Wake Up Or Sleep

By TianaVianne

1.5M 52.3K 8.8K

|| Published under PSICOM || After the plane crash incident, her brother went missing. Ever since that day, B... More

Published under PSICOM
Wake Up Or Sleep
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
EPILOGUE

02

46.8K 1.4K 237
By TianaVianne


CHAPTER TWO


"MARIVELES na ang next na bus! Magsitayo na po ang mga nasa pila. Biyaheng Mariveles na po!" pag-a-announce ng lalaki gamit ang megaphone.

Sasakay na sana ako ng bus pero naalala kong may tutulungan nga pala ako. Nilingon ko 'yong masungit na nilalang at bahagya akong natawa nang makita ko siyang tulog.

"Hoy," tawag ko sa kanya. Minulat niya naman 'yong mga mata niya at tinaasan ako ng kilay.

"Why?"

"Aalis na po 'yong bus. Tumayo ka na d'yan."

"Alright, mate."

Tumayo na siya at sumakay na kami ng bus. Umupo si sungit doon sa available na upuan. Siyempre tumabi ako sa kanya. Basta guwapo, gora lang ako nang gora pero NBSB ako. No Boobs Since Birth! Joke. No Boyfriend Since Birth pala.

Hindi talaga ako maka-get over sa accent niya. 'Tapos ano raw? Ano'ng tinawag niya sa 'kin? Mate? Hello? Siya ba si Klaus ng The Originals and Vampire Diaries? Kasi gano'n na gano'n magsalita si Klaus. Same accent, same rin 'yong pag-address nila sa tao.

"Psst. Ba't parang antok na antok ka?" tanong ko sa kanya.

"Jet lag."

"Ah. Ano ba ang pangalan mo?"

"Sleep."

"Ha?"

"Sleep."

"Ano?"

"F*ck. I said, Sleep!"

"Eh, hindi naman ako inaantok! Bakit ba pinapatulog mo ako?! Nanay ba kita?!"

"Damn. I said, I'm Sleep."

"Nag-aral ka ba talaga? Wrong grammar ka, brad!"

"Mate, my name is Sleep."

Okay. Napahiya ako doon. P*cha. Bakit for the first time ay naging slow ako? Leche namang pangalan 'yan!

"Alam mo, guwapo ka sana, eh. Kaso 'yong pangalan mo, waley! Corny! Boo! Matulog ka na nga!"

Tiningnan niya lang ako nang masama at hindi niya na ako pinansin. Sungit talaga. Pero teka, Sleep talaga pangalan niya? Ngayon lang ako naka-encounter ng ganoon na pangalan. 'Pag nagkaanak nga ako, ang ipapangalan ko Wake. Para gising! Tumawa ako nang maisip ko 'yon.

Four hours ang naging biyahe namin. Buti naman at 4 hours lang. Minsan kasi, inaabot ng 5 hours.

Bumaba kami nitong si Tulog dito sa Onytex.

"Wuhooooo!" sigaw ko. Nilanghap ko ang simoy ng hangin sa Mariveles at inubo ako nang inubo.

P*cha. Mas polluted pa 'yong hangin ng mundo kaysa sa hangin ng utot ko, eh!

"Hoy, kaya mo na siguro 'yan, 'di ba. Kailangan ko nang umuwi, eh. Bye!" Nagmamadali akong sumakay ng jeep. Inabot ko naman agad 'yong bayad ko sa driver. "Sa Housing po 'yan."

Umurong ako at lumayo doon sa likod ng driver. Ayaw ko magkaroon ng trabaho. Kapag kasi umuupo ako sa likod ngdriver, nagkakaroon ako ng trabaho, eh. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumakay si Tulog sa jeep at nagbayad din.

"Saan ka pupunta? Hoy, baka maligaw ka," sabi ko. Baka naman crush niya ako kaya sinusundan niya ako? Hay. Ako lang 'to, guys.

"Sabi ng kapatid ko, sakay raw ako ng jeep na papunta ng Quadro. 'Tapos baba raw ako sa Housing." Ay, sh*t. Tadhana ba talaga 'to?! Sa Housing talaga siya pupunta?! Eh, doon ako nakatira sa village na 'yon, eh! Pero ito na naman ako, nahuhumaling na naman sa boses niya. Ang guwapo niya lalo kapag straight ang Tagalog niya.

"Para po," sabi ng babaeng katabi ko.

"Para po," pag-uulit niya. Pero dire-diretso pa rin 'yong driver.

"Paraaaaa poooo!" sigaw ko at biglang pumreno 'yong driver.

