She's Pretty (2022)

By DreamShadie

7K 232 3

Margina Redgie Santiago is a pretty girl of section Ezra, but she don't know that. She think she's not pretty... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Christmas Special Chapter

Chapter 12

116 7 0
By DreamShadie

Nilayo ko ang mukha ko sa kanya, dahil hindi ko na kinaya ang nagwawala kong puso.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nabagok ata ulo mo eh" napatawa pa ako ng sarcastic. Nagtataka syang umiwas ng tingin na parang may inaalala. Hindi na ako makatingin dahil hindi ko alam kung ano irereact sa kanya!

May nagbukas ng gate sa kanila. Hindi ko masyadong maaninag kung sino iyon. Tinulungan ni Yorish itong pagbuksan at naaninag ko na nung palapit na sila rito. Ang lolo nya pala, kaya bumati ako sa kanyang 'Magandang gabi' at nginitian nya ako, at ineexamine ang mukha ko kung nakilala nya na ba ako.

"Malapit ka talaga sa babae, Jiyoh" sabay tawa nya sa kanyang apo. Napakamot naman ng ulo si Yorish na nahihiya. Palihim kong tinaas ang kanang kilay ko. Ilang babae na kaya?

"Special sa akin si Miss Treasurer lo!"

Kumunot ang noo ko sa kanya nang kindatan nya pa ako. Napangiti lang ng pilit nang lumingon sa akin ang lolo nya.

"Nagdala ako ng cake, kasi birthday mo ngayon!"

Natuwa naman sya nang ipakita sa kanya ang cake. Napayakap pa sya rito.

Tahimik ko lang silang pinagmasdan ng may naalala. It was my 10th birthday, no one ever come, especially with my family. They are all busy so ako lang ang nagcelebrate ng birthday ko sa kwarto.

"Tara uh..." Yaya ni Tatay kaso hindi nya alam ang pangalan ko.

"Uuwi narin po ako! Salamat po" Yumuko ako bilang paggalang.

"Sayang naman" Nalungkot na tugon ni tatay.

"Sorry po talaga,kasi late na po akong uuwi" apologize ko. "H-happy Birthday Yorish"

Napangiti naman sya at tumango

"Ihatid kita hanggang school" Sabi sa akin ni Yorish. Ayoko sana kaso baka maligaw ako, dahil pinrank ako ni Karl. Sa huli tumango nalang ako.

Nang nasa waiting shed kami, tahimik lang ako, pero ang tibok ng puso ko ang ingay. Kaya naman panay ang pagtikhim ko, para hindi nya marinig ito. Dapat hindi ako maging interesado sa kahit ano, aabout sa kanya.

"Red?"

Lumingon agad ako. "Hmm?"

"Kung free ka sa Saturday, pwede ka bang sumama? Birthday na kasi ng lolo ko iyon" wika nya.

Wala naman akong gagawin sa sabado bukod sa mag-aral buong maghapon. Atsaka magkasunod pala ng ilang araw ang kaarawa nila?

"Free naman ako"

Napangiti naman sya. "May gusto palang sabihin si Karl sa iyo" Doon naglaho ang ngiti nya. Pinigilan ko agad ang pagngiti

"Happy birthday daw. Sana isama mo daw sya sa Saturday" sabi ko at dinagdagan nalang ang isa. Pinakitaan nya ako ng 'seryoso ka?' look.

"Siya bahala, hindi na ako galit dun eh...Medyo lang"

Itinuro ko kay Yorish na mayroong jeep, kaya pinara ko ito. Nahihiyapa kaming mag-paalam sa isa't isa, kaya pumasok na agad ako. Sinilip ko pa sya sa labas at nakita kong nakapamulsa sya habang tinitignan ako palayo. Nang mapansin nya akong nakasilip doon sya napangiti. Kanina pa nagwawala ang puso ko, kaya nagtago nalang ako at pilit kinakalma ito.

Nakauwi na kami sa bahay. Nadatnan kong tahimik, pero nakabukas ang ilaw dito sa may living room. Nagkibit-balikat nalang ako, at pumuntang taas para magbihis. Kahit sa mga kwarto ay nakasara at tahimik din. Hinawakan ko ang batok ko dahil nakaramdam ako ng pagod. Napatigil ako sa may malaking picture frame namin. Ngayon ko lang kasi ito napansin.

