REBEL Desire

By Ijreid

136K 1.5K 65

Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in pla... More

Chapter 01: The Start
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46: SPG
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53: SPG II
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70: The End

Chapter 39

1K 13 0
By Ijreid

NAVI POV

Fifth Destination: Dos Hermanos Island

Hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako kay Mie, nagsimula to sa falls, na dinagdagan pa nung fifty shades na yan, dapat talaga hindi na yan pinalabas pa dito sa Pilipinas eh.

"hoy galit ka pa rin?" bangga ni Mie sa balikat ko, nakatawa na naman siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan na lang ang daan, ang init-init na. nakakasunog ang sikat ng araw.

"grabe ka naman magtampo, pwede mo namang sabihing ayaw mo si Vice, sino bang gusto mo? Si Anne Curtis?" tanong niya sabay tawa na naman.

"Awts" reklamo niya, binatukan ko kasi. Nakakairita na eh.

"magtigil ka na kundi ihuhulog kita dito" nakasakay kasi kami sa trike papunta sa next destination namin.

"hala ang moody mo. Meron kaba?"

"isa Mie"

"shut up na nga ko" sabi niya pero kita ko ang mga mata niyang natatawa pa rin.

Init ng araw ang hinarap namin after bumaba ng tricycle.

Dos Hermanos are twin brothers, they said. Mahangin ang lugar kahit tirik ang araw. Mahangin naman sa lahat ng pinuntahan namin. Ganito ata talaga kapag malapit sa dagat, mahangin at mainit.

Napansin kong nag-uusap na naman si Manong at si Mie, close na close na sila. Malamang sinasabi na naman nito ang story behind the rocks. All these legends, hindi nawawala sa mga rock formations na pinuntahan namin ang mga legends behind their names.

Nagsimula na naman si Mie sa pagkuha ng mga pictures and as usual hindi ako mawawala sa mga yun.

Napatingin ako sa kanya, seeing her smile makes me happy too. Ngayon nalang ako naging ganito ulit kasaya, after all the hardships I encountered during my medschool life ngayon nalang ako naging ganito ka-relax ulit. Who would have thought si Mie ulit ang kasama ko.

Habang patuloy siyang nagpapakuha kay manong ng mga pictures ay hinila ko siya at niyakap.

"Hoy Nie, anong problema?" tanong niya pero nakayakap na rin sakin.

"wala naman" sabi ko. wala naman talaga, gusto ko lang siyang yakapin eh.

"sus! Tsansing ka lang eh" pang-aasar niya

"wag mo ko ulit simulan Mie" banta ko.

mang-aasar na naman siya eh, kakarelax ko lang dahil sa lugar tapos babarahin na naman niya ko.

"oo na! ang sungit mo" sabi niya sabay tingin sa dalawang bato.

Naramdaman ko nalang na hinihila niya ko, naglakad-lakad kami sa lugar. Marameng corals ang nagkalat sa lugar. Low tide kasi.

"ingat Nie, baka masugat ka" sabi ni Mie, ang dami kasing matutulis na bagay ang nagkalat, gaya ng coral, branches and stones.

"may mga ahas din daw dito kaya tingin ka sa daan"pahabol niya pa.

"bumalik na lang kaya tayo dun kesa maglakad-lakad" aya ko.

madisgrasya pa kami dito, madulas pa naman tong mga batong nilalakaran namin.

"ui Nie tignan mo to oh" turo ni Mie sa isang coral reef. "ang ganda no? picturan mo nga. Nakay kuya kasi yung phone ko eh"

itong babaing to talaga napakatiwala sa mga tao, buti at hindi nawawala ang mga gamit niya.

Inilabas ko na lang ang phone ko at pinicturan yung tinuturo niya. Hindi pa siya nakuntento at inagaw pa sakin ang phone ko at nagsimula na naman siyang kumuha ng pictures sa paligid.

Marame din kasing mga isdang lumalangoy at kitang kita namin sa mababaw at malinaw na tubig.

"Ahhhhhhhhhh" napatingin ako agad sa kanya ng sumigaw siya.

"hehehe peace" sabi niya at naka peace sign pa

"akala ko kung ano na, seaweeds lang pala na dumikit sa paa ko." paliwanag niya.

"halika na nga, bumalik na tayo sa resort." Aya ko.

"okay- ay pusang kinalbo" bigla kasing tumunog ang phone ko na hawak-hawak niya kaya nagulat siya.

"buti nalang hindi nahulog" sabi niya at iniabot sakin.

Honey calling...

