[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 4

22.4K 650 41
By tala_hiraya


ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 4

I R I N E

"Ayos lang ba talaga sayong samahan nalang ako dito?" Tanong ko kay Sam habang nagbuburda kami ng panyo.

"Oo naman. Mas gugustuhin ko pang makasama ka kaysa apihin na naman ako roon. Wala na rin kasi akong matatawanan habang nagdedaydream ka."

"Sam naman!"

Tumawa si Sam nang binato ko siya ng panyo.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang ikalat ni Keith ang balita na mangkukulam daw ako. Oo. Siya raw ang nagkalat ng balitang 'yon. Hindi na ako nagtaka kung siya talaga ang pasimuno ng lahat. Hindi ko naman siya nakakausap dahil siya na mismo ang lumalayo.

Sa probinsya namin, naniniwala ang karamihan na totoong may mga mangkukulam at halos lahat ay takot sa kanila. Ayaw nilang makabangga o makasalimuha man ng isa.

Naalala ko tuloy noong nagdidilig ako ng halaman sa harap ng ampunan, nagsitakbuhan ang mga nakakita sa 'kin. Natatakot. Nandidiri.

Nakakatawang isipin na dahil lang sa kakaibang mata ko, nakuha pa ni Keith na gawan ako ng kwento.

Isang mangkukulam?

Napailing nalang ako dahil sa isip batang balita ni Keith.

Pinayagan na rin kami ni Sister na lumabas para tumulong sa pagdeliver ng mga panyo kaya naman nabawasan din ang pagkabagot namin sa bahay ampunan.

"Mga hija! Tara na at magdedeliver na tayo." Sigaw ni Manong Oscar mula sa labas.

"Opo manong!" Sigaw namin pabalik.

Inayos na namin ang mga gamit sa pagbuburda at isinuot ang shades ko. Kailangan ko ito dahil lalabas kami ng ampunan. Sa loob ko lang itinatanggal ang shades simula noong nalaman ng mga kasama ko ang sikreto na dati ko pang tinatago.

Itinulak ko na ang wheelchair ni Sam palabas ng bahay ampunan.
Sumakay na kami sa isang van na laman ang mga produkto namin. Si Manong Oscar ang magmamaneho at katabi ko naman si Sam na nakaupo sa bandang likod niya. Kasama rin namin ang ibang trabahador ng ampunan. Sila ang mga inampon na at nagkaroon ng sariling pamilya pero bumalik para tumulong parin para sa business.

"Saan po tayo pupunta manong?" Tanong ko sa kanya.

"Sa subdivision malapit sa ampunan. May mga um-order kasi roon ng mga produkto natin." Sagot ni Manong Oscar.

Oh. Siguro mayaman sila. Ilang kahon din kasi ang dala namin.

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nangyari sa buhay ko. Ang gulo at napakamisteryoso.

Mula noong nasunog 'yung papel, lagi na akong naghahallucinate ng mga bagay. Minsan nakikita ko pa si Sister Martha na nasa harap ko at minsan naman naririnig ko 'yung boses na may nagsabing 'cursed' noon. Balak ko sanang sabihin ito kay Sam pero ayaw ko naman siyang takutin.

"Nandito na tayo," ani Manong Oscar.

Bumaba na kaming lahat at nagtulungan na buhatin ang mga kahon para ipunta sa isang bahay.

"Ako nalang po diyan." Offer ko kay Manong Oscar na nagbubuhat ng dalawang kahon.

"Hindi na, Irine. Samahan mo nalang si Sam doon." Tinuro niya si Sam at t'yaka ngumiti sa 'kin.

"Kung 'yan ang gusto niyo manong. Hindi kita pipilitin." Biro ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka! Osiya, doon ka nalang!" Umalis na palayo si Manong kaya pumunta kaagad ako sa tabi ni Sam na kasalukuyang inililibot ang paningin sa paligid.

Pinagmasdan ko rin ang subdivision. Kakaunti pa kasi ang mga bahay at halatang katatayo palang nito. May mga areas din kasi sa subdivision na napapaligiran ng maraming puno at wala pang natatayong bahay.