Lima kami nandito sa picture. Ito yung Kinder days ko na nasa gitna nila mommy and daddy, habang nakatayo ang dalawa si kuya Brix at...Nagsimula akong kutuban ng binaboy sa picture ang mukha ng ate Irene ko. Nanginginig ako sa nerbyos at galit.

Kinuha ko ito, dahil walang respeto ang nagkabit nito.Matagal ng tinanggal ni daddy ang picture frame na iyan, pero ngayon nalang ulit sumulpot. Sino ang nagkabit nito?Pababa na ako ng hagdan habang bitbit ko ang malaking picture na hanggang tuhod ko lang. Inilagay ko sa may baba na kung saan ang basement namin. Itinago ko 'yon doon.

"Redgie?"

Gulat akong napalingon nang marinig ang tawag ni Yaya Tisay. Nagtataka syang tumingin sa likod ko, kung ano ang ginagawa ko. Flinaslight nya pa ito.

"Ginalaw mo ba yung picture frame?" Tanonh nya.

"Binalik ko po sya dito" sagot ko. "Pinapasabi po ba ni daddy na ibalik ang picture sa itaas?"

Umiling sya. "Matagal na naabandona ang picture frame na 'yan"

"So sino ang naglagay ng picture sa itaas? Wala pang respeto at binaboy pa ang mukha ni ate Irene"

Nagsara nalang bigla ang basement. Nagulat naman si Yaya Tisay sa malakas na pagsara nito. Pumunta ako sa may pinto at binuksan iyon. Hinanap ko, pero nawala nalang sya.

"Guard!!" Sigaw ko"Guard!" Buong lakas na pagsigaw ko. Tumakbo ako palabas.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang nakabulagta sa sahig ang guard namin. Hindi pa sya patay pero may sumadya na may magpatulog sa kanya.

Kumuyom ang kamao ko, at lumabas sa may gate. Tahimik na ang paligid, ang mga neighbor ay gising pa dahil nakabukas ang mga ilaw. Babalik na sana ako sa loob nang may biglang humila sa pulupulsuhan ko at buong lakas na itinago sa may malaking poste. Tinakip nya ang kamay nya sa bibig ko para hindi ako makasigaw.

Nakatakip ang buong mukha nya maliban sa mata nya. Buong pwersa kong tinatanggal ang kamay nya sa pulupulsuhan, pero hindi ko kinaya dahil sa lakas nya. Linapit nya pa ang bibig malapit sa tainga ko.

"Kilala ko kung sino pumatay sa kanya..." sabi nya na nagpatigil sa akin. Diretso ang tingin ko sa kanya. "Kilala mo rin kung sino ang pumatay sa kanya, hindi ba? Sa kaibigan mo sa hospital?"

"S-sino ka ba!?" Ewan ko kung naiintindihan nya ang sinasabi ko. Hindi man nya sabihin kung sino iyon. Alam na alam ko kung sino ang tinutukoy nya.

"Huwag na huwag mong sasabihin na may nanloob sa bahay nyo, kung hindi papatayin kita" Pangbabanta nya na ikinataas ng mga balahibo.

"Redgie!?"

Narinig ko ang sigaw ni Yaya Tisay sa loob. Nagsi-ilaw ang mga bintana ng ibang mga neighbor namin. "Gumawa ka ng palusot" Sabay takbo nya. Ngayon ko lang napansin na naka all black sya, at sumakay sa isang motor.

Napahawak nalang ako sa bibig ko at hindi mapigilang mapahikbi sa nalaman. May alam sya? Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaibigan ko?!

Ilang minuto, pumasok ako sa bahay na blanko ang mukha. Pinilit kong mag-ayos sa paglalakad na parang walang nangyari. Naabutan ko silang may isinisilip sa maliit na screen.

"Pati ang cctv sinira nila!" sabi ng gwardiya na kaninang natutulog sa sahig. Nakahawak sya sa kanyang ulo, kung saan sya hinampas.

Napalingon sa akin si Yaya Tisay.

"Hija!" lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Ayos ka lang ba?"

Tumango ako kanya. Halos may bumara sa lalamunan ko dahil kanina ay parang mamatay na ako.

"Ayos lang po ba kayo manong?" Tanong ko sa kanya.

"Opo maam. Sorry kung hindi ko po nagampanan ang trabaho ko" apologize nya.

Tumango ako na sinasabing ayos lang.

"Okay lang po, nangyayari talaga ang ganyan"

Pumunta na ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Doon nalang tumumba ang binti ko sa sobrang nerbyos. Kinuha ko ang calming pills sa mini cabinet ko at ininom iyon.