"Iyan! Sa susunod, ganoon kalakas dapat ang boses mo kapagpapara ka, ha? Hindi 'yong kasinliit ng antik 'yang boses mo! Baka sa susunod, sa Manila ka ibaba dahil 'di ka marinig-rinig ngdriver sa sobrang hina ng boses mo," sigaw ko doon sa babae at agad siyang bumaba ng jeep. She might think that I'm weird, pero sige . . . bahala siya sa buhay niya. Pinapainit niya ang ulo ko. Pero ayos lang, good mood pa rin ako.

Pumara na ako nang makarating ang jeep sa huling kanto. Bumaba naman ako at sumunod si Tulog. "Hoy, kailangan ko na talagang umuwi. Bye," paalam ko at tumakbo ako pauwi sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang, Blossom Prim Sasaki?"

"Nahiya ka pa, Momsie. Sana sinama mo na 'yong middle initial ko, 'di ba?"

"Blossom!"

"Joke lang po. I'm home! Nasaan si Dade?"

"Maagang nakatulog. Pagod 'yon sa trabaho."

"Ah, trabaho? Hindi ba 'yon 'yong sinasabi ng mga tao 'pag may katabi silang mabaho? Tara! Baho!" Humalakhak ako. Benta sa 'kin 'yong joke ko. Binatukan ako ni Momsie kaya napaaray ako. Sadista talaga siya. Tsk.

"Kumain ka na. Nagluto si Manang Asseng doon sa kusina."

"Ay, Momsie naman. Bakit si Manang pa ang pinagluto ninyo? Alam mo namang matanda na siya, eh. Sana pinagpahinga n'yo na lang."

"Eh, si Manang ang makulit, eh. Hindi raw siya sanay magpahinga."

Si Manang Asseng ang katulong o nanay-nanayan nila Momsie noon sa boarding house nila noong college sila. Magkasama kasi sina Momsie, Dade at iba pa nilang mga kaibigan sa boarding house na tinirahan nila noong college sila.

Napamahal na si Manang Asseng kay Dade kaya noong lumipat kami rito sa Mariveles ay sinama niya na si Manang Asseng. Nasa 65 na yata ang edad niya.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nag-toothbrush. Natigilan ako nang tabihan ako ni Momsie.

"Hindi pa rin natin siya nahahanap," malungkot na sabi ni Momsie. Hay, ayaw ko ng malungkot na atmosphere. Alam kong iiyak na naman kaming dalawa mamaya kaya naman inunahan ko na lang siya at bumanat ako ng malupit na joke.

"Momsie, ano'ng tunog ng utot ng brush?"

"Oh, ano?"

"Eh 'di toot! Toothbrush!"

Hindi ako pinansin ni Momsie at iniwan ako sa kusina. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at humilata sa kama.

***

"OH! Panis!" tumatawang sigaw ko. Naglalaro kami ng monopoly ngayon.

"Ang duga naman, Blossom!" reklamo ni Jessan.

"Duh? 'Di pa kayo nasanay d'yan kay Bloss. She's a monopoly master," mataray na sabi ni Rain.

"Hoy, Ulan, umi-English-English ka na naman d'yan! Kapag umulan ng dugo 'tong ilong ko, ikaw uulanin d'yan, makita mo! At ano na namang Bloss ang sinasabi mo d'yan? Hindi ako pang-alis ng tinga sa ngipin," asar na sabi ko kay Rain at tumawa naman sila pare-pareho.

"Ang tagal naman 'ata ni Sofia," nagtatakang sambit ni Jessan.

"As usual, baka 'di na naman siya pinayagan ng daddy niya na pumunta rito," sagot ko at humiga na lang ako sa kama ni Rain. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nina Ulan.

"Kung bakit ba kasi ang higpit ng daddy niya," nakasimangot na sabi ni Ulan.

"Hoy, Ulan, eh kung tawagan mo kaya si Sofia, 'no?" singit ko.

"Aish. Stop calling me Ulan! I'm Rain!"

"Pero nandito ka sa Pilipinas kaya kailangang Tagalog ang pangalan mo!"

"Shut up, Bloss, and get lost!"

"Pikon talaga si Ulan. Arte! Nasaan na rin ba si Ziehl?" nagtatakang tanong ko.

"Aba malay namin sa 'yo. Ikaw ang kapitbahay ni Ziehl so sana sinundo mo siya bago ka pumunta rito! Duuuh!" Aba, gumaganti 'tong si Ulan at binabara ako.

Oo nga pala, kapitbahay ko nga pala 'yong babaeng 'yon. Bakit nakalimutan ko siyang isama rito? Tsk. Nasa ibang street kasi ako. Nandito ako ngayon sa Pizarro. Dito nakatira si Rain at kapitbahay naman ni Rain si Jessan. 'Tapos si Sofia naman, medyo malayo ang bahay.

