong umaapoy na ang pintuan kung nasaan ako malapit kanina.

Mabuti nalang.

Sa attic. Kailangan kong pumunta sa attic. Tumayo ako at tumakbo sa pinakadulo ng hallway. Kinuha ko ang hagdan mula sa gilid at inayos ito. Umakyat ako sa attic na katulad ng sinabi ni Errapel.

Pagkapasok ko sa attic, binuksan ko ang ilaw pero napaisip ako...

Ano na?

Ano na ang gagawin ko dito?!

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto at nakita ko ang isang bintana.

Kung tumalon nalang kaya ako?

"Meow ~"

"Ay pusang gala!"

Napatalon ako sa gulat. Nakita ko ang pusa na nakaupo sa kahon malapit sa pader na nababalutan ng tela.

"Ikaw na naman–ah!" Napatakbo ako sa pusa nang may sumabog sa likuran ko. Tumalon rin ang pusa sa hawak kong kahon ni Sister.

"Meow ~"

"H' wag mo siyang sasaktan!" Narinig ko ang boses ni Errapel. Hindi nga ako nagkamali dahil tumalon siya mula sa butas ng sumabog sa floor ng attic.

Tumingin si Errapel sa 'kin. "Ayos ka lang, Irine?"

Tumango ako.

"Tanggalin mo ang tela na nasa likod mo." Itinuro niya ang pader kung saan ako napasandal noon. Nilingon ko ang sinasabi niya. Tinanggal ko kaagad ang tela at bumungad nga sa 'kin ang isang pader na nababalutan ng mga ugat. Gumagalaw na parang ahas.

Biglang gumalaw ang mga halaman at gumapang para hawakan ako. Napaatras na lamang ako. Ano bang klaseng halaman 'yan?!

"Lumapit ka sa gate, Irine," ang sabi ni Errapel.

Humarap ako sa kanya. "Gate? Gate ba 'tong mga weird na halaman?! Sandali–"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang muli ang nakacloak na nasa likod na na ni Errapel, hawak na naman ang isang bolang apoy.

"Errapel! Ilag!" Sigaw ko.

Lumingon siya sa likod at mabilis na yumuko nang makita ang bolang apoy. Sa kasamaang palad, sa direksyon ko na ito papunta.

"Irine! Pumasok ka na sa gate!" Sigaw ni Errapel.

Nangangatog na ang mga tuhod ko habang mabilis umaatras. Ang bolang apoy ay bumubulusok na papunta sa 'kin. Paano? Paano ako makakapasok sa gate?

"AHH!" Napapikit ako nang tuluyang mapasandal sa pader at napadasal.

Niyakap ko ang kahon at ang pusang kasama ko. Hinintay ko ang pakiramdam na may tumama sa 'king matigas na bagay pero ilang segundo na ang lumipas, wala akong naramdaman.

"Meow ~" Idinilat ko ang mga mata ko.

Nagulat ako nang nagkaroon ng transparent shield sa harapan ko kasama ang mga gumagapang na ugat at mistulang pinoprotektahan ako.

"Meow ~" Tumingin ako sa pusa.

Nagulat ako nang ibang pusa na ang hawak ko.

"Sino ka?!" Hindi na itim ang hawak kong pusa kundi kulay puti na! Nagbago rin ang mga mata niya, royal blue, kasing kulay ng mata ko.

"Mag-iingat ka, Irine." Narinig kong sabi ni Errapel sa 'kin bago ko muling marinig ang malakas na pagsabog.

"ERRAPEL!" Sigaw ko. Saan nanggaling ang pagsabog? Bakit tumahimik na ang paligid? Bakit hindi ko na naririnig si Errapel?!

"Errapel?" Sinubukan kong hawiin ang mga ugat na pinoprotektahan ako. "Errapel!"

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Sana hindi tama ang hinala ko.

Imbes na mahawi ang ugat. Gumalaw ito at nagsimulang balutan ang katawan ko. Naramdaman kong pumalipot ang mga ugat sa paa ko, kamay ko, pati sa tiyan ko.

"Meow ~"

'Yon na ang huling narinig ko bago pa man tuluyang humigpit ang pagkakapit ng mga ugat at hinila ako patalikod.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
2.4M 183K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
9.8M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
10.2M 473K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...