Napasapo ang noo ko nang medyo kumakalma narin ako. May alam ang lalaki na iyon sa pagkamatay ni ate Irene...Kung ganon, nandun din siya sa araw ng trahedya na iyon.

Ilang araw naring nakalipas ay kinalimutan ko na rin ang pangyayari noong isang gabi. Hindi ko narin hinanap ang lalaki dahil isa pa ay delikado parin magtiwala. Hindi ko narin sinabi sa pamilya ko ang family picture na sinadyang ikabit malapit pa sa kwarto nila mommy and daddy.

I was wearing a croptop cardigan white and light brown denim skirt. With pair of white shoes. I put a light make up and halftail bun na babagay sa maiksi at bagsak kong buhok.Nilabas ko narin ang manipis na bangs, para itago ang mga bituin sa noo ko.

Bago ako lumayas, kinuha ko sa tiny closet ko ang favorite kong ipit na red. Hugis puso iyon na crochet at tama lang sa edad ko ang design, dahil it was a handmade.  May nagbigay nito sa akin, dati ayoko sa kanya, pero laking pagsisisi ko dahil inaway ko sya noong bata pa ako.

I realized what Ate Irene said that I need to appreciate the people who made an effort to gift me.

Pinaghanda ko narin itong sabado ko, dahil sasama ako kila Yorish.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at bumaba na galing sa taas. Pagkababa ko nakita ko si mommy na may katawagan sa cellphone. About sa business nila iyon. Nang makita nya ako ay kumaway sya.

"So pretty Redgie!" Pagpupuri nya sa akin. Nakita ko naman si kuya sa may sofa, habang umiinom sya ng kape.

"Where are you going?" Tanong nya na nagpaikot sa mata ko.

"Date" tipid kong sagot, habang inaayos ni mommy ang buhok ko, dahil tumatakas ang tutchang ko.

"A date?" Tanong nya.

Si mommy nga chill lang eh! Siya naman para kong tatay na ayaw akong payagan lumabas.

"Just kidding! Good bye mom!"

Tinawag ako ni mommy kaya tumigil ako at humarap sa kanya.

"Gusto mo bang magpahatid sa kuya mo?" Tanong nya.

"What? No way!"

Napatigil si mommy sa inasal ko. Madilim naman akong tinignan ni kuya Brix. Tumawa ako ng hilaw, dahil gigisahin ako ni kuya kapag nalaman ni mommy na hindi kami okay ng kapatid kong godzilla!

"What I mean is walang maayos na way para sa kotse..." Napatingin sa akin si mommy na parang pinoproseso ang sinabi ko kanina. "Hindi makapasok dahil...uh.." Inaaksyon-aksyon ko pa ang kamay ko na parang masosolve ko pa ata rito.

"Lubak-lubak" si kuya na ang nagsalita. Napaapir naman ako at itinuro sya na parang big check iyon

"That's correct" Peke akong ngumiti sa kanya, tumalikod na ulit ako sabay ang paglaho ng ngiti ko.

Medyo maaga akong nakarating sa kanila. Naabutan ko si Yorish sa labas.
When he noticed me. I walking slowly because of the shock that our eyes met. He couldn't believe that I showed up. I remembered what he was telling me on Monday.

Alam nyo bang mas naalala ko pa ang mga sinabi nya sa akin...Na..gusto nya daw ako,kaysa doon sa lalaking epal na nagbanta sa akin!

Is that true na gusto nya ako? Maybe mahina lang ang pang-rinig ko. It's just annoying because every time I go to school with him or think about him at night, I always ask if what he said last night was true? Sunod-sunod ang pangyayari pero iyon talaga ang mas tumatak sa akin?

Nakasalubong ko sya at tila namangha pa si Jiyoh nang makita nya ako.

"You're so pretty, Redgie!" puri nya. Namilog ang mata ko at namula sa sinabi nya.

Mas lalo pang nag-usok ang mukha ko nang makitang ang genuine ng smile nya sa akin. May tinuro pa sya sa uluhan ko.

"Ang cute din ng ipit mo. Bagay sayo 'yan"

Napahawak ako sa ipit ko, dahil hindi ko alam ang irereply ko sa kanya. I cleared my throat at mabilis na lumapit sa kanya at inayos ang eyeglasses ko.

"Saan pala tayo pupunta nila Nanay Tessie at Tatay Pedring?" Tanong ko.