Sa tingin ko ay nasa 10 bahay palang ang napapatayo sa malawak na lupang kinatatayuan namin. Medyo liblib din ang gilid ng subdivision kaya siguro wala pa masyadong taong gustong tumira rito.

Ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang daan sa bandang gilid ng subdivision at napapalibutan ng mga malalaking puno. Tinitigan ko ang daan pero wala akong makita kung saan papunta ito.

Weird. Maliwanag pa naman pero dilim lang ang nakikita ko.

"Nakatulala ka na naman!" Pinalo ako ni Sam sa braso. "Ano bang tinitingnan mo?" Tanong niya sa 'kin.

"Ayun oh! May daan kasi roon." Itinuro ko ang tinitingnan ko kanina pa. Mga 30 meters din ang layo ng daan na sinasabi ko.

Nang tinitigan ko ang mga dahon na gumagalaw dahil sa hangin, may bigla akong napansin na presensya sa bandang itaas ng puno. Tiningnan ko ito ng mabuti at..

Isang ibon?

Napahawak ako sa wheelchair ni Sam nang mapagtanto ko ang itsura ng ibon. Halos napuputol na ang sangang pinagpapahingahan niya dahil sa sobrang laki nito.

"Ang laki namang ibon yan! Halika na Irine, nakakatakot na rito." Pilit hinila ni Sam ang mga braso ko pero hindi ko magawang maialis ang tingin ko sa ibon.

Sa tingin ko ay isa siyang agila na isang metro ang laki o higit pa. Napaatras ako sa kabang bigla kong naramdaman. Brown ang makapal na balahibo ng ibon at may matutulis na mga kuko.

Bigla siyang gumalaw kaya naalarma kami ni Sam. Balak ko na sanang tawagin si Manong Oscar pero napansin kong tumahimik ang buong paligid.

Nilibot ko ang aking paningin sa pwesto ng sasakyan ni Manong. Pero wala na sila kaya kami nalang ni Sam ang nag-iisa sa labas.

"Halika na Irine!" Hinila ulit ni Sam ang braso ko.

"Sam, wag kang sumigaw at baka marinig niya tayo." Pagpapaalala ko sa kanya.

Tinantsa ko ang bawat galaw namin para makapasok sa isang bahay habang dahan-dahang naglalakad at itinutulak ang wheelchair ni Sam.

Pero nakatingin parin ako sa agila para makasigurado.

Nagpalinga-linga na ng tingin ang agila hanggang sa tumapat ang mapupula niyang mga mata sa 'kin. Napatigil ako. Nagulat kaming dalawa ni Sam nang biglang naglabas ng matinis na ingay ang ibon at lumipad sa direksyon namin.

"Irine, takbo na!" Sigaw ni Sam.

Napasigaw din ako at mabilis akong napatakbo habang tulak ang wheelchair ni Sam. Nang makita ko ang pinto kung saan pumasok si Manong Oscar kanina, pinilit ko na ang mga tuhod ko para bumilis ang pagtakbo.

Hininto ko muna ang wheelchair para mabuksan ang pinto.

"Irine! Nandiyan na siya!" Sigaw ni Sam. Nakita ko nga ang agila na bumubulusok papalipad sa direksyon namin.

Nang dahil sa adrenaline rush, mabilis kong binuksan ang pinto, hinila si Sam papasok at isinara ito. Kinakabahan. Hinihingal.

Muntikan na kami roon.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Manong sa 'min nang makita nila kami.

"May problema ba? Halika kain muna kayo." Offer sa 'min ng may-ari ng bahay.

Pero hindi parin kami nakakarecover sa pagkagulat. Pati si Sam nakatulala na kaya naman ako na mismo ang nagsalita kahit nahihirapan din ako.

"Ma'am.." Pagtawag ko ng pansin sa may-ari. "May..may agila po ba dito sa subdivision?"

"Ha?" Nagkatinginan ang may-ari at ang asawa niya na para bang nagtataka. "Imposibleng may agila dito, hija. Pinacheck na kasi ng may-ari ng subdivision na walang wild animals sa gubat."