Tinignan ko si Mie pero nagsimula na siyang maglakad, hay ito na naman po kami.

"Hello hon?" sagot ko

"hi hon, how's your day? Sorry ngayon lang ako nakatawag, busy kanina eh"

"it's okay hon, naglalakad lang kami sa beach"

patuloy lang kaming nag-uusap hanggang makalapit ako kay Mie.

"yah yah, we can go here if you want" sabi ko ng sinabi niyang gusto din niyang Makita ang lugar. kinuwento ko kasi ang mga adventures namin ni Mie kanina.

Lumayo na naman sakin si Mie at nag-uusap na naman sila ni manong. Kahit kausap ko si Mareen nakatingin pa rin ako kay Mie. Napansing kong may tinuro si manong, mga residente dito na busy sa pagbuting-ting sa mga bato. Kanina ko pa sila napansin dito pero mas pinili kong tignan na lamang ang tanawin.

Naglakad si Mie papunta sa kanila.

"hey" tawag ko sa kanya. lumingon siya at itinuro ang mga taong pupuntahan niya. umiling ako pero nagdiretso pa rin. Umatake na naman ang pagiging curious niya.

"hon, hon are you still there?" muntik ko ng makalimutang nasa kabilang linya pa pala si Mareen.

"yes hon! Tinawag ko lang yung kasama ko, bigla na naman kasing lumayo samin dito. Inatake na naman ata ng curiosity niya."

"hahaha. Maybe she's enjoying the scenery. Am I disturbing you?" gusto ko sanang oo ang isagot but knowing Mareen malulungkot na naman siya.

"Nope hon- shit!" nakita kong nakiupo na rin si Mie at may hinahalungkat.

Mamaya may ahas pa dyan, takaw disgrasya pa naman ang babaeng yun.

"what happened?" rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Mareen

"hon wait lang. ill call you later" bago pa man siya makasagot ay ibinaba ko na ang call at pinuntahan si Mie.

"Mie" sigaw ko at lumapit sa kanila. Nagmadali ako sa paglalakad.

"anong ginagawa mo dyan?" tanong ko nung makalapit na ko.

nagulat nalang ako ng may tinaas siya."ano yan?"

"mussles and sea weeds" nakangiti niyang sabi.

Gamit niya ang kutsara, tinatanggal niya ang mga tahong na nakadikit sa mga bato.

"tama na yan, halika na" sabi ko at iniabot ang kamay ko.

"Ahh- Mie" sigaw ko.

nilagyan ba naman ng sea weeds ang kamay ko. nagtawan tuloy yung mga kasama niya, pero siya ang pinakamalas na tawa sa kanila.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ayun tumigil naman siya.

"sabi ko nga tara na. sige mga ate thank you po" paalam niya.

Bumulong pa siya pero rinig ko pa rin ang sinabi niya. "pasensya na po may pagka maarte po kasi yung kasama ko"
Nginitian lang naman siya ng mga ito.

Pinantaasan ko siya ng kilay ng makalapit siya sakin.

"Hehehe. ang gwapo mo.tara na"

"Tsss" bobolahin pa ko.

Lumingon ulit siya sa mga kasama niya kanina at kumaway. ganun din ang ginawa nila kay Mie.

"Nie gusto kong kumain ng tahong" sabi niya habang naglalakd kami pabalik kay manong.

"gusto mong bilhin yun?" tanong ko.

"sana, kaso di naman natin maluluto. Natakam ako bigla."

"Natatakam kagad?"

"Ewan ko ba parang gusto ko kumain. kain tayo nun ah."

"Sige mamaya."

"Ngayon na" pamimilit niya.

"wala pa nga tayong ginagawa, naglilihi kana" pang-aasar ko. hampas naman sa braso at walk out ang sagot niya.

Natawa naman ako, siya naman ngayon ang pikon.

Continue Reading

You'll Also Like

236K 3.3K 22
Kristen Rivera, JD Rivera... Mag-inang namuhay ng magkasama for seven years with Kristen's loving father. Kristen Never heard from her ex boyfriend e...
302K 6.1K 33
"What are you doing sir?" nagtatakang tanong ko sa aking boss. Anong trip nya at rumarampa sya nang naka topless sa loob ng opisina? "I'm , ahm, Ehem...
508 58 8
" I don't want this life anymore. I rather become a bubbles that will suddenly disappear to forget all of this sufferings" What if you given a second...
265K 2.5K 33
Shinee's Life is completely perfect pero sa isang iglap gumulo ang peaceful na buhay niya. naging complicated ang mga bagay-bagay nang agawin nang sa...