"Teka, puntahan ko si Ziehl," paalam ko sa kanila. Bumalik ako sa Type A. 'Yon ang pangalan ng village namin, Type A. It means Class A.

Umuwi muna ako saglit sa bahay at dumiretso ako sa bahay nina Ziehl na katabi lang ng bahay namin.Nag-doorbell ako pero aso agad ang naririnig ko. Putspa. Kaya hindi ako tumatambay dito sa bahay nina Ziehl, eh. Puro aso!

Takot ako sa aso, eh. Nakagat ako sa puwet noong bata pa ako! Tsk. Bumungad sa 'kin ang mama ni Ziehl.

"Hello po, Tita Beth!" bati ko.

"Pasok ka, nandoon si Ziehl, nag-aalmusal pa lang. Tinanghaling gising ang batang 'yon."

"Sige po," nakangiting sabi ko pero kapapasok ko pa lang ng gate ay napakapit ako sa damit ni Tita Beth.

"Tita . . . 'yong aso. 'Yong aso, Tita, 'yong aso!" Panay ang sigaw ko dahil dinidilaan ng aso ang legs ko. Sh*t.

"Hindi ka naman kakagatin n'yan. Sige na, pumasok ka nadoon."

Nag-sign of the cross na lang ako at para akong tuod na naglakad dahan-dahan papasok ng bahay nila. Minsan lang ako pumunta rito sa bahay nila kasi nga may aso. Halos himatayin ako tuwing papasok ako rito, eh.

Tsk. Hindi ko ma-feel 'yong home dahil hindi ako makapag-feel at home kasi pito ang aso nila!

My God. Dog house yata 'tong bahay nila, eh! Mas marami pa 'yong aso kaysa sa taong nakatira! Gano'n sila kahilig sa aso. As in, grabe. Love na love nila mag-alaga ng mga aso. Sana all inaalagaan, 'di ba?

Dumiretso ako sa dining room nila at nakita ko si Ziehl na mahinhin na kumakain. "Hoy, good morning," bati ko. Napatingin siya sa akin at tumingin ulit siya sa pagkain niya saka kumain ulit. Itong Ziehl na 'to ang pinakatahimik sa mgakaibigan ko. Masungit 'yan, by the way. Kasinsungit siya ni Sleep. Speaking of Sleep, nasaan na kaya 'yon?

Umupo na lang ako sa harapan ni Ziehl at kinuha ang greenapple sa mesa nila saka ko sinimulang kagatin 'yon. "Bakit tinanghali ka yata gumising? 'Di ba lagi kang maaga nagigising?"

"My brother's already home."

"Oh, eh ano'ng connect noon sa paggising mo nang late?"

"Napuyat ako dahil sa kanya."

"Eh? Bakit naman?"

"I hate his presence." Ay. Attitude ka, ghorl? Sungit.

Anyway, may kapatid si Ziehl nagaling sa London. Doon nag-aral 'yong kuya niya at never umuwi rito sa Pilipinas 'yon, ngayon lang. 'Yong kuya niya, kaedad lang daw namin nina Rain, Jessan at Sofia sabi ni Ziehl. Pero kaklase namin si Ziehl dahil maagang nag-aral si Ziehl noong bata pa kami. Mas matanda kami kay Ziehl ng one year pero kaklase namin siya.

"Sure na ba na dito na mag-aaral kuya mo? 'Di na siya babalik sa London?" tanong ko.

"Dito na siya mag-aaral. Ka-batch natin siya sa pasukan."

"Eh? Magiging kaklase natin kuya mo?"

"Oo. Pinagsisisihan ko tuloy na maaga akong nag-aral. Tss."

"Ay. Huwag gano'n. Kung 'di ka maaga nag-aral, eh 'di hindi ka namin kaklase 'tapos 'di mo kami kaibigan!" Humalakhak ako.

"Nag-drama ang magandang Blossom. Oh, eh nasaan pala 'yong kuya mo?"

"Lingon ka."

"Ha?"

"Nasa likod mo." Lumingon naman ako sa likod ko at nalunok ko 'yong mansanas na kinakain ko na naging dahilan ng pag-ubo ko nang bongga.

"Ikaw?!" sigaw ko pagkatapos kong mabulunan. Tiningnan niya lang ako at nilagpasan.

What the?!

Si Tulog!

Siya ang kapatid ni Ziehl?!

Continue Reading

You'll Also Like

25.1K 1.5K 10
His Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her home...
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
102K 7.4K 101
Hindi typical school guy si Jose Primitivo Legarda Regidor IV at hindi rin basta-bastang estudyante si Kim Tsu. Magkasundo kaya ang dalawa kung wala...
9.6K 261 28
Vernice Gayle dela Riva grew up prim and proper. Being the only child and bearing such a big name is also a big shoe she must fit in. From going to h...