"Pero..." Hinawakan ni Sam ang braso ko. Umiling si Sam na para bang pinipigilan akong ituloy ang sasabihin ko.

"Imposible ring magkaroon ng agila dito. Hindi ba't nauubos na ang lahi nila?" Dugtong niya.

Imposible. Kinabahan ako sa sinabi ng may-ari ng bahay. Kung imposible nga na magkaroon ng agila dito, ano 'yung nakita naming malaking ibon?

"Ganoon po ba? Salamat po." Ngumiti ako sa kanila, kahit pilit. Hindi na sila nagtanong pa at binigyan nalang kaming dalawa ni Sam ng pagkain.

Nanginginig akong umupo sa upuan malapit sa 'kin. Ano ba kasi 'yon? Ang dami nang nangyayari sa buhay ko na kakaiba. Nakakapraning na!

"Natatakot ako, Irine." Lumapit si Sam sa 'kin. Tumango ako kay Sam bilang pagsang-ayon habang hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang takot.

"Agila kaya 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Sa tingin ko, agila nga 'yon. Pero matapos sabihin ng may-ari na imposible? Hindi ko na alam papaniwalaan ko." Eksplika niya.

Bakas sa mukha namin ang takot dahil akala ko maabutan kami ng ibon kanina.

Mas mabuti nang malaman ni Manong Oscar ang nangyari para masolusyonan kaagad ito. Tumayo ako at humarap kay manong. Tatawagan ko na sana siya pero may napansin kaagad akong kakaibang puting usok na unti-unting lumalabas sa baso ni Manong Oscar.

"AHH!" Naitapon ko ang basong hawak ko nang usok din ang lumabas. Ganoon din ang ginawa ni Sam.

"Irine, tingnan mo!" Itinuro ni Sam ang mga kasama namin sa bahay. Lahat ng hawak nilang baso ay may lumalabas na usok para bang dahilan kung bakit nakahawak na sila sa kanilang mga ulo na parang nahihilo.

"Manong Oscar!" Tawag ko pero huli na ang lahat dahil lahat sila ay sunud-sunod na tumumba.

Gulat. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang pagkagulat. Nakatingin na lamang ako sa mga nakahigang katawan ng mga kasama namin. Si Manong Oscar, ang iba naming kasamahan sa ampunan, at ang mga may-ari ng bahay.

Kaagad akong pumunta sa tabi ni Manong at pinilit ginising siya. "Manong! Gumising ho kayo!"

Kinuha ko ang wrist ni Manong at pinakiramdaman ang pulso niya. Normal. Nakahinga ako ng maluwag. Sinigurado ko rin ang iba, lahat sila ay humihinga parin.

"Patay na ba sila?" Tanong ni Sam mula sa likod ko. Hinarap ko siya at pumunta sa tabi niya.

"Mukhang natutulog lang sila." Itinapat ko ang kamay sa dibdib ko dahil bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Humingi na kaya tayo ng tulong? Ano ba 'yung usok na 'yon at bigla silang nahimatay?!" Sigaw ni Sam.

Napakagat ako ng labi. Pati ako ay hindi ko din masagot ang tanong niya. Isa na naman ba itong kababalaghan?

Kaagad kong itinulak ang wheelchair ni Sam at lumabas kami ng bahay.

"Saan tayo pupunta? Hindi natin pwedeng iwan sila dito, Irine!"

"Oo! Alam ko 'yan, Sam. Hihingi lang tayo ng tulong sa kapit bahay nila. Wala tayong magagawa dahil hindi natin sigurado ang nangyayari." Sagot ko para mapakalma siya.

Tumakbo ako habang tulak ang wheelchair ni Sam papunta sa kapitbahay.

"Dito ka muna." Iniwan ko si Sam at pumunta sa pintuan ng kapitbahay at kinatok ito.

"Tulong! Tulungan niyo po kami!" Kinatok ko lang ang pinto pero mukhang walang tao sa loob. Katahimikan lang ang natanggap kong sagot.

Tatakbo na sana ako sa kabilang bahay pero nakarinig na ako ng malakas at matinis na tunog mula sa itaas. Kilala ko kung saan galing 'yon......sa agila.