"Manila Ocean park?" Hindi nya pa sure iyon.

"Diba tuwing field trip 'yun?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil nakikisama na nga lang eh! Kaso ang layo non at hindi ko rin expected.

Bigla nalang sya napatawa na ipinagtaka ko.

"Ikaw naman ang seryoso mo. Pupunta muna tayo sa Grotto tapos bahala na sila Nanay" sabi nya sabay hatak ng kaunti sa dulo ng buhok ko.

Buti at hindi ang maayos na pagkakabun ko sa itaas ang pinuntirya nya!

Lumabas na roon ang mag-asawa na bihis na bihis. Nang makita ako ni Nanay Tessie ay lumapit sya para yakapin ako. At syempre hindi mawawala ang pagmano ko sa kanilang dalawa bilang respeto.

"Ang galing mo talaga maghilot hija. Alam mo bang hinahanap-hanap ko iyon" Napapangiti nalang ako sa kanya.

"Sa akin hinahanap-hanap mo ba?" Biglang pagtutukso ni Tatay Pedring. Nahampas sya medyo ng kanyang asawa. Pinigilan nalang namin ang matawa ni Yorish.

"Hay naku! Matanda na nga tayo, ganyan ka parin mag-isip!" sabay taray ni Nanay.

"Happy Birthday po Tatay Pedring" Pagbati ko sa kanya.

He smiled at me, "Maraming salamat, Reggie"

Napakurap ako saglit at napatawa nalang si Yorish.

"Redgie po 'tay. Redgie" pag-papaalala nya.

"Ay oo nga pala!" Napahawak sya sa kanyang noo. "Pasensya na hija, tama nga Nanay Tessie mo. Tumatanda na kami" sabay tawa nya na ikinangiti ko.

"Sya nga pala, darating ba si Karl, hijo?" Tanong ni Nanay Tessie.

Nanahimik naman ako, dahil hindi ko rin alam kung susulpot yun. Pinilit ko kasi sya ng ilang araw para mapapayag lang. Ang sabi ko naman sa kanya na para kay Tatay Pedring din naman ito. Atsaka pagdiriwang nilang dalawang mag-lolo. I finally got him to agree.

"Dadating po yun. May tiwala po ako kay Karl kahit pareho kaming bulakbol" saad nya.

Napataas ang kilay ko nang lingunin nya ako. Sabay kaming napatingin sa harap nang makitang naglalakad na palapit sa amin si Karl. Nakajacket naman syang puti at bagsak ang kanyang buhok. Nakapamulsa pa sya. Napatingin ako kay Yorish na nakatingin din doon.

"Karl!" Tawag ni Nanay. Niyakap nya rin ito ng makalapit.

Hindi nya ba nakilala kung sino ang nanay ni Karl. Halos magbardagulan na sila eh, tapos ito palang anak nya at si Nanay ay magkasundo.

"Akala ko hindi ka dadating?" Tanong nya nang bitawan nya na ito sa pagkakayakap.

"Ako pa po ba? Malakas po kayong lahat sa'kin!" Aniya nya sabay lapit kay Tatay at binigay ang regalo.

Nagpasalamat sya rito. Napalingon ako kay Yorish na tahimik lang na nanonood sa kanila. Lumapit ako rito at bumulong.

"Masaya"

Doon sya napatingin sa akin nang pagtataka. Sumunod ako sa tatlo nang pumunta sila sa may katandaan naring kotse. Sumunod akong sumakay sa backseat. Katabi ko si Karl. Nag-hi sya sa akin at ako ay tumango lang sa kanya.

Nagulat nalang ako sa isa ko pang katabi. Tahimik lang sya at parang seryoso na sa buhay. Tumingin ako sa harap nang doon sumakay si Nanay Tessie. We had awkward intentions behind, because their arms were touching each other of mine. Hindi naman sila magrarambulan noh?

Continue Reading

You'll Also Like

293K 7K 26
JILY!!! It's their final year at Hogwarts
458K 3.7K 30
All of my favorite teenfiction, and mytery stories. I have read all of the stories and I recommended all of this book. Enjoy Reading
9.1K 355 38
There was a girl named Crystal who's a secret agent and had a secret mission on one of her enemy. Ayaw niya sanang tanggapin iyon ngunit wala naman s...
42.9K 1.7K 28
Florence was born a half-faye, or a halfling to a faery mother and a human father. Her mother left her when she was only four years old leaving her t...