Chapter 31

72 3 0
                                    

"Last na'to nak!"

Pilit akong ngumingiti sa camera, dahil nakakailang shots na si mommy! Sa gitna pa talaga ng stage para damang nakagraduate na ako.

"Redgie picture tayo!" Lumapit naman sa akin si Ria na puno ng medals. Kasama nya ang kanyang papsy at tito sky nya. Napangiti ako, dahil nakita ko ulit sila. Marami kaming na-takes na pictures ni Ria. Simula sa pagyakap, sa pag-akbay at kung anu-ano pa. Ito ako naeestatwa nalang.

Hinahanap ko si Yorish sa maraming tao, pero hindi ko sya makita. Ang nakita ko lang ay ang kanyang lolo at lola. May sumundot sa may bewang ko kaya napatalon nalang ako sa gulat. Nilingon ko naman iyon.

"Karl" tawag ko sa kanya.

"Congrats" ngumiti sya sa akin at nakipag-shake hands. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Congrats din sa'yo. Kahit kumag ka matalino karin naman pala. Biruin mo with honors ka"

Natawa naman sya sa'kin. Napahawak pa sya sa kanyang batok, dahil nahihiya sya. "Nagsisipag lang, kaya ganon"

"Redgie" tawag sa'kin ni Tita Anne.

Napakurap naman akong tumingin sa kanya. Sa totoo lang, ngayon nalang kami nag-usap ng mommy ni Karl. Mukhang hindi rin naman sya galit, dahil nakuha nya pang ngumiti sa'kin.

"Congrats sa'yo hija...Uhm pasensya na sa mga nasabi kong hindi maganda. Gusto kong humingi ng tawad"

Nabigla naman ako sa sinabi nya, kaya kinumpas-kumpas ko pa ang kamay ko, para sabihin sa kanya na hindi ako kailanman nagtanim ng galit sa kanya o sinuman. Well, oo galit ako sa anak nya, pero ayaw kong magalit sa kanya, dahil wala rin naman syang kasalanan. Isang buwan narin nakalipas. And I'm so thankful na nawala rin ang stress ko sa buhay!

Nagyaya naman sila nag magpicture naman kaming dalawa ni Karl. Napabagsak naman ang balikat ko, dahil hindi pa ako tapos humarap sa camera! Hindi naman sa ayaw kong magpapicture kay Karl o kahit kanino. Pero tih pagod na ako kakangiti sa camera!

Lumapit ako na ako kay kuya Brix. Napapangiti ako sa mga teachers na bumabati sa akin.

"Pagkatapos nito aalis kami nila Yorish"

"Hindi ka sasama?" Tanong nya.

"Saan?"

"Aalis kami nila mommy, tapos doon narin tayo magcecelebrate"

Siguro pupuntahan nila 'yung bagong resort na ipinagawa nila. Hindi ako makakasama, so next time ko nalang titignan.

"Hindi ako makakasama. Siguro sa dinner nalang ako babawi"

Tumango nalang sya sa'kin. Sasama kasi ako sa sinasabi ni Mayor na celebration, dahil last meet na naming lahat. Tama si Yorish. Mas magandang sumama, dahil naging part din sila ng life ko, kahit nakukuha nila ang inis ko tuwing pumapasok ako sa room.

Habang naglalakad ako, dahil hinahanap ko si Yorish sa maraming tao. Merong nagtakip ng mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako?" Bulong nya. May kung anong kiliti sa tenga ko, dahil sa ginawa nya.

"Yorish" Bored kong sagot.

"Tama!"

Binitawan nya na iyon. Lumingon ako sa kanya na nakakunot ang noo. Mahuhulaan ko talaga sya, boses nya 'yan eh.

"Tara dali punta tayo kila Nanay"

Hinawakan nya na ako para puntahan sila Nanay Tessie. Nang makalapit na kami sa kanila. Nagmano agad ako.

"Aalis na po kami!" Pagpapaalam nya. Nagtaka naman ang itsura ko, dahil ambilis nya magsalita. Bago sya tumalikod bigla nalang napatigil si Tatay.

"Wala pa kayong picture ni Redgie!"

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now