"Irine!" Napatingin ako sa itinuro si Sam at nagulat ako na lumilipad ng mabilis ang isang agila papunta sa direksyon namin.

"Irine takbo!" Kaagad akong tumakbo kay Sam at tinulak ang wheelchair niya.

Tumakbo sa direksyon kung saan ang natatandaan kong exit ng subdivision. Wala akong lakas loob na lumingon sa agila dahil naririnig ko palang ang tunog ng hangin ay nakakapangilabot na.

Patuloy ang pagsigaw ng agila habang tumatakbo ako. Hindi ko inalintana ang mga batong sumasagabal sa pagtakbo ko.

"Malapit na siya!" Sigaw ni Sam.

Napalingon ako sa likod ko. Halos nangatog ang tuhod ko nang nakita ang mga nanlilisik na mata ng agila malapit na sa 'min.

Bigla akong nakaramdam ng pagod at panghihina.

"Sam..." Huli na ang lahat dahil napatid ang kanang paa ko at napatumba. Nabitawan ko din ang wheelchair ni Sam na gumugulong na palayo sa akin.

Naramdaman ko naman ang hapdi at sakit sa magkabila kong tuhod.

"Irine! Tumayo ka na riyan! Malapit na ang agila sayo!" Sigaw ni Sam.

Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo para makapunta kay Sam.

Ngunit hindi na ako nakalapit pa kay Sam dahil may naramdaman na akong hapdi sa magkapareho kong balikat. Napasigaw ako sa gulat nang bigla akong umangat.

"AHHH!" Sigaw ko habang pinipilit na pumalag sa hawak ng agila.

"Irine!"

Tumingala ako at nakita ko ang nilalang na nakahawak sa balikat ko. Narinig ko rin ang pagsigaw ni Sam ng pangalan ko pero palayo na kami ng palayo sa kanya. Pahina na nang pahina ang sigaw ni Sam.

"Bitawan mo ako!" Pilit kong gumalaw para malaglag pero masyado na kaming mataas at malayo kay Sam. Kung ipipilit ko pang magpumiglas, siguradong patay ako nito.

"Yung shades ko!" Nanlumo ako habang tinitingnan ang shades ko na nahuhulog.

"Hoy agila! Ibaba mo na ako!" Pinalo-palo ko ang mga paa niya. "Agila! Please gusto ko pang mabuhay. Kailangan pa ako ni Sam!"

Wala akong pakealam kung naiintindihan niya ako o hindi. Paano kung kakainin niya pala ako? Paano kung bubuksan niya ang tiyan ko at kakainin ang laman loob ko?

Katapusan ko na ba ito? Biglang nagflashback ang lahat ng nangyari sa akin. Ang pagkamatay ni Sister Martha. Ang pang-aapi sa akin ng mga kasama ko sa ampunan. Ang amulet. Ang bumubulong sa 'kin. At ang papel na nasunog. Ano bang klaseng buhay mayroon ako? Bakit ganito?

Pinilit kong tanggalin ang mga paa ng ibon pero nakabaon na ito. Napaiyak na ako sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman ko. Natatakot na rin ako sa patuloy na paglipad ng ibon papunta sa isang gubat.

Sumigaw na naman ang agila kaya tinakpan ko ang mga tenga ko. Napatingin ako sa gitna ng gubat. Nagulat ako nang biglang may lumutang na mansion sa parteng 'yon. Sandali...wala 'yan kanina.

"AAHHHH!" Napasigaw ako. Mas binilisan pa ng agila ang paglipad pataas kaya imbes na tanggalin ang mga kuko niya sa balikat ko ay napahawak pa ako sa kanya dahil sa takot ng paghulog.

Bigla siyang tumigil sa itaas na ipinagtaka ko. Pero kaagad akong nakaramdam ng kaba nang mawari ko ang balak niyang gawin.

Bababa kami!

"AYOKO NAAAA!" Lumipad ng napakabilis ang agila pababa sa direksyon ng mansion. Napahawak ako ng mahigpit sa mga paa niya at napapikit dahil sa bilis ng lipad niya.

Malakas na tumama ang hangin sa mukha ko. Hindi ko na rin inalintana ang lakas ng agila habang nakabaon ang kuko niya sa balikat ko.

Hanggang sa naramdaman kong huminto kami. Kaagad akong naduwal nang dahil sa adrenaline rush. Nasusuka at nahihilo.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumambad nga sa harap ang mansion na nakita ko mula sa itaas.

Sumigaw muli ang agila kaya napatingala ako sa kanya pero hindi ko inaasahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa 'kin. Shocks. Bibitawan niya ako!

"AAAHHH!" Pinikit ko ang mga mata ko. Hinintay kong bumagsak ako sa lupa pero wala akong naramdamang sakit.

Bigla akong nakaramdam ng malambot na bagay sa pwetan ko. Kinapa ko kaagad kung saan nga ba ako bumagsak. Malambot. Gumagalaw. Kaya idinilat ko ang aking mga mata para tingnan ang pinagbagsakan ko.

"WAAH!" Mabilis akong tumayo at lumayo sa pwesto ko kanina. Nang makita kung ano ang pinagbagsakan ko, nanlaki ang aking mga mata habang hindi makapaniwalang nakaturo sa isang nilalang na gumagalaw sa harap ko.

"Maraming salamat, Jeno." Nawala ang atensyon ko sa nilalang. Nilingon ko ang nagsalita mula sa likod ko.

Thank you, Lord! Tao na ang kaharap ko.

"Umalis ka muna, Jeno," sabi ng matanda sa uhm-hindi ko talaga alam ang tawag doon.

Napaatras ako nang dumaan siya sa harap ko. Kung ikukumpara ko ang nilalang, para siyang isang malaking jelly sa sobrang lambot pero matibay. Transparent na kulay puti at may dalawang malalaking mata sa gitna.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa 'kin ng matandang lalake.

Tiningnan ko siya ng walang emosyon. "Hindi po." At tyaka nagpanic. "Ano po ba ang mga nakita ko?! Lolo! Sabihin mo po, nasa katinuan pa ba ako? Hindi naman po ako nagdadrugs! Pero bakit kung anu-ano ang nakikita ko-ah lumayo ka sa 'kin!"

Nilapitan pa ako ng jelly at sinubukan akong pasakayin sa kanya. Ano siya sinuswerte?!

"Ayos lang 'yan, hija. Hindi siya nananakit." Ngumiti siya sa 'kin.

Wow. Hindi man lang siya nagdalawang isip sa sinabi niya. Eh paano 'yung agila? Napatingin ako sa agilang kumuha sa'kin. Ngayon naman ay tinutuka niya 'yung jelly. Tumatalbog lang naman ito sa malambot na pangangatawan ng jelly o kung ano pang tawag doon.

"Ayoko na!" Napasabunot na ako sa buhok ko. "Baliw na yata ako!"

Kaya ko pang tanggapin ang ibon na kumuha sa 'kin pero ang isang 'yan? Hindi ko kayang matanggap!

"Mamaya ko nalang sasabihin ang lahat. Gamutin na muna natin 'yang mga sugat mo sa balikat, hija. Baka maimpeksyon 'yan." Hinawakan niya ang braso ko.

Bigla akong napangiwi nang nakita ko nga ang mga balikat ko na puno ng dugo. Bumagsak nalang ako sa sahig dahil sa nerbyos. Ayoko ng dugo. Ayoko.

Bigla lumapit si Lolo sa 'kin at inalalayan akong tumayo.

"Sino po ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng mansion.

"Mamaya na ako magpapakilala. Gamutin muna natin 'yan." Sagot niya.

Nang makapasok kami sa mansion. Nagulat ako dahil maliit lang ang kwarto kumpara sa laki ng mansion na nakita ko kanina sa labas. Pinaupo ako sa isang upuan na katabi ng isang cabinet na puno ng mga jar antiques.

"Maghubad ka," bigla niyang sambit.

"PO?!" Napatayo ako.

"Wag kang malisyosa, hija. Kabata-bata mo pa, 'yan na ang iniisip mo." Tumayo siya at may kinuha sa cabinet na twalya at isang box. "Itapal mo 'to."

Iniabot niya sa 'kin ang twalya. Pinalupot ko naman ang twalya sa katawan ko. Ano ba kasi ang iisipin ko kapag may nagsabi sa 'king maghubad ako? Malamang iisipin kong manyak ang nagsabi.

Pero malabo yatang may gagawing masama si Lolo. Masyado na siyang matanda at wala na siyang lakas.

Sinimulan niya nang gupitin ang damit ko sa bandang balikat dahil hindi ko kayang igalaw ang mga braso ko. Sinimulan niya munang linisin ang aking mga sugat. Akala ko malalim 'yon pero nang malinis niya, napansin kong maliliit lang pala ang mga sugat pero hindi parin maalintana ang hapdi.

Napangiwi ako dahil sa paglagay niya ng kulay brown at malapot na gamot.

"Pasensya ka na pala kay Erracious," sabi niya.

Nagtaka ako. "Erracious?"

"Siya ang kumuha sayo."

Nagform ng 'O' ang bibig ko nang maunawaan ko ang sinabi niya. Erracious pala.

Nang ginagamot niya ang sugat ko, biglang sumagi sa isip ko kung paano ako nakuha ni Erracious. At doon ko nga naalala si Sam. Si Sam! Bigla akong napatayo.

"Aray!" Daing ko nang sapilitan akong pinaupo ng matanda.

"Wag kang malikot. Pinasundo ko na siya kay Erracious." Nagtaka ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na may kasama ako, wala naman akong binabanggit ah?

"Baka saktan niya rin po si Sam," sabi ko sa kanya.

"H'wag kang mag-alala. Pinasuotan ko na siya ng makapal na gwantes para hindi niya masaktan ang kaibigan mo." Sagot niya at ngumiti.

Mas lalo akong nagtaka sa kanya.

"Paano niyo po nalaman na may kasama ako kanina?" Tumingin siya sa 'kin. Sinimulan niya na rin ang pagbalot ng mga sugat ko.

"Naririnig ko kasi ang naririnig ni Erracious. Kaya alam ko kung anong nangyari sa inyo kanina. At alam ko rin na ang pangalan mo ay Irine. Tama ba?"

Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Paanong naririnig niya ang naririnig ng ibon? Sandali...Baka naman may sakit sa pag-iisip si Lolo.

"Mahirap intindihin ang sinabi ko, hija. Wag mo munang isipin 'yon." Tumango ako pero bakas parin sa 'kin ang pagtataka.

Nang matapos niya ng balutin ang sugat ko. Pinasuot niya ako ng maluwang na shirt mula sa cabinet.

"Ako nga pala si Errapel. Ang may-ari ng mansion na ito." Umupo siya sa tabi ko. "Si Erracious naman ang alaga ko dito. Hindi siya mapakali sa mansion kaya lagi siyang umaalis. Nagkataon na nakita niya kayo kaya dinala ka niya rito."

"Pero bakit kinuha niya ako?" Tiningnan ni Lolo ang mga mata ko. T'yaka ko lang napagtanto na wala pala ang shades ko.

"Dahil sa mata mo." Naalerto ako sa sinabi niya. "Kakaiba ka, hija."

"Kakaiba?" Paano pong kakaiba-"

"AHH!!" Nagulat ako nang biglang may sumigaw sa labas.

Kaagad akong tumakbo kahit masakit pa ang balikat ko. Pagkalabas ko ay nakita ko nga si Sam na hinahaplos ang balakang niya habang nakaupo sa parang jelly na naupuan ko rin kanina.

Pero imbes na matakot na kagaya ng reaksyon ko, natuwa pa siya at nagpatalbog-talbog sa nilalang na 'yon. Pinindot niya pa ito na para bang bata at naglalaro.

Napabuntong-hininga ako. Si Sam 'yan eh. Dapat kong asahan na matutuwa siya sa mga bagay na kakaiba kaysa sa matakot.

~*~


<Photo above by Wallcraft.>

Continue Reading

You'll Also Like

61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
2.4M 183K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
3M 154K 81
Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She's a daredevil, blunt, and feisty woman...